ikalabing-apat ng Pebrero 2009

sa araw na ito, ipinangako ko sa aking sarili….pass muna ako. Ang hirap makipagsabayan sa karamihan. Ang mga restaurants, motel, gimikan, kahit na ang mga sinehan nagmumukhang isang mega-palengke. Kaya, sabi ko pass muna…walang date (s).

Pero ang totoo, matagal kung plinano ang araw na ito kasama ka. Irewind nga natin…..parang teleserye pa rin na pilit bumabalik sa akin ang mga eksena three days ago. Sabi mo…” I’m leaving you…for good! Bye.” Hindi nangyari na magkaharap tayo, sa telepono lang. Takang-taka ang mga kasamahan ko kung bakit tumulo na lang ang luha ko, matagal akong naging tulala….( sabi nila 15 minutes daw…talaga namang inorasan pa ako).

Nangmahimasmasan na ako …..naisip ko…ito na ang araw na kinakatakutan ko. Ang araw na iiwan mo na ako. lungkot Batid ko ang dami ko nang kasalanan sa iyo. Pero umasa pa rin ako, kasi sabi mo, kailanman di ka mapapagod na mahalin ako. Umasa ako, pero tulad ng maraming kuwento ng pag-ibig, kailangan rin palang magtapos ang mga ito.

Alam ko kasalanan ko…pagod na rin ako…sa mga indescretions ko sa iyo….late sa date…minsan nga di pa sumisipot….sinungaling (congenital pa nga sabi mo minsan…aray ko!)….babaero (slight lang naman)….etc…..ang haba naman ng litanya mo sabi ko sa iyo minsan……sabi mo kulang pa yan! Hintayin mo isang araw ibibigay ko sa iyo ang listahan. Pero yung pangako mong listahan di mo na naibigay kasi tuluyan mo na akong nilisan (umasa pa!).

Kaya heto ako, bakante ngayon sa araw na ito….ikalabing-apat ng Pebrero 2009

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

17 Responses to ikalabing-apat ng Pebrero 2009

  1. dFish says:

    Tumawa ako sa mga INDISCRETIONS Blu…Hahaha. Hindi ko maalala ang sa akin hahaha…

  2. blurosebluguy says:

    revsiopao…sori kasi ..alam mo na artist (kuno)…at nagkataong inspired ako hehehehehehehe…kaya tuloy sandamakmak ang entry ko

  3. blurosebluguy says:

    hindi nga kasi naman absent ko tuwin mya klase kami kay ricky lee at oo tama ka ika-dalawang libo at siyam….hahahahh salamat ha

  4. revsiopao says:

    ay salamat… natapos din ang pag-back read ko. kapagod!
    hinay hinay naman sa pagsulat kapatid.
    sa dami ng bino-blog hop ko… pagbalik ko dito palaging nag-uumapaw na ang entries. he he. {‘di naman ako demanding ‘no?}

    god bless!

  5. revsiopao says:

    ayan ka naman kuya bluguy…
    mukhang pinaghalo mo na naman ang PAST at PRESENT tense ha.
    nag-workshop ka ba kay ricky lee ng creative writing? he he.

    happy puso day! {isama na natin ang apdo, balun balunan, atay, lapay, etc.} MABUHAY ang mga SINGLE!

    pasingit nga pala:
    2009 – ‘di ba dapat (ika)dalawang-libo at siyam?

  6. blurosebluguy says:

    siguro, we should accept the fact na ganyan talaga ang buhay..mapaglaro…dapat lang siguro matuto tayong makipaglaro dito. salamat kengkay

    flamindevil salamat sa add ..

  7. kengkay says:

    am sure naka move on ka na ng konti esp since malapit na matapos ang balentayms.

    ako din may mga ganyang karanasan, kapag may darating na okasyon e parating dun ako nawawalan ng BF, takot sigurong mag regalo, hehehe

  8. flamindevil says:

    hala hindi ko alam yang lugar na yan.hehe

    add kita sa flamindevil’s angels ko ha,para hindi na ko mahirapang magpabalik-balik dito. :p

  9. blurosebluguy says:

    sori..bago lang ako sa blogsphere magpapaturo pa nga ako sa kaibigan ko about certain features na nakikita ko sa mga blogs nyo…..
    ang break-up walang timing yan…eh sa dumating sya, eh. dusa talaga ..hhuhuhuhuhuhuhuhuhuh. Pramis I have to move-on…..huhuhuhuu

  10. Jhaynee says:

    sobrang timing naman ng break up na ito at malapit na ang valentines day.. haaay..

    buti naman natagpuan kita dito.. adik ka kasi.. di ka nag.iwan ng link sa site ko.. hehehe…

    pero happy vday pa rin sa yo… malamang marami kang natutunan sa sarili mo at sa mga bagay2 sa buhay mo…

  11. blurosebluguy says:

    hahaha thanks parekoy…sige, balitaan kita…thanks talaga sa pagdaan. Nakarating na rin pala ng Malaysia sa Plentong ( sa isang convention na i attended), pero di ako duman sa KL, sa Singapore daan namin, kasi mas malapit.

  12. flamindevil says:

    ayan nakadaan na ko as promised.yipee

    sad naman to.im really sorry to hear this parekoy.

    well, it’s either you become bitter ot better di ba?

    happy vday sating mga single.pero balitaan mo kami pag double ka na ulit ha.hehe

  13. blurosebluguy says:

    hmmm …love that name….sounds lovely..hehehhehe…
    o ano inday lovely…hhahahha

  14. anakngpating says:

    by the way im lovely oh db ang nice ng name ko (kapal ko noh pag bigyan mo na minsan lang) wede mo na rin ako i add sa ym heheh here’s lovely_damnhype@yahoo.com hehe…wah inday totoy tlga..

  15. blurosebluguy says:

    ikadalawang daan at siyam…kala mo ha!
    hahahahaha…masaklap pala ng sa iyo….isang oras…sobra naman yun! tama na ang 15 mins na pag-emote….di ko pala nasulat sa blog….may background music yun…habang emote me…I will always love you….( yung famous song na Inday…..inday will always love you…huhuuuuuuuuuuuuuuu……)salamat …ano pala name mo…saklap kasi anak-ng-pating pakinggan di koay isulat …ang haba……….

  16. anakngpating says:

    tagalugin mo nga yung 2009 hehe…
    ako di ko kaya kaya wag mo na rin ipagawa sakin kaya nga hindi ako pumasa sa hazing ng tau gama phil (hindi to totoo pautot ko lang to heheh)anyway my way kaylan ba kayo nag break nung isang araw lang ba 15mins na tulala sandali lang ako isang oras hahahahahahah…masakit sa leeg pramis..maluluha ka talaga hindi dahil sa nalulungkot ka heheh toinx..:)dahil sa mahapdi na yung mata ko hahahahah..:D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s