baby blu

babypssst…pssst….pssst…kuya…..kuya…ha…., ako ba? ….oo, ikaw di ba………. ikaw si kuya Blu….oo ako nga. Wow! ano naman ang name mo …..baby Blu po. …..Ha….Blu din ang pangalan mo. Opo…baby Blu…eh anong ginagawa mo dyan…ah….hinihintay ko po nanay ko….saan siya nagpunta? ..bakit naman iniwan ka nyang nag-iisa dyan? doon po sa kwartong iyon…..kasama po tatay ko…..ah….o sige pero wag kang malikot dyan ha, baka ka mahulog…ang hirap kaya gumawa ulit ng baby.

masarap ba ang buhay sa labas? ….OO naman…..tanda ko nga noong kasingliit mo pa ako…parati akong karga-karga ng nanay ko at saka kinakantahan pa nya ako para lang makatulog….at saka paggutom ako… iiyak lang ako….tapos ang tatay ko bibigyan ako ng dede. Ay oo nga pala, noong mag one-year old na ako…..sabi ng tatay….malaki daw ang handaan sa amin, ewan ko di ko naman matandaan, kasi nga bata pa ako ng mga panahong iyon…walang muwang ba…..pero noong isang araw pinakita sa akin ng nanay ko ang lumang retrato ng first birthday ko…..naku panay pala ang pose at smile ko sa kamera…at daming tao ha….

Noong maggrade-one na ako …..binilhan ako ng bagong bag ng tatay ko….may papel, lapis, krayola at saka  sapatos pa. Isang araw..ihing-ihi na ako sa skul…e nakalimutan ko kung paano sabihin ang…. may I go out..ayun tuloy ginagawa kong banyo ang upuan ko…hiyang-hiya nga ako eh.

at saka pala….kwento ko rin sa iyo ang bestfriend kong si nonoy…parati kaming nagba-bike sa plasa at naliligo sa ilog. Ang saya-saya nga namin..Ay naku, sabi ko talaga ang saya ng buhay sa labas. Parati pang pareho ang suot namin na t-shirt na blu…kasi peborit color namin ito. Isang araw noong nasa hayskul na kami….naratnan ko na lang malungkot si Nonoy…halos maiyak-iyak niyang ikinuwento na break na sila ng first love nya…ayun kahit ako nakiiyak na rin…ganun kami…parang kambal na hopia…isa para sa dalawa…dalawa para sa isa….

Ako nagwowork ako ngayon dyan sa bangko malapit lang dito. …..Ah, oo mayroon na akong girlfriend…… Danna ang name niya…mabait…mapagmahal…caring talaga….ah , oo naman..nagkakaroon din kami ngLQ..hmmm….kasama na yata yan sa isang relationship…

O..naikwento ko na sa iyo ang buhay ko ah….ang erpat at ermat mo …..bakit di pa sila lumalabas sa kuwartong iyon? tagal na ah…..O ano? may tanong ka ba tungkol sa buhay sa labas….Ang saya pala kuya Blu….ako rin gusto ko na rin….ay naku huwag kang matakot…masaya ang buhay, kahit minsan may lungkot at mga problema…sabi nga ng nanay ko ang Diyos hindi nya tayo bibigyan ng problema kung hindi natin kaya….kaya nandyan lang Siya palagi sa tabi natin..

O bakit ka nalungkot …akala ko ba gusto mong mabuhay sa labas? Di na siguro kuya Blu…kasi ayaw na yata ng parents ko….ayaw yata nila sa akin….kagabi nga umiyak ako ng umiyak noong marinig ko ang kwentuhan nilang dalawa…kahit halos pabulong …dinig na dinig ko….

Kuya Blu….salamat ha…at least kahit sa iyong kwento nalaman ko ang saya ng buhay sa mundo….Baby Blu……asan na kaya ang batang yun…aba’y kanina lang katabi ko pa ah…Baby Blu….anak ng pating….asan kaya yun…..habang palinga-linga ako…sya namang pagbukas ng pintuan ng kuwarto. Sabay labas ang isang babaeng namimilipit sa sakit…at putlang putla…nasabi ko pa….. bakit duguan ang kanyang damit?….katabi niya ay isang lalaking umaalalay  sa kanya….hula ko ito ang tatay at nanay ni Baby Blu…..Ah…si Baby Blu po ba ang hanap nyo? Kanina kasi kausap ko lang siya dito…pero biglang nawala po eh? …….Tiningnan lang ako ng dalawa na waring nagtataka sa sinabi ko……Baby Blu? sino si Baby Blu?….tanong ng babae…..sabay tumalikod  ang dalawa patungo sa pintuan…….binalikan kong muli ang upuan kung saan kami unang nagkakilala ni Baby Blu……….matagal kung tiningnan ang upuan at pilit inaalala ang takbo ng aming usapan…..takang-taka pa rin ako sa mga pangyayari….saan kaya siya at biglang naglaho na parang bula?…….. Wala ni bakas na iniwan si Baby Blu doon…….kundi ito  …… (isang plumang blu).

presentazione-standard1

Ilan kayang Baby Blu ang hindi nabigyan ng pagkakataong matikman ang buhay dito sa mundo. Ang mangarap at abutin ito. Ang maranasang marinig ang lullaby ni nanay sa katahimikan ng gabi. Ang haplos at halik niya tuwing nagkakasakit ako . Eh, si tatay….ang aral at gabay…..ang pasalubong na hopia ni tatay….kaylanman di nila ito matitikman.

Mapalad ako kasi pinili nila ako. Salamat sa aking mga magulang,  dahil…kung wala yung pagmamahal nila …wala rin sana sa mundo ng blogosperyo ang dating baby na si Blu. Ako si Blu at ito ang simula ng aking kuwento.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

26 Responses to baby blu

  1. anabelle marcelino says:

    nakakatawa naman po ang post nyo………hehehehehehe

  2. I for one certainly appreciate the time it took you to put this article together. Its not often I will take the time to comment on someone’s blog except yours really stands out. Are you going to do a follow up to this post shortly?

  3. provillus says:

    Very good information and tips! It’s very useful for me, thanks for posting.
    -Erick

  4. Pingback: blu mission (im)possible | bluguy

  5. blurosebluguy says:

    hahaaha bojoy di ka nga galit, carried away lang…..ganda ng comment mo dito…idevelop mo kaya at gawing entry sa blog mo…….salamat ulit

  6. bojoy2001 says:

    ahay subo man ni man..hehheehe…si manong bala mo..kaadik magbasa sang mga post mo nong..hehehe…
    la pa ko dyapon katapos hehehe…

    maraming bata talaga sa mundo na hindi na nararanasan ang buhay sa mapangahas at mapagkunwaring mundong ito… malungkot dahil dun..maswerte tayo at maranasan natin ang lahat nang bagay masakit man masaya malungkot man magulo o mapayapa…ngunit sa kabilang banda mas mabuti na rin na may mga baby Blu na hindi na raranasin ang mga masasalimuot na bagay na nadadanasan nang ibang mga bata ngayon..na ang iba ay nagttrabaho para sa mga magulang nila… mga bagay na dapat hindi madanas nang mga musmus na kabataan..ngunit ang mga walang kwentang magulang ay parang mga manhid na walang pakiaalam sa mga bagay sa paligid nila…ang inaatupag lang ay mga sariling kapakanan…at sariling kamunduhan…
    pasensya napahaba yata comment ko…hindi naman ako masyadong galit no? hahaha na carried away lang manong..😀

  7. blurosebluguy says:

    wow lalim ng tagalog mo revsiopao…. kawangis mo’y isang makata na hinugot pa sa nakalipas na saandaang taon.
    salamat kaibigan

  8. revsiopao says:

    Isa na namang kahanga-hangang malikhaing pagsulat upang ilarawan ang kahalagahan ng buhay at ang ang dinudulot na saklap at pait kapag ito ay hindi ginalang.

    Ilang “Baby Blu” na nga ba ang hindi man lamang nasilayan ang kagandahan ng bukang-liwayway sa kanilang durungawan?

    Isang malalim na buntung-hininga…

  9. blurosebluguy says:

    parekoy na Mon…salamat sa comment ha…dapat talaga…ilan na kaya ang namatay dahil dyan.

  10. Mon says:

    Dapat talaga ipagbawal ang abortion. It’s a crime. Nice post.

  11. blurosebluguy says:

    salamat pepz…add kita bilang hawsmate.

  12. Pepe McKunat says:

    im tatz. ayos ah.
    hindi ko papalagpasin ang bawat eksena ng buhay mo.🙂

  13. blurosebluguy says:

    oo nga eh…kasi naman nagpost ka pa with matching sitsaron na toppings……
    kathy…salamat ha! happy sunday sa yo…..oppps gabi na pala dyan…

  14. chicksykat says:

    hahaha ndi na nakalimutan ung ginisang munggo..

    baka pagpinapackage ko po jan eh kahit naluto ko na eh baka maging togue na pagdating jan..hehehe^^

    yngat po^^

  15. blurosebluguy says:

    salamat sa comment at pagdaan mo dencio.

    oo nga eh…nakakalungkot at nakakapanghinayang…pero mahirap din husgahan…..kasi sa wari nila yun lang ang talaga ang tanging paraan..

    si Baby Blu….ang pinangalan ko sa mga batang dapat sana isinilang …pero sa maling desisyon ng mga magulang hindi nabigyan ng pagkakataong maranasan ang mundong ating ginagalawan….

  16. dencio says:

    “Ako si Blu at ito ang simula ng aking kuwento..”

    mag aabangan kame ng mga kwento mo. sa kabilang banda madaming baby blu ngayon. nakakalungkot pero realidad ito at nangyayari talaga.. sana lang mamulat ang isip ng mga iresponsableng tao sa likod nito.

  17. blurosebluguy says:

    ganun nga Ikay…pero sa ibang banda…biktima rin sila ng mahirap na sitwasyon at higit sa lahat ng mga maling desisyon.
    ang buhay dapat talagang pahalagahan….si Elizabeth (ang aking kaibigan) ang nanay sa aking kwento ngayon…..kumusta na kaya sya?
    sana lang natutunan na nyang patawarin ang kanyang sarili at ihingi rin ng tawad sa Diyos ang mapait na karanasang ito sa kanyang buhay.

    salamat kaibigang ikay…..

  18. blurosebluguy says:

    ang mga kwento ko ay halaw sa totoong buhay…minsan pinapalitan ko lang mga names ng karakter at minsan ang mga sitwasyon…kasi baka nga isa mga karakter ng aking kwento ay siya rin nagbabasa nito.
    para sa aking kaibigang si Elizabeth ang kwento ko ngayon…at sa kanyang sanang naging baby na si Blu.
    salamat Kathy..(pero miss ko pa rin ang ginisang munggo..hayyyys).

  19. IKAY says:

    nakakalungkot isipin na may mga magulang na wlang
    pagpapahalaga sa buhay.
    npakamakasarili, at wlang takot sa DIYOS.

  20. blurosebluguy says:

    oo nga….ang kwento ni baby blu ay pangkaraniwan na nangyayari sa atin…madalas iniiwan lang sila sa basurahan…..ginawa ko ang kwento ito para sa mga taong nawawalan ng pag-asa at ang tanging alam ay bigyan ng solusyon ang problema sa ganitong pamamaraan. Actually I have somebody in mind ng sinulat ko ito….. para sa kaibigan kong si Elizabeth.

    salamat sa pagdaan…LOvely……kung maninirahan ka pa sa bluhaws ko…mas marami ka pang maririnig na mga kwento tulad nito…see you ulit.

  21. blurosebluguy says:

    nagwork ako dati sa Metrobank : loans and placement department

    ….salamat ulit rye ha….

  22. kathy says:

    hayysst…nakakaawa talaga ung mga batang ndi na nasilayan ang mundo..
    kase nasa sinapupunan pa lang sila ng kanilang ina tinatanggalan na kaagad nila ng karapatang mabuhay..

    oo mahirap ang buhay pero sana naisip na nila yun bago nila ginawa yun di ba.

    para ndi ang mga walang muwang na musmus na ndi pa nga nasisilang ang naaapektuhan di ba..

    bilib talaga ko sa mga obra mo kuya..hehehe^^

  23. anakngpating says:

    hindi man sabihin o buo ang kwento naka relate ako, madami nngang baby blu ang hindi na nasilayan ang ganda ng mundo at kung paano mabuhay dito, tamang mag pasalamat tayo na tayong mga nabubuhay pa sa ating mga magulang dahil pinili nila tayong makita kung gaano kakulay ang mabuhay sa ilalim ng panginoon natin.

    yung nanay at tatay ng maraming baby blu o yung nakilala mong si baby blu, ginawa nila ang isang bagay na hindi nila kayang panindigan, iresponsable sila..

    hays..:( sarap kaya ng may bata sa bahay kahit na sa tingin mo hindi mo na kaya pero ang ngitian ka nakakagaan na ng loob at nakakawala ng pagod.bukas uuwi na naman ako at sabik na ko makita ang chikiting ko hehe…

  24. flamindevil says:

    aba taga bangko ka pala parekoy.nagwork ako sa bpi before as teller.wow

    anu naman work mo sa bangko?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s