blu haws

may mga bagay na bumabalik sa aking alaala tuwing nakikita ko ang picture na ito, kuha siguro mga ilang taon na ang nakakaraan….ang tawag ko dito ay blu haws…so siguro by this time…..alam nyo na kung bakit ang name ko ay bluguy.

naaalala ko ang mga nakasampay dito, kasi mga gamit namin ito…namin? Gamit namin ng “kaibigan” ko. Sa umpisa housemate lang talaga kami. Noong una pa nga…puro batian lang …kasi mag-kaiba kami ng shift at tipo ng work. Masasabi natin na at that time pareho kaming committed sa mga dyowa namin. Kilala ko kung sino ang lab niya, at  nagkakilala sila ng lab ko ng minsan dumaaan ito sa blu haws . Masaya sa umpisa….kulitan pa nga noong nag-umpisang magkapalagayan na kami ng loob….kwentuhan sa mga ups and downs ng buhay…pati na yung mga pinagdaanan…..masasabi ko at home na kami  sa isa’t-isa. ……. Until one day, namalayan na lang namin…nag-iiba na ang turingan namin. Kasi naman sa mga pagkakataong dumadaan ang bawat isa sa mga personal na krisis, naging takbuhan namin ang isat-isa. Kala ko noong umpisa bes lang kami…hanggang isang gabing nagkatagpo muli ang aming mga tingin…mailap sa umpisa…pilit umiiwas….matagal na katahimikan……nakakabingi……

I LOVE YOU! binasag ng mga katagang ito ang katahimikan….walang sagot……kapwa iwas ang mga tingin……Shit nakakahiya……baka hindi naman nya ako mahal (usal ko….). Tigilan na natin ito….(sabi nya). Alam mo na sa umpisa pa lang mali na ito…..dapat kasi, noon pa…. umalis na lang ako…(dagdag pa niya)….kung mahal mo ako (sabi ko….)….bingi ka ba, maawa ka naman….may nasasaktan na tayo….pero eto  ka pa rin nagsasabing mahal mo ako….(banggit nya ,  at kasabay niyon ay dumaloy na ang mga luha sa kanyang mga mata…)…..impit na iyak sa simula….na nauwi sa hagulgol…..damang-dama ko ang pagkaawa sa kanya….pero kahit ako litong-lito na rin sa mga nangyayari…awa….mahal…pagpaparaya… pati ulan nakiisa sa amin sa gabing iyon……pagpatak sa umpisa mahina lang…nang di naglao’y…ibinuhos na nito ang lahat …..para bang inuubos nito ang lahat na naimbak sa mga nagdaang panahon…

umaga na naman ….unti-unting nagpapakita ang haring araw…parang nagpapahayag ng isang magandang pangitain……handa na ako…handa na siya…at sa huling pagkakataon….sabay naming binalikan ng tanaw ang blu haws….minsan ng naging saksi ng isang pagkakaibigan na nauwi sa iwanan…..sa pagsara ng pintuan ng blu haws…hudyat na rin ito ng pagsasara ng aming mga puso…….mga pusong handa sanang umibig at magsimula…dangan nga lang at pinagtagpo  sa maling panahon at pagkakataon..

blu haws….isang alaala ng isang bangungunot sa  nakalipas…sana lang sa muling pagbukas ng pintuan nito ….wala ng luluha  muli…..sana lang .bahay-na-blu

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

20 Responses to blu haws

  1. dFish says:

    Parang iba nga blu haws na ito sa kaka-post mo lang na blu haws? Hmmm.Blu haws=luhaan=solitude din kaya?

  2. blurosebluguy says:

    sino pa di ako……parati naman wala ang housemate ko..heheheheheh gala kaya yun!

    salamat sa iyo: koleksyonista ng mga paru-paro

  3. collezionofarfalle says:

    ahmmm….nung umulan….sinong nagsilong ng sampay????

  4. blurosebluguy says:

    hmmm ..mga ilang taon pa lang ang nanaraan…..
    jhaynee ang saya ng lavlayf is what you make it….kahit may sakit na dulot ito…masasabi mo pa rin nagmahal….alalahanin mo na lang ang mga masasayang kabanata,,,and draw lessons from the pain the love brings….

  5. Jhaynee says:

    kelan ba nangyari ang bluhouse incident na ito? tsk tsk tsk…

    ansaya ng love stories mo ano?pwede mo na tong pagkakitaan.. hahaha

  6. blurosebluguy says:

    tenchu very much..kaibigang ikay….in the future pag nagpagawa ako ng haws…gusto katulad nito…..

  7. akosiikay says:

    hangcute nung blu haws…astig!

  8. blurosebluguy says:

    oo ba….kayang ibang language ha….hirap kaya magjoke…alam ko tagalog an joke!

  9. anakngpating says:

    sige na nga sige na hehe…
    anjan k pala sa europa sosyal hahaha…
    dalin mo naman ako jan joke heheh…
    kahit sa maleta na lang ako hehe…toinx..

  10. blurosebluguy says:

    hhahha..

    una, ….. second blog ko lang ito, pero doon sa isa…dalawa lang post….kasi nga di pa ako convinced…nainspire lang talaga noong mabasa ko ang mga blogs ni revsiopao…

    pangalawa, wala ako sa Pinas. sa Europa ako nakatira. so, medyo di ko pa feel….hahahaha…..hobby ko lang siguro ito….therapy ba!

  11. anakngpating says:

    bakit kaylngan pang pag isipan go na agad hehe sayang yung opportunity eh my blog ka na dati pa pwede ko bng puntahan? hehe

  12. blurosebluguy says:

    salamat…lovely (daw oh)! Di ko naisip yun ah…joke lang …sa katunayan…ngayon lang uli ako nagsusulat…dati na sa college…pero di ko naman sineryoso…hayaan mo pag-iisipan ko (aba’t at talaga naman…pag-iisiapn daw oh!).

  13. anakngpating says:

    lupet nmn nito
    wala akong masabi bkit nga hindi k gumawa ng pocketbook pwedeng pwede eh ang galing hehe…akala ko tuloy ako yung nagsasabi ng m,ga katagang mahal kita (naks):)
    hahaha kip it up…

  14. blurosebluguy says:

    salamat Red. ramdam na ramdam ko nga eh. Alam ko naman na at the end of the rain…minsan nga may rainbow….

  15. HI mukhang kasing dilim nga ng background mo ang iyong kasalukuyang sitwasyon a, whewwww ramdam na ramdam ang pamamanglaw.

    Remember pagtapos daw ng ulan e…. baha hahaha. anupaba! di kunwari rainbow. Cheer up!

  16. blurosebluguy says:

    submit kaya natin kay ate charo….baka pwede ng ipatayo ng munting kapilya mo rev.

  17. blurosebluguy says:

    salamat bro .hahahaha sige nga pag nakaluwag ka. ok hey kala ko ba tulog ka na? wag mong sabihin nagsusunog ka ng kilay. hahahahha

  18. revsiopao says:

    Pahabol: Parang nai-inspired tuloy akong gawan or pagawan ka ng new header. Just tell me… ‘Pag nakaluwag ako, I’ll help you out. Cheers!

  19. revsiopao says:

    Naku, magandang title ito sa MMK: “Blu Haws”. Panalo!
    O ako ang nag-suggest niyan ha. ‘Pag sumulat ka kay Ate Charo at kumita ka, don’t forget my balato ha. He he!

    Mag-partnership kaya tayo? Sulat ka ng pocket book series. Tapos, ako ang manager mo at co-publisher? Watchatink?

    Inspired ka talaga parekoi.
    10 minutes lang akong nawala, pagbalik ko may post ka na ulit.
    Kudos!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s