the visitor

uy…..ikaw pala…tuloy ka, ang tagal mong di nakadalaw ah?

napadaan lang ….kumusta ka na Blu?

Ah …eto cute pa rin….(walang kokontra)

sandali lang ha iwan muna  kita….upo ka…feel at home.

(check ko blog ko….hmmm nagcomment …si ikay…si rev…si lovely..si kathy ..si rye….dami ah…kakatuwa naman ang bagong post ni Mon….wow emo si dencio…wow blog hits ko 59 …eh aga pa kaya….hmmmm…check ang blog roll….updates…..)

oy, sorry ha…di ko namalayan ang oras, twenty minutes na pala ang nakalipas…busy lang …i just checked some business (monkey) proposals….

ok lang…sanay na ako sa ‘yo, eh…..ang maghintay…(emote siya)

Oy sorry na…..anyways..oo nga pala?   …….you got a call…wennggggggg! (cp ko)….sandali lang ha….

Oy Blu (si Mark)…kanina ka pa namin hinihintay dito…..ano… andito na ang lahat na mga kaberks..

Sorry, pare…pass muna…ngayon  …..may important visitor lang ako…..

Koya Bluh….(si Inday naman)…..tumawag po si Mr. Khan….7 pm daw po mamaya….

Sir…. pakipirmahan po ito ….habol lang natin ang shipment…..at saka marami pong incoming calls nakaregister sa answering machine…..nagtatanong bakit daw di mo sinasagot ang mga calls nila……

beep…..pare, kanina pa kami dito ah ……si Anj0 (4.30 pm)

beep… Blu, nakalimutan mo ang usapan natin  …si Nanay (4:40 pm.)

beep….pare ano ba darating ka ba? …..si Anjo ulit (5:oo pm)

beep….beep…….beep…….beep…..di ko na binasa ang iba….

after thirty minutes ….

Oy , sorry talaga ha…dami kasi akong  appointments today…

Nakakaistorbo ba ako? Balik na lang kaya ako?

Hindi, please stay….

Buti pa ang mga business associates at mga friends mo isang tawag ka lang….response agad….aba’y sing bilis ng ambulansiya ah..

Alam ko…sorry na …madalas kasi di ko binabalik ang mga calls mo….madalas pa nga inierase ko mga sms mo…at guilty rin ako sa di pagsagot sa iyo kapag-nakaonline ka….

Bakit Blu?….nagtatampo ka na ba sa akin?….alam mo parang di na ikaw ang Blu na nakilala ko….

sa mga sandaling iyon……marami pa syang mga sinabi….tango lang ako ng tango….hiyang-hiya ako….kulang na lang lamunin ako ng silya….

Bakit di ka makatingin Blu?

Nahihiya ako sa iyo eh…di ko kayang tingnan ka…

Hey…tama ng emo yan..lately nabasa ko ang mga blogs mo….astig ka Blu.

Tingin sa iyo ng mga kabloggers mo babaero ka …hahahahah

Di  naman……past tense ko ang mga iyon….dala ng kabataan ba.

Sino ba ngayon Blu? Hmmm napansin ko may silver ring ka…..siya ba? bakit di gold ring ..

Asan na yung gold ring sa blu vase?

E, wala naman sa uri ng ring di ba…..kahit plastic kung siya na talaga yun..yun ang importante.

Si Marivi…siya na ba?..

Paano mong nalaman ang pangalan nya…ikaw ha..kala ko si revsiopao lang ang stalker ko…eh mas ka pa pala dun sa taong iyon….

Alam mo yun…Blu….alam mo kilala kita mula pa sa pagkabata mo….ang hilig mo…ang dreams mo…ang mga karanasan mo…kilala kita Blu.

Oo alam ko naman yun…. 

habang nag-uusap kami, di ko namalayan ang pagdaan ng mga oras…..five straight hours…ni hindi ko nga naramdaman ang gutom at pagkabagot. Anong meron sa taong ito na pagkausap mo’y para siyang may magnet?

Koya…..handa na po ang dinner?

O..dinner muna tayo…

Sorry…got to go na….mayroon pa kasing naghihintay sa akin…

Parati ka namang ganyan…ni minsan di mo na ako pinagbigyan…

Madalas dumadaan ako dito…kaya lang wala ka naman…minsan nga dumaan ako….gutom to death drama ko…kaya lang wala ka rin….

A ganun ba…di ko kasi alam eh…di naman sinabi sa akin ni Inday…

O siya…babay na …ciao! sa muli ha….

Anytime…..anytime ….basta ikaw…kaya kong icancel lahat ng mga appointments ko.

Ay siyanga pala Blu…madalas ang daan ko dito dati pa….pero madalas kasi sarado ang pintuang blu ng bahay mo….

Hatid ng aking paningin……hanggang mawala siya sa karamihang naglalakad sa kalye…..

Madalas pala siyang dumaan …bakit di ko napapansin? (bulong ko sa aking sarili)…..

Binalikan ko ang mga messages sa answering machine…..Namputsa halos matalo nito ang mga hits sa blog ko ah….

beep…sino ba bisita mo…Alemanno (Mayor ng Rome po).

beep…si Revsipoao ba nandyan…?

beep….sino ba yan at di mo maiwanan?…si …

beep…..ano ba Blu…importante ba talaga ang taong yan…kanina pa kami dito….

beep…beep…..beep……beep…at sinundan pa ng mahabang  listahan ng mga taong posibleng bisita ko…..actually ito ang hula nila oh!

the-unusual-suspects

 

pero wala sa kanila…..nakikita nyo ba ang question mark (?)…kasi wala sa kanila!

ang iba naman ay ito ang hula….

beep……Blu alam ko….babae na naman yan!

beep…..andiyan ba si Elya!  haahahahaha

beep…owsss si ______, yung bago mong prospect…..kaw talaga Blu…magbago ka na pare

beeep…..pag chika babes….ewan ko na lang…..

Itong mga kaibigan ko…wala ng alam sa akin kundi ito lang……

the-usual-suspect1

ka-bloggers ang bisita ko po talaga ay si……..

josh

siguro nagtataka kayo…..bakit ni minsan ay di ko pa siya nababanggit sa aking mga posts….gayung sa takbo ng aming usapan mas higit nya akong kilala kesa ki Nonoy (bestfriend ko)…ng mga past Gf’s ko….at higit lahat kahit kay Marivi (current ko…o ayan ha kilala nyo na)….

kasi si Josh….matagal ko nang kaibigan…mula pa sa simula…..yun bang kahit..di siya physically present always…. alam mo nandyan lang siya palagi…..handang magsuporta sa iyo….handa kang tanggapin sa mga pagkakamali mo. Na kahit ipagtutulukan mong iwan ka na …balik ng balik pa rin sa tabi mo…Ewan ko ba …sa lahat na naging kaibigan ko…ito lang talaga ang 200% tapat at handang ipagtanggol ka hanggang kamatayan.

Alam ko nakita nyo na rin sya minsan…..ah oo palagay ko nagkausap na rin kayo…..sikat syang celebrity…….endorser ng mga produkto ng buhay…..marami siyang commercials ah….minsan nga binilang ko …oo mas marami pa kesa kina Sharon Cuneta at Aga Mulach….Karamihan ng kanyang billboard ay makikita mo sa mga sikat at hindi sikat na mga buildings…and take note..three-dimensional ha…..yun ngang billboard sa Edsa…di nga eh…sa kanya Astig! 

kabloggers ito sya oh!

diapositiva1

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

44 Responses to the visitor

  1. blurosebluguy says:

    champion gid si JOSH noh!…..ti pareho gali kita bisita pirme…
    God bless!

  2. bojoy2001 says:

    naku manong..pirmi na sya ya sa tupad ko..pagmay sala ko nga disisyon ginahikap nya na face ko…wala na sya gapangakig sakon..and he never judge me in everything i do…hindi nya ko iniiwan sa ere… pag sya nga ang kasama ko lagi akong masaya….dahil alam kong hindi sya nababagot sa mga sandaling ako lang ang kasama nya..pag may ginagawa ako at busi busihan sa office hinahaplos nya ang pisngi ko tsaka sinasabing..pahinga ka muna… magkakasakit ka nyan… di ba sweet nya sakin?
    GODBLESS manong…

  3. blurosebluguy says:

    hahahaha…brotherutoy …he understands….all the time…pramis!

  4. brotherutoy says:

    this post warms the heart, kapatid.ü
    friend mo rin pala si Josh? ako rin. kaya lang, i tend to treat him as just one of the guys, and not as the Lord and king that he is. pakisabi naman kay Josh na pasensya na ha….

  5. tuutuukii says:

    ok ok po… tulog ng mahimbing po… kasi ako malapit na mag out na po so ako naman ang matutulog…
    😀

  6. blurosebluguy says:

    hahahaha one day pagbakasyon ko pupunta ulit ako….gud nayt na po……22K

  7. tuutuukii says:

    pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon koya Blu…

    marami nang mga bagong tayong building… mga malls nadagdagan…

    makikita mo talagang nag iimprove na iyong Tagum…

  8. blurosebluguy says:

    ah 22k..i’ve been to Tagum City twice na….maganda ang city…..

  9. tuutuukii says:

    nakita ko na po… nag back comment din ako dun… salamat po nga po pala dun…

    hindi po ako si Pinas koya… si tuutuukii po ako…😀 korny jokes… dun ako magaling…

    opo koya nasa Pinas po ako…

    Tagum City, Phil..

    Davao del Norte…

  10. blurosebluguy says:

    alam may point ka don iha…2-2-k-….grazie! siyanga pala nag-iwan din ako ng mga comment ko sa postings mo…pakibasa na lang at bahala ka ng pagtiyagaan yan ha……

    salamat ulit.

    teka Pinas ka ba….ako nasa Rome

  11. tuutuukii says:

    madali lang naman po ipronounce ung name na tuutuukii po ah…

    isipin mo nalang ganito po iyan oh

    2-2-k

    para mas madali…
    😀

  12. blurosebluguy says:

    you are welcome…..tuutuukii…

    alam mo nabubuyoy na ako sa kakapronounce ng name mo….

    talamat ha….

  13. tuutuukii says:

    😀

    nako wala po iyon sa akin kuya Blu…

    dapat nga ako ang magpasalamat eh… kasi marami din akong nalalaman at natutunan dito…

  14. blurosebluguy says:

    dear tuutuukii,

    alam mo ….nababasa kaya nya lahat ..kahit yung di natin ma-explain in words….pero nakaukit sa ting puso…dont wori alam nya kung anong ibig mong sabihin…

    salamat ha….

  15. tuutuukii says:

    out of topic:

    Koya talaga ha…😛

    pero kuya totoo iyong mensahe…
    ito oh?!


    kasi naman….parati syang dumadaan at kumakatok sa puso natin…pero sometimes talaga deadma lang tayo….o talagang nabingi na tayo sa maingay na takbo ng ating mundo?

    its a reality base kasi na nakalimutan talaga siya ng iba…

    pero kahit ganoon pa man siya ang parati lang anjan… handa sa lahat…

    mahirap eexplain pero alam na niya mismo kung ano sana iyong gusto kong sabihin…
    😀

  16. blurosebluguy says:

    salamat dencio…

    Siya ang nag-inspire sa akin to write the piece, siguro ito yung pamamaraan nya to touch our lives….
    kasi naman….parati syang dumadaan at kumakatok sa puso natin…pero sometimes talaga deadma lang tayo….o talagang nabingi na tayo sa maingay na takbo ng ating mundo?

  17. dencios says:

    kudos to this post!
    mahusay ka. u deserve my salute! “serr! yes! serr!”
    malapit na magmahal na araw taloy magnilay nilay o kahit hindi mahal na araw diba? more power blu!
    blu guy add kita sa link ko ha mamaya.

  18. blurosebluguy says:

    kaibigang simplefula09,
    salamat sa comment mo….it is always good to take time for Him….tulad ng pagbibigay mo ng time to blog…to eat..to spend time with others..to text….
    sana lang medyo habahabaan pa natin ang time for Him, di ba..
    God bless sa araw na ito!

  19. simplefula09 says:

    tayoy magnilaynilay…pasalamat tayo dinadalaw nya tayo..
    tc always
    GBU

  20. blurosebluguy says:

    nortehanon,
    salamat sa comment at paalala …at concern tungkol doon sa mali kong url……ù
    hanggang sa muling pagdalaw ni Josh sa aking bahay! balitaan kaaagad kita…..

  21. blurosebluguy says:

    oo nga …LOVELY…. NALALAPIT NA …..aba’t may pahudyo-hudyo ka pa dyan ah…

    sige ka…..hinahanap ka na nila! heheheheheh
    salamat ulit….sa iyong makabagbag damdamin at makabasag pinggan na reflection.

  22. anakngpating says:

    lahat tayo sya ang bestfriend ayts?
    at dahil jan magnilay-nilay tayo..
    ngayong ash wed nalalapit na ang mga nging paghihirap sknya ng mga hudyong walang magawa kundi matuluin ang dugo nya sa katawan,
    kung tayo kapag nasasaktan naiinis o minsan nagmumura pero sya nung time na nsasaktan sya na halos ikamatay na nya wala kang maririnig na reklamo sknya o ano pa man..
    nalalalapit na ulit ang mahal na araw.

  23. blurosebluguy says:

    dear Aling Baby,
    salamat sa pagbisita dito sa bluhaws…tama ka… kasi nasa listahan NIYA ang bahay mo…..
    God bless!

  24. blurosebluguy says:

    tama ka dyan…sa KANYA…wala talagang iwanan…di uso sa kanya ang iwanan sa ere.
    Good day Rye…God bless!

  25. blurosebluguy says:

    salamat din kathy….lam mo dumaan na daw siya dyan sa bahay nyo…at babalik pa rin daw siya…kasi sarap daw ng ginisang munggo mo…
    buti pa nga sa ‘yo nakisalo…hehehhe sa akin kaya kailan? just asking JOSH?…

  26. blurosebluguy says:

    dear sandi,

    nabanggit nya ang pangalan mo, sabi nya …dadaan din siya sa yo…sapagkat ikaw di’y tanging yaman din para sa kanya.

    bluguy

  27. Aling Baby says:

    maligayang pagdating sa iyong bisita, pagkatapos jan sa inyo…dumaan din siya sa amin.🙂

    sabi nga nila, kahit anong oras, kahit nasaan ka pa…pwede mo siyang kausapin parang kaibigan. no boundaries.

    bumibisita🙂

  28. Nortehanon says:

    nice post, blu!

    nung mabasa ko yung JOSH, nagsuspetsa na ako kung sino. at tama naman ang suspetsa ko hehehe.

    nga pala, nakakalimutan mo po maglagay ng dalawang slash signs between “http:” and your blog address sa URL field ng comment section. kaya po kapag click ng mga bisita ko yung name mo sa mga comment mo sa blog posts ko, hindi po sila nari-redirect dito sa bahay mo. Para naman po madalaw ka rin ng ibang mga bisita ko😉

  29. flamindevil says:

    He’s everyone’s bestfriend

    He will never leave you whatever happens…

  30. kathy says:

    oo nga madalas ntin ndi nabibigyan pansin or minsan nga konting panahon lang ang binibigay ntin kay BRO…tapos kung makahiling pa tayo sa KANYA araw-araw na madalas ay binibigay nman NYA sa atin.ganun NYA tayo lahat kamahal na ultimo BUHAY NYA binigay nya para sa ating lahat di ba…

    isa na nmang paalala tong post mo para maglaan ng oras kay BRO..

    salamat kuya blu sa isang makabuluhang post…

    at isa uling tenchu kase naextra ung name ko dito sa post mo..lab na talaga kita kuya blu..hihihi^^

    mwaaahugsss

  31. sandijmartin says:

    kamusta sa iyong bisita🙂
    maaring bang pakisabi nyo lang sa akin kung dadalaw ulit siya sa bahay nyo, gusto ko lang magpasalamat sa Kanyang ginagawa para sa amin at sabihin sa Kanya, na Siya ang aking tanging yaman🙂

  32. blurosebluguy says:

    dhyoy..
    una sa lahat salamat sa pagdalaw….
    alam mo may paraan Sya na di natin alam…biro mo nadalaw nya tayong sabay-sabay.
    yan ay isang misteryo ……..

    please post your url…add kita.

    mine is- https://blurosebluguy.wordpress.com

  33. dhyoy says:

    hmmmmm…

    Ang bait nya noh…

    Siya lang din ang hindi umiwan sa akin…

    Siya ang lagi kong takbuhan…

    Hindi ko alam kung paano niya tau napag sasabay-sabay dalawin…

    He’s the best…🙂

  34. blurosebluguy says:

    wow..haba ng comment mo rev
    alam mo pwede na syang pang post…tipo…dear BRO ..gawin mong series.hehehhehehe
    salamat ulit…..hayan ha..parati ka ng extra sa mga postings ko.

  35. revsiopao says:

    Dear “BRO”,

    Salamat po kasi ginamit mo na naman ang kyut naming kaibigan na si Bluguy para ipaalala sa amin na palagi kang dumadalaw sa aming mga bahay pero hindi ka namin napapansin. O kung mapansin man, hindi sapat na oras ang nailalaan namin para sa ‘yo.

    Naku, simula na po pala ng Kuwaresma bukas… tiyak mas lalo kang magiging busy sa dami ng bahay na bibisitahin mo. Puwede po bang humingi ng favor? ‘Pag dumaan ka po sa bahay ko, puwede po bang pakilakasan ang katok mo?… Kung puwede nga kahit bulabugin mo ako kahit ano man ang ginagawa ko para mas mapansin kita.

    Higit sa lahat, isang huling hiling na lang… ‘pag dinalaw mo ako, puwede po bang payakap ng mahigpit? Salamat!

    Nagmamahal,
    Santino
    (este revsiopao)

  36. blurosebluguy says:

    salamat Mon…oo nga eh…dapat talaga hindi hadlang ang mga ginagawa natin para kausapin siya di ba….

  37. Mon says:

    Wow! At kasama pa ako sa special mentions ha.. Thanks parekoy! Sabi ko nga ba si BRO yung si Josh eh.. hehe. Ang busy mo palang tao blu. seguro ang message ni BRO sa’yo eh, kahit busy ka, don’t for get to pray. Ika nga He’s just a “pray” away..😉

  38. blurosebluguy says:

    oo naman azul…lahat tayo in some way or another are GUILTY!
    for taking him for granted sometimes..
    for blaming him for our misfortunes in life…
    for closing the doors of our heart
    for refusing to open when he knocks at our door…

    salamat sa comment ha….

  39. azul says:

    guilty ako jan..madalas din ciang dumalaw sa bahay ko..madalas din akong humingi ng pabor sa kanya..at minsan ko na ciang nasisi sa mga nangyari sa akin…im glad he never leave my side kahit na natetake for granted ko cia paminsan minsan…

  40. blurosebluguy says:

    oo naman ikay….sa lahat na nangyari sa buhay ko…siya lang talaga ang hindi ako iniwanan sa ere.

    salamat ulit IKay….proud ako talaga sa bestfriend nating ito…o malamang siya din proud sa atin….wish ko lang

  41. IKAY says:

    kaya pla ang bilis nten naging close kuya blu.
    we have common bestfriend..

    dahil alam ko kahit minsan ngkukulang at nakakalimot
    ako sa knya lagi parin syang nanjan.

  42. IKAY says:

    ok basa! he he he!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s