huling yapak

kuya blu…bili ka ulit ng bulaklak……eto o….gusto mo….50% discount, pauwi na kasi ako….sige na po….bili na po kayo…wag muna ngayon Ariana, kulang budget ko eh….magbabayad pa ako ng mga bills namin sa bahay. Kahapon nga naputulan kami ng ilaw…..tapos eto oh……..ay! oo nga kuya blu…ano yang resibo na yan…ah eto hospital bills ng nanay ni Danna. Naawa na nga ako sa kanya, ayon di pa rin matigil sa pag-iyak…bumaba lang muna ako ….kasi  pati ako napapaiyak na rin….dusa talaga bakit kasi nagkasabay-sabay pa ngayon.

Ang kawawang Danna, mahirap rin pala ang nag-iisang anak….walang katuwang sa problema…ngayon pa naman sana na kailangan nya ang tulong ko, dangan at nakisabay pa itong personal kong problema. Hirap talaga!….. Noon, pag may personal na problem ako, ang dali lang lapitan ni Danna, andyan lang lagi siya…handang makinig, makisimpatiya at higit sa lahat sa anumang pagkakataon madaling utangan. Ngayon, dapat ito na sana yung time ko para damayan siya…pero wala eh…hindi eh…..kahit ako dapang-dapa na rin. Nakakahiya talaga…. na ang mahal ko di ko man lamang maaalalayan ng husto.

Kuya Blu, sige na po kahit itong isang tangkay na lang…o sige na nga…kahit 10 pesos na lang….may pambili man lamang ako ng noodles ngayong tanghalian. Ariana, please lang noh…pwede ..iwanan mo muna ako….mag-iisip isip lang ako ng paraan….Kuya……..sabing wag makulit eh….kasabay nito ang pagtulo ng luha ng bata….damang-dama ko ang kanyang  kalungkutan  na nararamdaman sa aking pagtanggi…. at kahit halos na mamalimos siya ng awa gagawin niya talaga yun. Paano ba ito….ang isip ko ngayon ay nahahati sa dalawa kay Danna at kay Ariana. Tiningnan ko ang aking wallet….three hundred pesos na lang ang laman…God, …sa makalawa pa ang sweldo namin…paano ‘to? Kung gaano kalakas ang hikbi ni Ariana kanina lang …parang ang bilis itong napawi…..manaka-nakang singhot na lang ang naririnig ko……Ariana…Ariana…po…kuya…..ah kala ko umalis ka na….di po …..andito lang po …….. iniyak ko na lang po ang problema MO….kasi ito lang po ang paraan na matulungan kita ….ang makiiyak sa iyo………

Noon ko lang napagtanto, ang concern ng batang si Ariana…di na nya inisip ang sariling problema datapwat inuna pa nyang makiramay sa problema ng iba….kakaiba talaga ang batang to……tahimik akong bumuntong-hinnga at iniabot sa kanya ang 30 pesos…. Oh ayan bibilhin ko na…. at may bunos pa yan  ha! Salamat po kuya! Masayang inihakbang ni Ariana ang kanyang mga paa…..malamang sa sari-sari store ang target nya. Nabunutan ako ng tinik…nakadama ako ng kakaibang kasiyahan sa mga pagkakataong iyon. Alam ko na di pa nagkaroon ng kasagutan ang aking problema…pero damang-dama ko ang paggaan ng aking dinadala….isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at sabay sambit ng pasasalamat sa Diyos…..Kahit ako rin, tulad ni Ariana ay magaang hinakbang ng aking mga paa ang daan pabalik kay Danna. 

Andoon pa rin si Danna…mugtong -mugto na ang mga mata……..maya-maya’y parang naging turuan ang aking mga mata…..luha nito’y tumulo na lang sa harap nya……bakit ka umiiyak…tanong ni Danna…..Kasi, ito lang ang paraan na makibahagi ako sa iyong dinadala….hinding-hindi kita iiwanang mag-isa…kasi mahal talaga kita…….

Blu!  …..Blu! …..Blu!  …..hmmmm….Blu ano ba! gising na tanghali na ah!  …may pasok ka pa hoy! At ano naman ang dahilan na kahit panaginip mo’y humahagulgol ka diyan. Nanay ko ang nagsasalita. Si Danna tumawag, pakidala daw ng kotse mo at mamayang hapon susunduin nyo raw ang nanay sa NAIA….sus, galing pang US yung nanay, ah……ay sa wakas makikita ko na rin ang aking magiging balae…..at yung ibang sinabi pa ng nanay di ko na naintindihan…..kasi yung panaginip ko para talagang totoo…yung bata…..yung bulaklak…si Ana yun ah.

Blu…..sabat ulit ng nanay…siyanga pala….may iniabot ang isang batang babae kanina, ana para daw sa iyo….isang tangkay na dilaw na bulaklak….. nagmamadali nga eh…ni hindi ko na natanong ang pangalan….at nakaputi pa ng damit ha…gusto ko na sanang punahin ng ganito…ineng saan ba ang sagala…..Si Ana…….si Ana nga yun…si Ana at si Ariana ay iisa.

Ang title talaga ng kwentong ito ay: Ang huling yapak ng anghel sa lupa

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to huling yapak

  1. tuutuukii says:

    walang anuman po iyon… 😀

  2. blurosebluguy says:

    oke oke oke totot talaga. hehehehe salamat ha 22K….

  3. tuutuukii says:

    totoo naman po kasi Koya Blu eh…

  4. blurosebluguy says:

    tuutuukii,

    salamat sa appreciation mo..nakakataba ng puso!

  5. tuutuukii says:

    hhmmnnn ang lalim ng mga post mo koya blu…

    pero ang sarap basahin…

    try ko kaya iyan noh?!

    actually na try ko na pala…

  6. blurosebluguy says:

    o sighe na nga kung butterfly collector ka..matigil ka lang hahahahhaha

  7. collezionofarfalle says:

    ahmm… butterfly collector po ako😀 bow

  8. blurosebluguy says:

    ikaw ulit butterfly collection:

    oo inaamin ko yun lang ang ipinasa ko sa high school na walang kapagod pagod……true blue bisaya yata ito, kaya magaling managalog! tenchu ulit ha!

  9. blurosebluguy says:

    hello butterflycollection:

    salamat naman at nakadapo ka ngayon……
    maraming tenchu talaga sa matiyaga mong pagbabasa kahit magkandaduling ka na sabi mo hehehehehe.

  10. collezionofarfalle says:

    p.s.
    ang taas siguro ng grade mo sa filipino noh?
    nahilo ako sa tagalog!ang lalim!!! =)

  11. collezionofarfalle says:

    huwaw! ghost story …hehehe! danda kahit kinikilabutan ako ngayon!nyahahaha!

  12. blurosebluguy says:

    oo nga kaibigang ikay…yun nga ang point dyan eh….ang mga bata dahil siguro inosente….at hindi kayang gawin ang kaya nating mga adults…pilit binibigyan ng solusyon ang isang problem ayon sa naaabot ng kanilang kamalayan.
    at minsan…tama sila…..di ba naranasan natin minsan na kapag-naiyak natin ang ating problema sa isang kaibigan…at alam natin na nariyan sya para sa yo…wala naman syang ginawa kundi makinig lang …di ba minsan…pagkatapos nito parang lumuluwag ang dibdib natin….strange pero…..ang wisdom ng mga bata ay galing sa Diyos…….minsan nga siguro ginagamit silang mouth piece ng Diyos……salamat ha!

  13. IKAY says:

    “iniyak ko na lang po ang problema mo”.
    sinong mag aakalang ang isang musmos na bata
    ay makapag isip ng ganitong paraan para lamang makatulong?

    nakakaantig (tingil) ng damdamin.

  14. blurosebluguy says:

    oy lovely…salamat naman at nakarelate ka. Totoo yan, pero sa isang banda ….ang mga taong tulad ni Ana….ay isang palatantadaan sa akin kung papano gumalaw ang Diyos sa aking buhay…sori ha…emo ako ngayon…kasi habang binabalikan ko ang kwentong ito…nananariwa pa rin sa akin ang ala-ala ni Ana. Minsan pilit ko itong kinakalimutan..pero mahirap…kasi si Ana naging bahagi ng aking buhay…anghel sa lupa….
    ang kwentong ito ay minsan lang nangyari…siguro para sabihin nya sa akin…kuya Blu..salamat ha…uwi na ako…..eto o …..remembrance ko sa iyo…..(ang tangkay ng dilaw na bulaklak) …matagal ng natuyo ang mga bulaklak…pero ang alaalang dulot nito ay mannatili hanggang wakas…sa buhay ko.

  15. blurosebluguy says:

    wow! salamat sa pagdaan kaibigang simplefula09….

    hayaan mo magpaparamdam din ako sa iyo ulit…hhahhahahaha

  16. blurosebluguy says:

    sa sa kaibigang chicksykat….
    salamat ha sa comment…ang panaginip minsan uy bunga ng ating adhikaing buhayin sa ating kamalayan ang isang taong naging bahagi ng ating buhay. May mga pangyayari sa buhay na ito…na nakapagtataka …pero nangyayari..
    Ang Diyos kasi ang talagang direktor ng ating buhay…siya ang naghahabi ng mga pirapirasong hibla nito. Si Ana….si Arianna at marami pang iba ay mga halimbawa kung paano ginising ng Diyos ang ating kamalayan.

  17. anakngpating says:

    naks naman may tagahanga ka na pla dito kuya totoy hahahaa, anyway ariana at ana alam kong iisa lang sila sa panaginip mo. at parang totoong nangyari talaga no..may time din kasing ganyan ako kung managinip parang piling ko totoo na tapos biglang mauudlot hehe..

  18. simplefula09 says:

    nice blog..
    ex link ???
    tnx po..
    http://simplefula09.wordpress.com

  19. chicksykat says:

    kakaantig nman yang kwento mo kuya true ba yan?..

    (may duda..hehehe)

    at sosy si soon mom in law galing US..hehehe

  20. blurosebluguy says:

    hahahahah ok tulog na nga ako….hmmmm umaga na kaya…may pasok pa sa work bukas…salamat ulit rev.

  21. revsiopao says:

    siyempre naman…
    inabangan ko ang iyong latest entry e.
    medyo kabisado ko na ang oras ng pagpo-post mo e.
    {o ‘di ba parang stalker lang? ha ha ha}

  22. blurosebluguy says:

    revsiopao …talaga naman…..gising ka pa…salamat sa masugid kong tagahanga..hahhahhahaha…..

  23. revsiopao says:

    {‘yung sa panaginip mode}
    “iniyak ko na lang po ang problema MO… kasi ito lang po ang paraan na matulungan kita… ang makiiyak sa iyo…” — tats naman ako kay ariana.

    *****

    so nagmulto ang bata na bida sa sa “anghel sa lupa”?

    galing galing naman talaga…

    hanep sa twist!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s