Pagod na ako, bakit ikaw hindi?

inverno1kanina habang papunta akong work, napansin ko ang mga taong kalye na natutulog. nasabi ko tuloy pambihira sa gitna ng lamig na ito nakayanan nilang matulog sa mga pintuan ng mga naglalakihang building. Nasabi ko ako hindi ko kaya…hindi ko talaga makakaya.

Minsan sa buhay na ito may mga bagay na pinawawalang bahala natin…tulad na lang ng pagkakaroon ng maayos at komportableng tirahan. yun bang pag-uwi mo di lamang init ng bahay ang iyong masusumpungan kundi init ng buhay na pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa iyo. 

Yun, nga kaibigan, marami tayong mga bagay at mga taong taken for granted…kasi nandyan lang sila…abot kamay at tanaw lang natin…..minsan tuloy kahit nariyan lang parang wala, hindi pa rin nag-eexist.

Tulad ko….andyan ka lang parati, pero minsan ang asal ko parang di ka mahalaga sa buhay ko…kasi parati kang nariyan lang …handa…bukas..Kailan ka kaya mapapagod sa kakahintay, kakaunawa, kakayakap sa akin. Tanong ko minsan may hangganan ba ang lahat ng ito para sa iyo….

Minsan nahihiya na ako sa iyo …o siguro pagod lang ako …kasi naman all these months…puro pretensions….ang nangyayari….gusto ko minsan iwanan ka na talaga….pero kasi, bakit andyan ka parati…bukas…..walang sawang naghihintay sa pagbabalik ko….pagod na ako …ikaw bakit di ka napapagod?

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to Pagod na ako, bakit ikaw hindi?

  1. blurosebluguy says:

    hahahaha…..oo naman naiintindihan ko naman ang comment mo…..ang lalim naman bojoy…alam pwede ka na talaga magprodyus ng pelikula….at ikaw lang ang starring ha!
    ang lalim din ng mga lines mo day! pati ako nalulunod na rin…tabang!

  2. bojoy2001 says:

    kasi po may mga tao lang talagang kahit ano ang gawin mo..andyan pa rin para damayan ka para pagsilbihan ka at unawain ka..dahil mahal ka nya…
    o di kaya may mga bagay lang na dapat pagtuunan din nang pansin..hindi lang binabaliwala dahil sa kabila nang ating pagka manhid may mga taong nagpapakamartir na pahalagahan pa din tayo sa kabila nang ating pagka manhid….dalum ba? bot kung may naintindihan ka da manong..basta ako wala….hehehe…

  3. blurosebluguy says:

    hahahaha….gold fish ko..araw-araw yan kausap ko

  4. revsiopao says:

    wow, may piktyur piktyur na ang mga posts… mukhang sinisipag ka parekoi ha.

    hanep ka talagang sumulat… sa post mo kasing ito hindi ko mawari kung ang kausap mo ba ay ang syota mo, ang Diyos, ang aso mo, o ang kapitbahay niyong crush mo… he he.

    sige, ipagpatuloy ang pa-mysterious epek.
    effective pa naman so far…

    seriously, this is truly a heart entry. cheers!

  5. blurosebluguy says:

    misteryo ba? Bluguy ang name ko. salamat kapatid, anak ka nga ng pating. tenchu! talaga lang.

  6. anakngpating says:

    ako hindi mapapagod dahil masarap mabuhay na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay, may time na nasasabi kong napapagod na ko sa sitwasyon ko pero iniisip ko walang mangyayari pag hindi ko pinag patuloy ang buhay hehe..parang ang gulo noh pero basta masaya hehe kahit minsan malungkot hehe..teka curious lang ako sa gender mo lupet kasi ng mga post mo hehe…weeew

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s