Ipinaskil ni: blurosebluguy | Mayo 15, 2009

ask ka ni blu

kaninang umaga nagising ako na may ngiti sa aking mga labi. gusto nyong malaman ang secret? Napanaginipan ko si baby blu.

baby

Ang haba ng pinag-usapan namin, pero katulad ng mga naunang panaginip ni isa wala akong matandaan. Basta, ang tanging natira sa episode kagabi ay:

o sige na kuya blu……….sabihin mo na ang matagal mo nang gustong  itanong kay JOSH!

habang pinag-iisipan ko at pilit na inaaalala  ang aking sagot sa tanong ni baby blu, nais ko kung malaman ang mga tanong ninyo sa Kanya.

 If given that chance to ask God, what would be that ultimate question and why.

ha hahahahahha…hindi po ito question and answer sa isang beauty contest. Isang pampagising lang sa natutulog nating kamalayan.


Mga Tugon

  1. [...] Ako ay nahihiya na hindi ako nakatulong noong mga oras na ‘yon. Tinanong ko Siya bakit ang iba ay nagagawa kong tulungan ngunit ang isa kong kakilala na nangangailangan ng aking tul… [...]

  2. ang tanong ko? hindi tanong gusto ko e, paninigurado na sana maging maganda buhay ng mga little kengkays ko, hahaha. sempre, ganyan naman gusto ng mga nanay para sa mga anak nila di ba? :D

    • isang maka-nanay na tanong….dinig na dinig ni JOSH!

  3. hahahaha! kyutness! :D ganyan ka din ba ka-kyut? kuya blu? hehehe :D

    • of course gantan ako kacute noong baby pa…hehehehhe salamaty sa pagdaan sa haws

  4. and the winner of ms.universe is… blu!

    • hahahahaha…..winnner? pero asan ang tanong mo kaibigan? salamat sa pagdaan…..

  5. My question would be, “Balit mo hinayaang maging ubod ng pogi si ako?” haha.. biro lang

    Hey pareng blu. may surprise ako sa’yo. punta ka sa bahay ko. hehe

    • kaw talaga MON…mapagbiro…hehehehhehe

      • uu po biro lang yun. di talaga ako pogi. peru cute ako sabi ng mom ko. LOL

        • hahahahahahha—cute at pogi…aminin mo na….ask ko lang mahirap ba pagsabayin..

  6. Honestly Kuya Blu, sa dami ng aking mga tanong eh, parang di ko alam kung ano ang uunahin kung sakali mang mabigyan ako ng pambihirang pagkakataon… :)

    Pero sa dami ng aking mga tanong, marami na rin sa kanila ang may kasagutan at sinagot Niya sa kanyang tamang panahon…

    Sa mga hindi pa nasasagot, parati kong isinasaisip ang isa sa mga sinabi niya kay Job: “Nasaan ka noong inilatag ko ang haligi ng daigdig?”

    Marahil hindi ko rin Siya matatanong kasi baka matulala ako sa Kanyang kaluwalhatian… :D

    Some answers to our questions may be beyond this life, but I would like to believe He is assuring us in Job that He knows the world because He created it, and so we must be still and continue to have faith…

    • hmmmmm….salamat, minsan mahirap nga itanong kay Josh ang uri ng tanong mo…masyadong malalim at nangangailangan ng isang malalim na pananampalataya…gayunpaman bakit di mo subukan.

  7. Yung dog ko po ang may tanong kay Bro Josh, ask niya kung kung may dog daw po ba sa heaven hehehehe

    • wow…ang ganda namang tanong mo ah….very unique!

  8. aba kausap lang kita sa ym kanina kuya blu.

    ano nga ba magandang itanong?

    pero everything happens for a reason.kaya walang dapat itanong.

    eh kung sabihin ni Josh: palit kaya tayo, ikaw na si Josh, Ako na si Rye.hehe

    • hahahahaha…pag tinanong ka…palit ka sa pwesto nya…hirap kaya nun…maghapong nakabayubay sa krus….
      bahagi ng pagiging tao natin ang pagtatanong.

      ….kaya ask ka na…common dont be shy…be the rye…

      ehe at my rhyme pang nalalaman……hehhehe

  9. [...] Ako ay nahihiya na hindi ako nakatulong noong mga oras na ‘yon. Tinanong ko Siya bakit ang iba ay nagagawa kong tulungan ngunit ang isa kong kakilala na nangangailangan ng aking tul… [...]

    • hmmm alam ko na alam mo ang sagot sa tanong na ito….

  10. Sa ngayon, marami akong mabibigat na tanong sa Kanya, mga tanong na malamang ay para na rin sa aking sarili…

    • naiintindihan kita. …. madalas ang tanong natin sa kanya…ay mga tanong na patungkol talaga sa ating sarili…kaya lang kahit sa ating sarili di rin natin kayang itanong…..
      kaya nga nandyan SIYA…..kasi ang alam ko kahit anong tanong…mabigat…masakit sa tenga…nakakarindi…kaya nyang tanggapin ,,,,pakinggan …at sagutin…..hindi nga lang sa ating pamamaraan kundi sa ayon sa Kanya.

  11. na late ata ako kuya blu. kung ako man magtanong e…. parang… hmmmm… di ko ata alam itatanong ko. parang ala ata akong karapatang magtanong sa Kanya,,, di ko alam… hmmm….. siguro eto na lang..

    “bakit may mga taong sagad sa sama na kelangang pumatay ng kapawa para sa pansariling interes?”

    • saan ka kasi nagpupunta…heheheheh jok lang dencio!
      ..hmmm…good question…intay lang ha….darating din ang sagot NYA!

  12. hmmm… kaya pala dito mo ako gustong magtanong…

    eh itatanong ko lang naman sana kung ilang taon ka na…

    hahaha…

    ———————————-
    …madami na akong tinanong sa kanya Mr. Blu…

    Hindi NIYA pa rin ako sinasagot.

    • hahahahahaha…im old enough to be your brother!
      try mo ask ulit…malay mo this time…sagutin ka na nya.

  13. candidate number 8..

    otep: i believe that….. (isip)
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    world peace! Whoooooooaa Hooooooooo!! :D
    nyahahahahaha..

    ayoko magtanong, kasi baka sagutin ako toinks!

    ako na lang hahanap ng sagot, sa kabilang banda ipagsasa D’yos ko na lang.

    hindi naman tayo bibigyan ng tanong kung walang sagot.

    may mga tanong na mahirap sagutin o hindi basta basta sinasagot ang alam ko lang binibigayan tayo ng mga katanungan para matuto :D

    (parang ang gulo ko)

    nyahahahahaa :D

    • gulo nga …pero slight lang hahahahaha

  14. tanong ko? hmmmm.. mas masarap po ba ang kape at hopia jan? :)

    • wow lalim ah!…hmm hintayin mo sagot nya!

  15. teka kuya dapat ikaw muna di ba kasi ikaw tong tinanong ni baby blu hehe..
    wooot..
    nice question,thank you blu, hindi bagay ako maging beauty contestant pang little miss pilipins lang ako hehe..
    anway..natanong ko dati,sknya bakit po ung mga mabubuting tao agad ang mga kinukuha nya,bakit hindi po ung masasamang tao naman na walang magawang matino,oo kuya naitanong ko un..napansin ko lang kasi..
    :(

    • salamat naman sa tanong mo…. makakarating….
      yung tanong ko di ko pa matandaa..may amnesia na yata ako…
      bago matapos ang taong ito pramis maaalala ko ko rin sya!

      • kuya blu hehe memory gap lang yan ganyan din ako..:)_

        • hahahahahaha….ay naalala ko na….ano na nga ba ang pinag-uusapan natin, iha?

    • @anak ng pating,
      alam ko sagot d’yan

      sabi kasi nila. kinukuha nila yung mababait at iniiwan ang mga taong luklukan ng kabaitan sa kabaliktaran kasi…

      para hindi na maabutan ng mga mababait yung last day o pagkagunaw ng mundo.

      kung namatay naman ang isang tao na masama asahan daw na ipapanganak s’yang muli para matikman yun.

      so kung mamatay ka man ngayon (toinks wag naman) at mabait kang tao syempre doon ka sa heaven at makakafeeling mo na s’ya. (saya nun)

      puro kabutihan doon.. ayos!

      • hahahahaha …aba at may answer ang otep….wisdom!

      • kuya otep san mo nalaman yan kay lola ba o naka lagay ba sya sa bibble..
        eh paano naman ung mga mababait di na ba pwede ipanganak ulit hehe..:)

        • ayan…nagkagulo na ang mga statement…hehehehe..ano ba pinag-uusapan nyong dalawa ha! si lola basyang ba kamo?

        • @anak ng pating,

          narinig ko lang din yun.

          sige tatanong ko..

          nyahahahaha.. :D

        • @bluguy

          parekoy buhay ang pinag-uusapan dito! at pag nagkataon baka dumanak ang dugo.

          kaw ang nagsimula nito kaya tatapusin ko.

          nyahahahaha:D (parang tunay)

          tanong mo kasi e hirap sagutin hehehhee :D

          tapos si anakngpating may followup question pa :D nyahahaha

        • ahahahahaha…hala ka otep seryoso na talaga ito.
          tanong ko? eh tinanong lang kaya sa akin ni baby blu yan….sya ang sisihin mo….hahahahahahahahahahha!

        • o ayan lhovely…seryosohan na ito at talaga namang may iconsult pa si otep sa kanyang lola…..abangan ko itong namumuong labtem…este balitaktakan sa kung ano ang una manok o itlog…este ano ba pati ako nalilito na ah…kaw kasi baby blu hahahahahha

  16. hmmmm….talaga naman ang AX….philosophical at existential mode, huh!

    • siguro pag kaharap mo na si Josh, lahat ng tanong mo.. may sagot na.

      • tama ka dyan! ax….lahat ng tanong may sagot.

  17. well,for me,ahmmm,nice question keep it up!

    ahehe toinks..

    hmmmm iniisip ko lang bakit yung iba kahit anong gawin at pamukha mo sa mga mali nila ee ayaw pa din magbago?hmm

    at isa ba ako sa kanila?

    ay isang tanong nga lang pala..

    • o..salamat sa dalawang tanong mo ha.

  18. –if given that chance to ask God, what would be that ultimate question and why.–

    ano ang tanong na gusto mong itanong ko sa iyo, Josh?

    –why?–

    Because Josh always has an answer, and i won’t bother to ask anything trivial, nor broad, nor vague, nor anything.


Mag-iwan ng tugon

Ang iyong tugon:

Mga Kategoriya