ang kahapon ng bukas

2007-130Mahimbing ang tulog ko kagabi (kaninang umaga 1:00 am) di katulad ng mga nakaraang gabi. Dala siguro ng pagod o kaya dahil linggo kinabukasan. Walang trabaho at alalahanin. Maaga kasi gising ko kung week days. Masalimuot din ang aking naging karanasan sa mga nagdaang mga araw dala marahil ng pagkabagot at introspection tungkol sa aking tinatahak sa buhay na ito. Minsan gusto kung ibalik ang orasan ng panahon at namnamin muli ang mga bagay. May halong pagkalungkot at paghihinayang ang aking nararamdaman. Sana ginawa ko ang mga bagay noon…ngayon kasi huli na ang lahat.

Kung sa bagay, malalaman lang naman talaga natin ang tama ng nakaraan matapos itong lumipas, pero masasabi ko rin na ang tama ay tama sa panahon na kung saan ginawa natin ang desisyon, kasi yun ang dapat sa panahon na iyon…

Ito marahil ang nagbibigay sa akin ng tamang perspektibo para di balikan ang nakaraan at iyakan ito ngayon. Ang nakaraan ay kailanman di na maibabalik….dala na lang nito ang mga alaala.

Sa araw na ito, muling sisibol ang bagong yugto ng aking buhay…saan man ako dadalhin ng aking mga paa…alam ko sa bawat hampas ng orasan ng buhay…bagong sibol at bagong pag-asa naman ang naghihintay.

This entry was posted in Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

7 Responses to ang kahapon ng bukas

  1. Mindi says:

    I am definitely? PINOY!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

  2. blurosebluguy says:

    tama ka bojoy….ang blog has become my second home wherein i could freely express my creative thoughts without retrain….
    ayan tuloy napa-english ako …hehehehhe

  3. bojoy2001 says:

    o di ba? mas ok kung mag teatro ka mo…hehehe..mas maexpress mo man feelings mo..hahaha..pero ok ni ang blog..atleast imo na ya balay..masulat mo tanan nga gusto mo isulat…di ba? keep on rockin manong!

  4. blurosebluguy says:

    help! nalulunod ako…oo nga minsan inisip ko di na lang kay ako magteatro!,hehehehheheh

  5. bojoy2001 says:

    lalim mo pare! pwede ka sa teatro! kakaiyak! whahahaa😀

  6. blurosebluguy says:

    senti mode lang ng sinulat ko yan…pero natural na sa akin ang magsulat sa ganitong paraan…tenchu muli na naman. revsiopao. tiyaga mong magbasa.

  7. revsiopao says:

    hari nawa’y sa pagsibol ng bagong yugto ng iyong buhay ay dalhin ka ng iyong mga paa sa isang bukas na hitik sa pag-asa.

    ayan nahawa na ako sa iyong pagiging makata kapatid.

    ang lalim mo talaga!… paki-hukay mo nga ako at lumubog na ako dine. he he.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s