ang pintuang blu

door1mga fifteen days ago ng simulan ko ang blog na ito. Marami na rin akong natutunan sa pagsusulat ng aking mga kaisipan, higit sa lahat marami na rin akong  nakilala sa mundo ng blogosperyo. Isang mundo na birtwal…kung saan maaring maitago ang tunay na katauhan. Maraming dahilan kung bakit tinatago natin ang ating tunay na katauhan sa ngalan misteryo. Sa hayag na mundong ating ginagalawan araw-araw, ang paghuhusga at pagsinu-sino sa bawat tao ay naging bahagi na ng kalakaran. Ang paggalaw at pag-iisip na di naayon sa mundong hayag ay isang tanda upang ika’y tuluyang mabuhay sa pag-iisa. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mundo ng blogosperyo ay naging tahanan ng mga nilalang na ang turing sa mundong hayag ay parang isang malaking hawla ng buhay. Sapagkat ang mundo ng blogosperyo ay mundong malaya. Mundong may kalayaang  ipahayag ang kamalayan, kalayaang  ipakita ang kakayahan at kalayaang isiwalat ang kahinaan. Dito sa mundong ito ang takot ay di kilala.

Sa pamamagitan ng pintuang blu nais ko kayong papasukin sa aking mundong kinalakhan at kung saan ako ay kasulukuyang nangungupahan. Tama ka! Nangungupahan lang ako, sapagkat sa mundong hayag na ito, ako ay isang manlalayag lamang.

Halika kaibigan, tumuloy ka at pasukin ang mundo ni Bluguy, pihitin mo lamang ng marahan ang pintuang blu at umpisahang tuklasin ang aking mundo:

1. panganay ako sa tatlong magkakapatid. ako ang dakilang kuya. mapagbigay at handang magparaya. Madalas mas inuuna ko pa ang mga sa kapatid ko kesa sa sariling kapakanan.

2. sa ngalan ng pag-ibig, madalas talunan ako. mind over heart kasi ang drama ko. lahat ng gagawin ko ay dapat may dahilan at kalkulado. Ika nga nakaplano. Kaya nga sa mga babaeng na-inlove ako at nauwi lang sa hiwalayan….madalas ang panghihinayang na kung bakit kasi utak ang ginamit ko.

3. apoy ang earth symbol ko. Mapusok, mainit at nakakapaso. Passionate ako sa lahat ng mga ginagawa ko. Gusto kong nag-eeksperimento ng mga bagong bagay…ayaw ko ng paulit-ulit.  Sa pagdaan ng mga panahon ang pagtuklas ng bagong kaalaman ang parating goal ko. ayaw ko kasi na basta na lang titigil and  rest on my laurels.  katulad ng apoy na habang tumatagal ay lalong nagniningas.

4. blue ang favorite color. kasi sa likod ng aking masayang disposisyon sa buhay at extrovert na karakter, mas gusto kong nag-iisa. Kasi sa pag-iisa, natatagpuan ko ang aking tunay na sarili. Sa pag-iisa natututunan kong yakapin ang katotohanan sa aking buhay. kaya siguro attracted ako sa natura.

5. ang misteryo.  sa likod ng katauhan ng bawat sino at sa likod ng lahat ng bagay sa mundong ito,  nagtatago ang misteryo. hindi ako basta-basta lang tumitingin sa nakikita ng aking hubad na mga mata….mas sinusuri ko ang  malalim na misteryo sa likod nito.

6. ang karakter ng isang kawayan. Habang lumalaki ako, natututo akong sumayaw sa tugtug ng mundo katulad ng isang kawayan….yumuyuko at sumusunod sa bawat ihip ng hangin. Kahit minsan ay nababalian dala ng mga bagyo ng buhay, pinipilit ko pa ring tumayo upang ipagpatuloy ang sayaw sa saliw ng mga tugtog ng panahon.

7. masayahin at mapagbiro akong tao. ang mga biro ko ay nagpapahayag ng mga butil ng katotohanan. kaya madalas marami ang nagkakamaling hulaan alin sa mga sinabi ko ang pawang katotohanan at alin ang mga pawang kasinungalingan. Ang pagbibiro ko ay naging lenggwahe upang ipaabot ang isang katotohanan sa masayang paraan.

8. Meron akong gift of speech. isang gift na natuklasan ko later in life. kasi noong bata ako medyo may pagkamahiyain ako (slight lang). Marami ang nagsabi sana daw broadcasting ang naging career ko.

9. Mahilig akong mag-obserba ng mga galaw ng tao, mga pangyayari at ang maghabi ng mga pira-pirasong kamalayan. Likas sa akin ang katangiang ito. Kaya nga mas madalas ang gimik ko ay sa gitna ng tao. Person-People oriented ako. Nabiyayaan din ako gift of persuasion, kaya madalas agree ang mga madlang tao sa akin.

10. yin-yang. balanse. kailangan ko parati ng balanse sa buhay. ligaya at lungkot, maingay at tahimik. liwanag at dilim…..dalawang realidad na magkaiba. upang lubusan kong maintidihan ang landas na aking tatahakin kailangan  kong mabalanse ang magkaibang pwersang  ito.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

32 Responses to ang pintuang blu

  1. blurosebluguy says:

    heheheh bojoy ito salbabida….masaya naman ako at nagugustuhan mo ang mga entries ko dito sa blog ko….
    kabalo ka gali maglangoy? damo gid nga salamat!

  2. bojoy2001 says:

    dalum ka gid ya manong…wala pa man gasakit mata ko basa tanan mo nga post ah..hehhe..sa opisina ko subong wala pa ko inubrahan sang basa sa balay mo..hehehehe… pero worth it…mayo lang wala ko deadlines..hehehe….dalum dalum simo…di ko matungkad…HELLLLPPPPP!!!!

  3. blurosebluguy says:

    brotherutoy,
    salamat sa comment …diehard fan po ako ng blue since birth pa…tingnan mo na lang ang mga title ng mga posts ko….karamihan may blue.

  4. brotherutoy says:

    dun sa number 4. totoo? blue ang favorite mo?üüü

    kidding aside, gusto ko ang gahod mo sa prosa. dedpan pero lagitik sa diwa.

    God bless!

  5. blurosebluguy says:

    aries ako.

    yes, ang blue kasi imply sadness…pero di naman ako takot to be sad…kasi part naman yan ng buhay…once you have learned to embrace sadness …..it deepens one reflective attitude of seeing a different perspective of one’s life….kahit di mo man gawan ng effort…ang pagiging malalim sa pagbalangkas ng meaning ng buhay ay nagiging natural.
    salamat…haba ng name mo….japanese girl

  6. hitokirihoshi says:

    hello!
    mukhang may pagkakapareho ang personality natin ah, capricorn ka ba?

    dati rin favorite na favorite ko ang blue pero last year i decided na papinturahan yong room ko ng purple and orange. hindi naman sa ayaw ko na sa blue, parang maiba naman ulit. saka sometimes blue implicates sadness despite success. (http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2008/10/31/ayoko-na-blue/)

    pero wag ka whenever i wear dark blue, komportableng -komportable ang feeling ko and most of the time, tingin ko ay siniswerte ako. btw, i like the pic… it’s artistic for me.

  7. blurosebluguy says:

    tats naman ako rev…..yung pintuang blu..pinost ko yan ,,,ah oo may problem yata kau ng wifi..kaya hayun nalampasan mo.
    wala akong masabi sa mga tinuran mo…tats na tats ako ….tumutulo ng luha ko ……..ngek! pahiran ko muna may kumatok sa pinto eh…baka bumalik si JOSH! yeeeeheyeyyyy!

  8. revsiopao says:

    Tanong: Bakit lumampas sa king paningin ang post na ito?
    Sagot: Bakit nga ba? {ngek… tanong din!}

    *****

    Marahil isa na ako sa pinaka-masuwerte sa iyong mga ‘fans’ sapagkat medyo matagal na din akong nakalampas sa pintuang blu at umabot na kahit paano sa sala at kusina ng iyong bahay… isang prebilehiyo na maituturing.

    Nawa’y habang dumarami ang mga taong nagkakaroon ng pagkakataong sumilip sa iyong bahay… hindi sana nila mapalampas ang ginintuang pagkakataon na maaninag ang kadalisayan ng iyong pagkatao… katulad ng aking naranasan sa iyo.

    Salamat sa biyaya ng pagkakaibigan kapatid!

  9. blurosebluguy says:

    ganun….eh may home theater kaya dito sa blu haws…..

  10. anakngpating says:

    haha ganun bigat ba teka sandali tv kasi ang laman nyang hehe…joke..

  11. blurosebluguy says:

    oy Lovely bakit 2 days lang? pero ganun pa man halika at tutulungan kitang buhatin ang balutan mo…..oppps bigat nito ah…pang one month..hehhehhe

  12. blurosebluguy says:

    pareng rye
    salamat sa pagdaan….ang pintuang blu ay isang bahagi lamang ng aking pagkatao…sa paglipas ng mga panahon…marami pa kayong malalaman at matutuklasan…nasa pintuan pa lang tayo.

  13. anakngpating says:

    haha tok tok tao po ..any body here (naks) paki tulungan naman ako nag alsa balutan na kasi ko eh hehe…mamaya makakatira na ko jan hehe 2 days lang naman pwede ba…:)

  14. flamindevil says:

    ngayon alam na namin kung bakit blu ang pangalan mo.wow.thanks for opening up.at least marami kaming natuklasang bago sayo parekoy. :p

  15. blurosebluguy says:

    hehehehe di ko naman sinabi na sinabi mo talaga…inunahan lang kita na isiping matanda na ako (defensive me!) hehehehehe.

    sige tulog ka na…mahimbing! mmmmmm..mmmmm. ayan ha kinantahan pa kita nk lullaby…..mmmmmmmmm mmmmmm

  16. Mon says:

    kakadaan lang ulit. ei, ala akong sinabing mtanda ka na parekoy! heheh..
    sige tulog muna ako.. daan ulit ako bukas..

  17. blurosebluguy says:

    mon maraming salamat sa pagdaan at sa comment mo….ang kawayan kasi bilang karakter ko ay nahubog yan sa pagdaan sa maraming bagyo ng aking buhay…..ika ng apinanday ng tama….sa pagdaan ng mga panahon..
    wag kang masyadong mag-isip na ang tanda-tanda ko na ha….ito lang talaga ang language ko ….

    thanks parekoy…daan ka ulit!

  18. MOn says:

    Nice Entry! Tells a lot about yourself.. i’m glad to meet you here in the blogosphere bluguy! ;p

    Gusto ko yung paggamit mo ng metaphor sa karakter mo at kawayan!! Very inspiring!! Tama, ang kawayan pag may bagyo, yung ibang puno natutumba na yung kawayan sumasayaw lang ;p

  19. blurosebluguy says:

    hello please refer to no. 2……parati na lang na umuuwi n luhaan ang iyong dear kuyakoy…windang na windang na kaya…stop na ako …in the name of love….before it breaks my heart (teka di ba may kantang ganito)…hehehehhe

  20. IKAY says:

    hahaha…. nabasa mo pala yung matanda cheness dun.

    ilang intensity ng lindol ba ang dumaan jan at
    talagang nawindang ang pintuan??hehehe!

  21. blurosebluguy says:

    opo napalitan na po…at aka nagtsori na ako kay mareng kengkay, sabi ko pang i confess…i confess because i sinned.

    at saka hindi totoo na matanda na ako hmmp!
    at saka wala pong tao sa loob ng puso ko….kaya lang ang pintuan pinarepair ko …kasi nawindang huhuhuhuhu…

  22. IKAY says:

    sus! ang sabihin mo nakasara na yang pintuan ng puso mo kc may
    tao na sa loob…hehehe..nyeks!

    mali yung URL na binigay mo kay mami kengkay
    ikay0708.wordpress.com yan po URL ko.
    kaya palitan mo na yang link ko jan sa blogroll mo kc
    hindi akin yan kung akosiikay.wordpress.com ang nilagay mo.hehhe

  23. blurosebluguy says:

    tama ka dyan ikay! hoy rev tama nang negosyo ng siopao mo..himala absent ang rev??????’

    hahahaha di pwede sa pintuan ng puso ko…kasi nirerepair pa eh….o ayan oh…pintuang blu…bukas kaya yan!

  24. IKAY says:

    knock! knock!…
    pede bang sa pintuan ng puso mo nlang ako papasukin!?
    nyaks!! yun ang banat!! hehehe

    aba…aba…aba…wla ata ang promotor ng tanguan pong!?
    si rev. mukang maraming order na siopao busy!…hehehe

  25. blurosebluguy says:

    sure gusto mo bang hawsmate sa bluhaws you are most welcome. Lovely salamat ulit ha.

  26. blurosebluguy says:

    kathy babalikan ko maya-maya

  27. anakngpating says:

    tok..tok…tao po..may tao ba dito…pwede bang makitira sandali 1 taon lang stokwa kasi ko ngayon hehe ..:) kylangan ko ng matitirhan pwede ba?
    ayaw mo ba? sayang naman hehe…:)

  28. kathy says:

    hahaha wala pa rin si rev^^

    rev busy-busyhan ka ha…hehehe

    kuya balik ka sa bahay ko may nakalimutan akong ilagay dun sa post ko kanina tignan mo uli…hehehe

    salamat..mwaaahugsss^^

  29. blurosebluguy says:

    wow kathy…nahawa ka na nga kay rev heheheheh. naunahan mo sya ngayon. hoy! rev gising ka nahahhahhahah.
    kailangan ngang marahan ang bukas ng pinto…kasi baka mabulabog ang mga nasa loob ng bahay….
    ganun din sa isang relasyon…..hindi lahat ay sasabihin kaagad sa yo ng mahal mo…. kalilangan makiramdam at dahan-dahan lang ….nang sa ganoon mas mananamnam mo at mawari ang mga misteryo nakabalot dito. salamat ng marami sa pagbisita sa bahay na blu….

  30. kathy says:

    hay kuya alam mo kaya gustong gusto kong napupunta lagi dito sa bahay mo kase feeling ko ndi ka lang isang masayahing tao alam ko may itinatago kang lalim.
    bawat pangungusap mo napapahanga ako kase parang ang lalim ng ibig sabihin..

    hanga rin ako sa husay ng iyong pagbalangkas ng mga pangungusap ikaw na ikaw..

    *at dapat po ba talaga marahan lang ang pagbukas ng pintuang blu?..hehehe^^

  31. kathy says:

    himala nauna ko kay rev!!!

    ayan nahawa na talaga ko kay rev sa pabase-base nya…hehehe

    maya na ko comment basa mode muna^^

  32. kathy says:

    base muna…hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s