Mahirap ang magsabi ng tunay na pangalan sa blogshere. Marahil may tinatagong dahilan. Marahil gusto lang maging misteryoso ang katauhan. Ako gusto ko ng misteryo….malalim…masalimuot at mahirap maintindihan. Siguro ganuun nga ang katauhan ko sa aking pag-iisa. Sa karamihan palakaibigan ako, pero sa aking sariling mundo madalas di ko maarok ang kalaliman ng misteryo ng buhay. Minsan ko ng nakaniig ang misteryong ito pero kung gaano kabilis ang pag-unawa ganun din kabilis ang pagkalimot. Hanap ko ay mga taong nagtatago sa misteryo na buhay. Hayag ang katauhan sa labas ng mundo, pero nakatago naman ang isang katotohanan ng kanyang kabubuan. Ganun ako….halika silipin mo ang aking pagkatao.
Advertisements
hahahahahahah kala ko ba…..nahabaan ka sa mga posts ko sinusuyod mo na yata ah….salamat ha
aba mahiwagang mahiwaga ah? hmmpp? cge silipin natin at abangan ang mga kabanata nang buhay na makulay ni BLU!
maraming salamat kaibigan…congrats pala sa mga blogs mo tunay namang nakaka-inspire. Mabuhay ka! Tenchu!
ayan… ako pala ang buena mano dito bluguy.
welcome sa magulong mundo ng blogosphere!
tatambay na din ako dito madalas para makasilip sa misteryo ng iyong mundo. kaka-excite naman.
happy blogging kapatid!