the mailman

ding…dong…ding….dong! Inday sino ba yan…milman(mailman) po. Ah, kala ko si Mark. Pakisabi na lang pagdating ni Mark na dumeretso na siya sa office para dalhin ang papeles. Masama ang pakiramdam ko ngayon eh. Rest muna ako. Opo koya.

mailman

habang nagpapahinga ako…..nabaling ang isipan ko sa mailman…eh, di ba dumaan na siya kahapon..alam ko M-W-F ang deliver ng mga letters……eh, thursday kaya ngayon…. Inday,…asan yung mga letters kanina….ay koya…andoon po sa ibabaw ng piano…dalhin ko po dyan…hmmm seven letters…from Mr. King Bodner (Vienna, Austria)….ito galing naman sa Fullbright Insurance, Inc…..Wordpress….Istituto Tecnico Vladimir…Franchise Research Instute …. Obama Foundation …..hmmmm…eh eto…weird….ordinary naman ang sobre, pero walang stamps at saka walang return address…hmmm another fan mail? sana hindi stalker…medyo nauuso na rin dito ang mga ganitong tao ah…..

 

 

letter

 

Dear Blu,

Gulat ka noh? Musta na parekoy (di ba ito tawag sa iyo ngayon sa mundo ng blogosperyo). Alam mo matapos nating mag-usap kahapon…ang saya-saya ko. kasi naman…napagtanto ko na yung Blu na kilala ko ay ikaw pa rin….minsan nga lang maypagkasutil pa rin….eto na yata ang di mababago sa ‘yo kaibigan. Pero, ok lang …..anyway carry mo naman.

Sana ngayon nawala na rin ang tampo mo sa akin….sabi mo kasi iniwan kita sa ere…yun ang sabi mo sa akin ….. noong bago ka pa lang dito sa Roma..yung mga time na nangangapa ka pa sa bago mong trabaho…pano naman, eh international firm ba naman ang pinagtrabahuhan mo. Ayun, dugo na ang ilong mo sa kakaingles…di ka pa rin maintindihan nila….parekoy…italian kaya ang language dito…pero sa tingin ko medyo marunong ka na rin..di ba…Ciao! parekoy…cool ka lang …. .ganun talaga pag nagsisimula ulit. 

Alam ko nung mga time na dumating ka dito two years ago…December 8 …damang-dama mo ang lungkot….di ba pinakilala kita ay Charice Pempengco…sa youtube nga lang…di ba sabi mo ….lakas ng atungal mo noon..emote ka kasi ng emote…hehehehe. wag na nating balikan ang Pasko mo ….talagang feel mong kantahin parati ang …Pasko na sinta ko…paano malayo sa iyo si Marivi….kala ko sabi mo di ka iiyak…eh atungal na ang ginawa mo ha…..kaharap pa ang red wine (sarap naman!).

Blu….sa mga panahong iyon….katabi mo lang ako…nakikiiyak…nakikilumbay…nakikigalit (oo di ba nagalit ka sa sarili mo…bakit kasi pumunta ka pa dito….saya  ng buhay mo sa Pinas, kaya). Hindi mo man nadama…halos yakap-yakap na kita….Yun nga lang naging manhid ka…kasi feeling mo…iniwan na talaga kita…sabi mo pa nga….kala ko ba magkasama tayo sa pangarap na ito…kala ko ba di ma ako iiwanan sa ere (sumbat mo yun ha…dinig na dinig ko kaya)….aray! aray! magkakambal na sampal kaya ang binigay mo sa akin….sakit nun ha…pero ok lang…nauunawaan naman kita…kahit dati pa.

Kahit noong bata ka pa, matampuhin ka na talaga…ayun…sanay na ako sa iyo….pero kahit minsan di kita iniwang nag-iisa. Naalala mo pa ba noong minsan mawala ka sa divisoria…at nakita ka ng isang lola..gabi na noon at malakas ang ulan…di ba pinatuloy ka nya sa kanyang bahay at binantayan hanggang makatulog ka sa kakaiyak mo…yung himbing ng tulog mo noon…ako ang naging kumot mo…yung lola na nagkalinga sa iyo…yun ang guardian angel mo…Milagros ang pangalan nya…..

Marami na tayong binuong pangarap…magkasama…magka-akbay sa hirap, sa saya, sa pait sa tagumpay…..ang ating pinagsamahan ay pinanday na ng mahabang panahon…nasubukan na ring igupo ng maraming bagyo…pero eto ka pa rin…eto pa rin ako….magkasangga tayo…sana hanggang huli.

Oy, bago pala ang ending ng sulat na ito…tenchu ha…tenchu beri mats talaga! …ano ba yan nahahawa na ako sa’yo….alam mo mula nang ipost mo ang pagbisita ko sa ‘yo….marami ang nag-abang sa pagdating ko…iba nga ang comment nila dumaan din daw ako sa bahay nila…ang iba gusto mayakap ako….salamat kasi..dahil doon di  ako nawalan ng trabaho sa maghapon….sarap ng feeling sikat..hinihintay..inaasam…kulang na lang magsign ng autograph. Eto, tuloy booked na ako hanggang 2020…haba ng listahan at nadadagdagan pa ito araw-araw.

Galing din ng blog noh! Aba’y dapat pala makiblog na rin ako…..Oh ano kaya magandang url http://joshinheaven.wordpress.com at saka ang blog name ko ay Joshkoday! magaling…magaling…magaling….talented talaga ako….artistahin ang dating ng blog name ko diba? what do you think? Pwede na? Oy….di ka ba agree? kung agree ka..pakipost naman ang comment mo dito sa blog ni Kuya Blu!

Parekoy..pano…haba na ng sulat ko …pwede na kayang posting ito? Hanggang sa muling pagdaan ko sa bahay mo na blu…teka di ka ba talaga magpapalit ng kulay?….since birth na yan ah!

ur best among ur bestfriends,

Josh

p.s.  from now on…ang nag -iisang Joshkoday ng Blogosperyo….pakisabi sa Admin…exclusive name ko ito…di na pwedeng gamitin.

Oy koya…..alis muna ako..punta po ako ng pos ofes (post office)..hulog ko lang itong sulat ko….hihihihi…koya ok ba suot ko?..bakit kasi naka stockings ka pa …ang init-init kaya…at ano yang ribbon sa buhok mo…hoy Inday…di ka na bata noh….Eh…koya gusto ko kasing malaman ang pangalan ng bagong milman natin…naku koya…kung nakita mo lang…blu eyes…blond at saka wave-wave ang hair…panay nga ang ngiti sa akin…siguro may kras siya saken….

pagkaalis ni Inday…saka ko lang natanong sa aking sarili…..nagpalit sila ng bagong mailman?….dumaan dito hindi sa scheduled days of delivery?….si Inday natataranta?….ang sulat walang stamps at return address….saang post office kaya nanggaling yun?…..

Wala pang one hour, ito na si Inday at humahangos…..ay naku koya fake pala ang milman na yun…..hinanap ko sa tatlong pos ofes…..wala daw silang milman na ganun ang deskripsyon…sayang lang ang attire ko ngayon…bulalas ni Inday.

Hmmmmmm…….Mailman…sino ka ba talaga?

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

27 Responses to the mailman

  1. blurosebluguy says:

    hahahaha tama ka dyan bojoy….damo ko nga mga anghel …padala ni JOSH!

  2. bojoy2001 says:

    wow grabe ba? damu ka na angel…hehehe Josh will always be with you manong..
    GODBLESS!

  3. blurosebluguy says:

    salamat sa comment mo….maraming mga nilalang dito sa blogosperyo na mababait (lalo pag tulog..hehehehe)..
    you are welcome kaibigan…

  4. natutuwa naman ako sa klase ng mga blog mo hehe at natutuwa din akong makita na isa na ako sa neybor mo niyahahaha. Bayaan mo bukod sa bookmark e ilalagay ko din kayo sa mga kaneybor ko. Hindi ko pa kasi gaanong kabisado ung ibang feature ng wordpress e. SI aling baby pala ay community mo din, how I wish mapabilang din ako sa community niyo. Wla pa kong community e.

  5. blurosebluguy says:

    MON.,
    Wow….talaga naman ..dumaan si Josh dyan ha at may dalang regalo….laptop! galing naman ni JOsh…..
    salamat din parekoy

  6. Mon says:

    Nag-comment ako kanina, ba’t nawala? ayos lang.
    i was saying, seguradong mas magiging malakas ka pa kay Josh, lagi kaya siya ng laman ng blog mo. heheh.. matutuwa nyan si Kris A. hheehe.. Salamat nga pala sa palaging pag-tambay sa bahay ko. Hanggang sa muli, parekoy!

  7. Mon says:

    Dumaan din dito si Bro. Binigyan nya ko ng bagong laptop!! Yippeeeyy!! heheh..

  8. blurosebluguy says:

    naku tunay ka lovely…nakakataba naman talaga ng puso yang mga commments na yan….pero higit sa lahat ay ang basahin rin ang inyong mga postings…..na nagbibigay sa akin ng mga bagong aral…..kasi alam ko si Josh minsan ginagamit kayo to tell me something….kailangan lang talagang buksan ko ang aking mga mata at higit sa lahat ang aking puso… salamat kaibigan.

  9. blurosebluguy says:

    ay naku kathy malamang nakasulat na siya sa iyo…baka nabasa mo na rin…di mo lang napansin kasi hindi siya ang nakapirma…remember sabi nya papasok na rin sya sa blogosperyo….di kaya yung mga nababasa natin na mga postings sya ang may akda….di kaya yung isa sa ating mga ka-bloggers ay Siya naman talaga…tanong ko lang?

  10. blurosebluguy says:

    revsiopao.
    hay naku busy-busy talaga ngayon si BRO, buti nga at nakasulat sya eh…talaga naman ha! ang aga ng easter gift mo hane. Ngayon napag-isip-isip ko kahit sa blog world papasok na rin sya. kaya dapat maging attentive na talaga ako this time…malay mo ang ka-chat mo siya na pala….mlay mo yung binabasa mo ng post..galing pala sa kanya….

  11. anakngpating says:

    hays ang sarap basahin ng sulat ni bestfriend josh at sosyal ha gusto na rin nya mag blog naku iaad ko sya sa broll ko abah..dahil pupuntahan ko sya lagi tulad ng pagbabantay nya sakin…
    kuya blu swerte mo kaya tanggap lang ng tanggap ha hehe ng makarami tayo hehe..:)
    sikat ka na rin sa blog world ha naging chatroom na ang blog mo ako hindi hehe…:)
    i know everytime na nakakabasa ka ng comment masaya ka oh db…tama ako,..hehe
    pakiss nga kuya blu mwah….toinkz..

  12. chicksykat says:

    ayan madalas kase reklamador tayo kaya minsan ndi natin napapansin sya na pala ung lumalapit sa tin ndi pa natin sya napapansin,kase puro tayo sintimyento sa buhay..

    sana may dumating din sulat sa kin galing kay Bro…hehehe

  13. revsiopao says:

    Naligaw ba ako ng bahay?
    Hindi ba ito exclusive chat room ni Ikay at Blu? He he…

    Dumaan din sa siopawan kanina si Josh.
    Ang dami ngang dalang pasalubong e.
    Pagbukas ko, puro chocolates at kung anu-anong sweets.
    Siyempre nalungkot ako bigla at kinausap siya.

    Siopao: Bakit naman puro matamis?
    Josh: Ayaw mo ba?
    Siopao: Alam mo namang fasting ako sa sweets until Easter Sunday e.

    *silence*

    Josh: Ganyan kita kamahal… Ngayon pa lang hinatid ko na kagad sa ‘yo ang Easter gifts ko…

    *Siopao — napaluha… sabay yakap kay Josh*

    A BLESSED LENTEN SEASON KAPATID!

  14. chicksykat says:

    2nd base!

    hehehe

    maya na comment^^

  15. blurosebluguy says:

    well…ganun talaga ako…emo…at least im coming into terms of what i have gone through…at sabihin na nandyan parati si BRO

  16. IKAY says:

    kya nga!
    hanukaba iniba ko lng ngtawag…hehehe

  17. IKAY says:

    magaling! magaling!…he he he!
    ngpapatunay lng na no matter what happen
    eh lagi syang nanjan..at mahal ka nya.
    (kya wag ka ng mg inarte jan…joke!)
    kaya kapag minsan kung nalulungkot ka kc miss mo
    ang pinas eh isipin mo nlng ng hindi ka ng iisa jan.
    at mapalad ka!

  18. blurosebluguy says:

    hhaahahahaha si josh at si bro ay iisa

  19. blurosebluguy says:

    hahahahah naku hindi pwedeng violet..lam ang hoping blu…exclusive lang yan sa mga special friends na kagaya mo…
    ano naman ang masasabi mo sa letter ni Josh aber!

  20. IKAY says:

    malamang kc nga db kay bro. galing yung sulat?

  21. IKAY says:

    eh kuya blu hindi ba pedeng hopiang violet!?
    para ube flavor…he he he!

  22. blurosebluguy says:

    sa palagay mo kaya?

  23. IKAY says:

    nyek mali pa! si mailman baka angel ni bro.!

  24. IKAY says:

    eh bka angel ni bro. ni mailman…hehehe!

  25. blurosebluguy says:

    ang IKay first prize na naman…isang kahong hopiang blu……

  26. IKAY says:

    yeheeyyyy!! base muna!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s