anghel sa lupa

sabi nila ang mga anghel daw ay naninirahan sa lupa…nakikisalamuha sa mga tao…nakikibaka rin sa buhay na ito kasama natin….hindi upang mapabuti ang kanilang buhay kundi upang tulungan tayong mga tao…

mukha ngang totoo ang kwentong ito…minsan ko na rin kasing narinig ito sa lola ko. Pero ang totoo..may nakilala ako…isang tunay na angel na walang pakpak at ang paa nakasayad sa lupa. Si Ana. Paano nga ba nagkrus ang aming mga landas. Ah, oo si Ana at si Danna. Si Ana ay isang paslit na nagbebenta ng bulaklak malapit sa aming opisina. Maaga kasi pasok ko , kaya madalas nakikita ko si Ana, bitbit ang kanyang mga bulaklak: may roses, sampaguita, daisy at minsan may mga orchids din lalo na kung may order sa kanya. Dati naman, wala talaga akong hilig sa bulaklak. Hanggang isang araw nakilala ko si Danna, bagong lipat sa department namin. Ang tipo kong babae…nasabi ko sa aking sarili………. balingkinitan ang katawan, long hair at may ngiting sadyang nakakaakit. Friendly si Danna, kaya nagkapalagayan kaagad kami ng aming mga kalooban . Ika nga ako ang unang naging kasangga nya sa opisina. Kuya…madalas tawag nya sa akin (hindi dahil matanda na ako…two years lang ang gap ng age namin (totoo ito ha…never kung dinagdagan ang edad ko, peks man) …kundi dahil kamukha ko raw ang kuya niya (ganun?).  Owwss…sabi ko minsan, siguro sinasabi mo lang kamukha ko kuya mo para di kita ligawan dyan.  Noong una nakikisakay  lang ako..pero noong bandang huli…namputsa namang buhay ito oh….paano ‘to…paano ko sasabihing umiibig ako sa iyo kung ang tingin mo lang sa akin ay kuya mo?

Enter si Ana sa kwentong ito. Ana …sabi ko sa kanya isang araw…magkano ba ang isang roses…tanong ko….5 pesos po isa, yung malilit naman 3 pesos po…..bilang kaagad ako….3 x 24 equals….ahhhhhhh ……72 po sambit ni Ana…..galing mo kid  ah…..o sige bibigyan kita ng 80 pesos …..araw-araw, tuwing papasok ang ….nakikita mo ba ang babaeng yun…..yun huh.. (sabay nguso)…Danna ang pangalan nya…ibigay sa kanya ha … from monday to friday sa loob ng isang buwan…pag may magandang nangyari…..may bunos ka kid…ok kuya….salamat!

May daily report ako kay Ana….para palang reporter ang batang ito….ang hilig magtabil…pero ok na rin at least alam ko ang sinasabi ni Danna tungkol sa akin. Alam ni Danna na sa akin nanggagaling ang mga bulaklak…hindi naman sya nagalit….minsan nahuhuli ko ngang patakaw kung sumulyap sa akin…bakit ko alam …eh may salamin kaya….Isang araw nagulat na lang ako nang maratnan ko ang isang sulat sa table ko..tingin agad ako sa table ni Danna…hmmm nandoon na sya…pero di nakatingin…..Pumasok muna ako  sa cr hindi para umihi kundi para basahin ang laman ng sulat….HOY LALAKE….ANG TAGAL MO NG NAGBIBIGAY NG BULAKLAK….KUNG MAHAL MO AKO…EH DI KAUSAPIN MO AKO…ALAS SAIS SA JOLIBEE -MEGAMALL. xxxx

Patay sabi ko…mukhang mapuputol na ang hapiness ko…..di ko malaman kung tutuloy ako sa loob ng jolibee (una kasi….konti lang pera ko, actually pamasahe na lang ….kasi ba naman sa pagmamadali ko kaninang pumasok sa opisina …nakalimutan kung kunin ang 500 pesos ko sa kabilang wallet….dusa talaga…ngayon pa…). Pero nakakahiya naman…hmmmm buti na lang naka-order na siya…lusot sabi ko….Order ka na…sabi nya…ah …eh busog pa ako…

Pagkaupo na pagkaupo ko …..Tingin ka nga sa akin (dare niya)….bakit? (sabi ko)….Ikaw ha…di ba sinabihan na kita…..(medyo mataas ang kanyang boses)…sori na….eh ano eh…..(halatang takot ako)…eh ano ka dyan…hhmmmp! (sabay irap)….kasi …..paaano ba ito…(nakatingin na ako ngayon sa mesa)…kasi I LOVE YOU TALAGA!……yun ba?…(naku galit na yata)….bakit naman…….bakit ang tagal mong sinabi yan…alam mo tagal ko kayang naghintay….buti na lang si Ana…parati nyang sinasabi sa akin na mahal na mahal mo daw ako….na ngayon ka lang daw talaga nagtiyagang magbigay ng bulaklak araw-araw……na ni minsan daw di ka nya nakitang may kasamang babae…..sabi ko na nga unang tingin ko pa lang sa iyo…kaya nga sinubok na kaagad kita…anyway, nakapasa ka……(sa litanyang ito ni Danna..ni hindi na ako nakasingit pa…tango lang ako ng tango sa kanya…Yun ang araw na pinakamasaya sa buhay ko…ang sagutin ako ni Danna.

Maaga pa lang. Nakahanda na ako. Bitbit ko na rin ang sinabing bonus ko kay Ana. Actually kahit di naman nangyari ang sa amin ni Danna…meron pa rin syang bonus sa akin…Si Ana kasi ang turing ko parang kapatid ko na….Minsan nga nakalimutan ko na  ang original na reason ko kung bakit ko sya hinahanap tuwing umaga, Kasi habang nagtatagal yung aming kwentuhan tuwing umaga…ay lalo kung nakikila si Ana…ulila….nakikitira lang sa isang biyudang matanda…pero pilit na tinataguyod ang kanyang buhay….tinda sa umaga…aral sa hapon…tinda na naman ng gulay sa palengke pag-uwi galing sa eskwela. Ilang taon lang ba siya…ten? Pero sa murang edad kala mo matanda na sa pananaw…eh kuya…ano naman ang gagawin ko….eh di tulungan sarili ko…ayaw ko ring mamalimos na lang sa lansangan…ito si Ana…wala mang halaga sa tingin ng iba, pero sa akin….mayroon syang kakaiba…minsan nga nasabi ko…. bata pa ba ang kausap ko?

Ang aga ko mag-seseven pa lang…Bakit kaya wala si Ana?…..lumipas ang 30 minutes , pero wala pa ring ring Ana. Blu….Blu…boses ni Danna yun ah…..pagharap ko si Danna nga…bakit siya umiiyak?…..Blu..si Ana…nabangga kanina….DOA (dead on arival)…… Ha….si Ana……si Ana…Noon lang ako umiyak sa harap ng babae…..girlfriend ko pa naman (dyahe nga eh)…hindi ko alintana ang mga taong dumaraan..at unti-unti na palang nakikiusyuso  ( kawawa naman…..nagbreak sila?….oo…nga kawawa naman yung lalake…(mga tismosa talaga nga naman…ang pinoy kung hindi uzi..tmimozi pa!).

Si Ana na tinuring kong anghel sa lupa wala na.

diapositiva9 Sabi nila ang mga anghel daw ay naninirahan sa lupa…..nakikisalamuha sa mga tao…..nakikibaka rin sa buhay na ito kasama natin…..hindi upang mapabuti ang kanilang buhay….kundi upang tulungan tayong mga tao.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

23 Responses to anghel sa lupa

  1. tuutuukii says:

    hehehe……

    may mga ganoong pagkakataon Koya Blu…

    na ngayon hindi mo alam pero maya maya lang may naiisip ka na na ito pala iyon..

  2. blurosebluguy says:

    dear 22k,

    may mga tanong na mahirap sagutin sa ngayon…ipagbukas mo kaya….baka meron na..hehehehehehehe

  3. tuutuukii says:

    anong nangyari sa ating buhay bago mag-ending? —> ito iyong pinakagusto ko ditong sagutin…

    pero hindi ko naman alam ung sagot…
    😀

  4. blurosebluguy says:

    tenchu very much kapatid…sa appreciation mo…maganda sana kung magpadala ka ng ice cream para makapagcelebrate sa bagong retokeng mukha ng aking blog….
    huh! ano ba yan …kahit blogspace ko na Vicky Belo na!

  5. anakngpating says:

    wow bagong theme hehe….nice2 hays sige na brother totoy…heheh

  6. blurosebluguy says:

    wow! galing mo mareng kengkay…..bilib naman ako sa sinabi mo..

    anghel sa lupa…iiwan ang katawang lupa …para magkapakpak!

    genius ka…

    mataman ka lang magmasid…kasi dumadaan sila araw-araw sa buhay natin…..

    salamat …..kaibigan!

  7. kengkay says:

    kinilabutan naman ako sa kwento mo. pero tunay ka, maraming anghel dito sa lupa, at minsan, kailangan nilang iwan ang katawang lupa nila dahil kailangan na nilang mabigyan ng pakpak, at ganyan ang nangyari ay ana.

    e musta na si danna? ;D

  8. blurosebluguy says:

    salamat kaibigang ikay…tama ka dyan…instruments nga sila ni God para ipakita sa atin ang kahulugan ng ating buhay.

    hindi ganun karami ang mga babaeng naugnay sa akin…sa iba kong kwento sila-sila pa rin yun…iniiba ko lang ang panahon at twist para di nila mahulaang sila pala yun. hula ko kasi..(hula ko lang)…ang isa ay nandito rin sa site na ito.

    salamat muli…..

  9. akosiikay says:

    masakit tanggapin ang nangyari kay anna…pero baka nga ginawa lng syang instrumento ni LORD para sa inyo ni danna…maari ngang isa syang anghel na ipinadala sa lupa pra maging tulay ng pagmamahalan nyo ni danna.

    pero pansin ko lng noh para yatang andaming babaeng ngdaan sa buhay mo???hehehehe!

  10. blurosebluguy says:

    ahahahaha..ayaw mo yata na tawagin kitang lovely angel….well, tama ka dyan marami dapat tayong ipagpasalamat sa KANYA. ayan…parang gusto ko na tuloy magdasal.

  11. anakngpating says:

    hehe asust nang uto pa si totoy oh hehe joke lang /.tlaga lovely angel mo hehe..mukha naman tlaga kong anghel hehe (kapal) btw hays lahat naman po pinagsasalamat ko eh hehe lalo na sa mga blessings na naiibibigay nya sakin salamat na rin sa mga pamilya k dito:)

  12. blurosebluguy says:

    maraming salamat brotherutoy,
    bahagi ng aking karanasan sa buhay ang mga tulad ni Ana…anghel sa lupa…pero higit sa lahat, ang natutunan ko ay hindi doon sa tragic ending ng buhay nya, kundi kahit ako pala, pwede ring maging anghel sa lupa. ang buhay kasi talaga namang may ending….pero ang tanong ay hindi nasa ending …..kundi anong nangyari sa ating buhay bago mag-ending?

    https://blurosebluguy.wordpress.com

  13. blurosebluguy says:

    salamat parekoy na flamindevil….maraming katulad ni Ana…tama ka…pero minsan ang tingin lang natin sa kanila pang I-witness…tingnan mo kaya sa pamamamagitan ng ibang uri ng mata……may makita ka kayang kakaiba?

  14. brotherutoy says:

    bloghop!

    ang galing naman ng istorya. nung bandang ending nga lang eh parang nararamdaman ko na kung paano nagtapos. haaay… at least nagawa ni Ana ang kanyang dakilang misyon, ang maging kupido nyo ni Danna. teka, ikaw ba yung naka-first person sa kwento?

    yung lovestory, naalala ko tuloy si Tom Hanks sa movie na Terminal nung gawin siyang tulay ng isang latinong forklift operator para mapalapit sa isang bombshell na customs police. kilig!

  15. flamindevil says:

    true story ba ito?wow ka touch naman.kaya lang tragic ang ending para kay ana. naalala ko tuloy yung mga batang napapanood ko sa i-witness.wala silang choice kundi buhayin ang mga sarili at pamilya nila.haaaayy.

    musta naman si danna?

    btw,ang ganda ng story.palakpakan. :p

  16. blurosebluguy says:

    hahaahaha…uy tampo…sori po talaga….as i progress with my blog…u will know more about her. Uy…salamat ha….
    siyanga pala….baka makakita ka ng mga katulad ni Ana…though di exactly the same ang kwento sa buhay nya …malalaman mo rin yan…kasi kakaiba sila….magpasalamat ka sa Diyos kasi pinadalhan ka nya ng anghel della guardia…..tulad mo pag nakikita kita sa comment section ng blog ko…sabi ko madalas…Lord, salamat sa anghel na pinadala mo….kaya tawag ko sa iyo…LOvely Angel!

  17. anakngpating says:

    hmmmm sige wag na nga lang huhuhuhuh…gusto ko lang naman malaman di wag hehe huhuh…ate lovely ka jan …parang ang tanda ko sayo heheh…

  18. blurosebluguy says:

    ako rin kinilig …di ko akalain na hanggang ngayon nandoon pa rin ang kilig! brrrr….lamig ah.
    but kidding aside..tulad ng opening at closing lines sa kwento..ang katulad ni Ana…ay tunay na anghel sa lupa…pinababa ng Diyos para tulungan tayo…ako..para siguro pahalagan ko ang lahat na meron ako….at lahat nang taong nagmamahal sa akin…malalim para sa akin ang kwento ni Ana…kaya sa susunod na may nakilala katulad nya…..tingnan mong mabuti baka ito’y isang anghel na pinadala sa yo para tulungan ka….
    salamat kathy…ikaw din ay anghel na pinadala sa akin ng Diyos sa araw na ito.

  19. blurosebluguy says:

    dear ate lovely,
    ganda naman ng mga reflection mo…kaya lang…uzi ka rin naman, noh. move-on ka dyan..hahahaha. beh di ko sasabihin sa yo..abangan mo na lang ang mga sussunod na kabanata…..owssssss.

  20. kathy says:

    blog hop lang po mula sa bahay ni rev.siopao

    kinilig po ako sa love story nyo kuya,pero nung sa part na sinabing DOA na si ANA kinilabutan po ako pramis..kakaawa nman si ana.
    kung sino pa ung nagsusumikap sa buhay sya pa talaga ung kinukuha agad ni JC(Jesus Christ)..

    siguro para ndi na rin sya masyado mahirapan sa pakikipaglaban sa buhay kaya kinuha na rin sya ni JC.kase sa edad nyang yun sya na ung bumubuhay sa sarili nya,kakabilib talaga ung mga ganung tao..

    @ANA:kung san ka man sana may u rest in peace,we know na u already with HIM.

    sencia na po haba ata ng comment ko,madali po kase akong maapektuhan ng ganitong story eh.

    god bless po^^

    exchange link po tayo kuya
    hhtp://chicksykat.wordpress.com

  21. anakngpating says:

    wow nakakabilib ang batang yan..sayang nga lang at kinuha sya ng maaga ni lord bakit nga ba ganun noh kung sino pa yung alam mong mababait sila pa yung unang nawawala hays…buhay nga naman tlaga…
    ah teka no na nangyari senyo ni danna sknya ka ba hindi naka move on agad hehe..uy chizmosa ako eh hehe…:)

  22. blurosebluguy says:

    hahahahah..kaya ang title “anghel sa lupa”…ang buhay pag-ibig may kasamang din yang mga ibang karakters…isa na si Ana dito….

    asan ka kanina, aber? wala ka sa v-party

  23. revsiopao says:

    Kinikilig pa naman ako sa simula…
    Sabi ko: Wow ang romantic naman ni pareng Bluguy!

    ‘Yun pala, sad ang ending… Haayyss….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s