official entry:
(Albastru: bughaw sa salitang Romanian)..
Isa akong titser sa isang bayan ng Mindoro. Kakarampot lang ang sweldo pero hindi ito ang aking naging batayan upang pasukin ko ang propesyong ito. Higit sa salapi, ibang yaman ang dulot nito. Ang kwentong aking isasalaysay ay masasabi nating pangkaraniwan, pero ang mga ala-ala nito ang naging sandigan ko sa aking pakikibaka sa buhay na ito. Simpleng kwento, simple katauhan, simpleng buhay. Isang kwentong pambata.
Albastru: Tisterrrrr Bluu!!!!…Titser Bluuuu!!!.Eto na po ang bonggang-bonggang hopyang pinabili nyo sa kantina….
Titser Blu: O sya ilapag mo lang dyan…(maya-maya…napansin kong hindi pa rin tumitinag si Albastru sa kanyang kinatatayuan)….at saka pwedeng kang kumuha ng dalawa…
Albastru: Sige po…salamat na lang po….(sabay tungo at aakmang aalis na).
Titser Blu: sabi ko kumuha ka ng dalawa…huwag ka nang mahiya…
Albastru: salamat po… (sabay dampot at tumalilis kaagad palabas)..
Alam ko na ang susunod na eksena. Ang nakakabatang kapatid ni Albastru naghihintay sa kanya. Hinatian nya kaagad ito ng dalang hopya. Araw-araw …eto na ang eksena tuwing reses sa skul. Albastru Biglang-awa Războinic ang buo nyang pangalan. Isang taong gulang pa lang ng iniuwi ng ina si Albastru galing Italya. Kano ang tawag sa kanya dahil sa maputi at mamula-mula nyang balat. Tatay nya ay taga-Romania, nasangkot sa holdapan kaya nakakulong. Mula ng bumalik ang nanay nya sa Italya, wala na silang narinig dito. Walang sulat. May mga sabi-sabing nag-asawa na daw ulit. Basta parang bula na lang siyang nawala.
Titser Blu: Di ka ba nalulungkot dahil wala kang mga magulang?
Albastru: Malungkot din po…pero sabi ni Lola Insyang….ang mahalaga buhay daw kami….at saka kumakain…at saka nag-aaral…at saka mahal kami ng lola at lolo ko…at saka madalas pag tahimik na ang gabi nakatingala ako sa langit….pag nakita ko na ang pinakamagandang buituin kinakausap ko siya…
Titser Blu: Anong pinag-uusapan nyo?
Albastru: marami….maraming tanong…sabi nya nga minsan…huwag daw ako malungkot…bawat kislap daw nya…eto daw ang patunay na mahal na mahal ako ng nanay ko…at saka ng tatay ko…….. Titser Blu….paano mo mararamdaman na mahal ka ng magulang mo?
Sa kalahating taon ng aking pagtuturo, di ko man lang naringgang umiyak o dumaing man lang si Albastru. Magiliw at masayahing bata siya. Minsan nga nangunguna pa sa mga kulitang bata. Pasipol-sipol pa habang naglilinis ng silid-aralan.
Albastru: Titser Blu….pagkatapos po ng taon…lilipat na daw kami sa kabilang-bayan…kasi po binabawi na po ng may-ari ang sakahan ng lolo ko. Mamimis ko po kayo at saka po ang hopya nyo….
Titser Blu: Ikaw din….kasi ngayon lang ako nakikita ng isang batang matatag sa buhay kahit kakarampot lang biyayang naipagkaloob sa kanya….
Albastru: marami po akong natanggap na biyaya….teka po…nakalista po ….matulog ng busog…..teka po…sandali lang po….isa…hmm….mga trenta beses na po…..nakipanood ng telebisyon sa kabilang bayan…..mga isa…..dalawa….sampu po!….naligo sa ilog….halos linggo-linggo….kumain ng sorbetes….…isa…Ay!…isa..lang talaga….Ah eto….kumain ng hopya…..isang daang beses…yan po ….nakasulat yan….pati po petsa….salamat po titser Blu…
Maya-maya pa’y pumatak na rin ang ulan na kanina lang ay nakikinig sa aming usapan. Mahina sa umpisa…palaki…..pabilis…..hanggang tuluyan nang ibuhos ang lahat ng dinadala nito…malamig..hindi man lang ako nakatinag sa aking kinakatayuan….ramdam ko ang agos..pero sa wari ko….gustong kong basain din ako nito…
Albastru: Titser Blu….hahahaha….ang sarap ng ulan….hahahahahaha…..(at parang baliw itong nagtatakbo habang walang humpay ang kanyang hiyaw).
Titser Blu:….hahahahhaaha……waaaaaahhhh…..(at nagpatianod na rin ako sa sayaw ng ulan na para bagang isang batang nakalaya)….hahahahahhahaha…..hohoooooooo!…ang lamig!!!!!!
Matagal na rin akong nagtuturo…pero minsan naisip ko…sino ba talaga ang tunay na titser sa buhay na ito..madalas kasi may mga nakatagong aral ang mga pahayag at buhay ng mga musmos na batang aking tinuturuan. Alam ko kailangan nilang matutong magbasa, mag-aritmetik, magsulat..at makapasa sa mga pagsusulit….Subalit ang bawat katagang binibitawan nila sa gitna ng kanilang kapayakan ay yaman ang dala.May mga bagay na di natutunan sa mga aklat…madalas nasasalamin ito sa mga bata.
Kumusta na kaya si Albastru?…….Minsan sa aking panaginip ay naaninag ko pa rin ang kanyang katauhan…o di kaya sa bawat balanang aking nakakasalamuha araw-araw….Minsan ko nang binalikan ang mga landas na tinahak ng kwentong ito…pero habang tumatagal…wala na akong makitang bakas nito…..Isang araw…alam ko….isang araw…magbabalik din si Albastru!




salamat kay MON
salamat kay MON
salamat kay DHYOY
salamat kay SANDI
salamat kay DHYOY
pakontes ni hibang - bernard

to TEACH, to govern, to sanctify…
salamat dre!
madre?
nope..short for padre…hehehhe
isa kang mahusay na guro kuya blu.
sana nga…
hello po.sana makita ko rin si albastru
sana nga kaibigan tacio!
Man learns from everything around him. He learns from insects, from clouds , from death. He learns valuable lessons from kids and their stories. And man continue to learn. And from that, he start teaching. ;]
Albastru.
Translator robot!
hmmm…at nagparamdam ang dakilang AX….tama!
translator robot????
wwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh….. mukhang magiging mahigpit kitang katunggali kuya blu!!! panalo ganda ganda. clap clap!!!
at talagang may ganun ha….musta na parekoy?
napakarami talaga natin natutunan sa mga bata..
Goodluck kuya blu!
ay salamat kua sandi….magmasid lamang ….marami ngang gintobg butil ang mga sabi-sabi ng mga bata….musta na po?
ay tama k dyan kuya blue ng bonggang-bongga. ako rin maraming natutuhan sa buhay sa pamamiitan n aking mga pamangkin. una roon ay yung alamin kung hanggang saan ang pasenysa ko. hehe joke!
pero totoo marami talaga akong nare-realize pag kasama ko sila. especially about time, innocent, simple joys, and dreams.
korek at korek ka dyan hoshi…..waaah! 100% korek!!!
Ang pagkatuto raw po kasi ay two-way. Ang isang guro, gaya ng halimbawa mo, ay nagbibigay ng pagkatuto sa mga mag-aaral, maging pang-akademiko man itong pagtuturo o maging tungkol ito sa buhay. Sa kabilang banda, gaya pa rin ng halimbawa mo, maraming natututuhan ang isang guro mula sa mga mag-aaral. Karaniwan, ito ay mga aral na simple lamang ngunit makabuluhan.
Marami akong kaibigang guro at nakatutuwa silang kakuwentuhan. Madalas naming napag-uusapan ang mga kakatwa nilang karanasan. Iyun bang mga tipong “kids say the darnest things” moments nila. Tapos mapupunta kami sa seryosong usapan, kung saan naikukuwento nila ang mga pagkakataong dahil sa kanilang mga mag-aaral ay namumulat ang kanilang mga mata at sila ay natututo tungkol sa ilang mga katotohanan ng buhay.
Good luck sa SBA, Fr. Rhett. Let the blu kite fly!
ay salamat sa magandang comment mo Miss N…..let the blu kite fly….away……far…far …away!!!!
Tama ho kayo Igan Blu, hindi lahat ng pagkakataon na ang mga bata ay taga pakinig na lamang – minsan may mga bagay silang ipinararating sa atin na kapakipakinabang at mostly nangyayari ito kapag wala na sila sa ating harapan .
hmmmm…ganda ng iyong tinuran….magmasid sa mga batang dumadaan sa kalye ng buhay natin…
base po muna kuya blu balik po ako later. papasok na ko sa school este sa office
hi there
base ka nga…pero wala ka pang comment ah…..
kuya blu,
na add ko na po. nawa ay makta nyo muli sa Albastru!
salamat naman….