isang kupasing ala-ala – valentine’s isyu

cellphoneNaalaala mo pa ba ng una tayong nagkuhaan sa akingcellphone …yun bang bago pa lang may mga kamera …ilang taon na ba ang nakalipas? tatlo….apat….lima……

Minsan isang araw ng umuwi ako for summer vacation, wala talaga akong balak tumawid ng boracay..kasi sawa na ako…kasi ayaw ko na ng magulong mundo…galing na nga sa Maynila, tapos puro ingay pa ang maririnig. Kaya lang that particular day para bang hinihila ako ng islang iyon….buti na lang may restaurant ang pinsan ko sa isang lugar na medyo tahimik…nag-uumpisa pa lang noon ang mga construction ng malalaking hotel at resort  sa banda nila. Kaya mangilan-ngilan lang ang mga turistang napapagawi sa banda roon. …sabi ko perfect place…

Dapit-hapon ng maisipan kung maglakad-lakad….hmmm sarap ng simoy ng hangin…tahimik…relaxing talaga…..and all of a sudden  ….. oppppsss (nasambit ko talaga)….isang babes na naglalakad…sabi ko nga namamalikmata ba ako? Wow ang swerte nga naman di na dapat hanapin…kusa itong lumalapit….

Nagtama ang ating mga mata…exchange ng mga ngiti…fast forward na natin…….aba at magkahawak na tayo ng kamay..tayo na ba…ano pa nga ba? At naglapat ang ating mga lips…..CENSORED na po ang mga susunod na eksena (sabi nga ni revsiopao dapat i-cut para makapasa sa MTCRB).

FAST FORWARD ulit….bakit ko ba hawak itong luma kong cellphone at pilit binubuksan ang isang kupasing ala-ala. Kung gaano kabilis na naging tayo noong araw na iyon…ganun din kabilis na hindi na naging tayo…..Ikaw pabalik na sa asawa mo…ako, hahanapin ko pa ang sarili ko…..ang sariling daan na tatahakin ko…June kasi that year papasok na ako sa seminaryo.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to isang kupasing ala-ala – valentine’s isyu

  1. dFish says:

    At talagang ang oordinahang siopao pa ang regular commenter mo ha…Woot – napakatakit kuya eddie. buti na lang sa akin, walang iniwanan, haha. Woot!

  2. blurosebluguy says:

    naku revsiopao …….kupas na kaya..medyo may kalumaan na kasi ang cellphone na ito…nahulog pa ito sa lubak minsang umuwi ako sa gitna ng ulan…..hhahaha..kahit yung pagkahulog may drama talaga…kaya kupasing alaala…

  3. revsiopao says:

    At talagang extra ako siyempre. He he!

    Ganyan nga dapat… kung hindi mo ni-censor ang mga susunod na kabanata, ako ang magsusumbong sa MTRCB… ay ‘pang movie and TV nga lang pala sila. Toinks!

    Puwede pa-bluetooth nung pics niyo? Patingin naman. Ha ha ha!

  4. blurosebluguy says:

    ahahahaha…minsan kailangan din natin ng mga kwentong ganito, spice sa life ba…wag kang mag-alalala….di naman censored ang mga ginawa namin hehehehe kiss at holding hands lang ba…
    owwsss….sana lang.

    pero ganun pa man salamat kaibigan, ha! tenchu talaga.

  5. vk03 says:

    aray ko ba’t ba ako napadaan dito… kainis naman… sige!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s