unang halik

first year highschool ako nang unang mapasama sa umpukan sa school…ang paborito naming tambayan ay blu haws…..(kasi para sa mga lalaki yun…may green…may pink…yellow…kiosk type po ito). Wala lang ……..kwento-kwento ng mga usong laro, napapanood na mga prorama sa tv….at iba pa. Noong tumuntong ako ng second year, nag-iba na ang ihip ng hangin…mga klasmeyts na babae naman ang pinag-uusapan, kasabay nito ang mga asaran at tuksuhan….pinapagpartner-partner namin kami…tapos kasama pa ang pagiging conscious pag may tumubong malaking tagyawat sa mukha…hahhahhah…kasi ba naman tutuksukin ka na umiibig na . Naku…ang mga kutong-lupa na ito….may gatas pa sa labi, kay agang kumakarengkeng….madalas na sinasabi sa amin  ni Aling Amparing, tindera ng sitserya sa labas ng school. Masayang tawanan at hagalpakan lang madalas ang aming tugon…sabay….. brrrrr!!!! (kilig factor).

Masarap talaga balikan ang mga sandaling ito ng aming buhay…..masaya….malaya….ang buhay sa amin parang isang laro lang talaga. Isang hapon matapos ang P.E…..takbuhan ang lahat sa blu haws..naratnan na namin doon si Mike, Alvin, Gene at Milo na seryosong nag-uusap. Oy…bakit? tanong ko…may problema ba? Wala…ito kasing si Gene naka-kiss na daw ng babae…yung kapitbahay nila…talaga….paaanong nangyari…kwento ka naman….lahat kaming nakapaligid nakatingin at matamang naghihintay sa bawat sasabihin ni Gene…puro lang….. ha? Owwsss…talaga…hihihihi…at hahahahah…wow…..ano pa! …ang maririnig sa amin. Si Gene halos di na siya makahinga at excited talaga. Ang ending ng story…kaya lang mga pare…pagkatapos ng first kiss namin…nilagnat ako. Ha…..ganun ba yon, nakakalagnat ang first kiss….ay ayoko na lang….baka ako lagnatin din …eh ano ….pinagmamalaking sinabi pa ni Gene…di mo lang alam ….masarap….masarap….ang unang halik.

Mula sa araw na iyon…madalas ang  iniisip ko…kailan kaya ako maka-first kiss? Hayyy! ….Hoy! Blu…ano yan ha….masama yang panay ang halinghing mo, sige ka mamatanda ka! sabi ni Nanay. Tuwing hapon sa loob ng isang linggo, wala nang naging sawsawan kami sa aming kwentuhan kundi yung first kiss na yan…at kung sino ang susunod na makakaranas nito. Lumipas ang  isang buwan, halos lahat na yata ay nakaranas…iba’t-ibang kwento…pero ako wala pa rin. Oy, Blu….sa susunod ikaw naman ang magkwento ha….sambit pa ni Mike. Ah, OO….at sisiguraduhin ko sa inyo taob lahat ang kwento nyo. Promise.

Sabado ng hapon….tumawag ang pinsan ko sa akin…sabi nya…Blu, may party dito sa amin punta ka ha…alas sais …..mamaya. First time kung aattend ng mga party-party na yan…kaya kabado talaga ako…dalawang beses  akong naligo at apat na beses na nagbihis….hayyyy…hirap naman nito…Pagdating ko sa bahay ng pinsan ko…dimlight..pero may music naman…..ahhh ganito ba ang party….madilim…Oy, Blu…dito…narinig ko ang boses ng aking pinsan pero di ko sya makita ng mabuti …..medyo nag-aadjust pa lang ang aking mga mata sa dilim..Ayun….insan…bakit ganito. …dilim naman…..halika kain ka muna.

Pagkatapos kung kumain, bumalik ako sa sala..kung saan sa saliw ng musikang slow….marami na ang nagsasayaw….si Pearl…wow…ang kras ko narito rin pala…hmmm bakit kaya di siya sumasayaw….panay ang practice ko ng sasabihin ko sa kanya…….. ng tamang paraan ng paghingi ng pahintulot upang makasayaw siya….tinuro yata ito ng tatay ko…..lapit …lapit…lapit pa…….eto na….ah Pearl…..Oy Blu….Pearl, may I dance over you…Ha?…… may i dance over you! (lakas kaya ng boses ko)…biglang naghagighikan ang mga nakarinig nun….sa loob-loob ko inggit lang kayo…di kasi kayo marunong mag-ingles . Wow para akong nasa cloud 9 , imagine kras ko, kasayaw ko…hmmm bango nya…..Matapos ang sayaw..nagyaya si Pearl na magpahangin muna sa labas.

Pagtingin ko sa langit…doon ko lang napansin ang buwan, kabilugan pala nito. …..Noong una walang imikan kami…nagpapahangin nga lang eh…..maya-maya, kwento ng konti….lakas ng kabog ng dibdib ko…kasi feeling ko kras din ako ni Pearl. Di ko alam kung anong may magic ang buwan pag bilog ito…bigla ko na lang sinabi kay Pearl…..kung hahalikan kita…di ka magagalit. Patay…ba’t ko ba nasabi yun…..talagang…di lang lakas ng kabog ng dibdib ang naranasan ko kundi hiya….halos gusto ko higupin na lang ako ng buong-buo ng mother earth (ayan ha…ecological post ito – pang Miss Eath!). Blu, gusto mo ba talagang halikan kita? Ha …ah oo …oo…(ako pa!). Base sa mga kwento…dapat nakapikit daw….nakausli ang nguso (kissable lips ba)…ano pa nga ba……nakalimutan ko na yata ang lahat na sinabi ng klasmeyts ko.

Anyways, the moment has come….hawak-kamay kami (sayang di pwedeng background ang kanta ni Yeng Constantino—di pa uso noon)…kabog …kabog…kabog….o sige sabay tayong pumikit….sabi ko sige…todo na ito……intro music please………dahan dahan naglapit ang aming mga lips….hayyy..eto na!  Hoy! Blu!!!!!! asan ka na ba?…shock pinsan ko….sa pagmamadali naming magkiss…tumama ang aming nguso sa isa’t isa …aray ko! (sabay pa naming nasambit)….well, naglapat naman ang aming lips…pero masakit……..wala kaming nagawa kundi bumalik na lang sa loob ng bahay….eto po mga kaberks ang aking UNANG HALIK! masarap…masakit…exciting!

 may nagsabi sa wikang ingles na:

“..the first kiss is a monumental step for a new relationship. It’s  one that breaks down boundaries and gives voice to what people have been feeling inside for each other…”

Ikaw naman…oo ikaw na nagbabasa ng post na ito…kumusta naman ang first kiss mo? Maalaala mo pa kaya? Share naman dyan.kiss

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

26 Responses to unang halik

  1. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hahahahah…parang ganun nga kung interpret mo, base on the sentence….kaba lang po yun…kaya yun ang nasabi ko ……

    salamat ulit parekoy na mon

  2. Mon ay nagsasabing:

    Haha! Nakakatawa naman yung “May I dance over you?” parang lap dance ba yun? hehe

  3. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hahahaha 2 seconds? tagal nun tol! well di naman sa tagal…kundi sa kilig factor….
    salamat sa pagdaan Mon…daan ka pa ulit.

  4. Mon ay nagsasabing:

    Naalala ko pa first kiss ko. I was 14 then and it was a 2-second kiss on the lips. Wow! parang tumigil ang mundo for 2 seconds.. hehe..

  5. blurosebluguy ay nagsasabing:

    salamat kaibigang gudang…sayang wala ka nang maalala sa first kiss mo. Pearl kung saan ka man naroroon…magparamdam ka please…gusto kang makilala ni Gudangskie!

  6. gudang ay nagsasabing:

    ahahaha.. natawa naman ako sa post na to.. ako wlang masabi.. HAHAHAH 😀 wlang masshare! 😀 ahahha :]]

    o e asan na si Pearl ngaun? hahaha ;D

    –gudang!

  7. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hahahahahahaha….nakakahiya nga ikay eh…pero di ba proud pa talaga ako sa ingles ko nun……

  8. IKAY ay nagsasabing:

    @revsiopao lagi ka tlgang nakakabase ha!
    ang lufeet nyo…hehehehe

    kumusta namn ang kapitapitanggang linyang “may i dance over you”!?
    hehehe….buti hindi ka sinagot ni pearl na cge patong na..nyaks!

  9. blurosebluguy ay nagsasabing:

    bwuahahahahah ka rin…ay ano ba yan dapat matipid at mahinhin lang ang pagtawa tulad nito O..hihihihihi (tipid na tawa)….hihihihihi (with matching takip ng pink na panyo sa bibig).

    gets mo!

  10. collezionofarfalle ay nagsasabing:

    “napaglipasan ng panahon” bwuahahahaha!

  11. blurosebluguy ay nagsasabing:

    ay naku di na uso ngayon ang magpacute….noon oo…kaya madaming mga nilalang ang napaglipasan ng panahon…ayun single forever….katulad ko!

  12. anakngpating ay nagsasabing:

    kapag kaharap ko kras ko nagpapacute lang ako eh hehehe..katulad sayo hahahahaha..kuya totoy talaga oh…hmp..hahahha…

  13. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hahahahaha…ikaw talaga ,,,butterfly colllection…..eh di ko nga nakakusap ang mami mo noh? sige na kwento mo na…..

  14. collezionofarfalle ay nagsasabing:

    baka pag ni kwento ko sabihin mo sa mommy ko eh! 😛

  15. blurosebluguy ay nagsasabing:

    salamat katotong dencio….

    hahahahha…yung matured k. lang ba talaga ang naalala mo? hehehehhe. hmmm kung sabagay..kasi mulat na ang kamalayan mo….kaya hayun expert ka pa lalo….sa mga matured kisses mo…good day po!

  16. dencio ay nagsasabing:

    wow at talagang naalala talaga 🙂
    pers kis ko ay noong elementary pa namen. pag tuwing may bertdey ay may kiss sa aming lahat haha. pero yung matured kiss? wag na lang haha

  17. blurosebluguy ay nagsasabing:

    heheheh ikaw kaya kaharap mo kras mo…symepre kakabahan ka…tingnan mo nga nagpraktis pa ako bago lumapit……

    hoy (ATE) Lovely….gandang araw pala sa iyo

  18. anakngpating ay nagsasabing:

    asust palusot pa to hehe…:)

  19. blurosebluguy ay nagsasabing:

    lovely.

    ang turo talaga ng tatay..may i dance with you…kaya lang sa sobrang kaba…nakalimutan ko na ang tama.hahahha…..

    salamat ulit…..

  20. blurosebluguy ay nagsasabing:

    mangbadoy.
    salamat sa pagdaan..,,at comment…bakit nga di memorable..balikan mo kaya…ngayon kasi pagbinabalikan natin ang nakaraan…may madidiskubre tayo sa ating sarili…tulad ba ng …first kiss!

  21. anakngpating ay nagsasabing:

    no comment ako about first kiss …
    talagang may i dance over you! noh …
    pag ako niyaya mo ng ganyan bago ako makipag sayaw tawa muna ko ng mahaba hehe talaga bang turo ni tatay mo yan sayo ang galing pala mambola ni tatay noh may pinagmanahan heheh…:D

    chat rooms na ata kasi tong site nya mang badoy hehe chat mates sila ni ravs..peace

  22. mangbadoy ay nagsasabing:

    ym ba to revsipao at parang message board mo kay blurosebluguy lang a… hahaha!

    bat sakin hindi memorable ang first ko hahahha!

  23. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hahahah si revsiopao nauna na naman…stalker for life….dapat ishare mo rin ang first kiss mo….

    revsiopao…pilitin……pilitin…..

  24. revsiopao ay nagsasabing:

    may I dance over you? — ha ha ha! garing garing mag-engrish!

    ayos ang unang halik experience mo ha.
    super memorable.
    merong “aray factor”. he he.

    gusto mo ding malaman ang kuwento ng 1st kiss ko?

    ah e… ganito kasi ‘yun… a…. eehhh…. CHIKWET!!!

  25. revsiopao ay nagsasabing:

    ang saya ko today!!!

    naka-4 yata akong first…. parang taguan lang.

    magbabalik… basa muna…

  26. revsiopao ay nagsasabing:

    base muna ulit!
    para una…

    lolz

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s