ang bestfriend kong si nonoy…

parang kailan lang ……..natatandaan mo noong tayo’y mga bata pa? Madalas pareho ang kulay ng t- shirt natin pag tayo’y nagsisimba, aattend ng party, mamasyal, minsan nga pati sa eskwela…bakit kamo kasi bago tayo umalis ng bahay…nagtatawagan tayo kung anong isusuot.

Para tayong hopiang kambal..ang saya di ba…noong nauso ang easy rider bike…ako parati ang angkas mo…natigil na lang yun…noong  binili na rin ako ng tatay ko. Eh yung kulitan natin sa ilalim ng bahay nyo…di ba doon natin binuo ang ating mga munting pangarap?

Ikaw may talent ka talaga sa music, kaya kahit bata pa pinag-aral ng piano, ako nag-enroll din, hindi dahil hilig ko kundi dahil sa dami ng komiks doon sa bahay ng ating music teacher. Ha hahaha kay daling lumipas ng mga panahon…ikaw noong huli kitang makita, aba doktor ka na pala ng bayan natin, may-asawa at mga anak.

Samantalang ako, siguro ito na talaga ang kapalaran ko, single forever! Sa pag-usbong ng mga panahon pinag-iba rin ng tadhana ang ating mga landasin. Kaibigan, heto pa rin ako, ang dati mong igan, mabait pa rin pero yun nga single pa rin. Mahirap talagang hanapin ang tunay na pag-ibig sa buhay na ito. Minsan sinabi ko, ay sa wakas natagpuan ko na rin…..pero ang totoo…natagpuan nya ako…pero ako ay may pusong salawahan pa rin…tulad ng dati…di ba sabi mo sa akin tumino na ako….’Igan…matino naman ako…dangan nga lang sadyang malikot ang puso ko…parang bubuyog na dapo ng dapo sa lahat ng mga bulaklak…

Hayaan mo…sa oras na tumino  na talaga ako…malalaman mo. Promise yan. Alam mo miss ko pa yung mga panahon na bata pa tayo…walang abalahin…walang palaisipan….walang commitment….panahon na puno ng saya…..tuwa…iyakan (oo nag-iyakan tayo noong nag-break kami ng gf ko, at ganun din ang nangyari noong nag-way kayo ng gf mo)….minsan sa ating kababawan naroon talaga ang dalisay na tanda ng ating tunay na pagkakaibigan.

Kaibigan, ang blog ko ngayon ay munting tribute ko sa ‘yo. Kasi di ko alam kung magkikita pa tayo. Morbid ko ‘no…hindi…realistic lang. Salamat kaibigan…hanggang sa muling pagkikita. kaibigan Siyanga pala, Bluguy na ang tawag sa akin dito sa blogsphere…pero ang tunay kung pangalan yun pa rin….at kailanman di ko babaguhin.

your bestfriend,

bluguy  totoy

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

10 Responses to ang bestfriend kong si nonoy…

  1. dFish says:

    Dumami ang ngiti ko sa part na to: “parang bubuyog na dapo ng dapo sa lahat ng mga bulaklak…” Bulaklak, oh, bulaklak…Likot lang talaga utak ko Blu…

  2. blurosebluguy says:

    ahahahah umamin ka na….balita ko ikaw daw ang next endorser nila..kasama si Pooh

  3. revsiopao says:

    ang sweet naman ni besfren totoy!
    ayos ‘yan. iba talaga ang ligayang dulot ng tunay at malalim na pagkakaibigan. parang san miguel beer lang. he he. {pramis hindi ako binayaran ng SMB dito. he he}

  4. blurosebluguy says:

    hindi naman ako babaero….sila kasi ang lapit ng lapit kahit alam nila di na ako pwede.,,,,nakalagay pa nga sa id ko…ang taong ito ay committed! bawal lumapit!
    nakita ko na…pero sya ang tumino sa sa akin…heheheheh.
    salamat kaibigang Jhyanee

  5. Jhaynee says:

    masaya talaga ang mga childhood bff… sila kasi ang kasama natin sa mga unang kakulitan at kalokohan…

    nakow! babaero ka pala… hehehe.. pero siguro hindi mo lang nakikita ang babaeng magpapatino sa yo.. hehehe

  6. blurosebluguy says:

    haaahhahha minsan masarap alalahanin ang ating kamusmusan….kasi lahat tayo inosenteng nakikilayag sa bagwis ng buhay…tenchu uli sa yo parekoy.

  7. flamindevil says:

    wow naalala ko tuloy ang bestfren kong si ryan nung bata pa ko.nag migrate sila sa US.wala na kong news after that.musta na kaya sya?

  8. blurosebluguy says:

    oo naman ….TOTOY ang itawag mo sa akin…ang lalaking walang pahinga! toinks!

    sarap alalahanin ang kamusmusan di ba? salamat muli, fren!

  9. anakngpating says:

    oh totoy kamusta naman hahahahaha,..i hope magkita pa kayo ng bisfrin mo doon hehehe..totoy na itatawag ko sayo hahaha,..kala mo ha…:D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s