mga bulaklak na inanod na ( PART 2 ) – moving on

2007-125salamat sa mga comments (kahit dalawa pa lang heehehehe…doon sa part I – mga bulaklak sa ibaba). Pero minsan mahirap talaga mag move-on..paano mo basta kakalimutan na lang ang mga sandamakmak na mga kilig memories (kasama na dun ang away-bati moments)…pag hindi ka kasi kasali sa kwento parang madali magpayo ng ala Lovingly yours Helen..(sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)…pero ang totoo affected ka pa rin.

Tulad na lang ng kwento ko, affected pa talaga ako…kasi nga one table apart lang kami ng Ex ko at ng present dyowa nya…Alangan namang lumipat ako ng work…Hello…hirap kaya maghanap lalo na ngayon sa gitna ng global economic crisis..(ako love crisis).

Hindi naman pwede na di kami magkita minu-minuto sa work….tapos nauso pa ang mga team building na yan…Last week sa team building session namin kami ang magkapartner…kaya all eyes lahat sa amin…including her current (si Red…di ko gusto…kulay away) na halos lumuwa ang mata sa kakaobserve sa susunod pang kabanata….anyways natapos naman ng walang gulo. Pero feeling and wish sana di na matapos ang session. Asa talaga noh. Kasi mahal ko pa rin sya.

Mga berks kaya sa akin, hirap pa rin mag move-on. It has been three years, pero sa totoo lang, eto pa rin ako madalas umaasa….kasi naman pinabayaaan mong lumipad, kaya hayun dumapo sa ibang kandungan….( parang refrain na ito ng sawi kong theme song) banat parati ng bespren kong si Charlie (hmmp….etong isang ito sawi rin…hehehe).

Lipat kaya  ako ng Canada? Hirap non wala pa akong ipon…kahit show money man lang.  Magtayo kaya ng  business (show money wala nga eh) ….o kaya ???????…..hmmm dusa talaga…bakit kasi umibig pa…..ahhh alam ko na magpapari na lang ako! bow!

Mga berks happy valentine’s day na lang…(sa may gana pang) magcelebrate to the max!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

6 Responses to mga bulaklak na inanod na ( PART 2 ) – moving on

  1. blurosebluguy says:

    ay bojoy…hirap talaga ang dinanas ko…sa kakatingin sa kanya…ayan nagkasore-eyes tuloy ako……huhuhuhu….hikbi ulit….habang kumakain ng pansit….

  2. bojoy2001 says:

    hahaha…kadlaw ko simo manong ah…basta ah…nalingaw ko ya sang basa sang mga post mo..well….. thats life..ikaw kasi eh..pinakawalan mo ang dyosang kalapati..ayan tuloy ngayon tinititigan mo nalang sa kawalan..whahaha

  3. blurosebluguy says:

    hhahahahha…bahagi yan ng strategic writing (kuno)….mahirap na baka mabasa ng mga involved…..kilala kasi sila….showbiz ba..hahahahahah…thanks revsiopao.

  4. revsiopao says:

    Tumbling naman ako sa “Lovingly yours Helen” kapatid — nahahalata ang iyong edad. He he. Hindi na makaka-relate diyan ang Y and Z generation kasi MMK na ang inabot nila. Ha ha ha!

    Going back to your story…
    Naku, kung hindi masusing susundan ng iyong mambabasa ang iyong lab istori, tiyak maraming malilito kung alin ang PRESENT at PAST TENSE.

    Excited na akong mag-back read ng sequel nito. Go go go!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s