blu vase

vase

sa mga giliw kung sumusubaybay sa kaganapan sa blu haws, kanina lang po ay dumating si Lovely (lalong kilala sa bansag na anakngpating) para manirahan sa bahay ni kuya Blu sa loob ng isang buwan. Mahabang proseso ang pagpili sa kanya bilang isa sa mga hawsmates. …personal interview, psychological tests, height measurement ( oo kasi dapat hindi bababa sa 3 feet ang mga hawsmates), at x-factor (ito medyo malabo sa akin kung ano ang ibig sabihin nito). Sa loob ng isang buwan ay tutuklasin ni Lovely ang misteryo sa katauhan ni Blu. Bibigyan siya ng karapatang mamili ng isang bagay sa bahay ni Blu…at iyon ang kanyang magiging unang clue. Simulan na natin ang patimpalak na ito. Inikot ni Lovely ang buong bahay and she has only 20 minutes para piliin ang kanyang item. tik-tak-tik-tak-tik-tak-tik-tak….tingin dito ……hawak doon…dungaw sa bintana….sulyap sa salamin….bulatlat sa mga gamit ni Blu (bawal tingnan ang mga intimate personal things, ha….kaya biglang retreat ang Lovely)……taas……bumaba…hingal na hingal…isip…isip…nakita nya ang blu vase malapit sa mini-bar…..there is something special in that vase….hmmmmm….(feeling attracted kuno sa vase)….hinga ng malalim…..Kuya Blu ang vase! Iyan ang tutuklasin ko….ang vase (tagalog translation….ang banga ni Janice!). Final na ba ang choice mo? Oo koya…..yan na talaga koya…..yan ang final choys ko koya! Mabote naman…este mabuti naman (pati ba naman ako nahawa na rin). Drum roll…tantan….tarannnnnnnnn..tan……tan…..tarrrrrrrrrrrran!

May I reveal to you and to you alone Lovely (eh sya lang kaya at wala nang iba….matanong ko lang sino ba script writer natin, kakahiya!)…..the contents of this vase are:

1. isang lumang sulat dated February 14, _______.

My dearest Blu,

Smile before you read. Kagabi ang pinakahappy kong moment sa buhay ko. Kasi ni-kiss mo ako. Di ako nakatulog…kaya ngayon mugto pa ang mata ko. Di bale….galing mo pala mag-kiss, kaya lang masakit eh….hihihihihi….

love and kisses,

Pearl

(Si Pearl ang first kiss ko….memorable talaga yun…..tunghayan ang UNANG HALIK..ni BLU.)

2. INC Classcard sa Financial Accounting.

Naging madrama ang buhay ko noong panahong iyon. College Scholar ako sa U na pinag-aaralan ko, alam nyo kung ano ang ibig sabihin at effect nito sa aking scholarship. Di ko matanggap, halos puntahan ko ang aking professor sa kanyang bahay…actually nakarating ako pero sa kanto lang…para sana magmakaawa….pero di ko tinuloy…kasi sa isang banda nagpabaya rin ako…tinanggap ko ang pagkatalong ito…at hinarap ko ang buhay college nang sumunod na semester ng may pait na nararamdaman. Pero pinangako ko lalaban ako…simula pa lang ito ng muling pagbangon ko (para namang dialogue sa movie?).

3. dalawang gold ring.

Isang naudlot na pagmamahalan na tulad ng ibang nakaraan ay nauwi rin sa hiwalayan. Sayang na pag-ibig. Sino sa mga babaeng nabanggit ko sa aking previous posts ang sana’y aalalayan ko ng singsing na ito?

4. Panyo na blu  (isang kalahati na lang)

Ang isang kalahati nito ay nasa babaeng naging mahal ko…..isang tanda ng aming walang-hanggang pag-ibig (huh…drama noh?). Sino siya? Hanapin ang sagot sa previous posts ulit (kulit nyo ah!).

5. kalahating hopya na may amag (of course nakasealed na ito sa cellophane)

sagisag ito ng aming pagkakaibigan ni Nonoy…..ilan ba sa atin na hanggang ngayon treasured pa rin ang kanilang bestfriend?.

Huling paalala sa iyo Lovely: ang mga bagay na nabanggit ay magbibigay sa iyo ng clue kung ano ang katauhan ni Blu. Matapos bigyan ng kasagutan ang mga tanong at suriing mabuti ang mga bagay….kailangang magbigay ka ng tatlong (3) descriptions na sa palagay mo yan ang tunay na pagkatao ni Kuya Blu………isulat ang iyong sagot…..

teka…asan ba dito ang laptop….ah ayun pala sa tabi ng piano. Isulat ang iyong sagot sa blog na ito https://blurosebluguy.wordpress.com

Ito ang tandaan mo …….simula pa lang ito.

_______________________________________________________________________

O ayan mga giliw na tagatangkilik ng Bahay ni Kuya Blu….nagsimula na ang kontest na ito. Maari rin po kayong sumali at makigulo kay hawsmate Lovely…maki-blog lamang sa https://blurosebluguy.wordpress.com   isulat din pala kasama ng inyong sagot ang inyong pangalan at ang inyong suking tindahan.

Ito po si Revsiopao ang usizerong kapitbahay ni Kuya Blu….nagpapaalam…hanggang sa muli pong episode ng bluhaws.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

43 Responses to blu vase

  1. blurosebluguy says:

    hay…salamat gid sa imo comment…..ti damo pa ako gintaguan ang akon mga memorabilias… maguwa na sa mga future post.
    bi…nag-umpisa pa lang ako sa blu vase…..ti damo pa blu nga butang sa akon nga haws…hehehhhehe…example blu ref……blu fan…..blu….hahahahahah

  2. bojoy2001 says:

    intra man ko di ah…hehehe…

    1. sa tanan nga bagay nga naagyan mo..u always treasure every single thing…at hindi ka nakakalimot sa nakaraan.which is good..and hangga ako sayo..

    2. your such a loving friend…you inspire so many people already, keep it up manong…ang tani di ka magbago…hope to see you soon..

    3. responsible…not only for the things you have but for the people around you..you know how to balance everything…esp.when it comes to JOSH..

    GODBLESS!

  3. blurosebluguy says:

    brotherutoy;

    hahahahah…mahirap kasi mag-emote parati…kaya hayun..paminsan-minsan…nilalagyan ko rin ng konting comedy.

    salamat.

  4. brotherutoy says:

    talaga nga naman, pati ang kalahating hopia na may amag eh tinago bilang remembrance ng pagkakaibigan. buti na lang, di mo tinago ang kalahating kokakola na ininom nyo bilang panulak sa hopia.ü

    medyo nahirapan ako this time basahin ang post mo. bigla kang nagbago ng style… God bless!

  5. blurosebluguy says:

    sure…eyeball…napansin ko ngang nabasa at nagcomment ka na….
    good day Lovely…..

  6. anakngpating says:

    nbasa ko na to nakapag comment na nga ko eh hehe..
    sige ipa meet mo sya sakin ha hehe kunwari eyeball hehe joke…:)

  7. blurosebluguy says:

    lovely…
    may naging bisita ang kuya mo kahapon…si Josh….kaya lang nakahiga ka pa dahil masama ang iyong pakiramdam….anyways…dadalaw daw sa susunond…siguro by that time…..magkakausap na kayo…..
    sa kaukulang kaalaman …basahin ang ..the visitor…. yun kasi ang nangyari sa huling bisita ni Josh.

  8. blurosebluguy says:

    walang susi ang bahay ni koya (este..kuya). Kasi imibitado lang ang pwedeng pumasok na magstay for one month. Ang swimming pool ginawa na kagabi…instant..with matching wave….kaya mo yun…imagine mo na lang kung gaano kalaki ang pool. kung kulang height mo…magtakong ka ng 4 inches (kahit nakatulog). ang singsing ay may sinimentong value yan..kaya di pwede ipamigay, bow! dahil nga sa haba ng comment mo aba’y isang entry na nga ito..hahahahaha, at sana matagalan mo nga ang iba pang challenges sa bahay ni koya…

    salamat…lovely

  9. anakngpating says:

    taena isang entry na rin pala nagawa ko dapat entry talaga to sa blog mo eh di ko alam yang password mo akina nga hehe ..kasi sabi mo titira ko jan di ba dapat asaakin din ang duplecate ng susi mo..ayts?

  10. anakngpating says:

    nak ng tipaklong na payat napili ko yung vase na hindi ako ang nag-isip ah (brief dapat to hindi vase breif nga eh hindi vase nak ng teteng)
    ok vase na nga pero parang hindi babasagin yung vase mo koya ha at gawin daw akong visaya..at hindi bababa sa 3feet ANG MAGIGING HOUSEMATES NI KOYA anak ng eh paano na yan ang height ko 2’9 im not qualified hahahaha eniway dahil sa nagawa na tong scrift na to at naitaping na kahit alam kong maraming edit dahil hindi naman ako dapat hinihingal sa paghahanap noh (asa)…

    3 description sa pag katao mo na ang reward ay inaamag na hopia at coke..papatusin ko na para sayo koya blow

    uno: marunong kang magpahalaga sa mga things na ibinibigay mo dahil naitatago pa to at sentimal value ha hehe..bigyan din kita love letters next time for accepting haha me sa blu haws mo pero may kulang walang swimming pool kaya magpalagay kana dahil summer at alam mong isang buwan lang ako dito diba mag dedemand na ko syempre..

    dos: wow ha gold ring akin na lang yung isa arbor na hehe…lahat tlga ng babaeng dumaan sayo inalayan mo ng wagas na pag-ibig at dito ko bilib sayo koya.soporatahan keta

    tres: i have a song for you koya “need to be next to you by:leigh nash” dahil sa pangako mong lalaban ka at dahil dito gusto kong maging lalaki na rin haha joke lang..:) babangot ako dudurugin mo sila hehe..

    koya salamat ilang araw na ba ko sa blu hows pag nakagraduate ako sa bahay ni koya imbitado ka sa despidida ko lahat kayo mga minamahal kong bloggers kasali sa pakain ng pamamaalam ko ang foods na nakahanda its a sorprise hahahahahah…:)

  11. blurosebluguy says:

    wait lang dapat kasi may amag…in two weeks time pa…hhahahahaha idideliver sau..hintay ka lang

  12. revsiopao says:

    Nasaan na ang isang trak kong hopia?!!!!

  13. blurosebluguy says:

    kaibigang sandi,
    salamat sa comment mo….hahahahaha pakibasa yung bago kong post….what do you think?

  14. sandijmartin says:

    blu, sali ko..

    1. isa kang napaka- sentimental na tao- lahat ng mga alaala mula ng ikaw ay bata ay yung tinatabi dahil ito ay naging bahagi ng iyong buhay.

    2. isa kang matagumpay na bankero.

    3. Tungkol sa babaeng aalayan mo ng singsing- hmmmm… si Danna

    Nakaka aliw basahin ang iyong post🙂

  15. blurosebluguy says:

    hahahaha oo nga…anyways…nagpapress release na ako sa mga major dailies around the world….at saka sa cnn, abc, tfc, gmam pati sa mga suking tindahan nagpapaskel na ako ng announcement …..ay naku kakahiya takaga..hehehehhe.

    nakausap ko si rev well nagpadala na rin ako ng peace offering …isang trak ng hopiang blu…
    salamat Ikay at kathy…

    si LOvely di pa yata nagpaparamdam….emo pa rin…hhha

  16. IKAY says:

    ha ha ha!…kuya blu lagot ka kay atty. shawarma
    alam mo bang malufeet na abogado yan ni rev. he he he!

  17. kathy says:

    hala ayan na si rev lagot ka kuya blu..hehehe^^

  18. blurosebluguy says:

    ha ano…di ba ikaw yung nag ala-mariel rodriguez…sabi kasi ng p.a. ko ikaw daw ang isasalang nila…..aba! aba! sandamakdamak nga naman o…naisahan nila ako ah…eh bakit kasi kamukha mo eh…tanaw ko kaya mula sa bintana ng blu haws…..

    ay sus ..kaya pala nagkakagulo sila MON, IKAY, KATHY..magkano naman daw ang TF mo? sabi ko nga panghopya lang hahahahahah.!

    AY NAKU..NAKAKAHIYA…teka magpublic apology muna ako….di po pala si revsiopao ang isinalang nila sa webcam kundi isang impostor….ipako sa krus ang impostor….(sigaw din ang bayan)….IPako! Ipako!-…..si Bluguy….ha eh bakit ako……

  19. revsiopao says:

    teka teka at isa pang teka….. anong kaguluhan ito?

    ilang gabi lang akong nawala dahil down ang wi-fi namin, pagbalik ko e madami na palang nagaganap sa blu haws?

    tsk tsk tsk!… bluguy, magpaliwanag ka! sino ‘yang impostor na revsiopao na ‘yan? isusumbong ko kayo kay atty. shawarma.

    ‘pag hindi ka nagpaliwanag within 10mins, babasagin ko ang blu vase!
    {sumisigaw pero kyut na kyut pa rin!}

  20. blurosebluguy says:

    dear kath ..mabuti naman at natauhan ka na…..sa bahay ni kuya blu lahat ng opinyon tama….hmmm mukhang malapit ka na ring makikatok sa blu haws ah…..bantay lang ang daming pinakalat ang kuya blu na mga talent agents para maghanap ng mga magiging new hawsmates sa bahay ko….malay mo ikaw ang susunod….tandaan lang ……dapat may X factor..(kahit ako di ko maintindihan kung ano talaga ito..)
    si revsiopao mura TF…isang one year supply ng hopiang blu ni kuya

  21. kathy says:

    hahahaha…ngaun ko lang na getching kuya

    wala pa kase ako sa sarili ko kanina kaya wala ko naintindihan.

    ang unang descristion ko eh ikaw ung taong ndi basta-basta nagtatapon ng bagay na sa tingin mo eh mahalaga sayo.

    bawat bagay,tao o lugar man yan lahat iyong pinapahalagan lalo na kung ito’y konektado sa buhay mo past,present or future man yan..

    may sense ba tong nasabi ko?
    wala pa rin ata ako sa aking sarili ah..hehehe

    @rev:aba at sumasideline ka ngaun jan ha..magkano ba tf mo jan?hehehe

  22. blurosebluguy says:

    wow…..astig ang mga sagot ah! hmmmm magaling…magaling si katotong IKAY……siguro in two weeks matatanggap mo na premyo mong hopia…kaluluto lang kasi…kaya wala pang amag.hehehhehhehehhe

  23. IKAY says:

    o cya cge na nga kahit yung hopiang inaamag nlng pede
    na yung papremyo.

    ito ang sagot ko…

    (1) dahil sa mdyo matagal tagal mo nrin akong
    kabarangay(mga 2 weeks na) eh ayun sa mga nababasa ko
    sa mga entry mo eh isa kang hopeless romantic.

    (3) maaring naging mabuting pagsubok sayo ito noon
    at dahil jan eh isa ka ng bankero jan sa yuropa ngayon.

    (5) dahil ramdam kong isa kng mabuti at mapagmahal na kaibigan. naks!

    oh ayan ha! ang tagal kong pinag isipan yan, itinigil ko p muna ang panonood ko ng XXX sa youtube pra lng masagutan itong pakontes mo.
    he he he!

  24. blurosebluguy says:

    hahahaha…first prize: forever living stay sa haws ni kuya
    second prize: extended vacation with kuya in the Himalayas—complete with swimming lessons.
    third prize: sunbathing in the north pole for 6 months during winter

    All travel expenses shall be shouldered by the winners. Kuya Blu will pay for your baon during the trip (hopya at coke.hahahahha)

  25. IKAY says:

    eh ano ba ang premyo!?? syempre depende sa premyo yan!?
    he he he!

  26. blurosebluguy says:

    hahhahaha…meron naman…kaya lang ang rule…one at a time…..malay mo sa susunod ikaw ang mapili…hey teka nga Ikay sasali ka ba sa pakontest…aba’y sumagot ka na….

  27. IKAY says:

    waaaaaaaaaa…..so si rev is kapitbahay ni kuya???
    at si lovely ang border ni kuya….hehehe!

    eh meron bang kabarangay ni kuya??
    he he!

  28. blurosebluguy says:

    wala sya sa loob ng blu haws…sa labas sya nakahook-up…getz mo…parang si Mariel Rodriguez….(ang kapitbahay ni Kuya)…

    ikay …may mga talent scout na dyan pagala-gala naghahanap ng mga susunod pang mga hawsmates…one month lang kasi si Lovely dito….malay mo…..matipuhan ka…peo dapat ang height mo di bababa ng 3 feet ha!

  29. blurosebluguy says:

    hahahahaha…madali lang yun……nakahook-up kaya si rev sa lahat ng mga pangyayari sa blu haws kayo yun…bigla syang pumasok sa ere…..

  30. IKAY says:

    teka nga medyo naguluhan ako sa huling
    bahagi nitong entry na to ah!?

    bakit bigla si revsiopao na yung nasa ending!?
    ngpaampon nrin ba jan sa blu haws mo si revsiopao??
    dahil ba sa down ang connection ng WI-FI nila sa seminaryo
    kaya jan nman sa blu haws mo nkiconnect ng internet!?he he he!

  31. blurosebluguy says:

    thaNKS azul….

  32. blurosebluguy says:

    hello azul,

    we do have something in common..salamat sa pagbisita!

    your url please…

    bluguy

  33. azul says:

    neon lang ako napadaan at nagbasa ng entries mo mula nung nagcomment ka sa post ko na buenas at malas

    salamat pala sa pagbisita at pagcomment add kita sa broll ko okie..

  34. blurosebluguy says:

    Mon, tama nanalo ka nga mga prizes (plural talaga gusto mo ha).
    Well, you could claim your prizes anytime…punta ka lang dito sa Rome…..hahahahahaha…..

  35. Mon says:

    Yes!! Tama talaga ako! Antayin ko prizes ko ha.. take note! Plural yan, PRIZES!! hehe😉

  36. blurosebluguy says:

    dear mon,
    hahahah salamat sa iyong sagot.hmmm….may tama ka! (tama ang ilan sa sagot mo..)

    si revsiopao kasi nakatira lang sa kabilang ilog ng tiberia….that means, halos magkapit-baranggay lang kami…

  37. Mon says:

    Bluguy, ito na po sagot ko:

    1. The love letter reminds me of the song, “A Little Too Not Over You”
    by David Archuleta. Sa tingin ko po, bluguy is still not yet over her, (Pearl).
    2. Bluguy is a lover. hahah.. andami kasing term na “mahal” sa entry na’to..😉
    3. Bluguy, likes hopia and I assume, Nonoy likes hopia too. hahah!!

  38. Mon says:

    Ba’t andyan si Revsiopao sa bahay ni kuya blue? hehhe.. iisang tao lang po ba kayo? Astig yung vase ah andaming laman!! hehe

  39. blurosebluguy says:

    kathy hmmmmm basahing maiigi….hehehhe

  40. blurosebluguy says:

    hey rye…salamat sa pagdaan…may nakalimutan ka parekoy….hehehhehe ang iyong sagot! 3 descriptions please heheheheheheheh……

  41. chicksykat says:

    teka teka at isa pang teka…

    nuguluhan ako..wait lang basahin ko muna ulit..

    sencia na po mejo slow po ako ngaun eh..hihihi

  42. flamindevil says:

    aba aba ang daming laman ng bluvase ha..interesting to.

    totoo, may 2 gold ring dun?sayang naman ang naudlot na pagmamahalan.

    ayan,marami na kaming naututklasan tungkol sayo.hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s