blu smile

ngiti..

ito yung pinaalala sa akin ng barkada ko noong college ng

minsang nagkrus ang aming daan sa FB.

I saw a picture of you and you look great. When we were in college, you were one of the few people who brightens the room because of your smile.

minsan kasi, ayaw ko nang ngumiti,

wala lang naman…

siguro for a change..

hangang dumating siya!

ang katibayaban ng sinasabi ng barkada kong si Ayoy!

nahalungkat ng isa pa naming barkadang si Alex.

ngayon,

unti-unti kung ibinabalik

ang dating ako!

Life is beautiful

lalo na when you smile!

Posted in barkada, blu, buhay, smile | Mga Puna

blu friendship

12:14 am

kanina pa ako nakahiga…

pero di ako makatulog…

may bumabagabag…

kuya blu…anong ibig sabihin ng friendship?

ha?..baby blu naman…matutulog na ako!

eh kasi kanina narinig ko…sabi nila dumating na daw friend mo?

friend ko?

oo, sabi nga …malalim daw ang friendship nyo ng bagong dating doon sa malaking pinto!

marami akong friends…teka! baka naman pang-slum book lang yang tanong mo ha!

friendship?…

wala sa tagal ng samahan..

merong respeto sa isa’t isa…

happy ka pag nagsucceed sa life ang isa…

masayang kausap …

affirming and assuring presence…

malawak ang pang-unawa…

aysus..ang dami na! pwede na ba yan!

ay ganun ba yun kuya blu?

iilan lang ang mga katangiang iyan…marami pa!

teka…sino  ba ang friend na sinasabi mo?

narinig ko….

tawag sa kanya

Lizette!

kaibigan

alam ko na nakarating ka sa tunay mong tahanan..

ibinalita sa akin ni baby blu..

kaya pala di ako dalawin ng antok..

kahit pilit kung ipinipikit ang aking mga mata…

parang kailan lang nang naging saksi ako sa inyong pag-iisang dibdib ni Palits…

halos magkaligaw-ligaw pa ako sa kakahanap ng simbahan nyo…

di ba  April last year nagbiruan pa tayo,

kasi gusto mong malaman ang secret formula ko for diet.

a week ago, nagcomment pa ako sa shoutout mo!

ang bilis ng mga pangyayari…

yesterday was a very sad day for me..

pero ang buhay ay isang misteryo..

pilit kung inuulit-ulit ito sa aking kamalayan…

hanggang sa indi ko na maintindihan!

nakita ko ang mga post sa fb….ate ka nga ng bayan!

bumuhos ang comment …kahit sa ilang mga kaibigan abroad…

nagulat….may namangha….nalungkot.

paalam, kaibigan!

sa tamang panahon…

12:44 am..

Posted in baby blu, blu, kamatayan, Lizette | Mga Puna

blu mission (im)possible

woot! woot! woot!…kuya blu! kuya blu!…..hu u?….its baby blu! ….waaah…sa wakas nagparamdam ka rin? Kumusta naman ang rocker kuya blu ko? Eto…surviving…kaw? Eto rin, napadpad naman sa mundo mo. May misyon sa iyo si Bro…. Misyon? ano naman kaya yan? In three days malalaman mo. woot! woot! woot! Baby blu disintegrate!…woot!woot! may spy…got to go!.bye!

Muntik ko ngang makalimutan itong chat namin ….teka that was four months ago pa ah! Kuya Blu…tingnan mo oh! Ha, nakalulon ka ba ng pakwan? Hahahaha.. si Kuya Blu patawa talaga! Hindi, baby boy siya…sabay turo sa tummy nya!

Siya si Elisa. Parang kailan lang …ah tama, four months ago. Iyak siya ng iyak. Yun bang halos maghalo na ang luha at uhog nya. Ganun katindi ang drama nya noon. Buntis ako. Eh ano naman ang bago dyan, e me asawa ka naman. Hindi yun eh, kasi kuya Blu si Dianne maliit pa. Halos di pa kami nakakabawi, eto nga ngayon pa lang si Joshua nakakatrabaho ng fulltime. Tapos dumating pa itong isang problema.

Problema? Problema ngang maturingan ang mabuntis at magkaroon ng beybi dito sa Italya. Kailangan kasi, magbawas ng trabaho ang isa sa mag-asawa para mag-aruga sa bagong beybi. Bawas trabaho-bawas sweldo, dagdag  gastusin, bawas padala sa kamag-anak sa Pinas. Maraming kumplikasyon kung matuturing. Dito kasi di uso ang yaya. Madalas rin kasi pagkapanganak, iniuuwi ang beybi sa Pinas. Pero sa kaso nina Elisa, mas gusto nilang kasama ang anak, kahit sabihin na nating nahihirapan din sila. Prinsipyong sama-sama kahit maghirap. Di ko alam kung ano sasabihin ko sa harap ng mga realidad katulad nito.

Dito ko naalala ang kuwento ni baby blu.

http://blurosebluguy.wordpress.com/2009/02/21/baby-blu/

Keep the baby.. ..yun lang ang nasambit ko.  Di ko alam kung saan nanggaling. Parang ibinulong lang sa akin. Babies are always blessings from Above (nasambit ko yan without batting an eyelash). Seryoso ako sa sinabi ko..Yes!

hihihihihi…hagikgik ni Elisa…baby boy…ang saya ko kuya blu! Parang kailan lang parang binagsakan ng langit ang babaeng ito. Ngayon iba na ang aura. Parating masaya, kahit damang-dama ko ang paghihirap. Misteryo nga naman ng buhay.

Keep the baby! …kung tatanungin ulit ako, ito pa rin ang sasabihin ko.

woot! woot! woot! Mission (Im)possible accomplished Kuya Blu!… si baby Blu…kaninang umaga  lang nangulit ulit @ 12: 51 am. Kaya pala di ako makatulog. Kaya pala.

Posted in baby blu, blu, mission | Mga Puna

blu chronicle (random tots!)

12:16 am. naglilinis ng agiw sa sapot bahay na ito…waaah matagal na pala akong di nagagawi dito. bakit nga ba? busy, as in super…super busy? lagi namang ganun, kahit walang ginagawa. Aaminin ko medyo nakatamaran kung mag-isip at magbalangkas ng aking mga kamalayan nitong mga nakaraang buwan.

12:18 am di pa rin ako makatulog. dapat matulog na ako, kasi bukas 9:00 dapat nasa opis na ako at nagbubutingting pc…este magpalipas ng oras sa fb! huh!…lately kasi feeling ko napagod ako ng husto sa kakaisip ng mga bagong ideya, mag-updates ng mga files at isa ko pang site related sa work ko at magbasa ng mga articles in 4 na lengwahe..nakakatuyo ng utak.

12:21 am salamat nga pala kay Ax…ayun nakachat ko kanina…marami pa naman siyang katanungan at saka syempre marami din akong kasagutan…matanong talagang bata yan!…..kaya lang sandali lang at naubusan ako ng time…may meeting chuva-chuva pa ako kanina!

12:24 am namiss ko talagang magblog….magblog…at magblog…ito ang actual desire ko kahapon pa. dang! wala talagang time para magbloghop!

12:26 am 20 minutes ago napanood ko si willie sa show nya…may kurot ang show…kaya lang di ko malubos maisip na ang kapalaran ng buhay ng ating mga kapatid ay nakatalaga na sa walang humpay na pagpila at pagbabakasakali…..layf is a gamble! sometimes we win, sometimes we lose…kaya hayun pila…abutin man ng buwan..gutom….init…ulan…hamog sa gabi..

12:28 am ang sumabog na bus…ilang araw ko ring iniwasang marinig ang detalye tungkol dito, kanina finally napanood ko ang news sa internet. minsan mas gusto ko pang ang mga masasayang kwento ng buhay…kaya lang narealize ko, ang kamatayan, ang pighati kasama rin pala sa buhay..

12:30 am gusto ko nang matulog! masakit at mahapdi  na ang aking mga mata…kaya lang nakatulog ako ng 3 hours kaninang hapon…as in flat in bed!…DUSA!

12:32 am pramis matutulog na ako.  sa magbabasa nito..mag-iwan na lang ng comment, yun kung sisipagin kayo.

Posted in blu | Mga Puna

blu krismas (tren series 1)

medyo may katagalan na rin ng huli akong magblog! pramis ko pa naman babalitaan ko kayo tungkol sa aking biyahe sa tren. Ang totoo nyan, di ko naman nakalimutan ang aking pangako, ika nga eh, naghahanap lang ng tamang timing, yun bang malayo sa concerns ng work at sosyalan (daw oh!).

FIRST STOP –  bayan  ng Reggio Emilia.

Magandang ang bayang ito. Maunlad at dito marami ring mga pinoy na nagtatrabaho. Malamig at madalas magsnow dito sa winter. Dito ko nakilala si…ano nga ba ang pangalan niya. Mamaya pag naalala ko babanggitin ko. Bitbit ang mga pinamili, nagkasabay kami sa autobus papuntang sentro. “Matagal ka na dito,” bungad nya. “Oo, 2007 pa ako dito,” sambit ko naman. Sabay tango at patuloy kaming nagtsikahan. Dito ko napag-alaman na 20 years na pala sya dito sa Italya. Biyuda, sa wari ko mga 60 anyos. Mag-isa nyang itinataguyod ang pamilya ( mula sa anak, apo, kapatid, kamag-anak). Parang syang karinderya bukas 24 oras. Pag may nagtext na kailangan ng tulong, padala naman agad sya. Minsan nga kahit walang-wala na, ipinapangutang pa nya makagpadala lang. Ang kuwento ni Concepcion ( sa wakas naalala ko rin ang name nya!..success!) ay karaniwang kuwento na dito sa Italya. Sabi ko nga sana naman makapag-ipon man lang siya para sa pagdating ng takipsilim ng kanyang buhay. Mahirap manirahan dito, lalo na pag wala kang trabaho. Kahapon nga lang nabalitaan ko ang tungkol sa isang estrangherong manggagawa na namatay sa lansangan dahil sa sobrang lamig (wala kasing trabaho kaya natutulog na lang sa sa pintuan ng mga naglalakihang building dito). Masayang tingnan ang mga piktyur ng ating mga kababayang nasa abroad. Para bang masaya ng buhay, lahat kasi nakangiti, magaganda ang damit. Kailangan lang  ngumiti kahit sa piktyur lamang, maibsan lang ang kalungkutang nadarama at ang hirap ng pagkukudkod ng mga banyo dito sa Italya.

” O sige, bababa na ako dito. Pag may alam kang part-time na trabaho tawagan mo ako ha.” Sus, part-time pa, eh halos wala ka na syang pahinga ah. Minsan naisip ko, masarap talaga ang mabuhay sa Pinas, dangan nga lang wala namang matinong trabaho para sa lahat. Ang kaninang ngiti sa aking labi ay unti-unting nababahiran ng lungkot. Habang palayo ang autobus di ko lubos maisip kung saan hahantong ang kuwento ni Concepcion. Pagmamahal sa pamilya, yan daw ay tatak pinoy.Pero pag labis naman at pinagbabaling-wala naman ang pagmamahal sa sarili, sa wari ko masama rin. Sana lang mabasa naman ng mga kamag-anak ni aling Concepcion ang blog na ito.

Bukas, sasakay naman ako ng tren.

Posted in biyahe, blu, christmas, krismas | Mga Puna

blu train

eto na naman ang kuya blu ninyo…

sasakay na naman ng tren…

maglalakbay…magmamasid…makikipatianod…

sa buhay ng may buhay…

bahagi ang trabaho ko ang maglakbay.

..ika nga sa mga paghihirap sa walang sawang puyatan

sa mga meetings, deadlines at kung anu-ano pa dyan..

biyahe…pampatawid uhaw sa routinary na buhay ko.

halos isang buwan akong mawawala…

sana lang makapagpiktyur-piktyur!

ako pa naman …ang tamad ko sa mga bagay na yan!

pero may isang biyahe na talagang nagpabago sa aking buhay!

kung ano yan?

abangan na lang ninyo ang kasunod ng post na ito.

pasakay na kasi ako sa blu train.

Posted in biyahe, blu | Mga Puna

blu spirit

finally i have promise

to break my silence

and find solace in solitude!

i did promise, too..

to break away from my fears

and embrace the awe!

today…i promise,

to take some rest…

and celebrate the beauty

of my restless soul!

for today…

i will break away,

from

my own brokenness..

and let Someone mend

my soul!

Posted in blu | Mga Puna

blu autumn

panahon na naman ng taglagas..

nag-iiba naman na naman ang kulay ng buhay,

pati simoy ng hangin iba ang dalang halina!

ilang taglagas na nga pala ang nakalipas?

isa..

dalawa…

tatlo…

parang kailan nga lang naman.

ng ating tuldukan ng lubusan,

ang pagsintang sinumpaan.

minsan..

tinangka kung balikan ang nakaraan,

pero sa kasamaang-palad,

tuluyan na itong inanod sa katihan,

tinabunan ng niyebe at tuluyan ng

nahimlay sa di mapukaw na gabing mapanglaw.

Marie Czurinne…ang diwata ng nakalipas na taglagas.

ilang panahon pa kaya ang lilipas…

at muli nating durugtungan ang

pagsintang naudlot

at pinigilang umusbong

ng haring Tadhana!

…hayyyss!??

…ano ba Blu…ifesbuk mo kaya?

…malay mo…andoon lang siya…

searching…..searching…..searching…..

Posted in blu, facebook, fall, pag-ibig | Mga Puna

namundok si blu!

Ilang oras na lang aalis na naman ako para sa taunang planning session. Di ko alam kung ayos ang internet connection sa bundok ng tralala..pramis di ko talaga alam! Kaya hayun…major! major! greet ko lahat ng may birthday this week sa aking fesbuk account.

Kung tutuusin, one week lang naman, pero, sandamakmak na naman ang wardrobe ko…pano po malamig na sa bundok….mas maagang nag-uumpisa ang winter doon. One week akong mawawala pero…ang dala kung wardrobe pang isang taon (joke!). Aysus, mahirap nang maubusan ng isusuot…tayo pa namang mga pinoy, mahilig maligo (kahit sa kasagsagan ng below zero temperature) at magpalit ng damit araw-araw,…sabi tuloy ng plantsadora namin, daig ko pa daw ang artista sa daming labahin every week.

Ang sarap mamundok…at manirahan kahit pansamandali malayo sa ingay ng siyudad. Kaya lang…hello! di naman kaya bakasyon, kundi….papurulan ng utak tiyak ang drama ng week na ito….presentations, meetings…balitaktaktakan….brainstorming daw! wheeew! Ewan ko lang…ewan ko lang…kung may matira pa akong katinuan pagkatapos ng week na ito…

ganyan talaga ang buhay….kailangang kumayod…para mabuhay! bakit kaya di pwedeng mabuhay nang hindi ka kakayod? Kahit sino yata….kahit mayamang tao kumakayod para mabuhay….

Tama na muna….balitaan ko na lang kayo…yun kung may tamang pag-iisip pa ako pagbalik ko sa siyudad ng Roma…sana meron pa…

Till next week…missing my fesbuk major! major! friends!!!!!

Posted in blu, buhay, winter | Mga Puna

ALBASTRU..ang batang bughaw.

official entry:

www.saranggolablogawards.com

(Albastru:  bughaw sa  salitang Romanian)..

Isa akong titser sa isang bayan ng Mindoro. Kakarampot lang ang sweldo pero hindi ito ang aking naging batayan upang pasukin ko ang propesyong ito. Higit sa salapi, ibang yaman ang dulot nito. Ang kwentong aking isasalaysay ay masasabi nating pangkaraniwan, pero ang mga ala-ala nito ang naging sandigan ko sa aking pakikibaka sa buhay na ito. Simpleng kwento, simple katauhan, simpleng buhay. Isang kwentong pambata.

Albastru: Tisterrrrr Bluu!!!!…Titser Bluuuu!!!.Eto na po ang bonggang-bonggang hopyang pinabili nyo sa kantina….

Titser Blu: O sya ilapag mo lang dyan…(maya-maya…napansin kong hindi pa rin tumitinag si Albastru sa kanyang kinatatayuan)….at saka pwedeng kang kumuha ng dalawa

Albastru: Sige po…salamat na lang po….(sabay tungo at aakmang aalis na).

Titser Blu: sabi ko kumuha ka ng dalawa…huwag ka nang mahiya…

Albastru: salamat po… (sabay dampot at tumalilis kaagad palabas).. 

Alam ko na ang susunod na eksena. Ang nakakabatang kapatid ni Albastru naghihintay sa kanya. Hinatian nya kaagad ito ng dalang hopya. Araw-araw …eto na ang eksena tuwing reses sa skul. Albastru Biglang-awa Războinic ang buo nyang pangalan. Isang taong gulang pa lang ng iniuwi ng ina si Albastru galing Italya. Kano ang tawag sa kanya dahil sa maputi at mamula-mula nyang balat. Tatay nya ay taga-Romania, nasangkot sa holdapan kaya nakakulong. Mula ng bumalik ang nanay nya sa Italya, wala na silang narinig dito. Walang sulat. May mga sabi-sabing nag-asawa na daw ulit. Basta parang bula na lang siyang nawala.

Titser Blu: Di ka ba nalulungkot dahil wala kang mga magulang?

Albastru: Malungkot din po…pero sabi ni Lola Insyang….ang mahalaga buhay daw kami….at saka kumakain…at saka nag-aaral…at saka mahal kami ng lola at lolo ko…at saka madalas pag tahimik na ang gabi nakatingala ako sa langit….pag nakita ko na ang pinakamagandang buituin kinakausap ko siya…

Titser Blu: Anong pinag-uusapan nyo?

Albastru: marami….maraming tanong…sabi nya nga minsan…huwag daw ako malungkot…bawat kislap daw nya…eto daw ang patunay na mahal na mahal ako ng nanay ko…at saka ng tatay ko…….. Titser Blu….paano mo mararamdaman na mahal ka ng magulang mo?

Sa kalahating taon ng aking pagtuturo, di ko man lang naringgang umiyak o dumaing man lang si Albastru. Magiliw at masayahing bata siya. Minsan nga nangunguna pa sa mga kulitang bata. Pasipol-sipol pa habang naglilinis ng silid-aralan.

Albastru: Titser Blu….pagkatapos po ng taon…lilipat na daw kami sa kabilang-bayan…kasi po binabawi na po ng may-ari ang sakahan ng lolo ko. Mamimis ko po kayo at saka po ang hopya nyo….

Titser Blu: Ikaw din….kasi ngayon lang ako nakikita ng isang batang matatag sa buhay kahit kakarampot lang biyayang naipagkaloob sa kanya….

Albastru: marami po akong natanggap na biyaya….teka po…nakalista po ….matulog ng busog…..teka po…sandali lang po….isa…hmm….mga trenta beses na po…..nakipanood ng telebisyon sa kabilang bayan…..mga isa…..dalawa….sampu po!….naligo sa ilog….halos linggo-linggo….kumain ng sorbetes….…isa…Ay!…isa..lang talaga….Ah eto….kumain ng hopya…..isang daang beses…yan po ….nakasulat yan….pati po petsa….salamat po titser Blu…

Maya-maya pa’y pumatak na rin ang ulan na kanina lang ay nakikinig sa aming usapan. Mahina sa umpisa…palaki…..pabilis…..hanggang tuluyan nang ibuhos ang lahat ng dinadala nito…malamig..hindi man lang ako nakatinag sa aking kinakatayuan….ramdam ko ang agos..pero sa wari ko….gustong kong basain din ako nito…

Albastru: Titser Blu….hahahaha….ang sarap ng ulan….hahahahahaha…..(at parang baliw itong nagtatakbo habang walang humpay ang kanyang hiyaw).

Titser Blu:….hahahahhaaha……waaaaaahhhh…..(at nagpatianod na rin ako sa sayaw ng ulan na para bagang isang batang nakalaya)….hahahahahhahaha…..hohoooooooo!…ang lamig!!!!!!

Matagal na rin akong nagtuturo…pero minsan naisip ko…sino ba talaga ang tunay na titser sa buhay na ito..madalas kasi may mga nakatagong aral  ang mga pahayag at buhay ng mga musmos na batang aking tinuturuan. Alam ko kailangan nilang matutong magbasa, mag-aritmetik, magsulat..at makapasa sa mga pagsusulit….Subalit ang bawat katagang binibitawan nila sa gitna ng kanilang kapayakan ay yaman ang dala.May mga bagay na di natutunan sa mga aklat…madalas nasasalamin ito sa mga bata.

Kumusta na kaya si Albastru?…….Minsan sa aking panaginip ay naaninag ko pa rin ang kanyang katauhan…o di kaya sa bawat balanang aking nakakasalamuha araw-araw….Minsan ko nang binalikan ang mga landas na tinahak ng kwentong ito…pero habang tumatagal…wala na akong makitang bakas nito…..Isang araw…alam ko….isang araw…magbabalik din si Albastru!

www.dmcihomes.com

www.altavistadeboracay.comph

Posted in albastru, blu, bughaw, buhay, titser | Mga Puna