bakit nasa bag mo ang puso ko!

sabi mo akin nasa bag para dala-dala mo  kahit  saan ka man magpunta..  para secured ba ………haler! owssss bola…mahilig ka talaga mangbola…ilan na ba kami na napinawala mo….si Rey (arkitekto) , si Pekto (konyo), si Almer (Doktor), si Benjie, (Basketbolista) si Maby (Panadero …opps tawag pala sa kanila ngayon ay chef!)…dami na pati ba naman ako isasama mo sa listahan mo.

noong una pa man, sinabihan na ako na paglalaruan mo lang puso ko..na tulad ng iba nasa bag mo lang…bitbit kahit saan..pero pwedeng iwanan at palitan pagnagsawa ka na……..hindi ako naniwala sa sabi-sabi…noong una kitang bag-at-heart1nakita para bang may spark kaagad…isang damdaming di ko maipaliwanag…marami na akong isinakripisyo dahil sa tangang pag-ibig na ito! Minsan nga nag-away na kami ng bes at mga barkada ko, kasi wala na daw akong oras sa kanila…tingin nila para daw akong asong nakabuntot parati sa iyo.

Alam ko naman yun, noong una pa man batid ko na  magkaiba talaga ang daigdig nating ginagalawan…minsan nga feeling ko nagmumukhang tanga ako pag kasama ko ang cirle of friends mo…kasi ba naman puro kayo konyo…ako simple lang na tao..simpleng pangarap at mababaw ang kaligayahan. Pero ito handang magmukhang tanga para sa iyo.

Sana lang wag namang pati puso ko ilagay mo lang sa bag mo!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

14 Responses to bakit nasa bag mo ang puso ko!

  1. blurosebluguy says:

    naku ikaw talaga butterflycollection, bakit ka di pumayag na original as in……hala fake din ang pag-ibig nya sa ‘yo!
    oo alam ko wlang tinda sa bangketa pero doon sa tindahan ng instik maraming fake kaya dun, mura….

  2. collezionofarfalle says:

    syempre naman original….original na fake!hahahaha!
    walang tinda sa bangketa ngayon, malamig😀

  3. blurosebluguy says:

    butterfly collection:

    hmmn..original ba naman yung bag….baka sa bangketa lang yan ha….isauli kaagad
    dapat kasama ka sa pagbili, bow!

  4. collezionofarfalle says:

    ahmmm…binili nya ako ng bagong bag. bow

  5. blurosebluguy says:

    ahahahah salamat sa madamdaming comment.(madamdamin ba naman).
    aba at may isinama ka pang ibang characters…..

  6. revsiopao says:

    Original kaya ang bag niya?
    Kasi dito sa malapit sa amin, nagkalat ang PRADA…
    “pra-pra-da” sa daan… binebenta ng mga kapatid nating “kulay hatinggabi” {gets?}.

    haaayyy buhay pag-ibig nga naman….

  7. blurosebluguy says:

    tama ka dyan, kapatid…pero paano mo ba mapigilan ang isang pusong umiibig. Alam mo dati pa, when i fell in love madalas mind ginagamit ko, pero nauuwi sa hiwalayan blues. Ngayon naman heart, pero kinawawa naman ako. hayyy pag-ibig talaga….salamat sa commment mong napakahaba.hahahhha

  8. Jhaynee says:

    mahirap mahalin ang mga taong ganyan…

  9. blurosebluguy says:

    hahahah tenchu ha! got to na…lunch time pa lang dito sa amin…

  10. anakngpating says:

    cge na nga hindi na sa bag sa mismong puso nalang (naks)

  11. blurosebluguy says:

    tama ka dyan, frend….pero dito malapit sa amin ,,,,andito ang center ng mga branded names…gucci….armani…valentino….etc. at nandito rin ang bentahan ng mga peke sa bangketa.
    Ako kung mahal mo ako ayaw ko sa bag ilalagay mo ang puso ko, kahit mamahalin pa ito…..

  12. anakngpating says:

    kahit naman sa bangketa lang nabili bag pa rin yun noh..mailalagay mo pa rin ang puso run at mas pwedeng pahalagahan kesa sa mamahalin at kung sakaling nabutas ang bag at di namanlayan ng tao na nawala na yung puso na nilagay nya dun..sayang nga lang noh hahahaha..

    p.s…wenks miss mo ko comment ko hahaha sige try ko every morning mag comment kung every morning din eh may entry ka heheheh..bluguy go boy..

  13. blurosebluguy says:

    bakit di mo gawin…karapatan mo yan…buti sana kung mamahalin ang bag….ang problem…nabili lang sa bangketa.

    do i know you? hehehehe

  14. collezionofarfalle says:

    nice blog bluguy…
    nakaka-inspire, parang gusto i-copy and paste at i-send dun sa alam ko kung sino…
    magising sana sya! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s