si stormie at si luc

kwentong aso….yan ang topic ko ngayon sa  araw na ito…..pero unahan na kita kaibigan…sila ang tinatawag kong mga aso ng pag-ibig! meron pala nun! Meron, bakit naman wala….kasi nakaugnay sila sa dalawang kwento ng aking pag-ibig.

Si stormie (chinese sharpei ang lahi nya) at ang unang kong  pag-ibig….ehem…alam nyo na…..na-inlove ang kuya nyo…todo….paano ba nangyari  ito? One day nasa labas kami ng bahay namin at kinakausap ko si stormie ….sabi ko sa kanya…sa mga babaeng magdadaan….sino sa palagay nya ang magiging una kong girlfriend…..katuwaan lang…pero sa araw na iyon …tahimik lang sya …walang kahol…aba sabi ko naiintindihan nya…..sa loob ng isang linggo…ganun nga ang ginawa naming dalawa…pero ang stormie dedma lang…hmmp sabi ko sa kanya…kala ko matalino ka…..waaahh! Bahagi na ng exercise nya ang mamasyal kami sa park ng aming subdivision…..isang araw bigla na lang tumakbo ang stormie , kaya tuloy pati ako napatakbo sa direkyon nya….oppps…kaya naman pala….may isang babaeng aso na panay ang rampa..kaya itong si stormie nakiporma…sabi ko tuloy hmmp buti pa sya, may nakita na! Tulad ng ibang kwento ang  dulo ng pisi ng aso ay  tao…..Janice , yan ang name niya . Siya ang una kong girlfriend.

Si Luc naman dumating sa buhay noong nasa college na ako. Noong una ayaw ko sana…kasi  malaking aso….golden retriever naman ang lahi niya. Pero noong magtama ang aming mga mata para bang sinasabi nya …sige na, isama mo na ako….so, ano pa nga ba….protesta nanay ko, nun! Alam nya kasi dagdag budget na naman. Pero sabi ko sige na po….pa-birthday nyo na lang sa akin……ako pa…hilig ko kayang maglambing sa nanay ko…kaya hayun pumayag na rin.

Available ako ng mga panahong iyon….wala lang…..reason ko….ang love sagabal lang sa carrer ko ..este, sa pag-aaral ko….kung sabagay buhos naman talaga ang loob ko sa studies….at nasabi ko pa …mabuti pa si Luc na lang ang mahalin ko ..at least di demanding…hindi magpapasundo…at magpapasama….hindi hihingi ng date….hindi mangungulit kung nasan na ba ako….kung kumain na ba ako….kung sino ba ang mga nakausap ko…Hay, minsan nga di ko malaman kung ang mga gf sadyang may lahing reporter. Kasi feeling  ko, kailangan alam nila ang lahat ng ginagawa mo …yun siguro ang ibig sabihin sa lahat ng ending ng sulat at text nila..tc coz i c (take care coz i care)….ayun nagki-care, kaya dapat alam nila details ng life mo .  Sabi ko never na akong maiinlove again sa mga babaeng parating may ending na dialogue na  ganito.

maraming bisita sa bahay noong dumating ako…..ahh ooo tanda ko na  birthday pala ng tatay ko nun…Blu…ito si …… pinsan ko…sabi ng bestfriend ko….biglang lingon ang babaeng kanina pa hagod-hagod si Luc….wow sabi ko ok sila ni Luc…..at ang ganda ha….siya si Carmela, ang babaeng ang ending sa text at sulat ay…tc coz i c…. naging girlfriend ko….binali nya ang lahat ng  prinsipyo ko pagdating sa pag-ibig….kaya hayun…stormie-at-luchindi natatapos ang araw na walang ending na ganito….beep!  beep!   beep! ……..

                                                               Babe, tc coz i c.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

8 Responses to si stormie at si luc

  1. blurosebluguy says:

    dear revsiopao, kung ako ikaw aba mag-alaga ka na rin ng aso…heheheheh…

  2. blurosebluguy says:

    igan jhaynee..try mo lang…malay mo dahil sa aso swertehin ka sa luvlayf mo….salamat ulit pa comment….

  3. revsiopao says:

    wow T.C.I.C. ang drama ng aking kaibigan! woo hooo!

    talented ang mga naging aso mo… may lahi ni kupido… expressway ng pag-ibig. he he.

  4. Jhaynee says:

    astig talaga yang mga asong yan at nagiging daan sa isang love story… magkaroon na nga ng aso… hehehe…

  5. blurosebluguy says:

    hahahha maraming salamat sa iyo kaibigang ikay…welcome din dito…ako bago rin…wala pang one week….ngayon lang ulit nagresume magsulat..isang bagay na dati ko nang ginagawa noong nasa college pa ako…

  6. akosiikay says:

    gnun tlga pag lab ka ng isang tao maraming tanong…hehehe
    newbie po, i like reading your post ang deep prang ocean deep..hehehe

  7. blurosebluguy says:

    hahahahah..oo naman…salamat sa comment. Alam ang mga aso kasi loyal friend yan noh…alam nila pag masaya ka at pag may problema. subukan mo kayang mag-alaga

  8. anakngpating says:

    naks naman love ko na rin si luc at stormie hahahahah…
    hilig mo pala ang aso noh hehe ako hindi mahilig eh hehe…(konek)
    babe tc coz i c hanep sa banat ng mga gels mo ah hehe hanggang tc lang ako walang care hehe (kunwari lang)hahahahah..namiss mo ko noh hehe…toinx…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s