ang mga paa ni dalena magtanggol

dalenaito ang mga paa ni dalena magtanggol.  soosy at class ang dating…hahahaha!  papano ba naman ng mabalitaan nya na kinarer ko na talaga ang pagsusulat dito sa blogosperyo…request nya kaagad na isulat ko daw sya….kasi kailangan nya daw ng publicity. Sabi ko…..pahingi naman ng piktyur mo para mailagay ko sa entry na susulatin ko….aba noong magkita kami…ito ba naman ang ibinigay….sabi ko ….patay!….ano naman ang magiging title ng entry ko…..kaya ito…pagtiyagaan nyo na itong napili kong title sa kwento kong ito…..oppps sori may pahabol pa ang dalena….kaya yan ang piktyur na binigay ko sa iyo kasi dapat isulat mo sa blog mo na ako’y puno ng misteryo…..hahahahaha…..lutong ng tawa nya….di sinabayan ko na rin hahahahahaha…isa na naman itong tagumpay! …hahahahahahaha. kaya? 

Sino ba si dalena magtanggol? Noong kararating ko pa lang sa Roma two years ago…isa  sya sa mga  una  kong nakilalang pinay na mas makulay pa ang buhay kesa kay Nora Aunor. Tubong Cebu, lumaki sa hirap..pero matiyaga sa buhay….mula Cebu pinadpad sa Maynila ….nagtrabaho sa pabrika…at dito nya nakilala ang kanyang bf na si Munggo at naging asawa after a whirlwind romance (mala- Imelda at Ferdinand Marcos love story). Noong una masaya ang kanilang pagsasama…pero noong magkaroon sila ng sunod-sunod na mga anak (pito lahat), biglang nagbago ang kanyang asawa…dahil na rin siguro sa hirap ng naranasan sa pagtataguyod ng lumalaking pamilya (kaya lumaki kasi gumawa pa ng isang pamilya….tatlo ang naging anak sa kabila). Sa lahat ng pagsubok na ito….naging matatag ang dalena…..

oppps ….flashback muna…..ganda naman ng name mo dalena…saan naman nakuha yan?..tanong ko minsan..habang kumakain kami ng malutong na tsitsaron at hawak-hawak ang beer in can nang isang gabing pareho kaming nasa emo mode….lam mo pinanganak ako sa gitna ng kalye….kasi nanay ko inabutan na don…tagal kasi ng dyip dumating….kaya hayun sigaw sya ng sigaw habang umeere…dalena! labas na dyan!…dalena! aray……!!!!!aray..!!!! waaahahhhhhhhhhhhhhhh…lumabas sa wakas si dalena. (explanation po ng episode na ito: dalena means dali na(dalian mo ang paglabas dyan)…..kaya lang po nabisaya..kaya hayun …sabi ng komadrona ….sabi ng nanay nito…… dalena ang itawag sa kanya..bow!).

Para maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak….napadpad naman siya dito sa Roma…hindi naging madali ang lahat para sa kanya…kasi may mga times na yung pinapadala nyang pera winawaldas ng asawa nya…..dalawa rin sa anak nya ang maagang nag-asawa, kaya hayun….kayod to death siya di lamang para sa mga anak…kundi para na rin sa mga apo nya.

Isang araw sabi nya sa akin…hiwalay na kami ng asawa ko….noon ko lang nakita na maaliwalas ang kanyang mukha…sabi ko….ngayon malaya ka na….oo nga di bale sa mg anak ko na lang ibubuhos ang mga pinagpaguran ko. Mula noon naging masiyahin na si dalena. Kung titingnan mo siya hindi bakas sa kanyang mga mukha ang mga pinagdaanan niya. Kung sabagay sa mata ng ibang tao matapang si dalena, masayahin….parang walang problema parati….pero ang hindi nila alam…sa kanyang pag-iisa….balde-baldeng luha ang nauubos niya. Masayang kasama si dalena ..katunayan di sya nauubusan ng mga punch line. Ang magiting na dalena…sa katunayan lang ……. ang aking naging sandigan sa mga unang buwan ko dito sa Roma.

Kaninang hapon..day-off ng mga ofw’s….nakagayak na naman ang dalena noong magkatagpo kami …sabi nya…eto na naman po ako ….alam nyo na….. magkakalat ng saya! hahahahahahahahaha (isang malutong na tawa nag kanyang pinakawalan) …..tama nga  naman kung saan si dalena…naroon parati ang saya…minsan iniisip ko …kakambal na nya talaga ang saya…. meron syang dinukot sa bag nya…eto oh…ano yan?…yun pong publicity ko sa blog mo……natawa na lang ako…sige ipa-publish ko.

Name: Mystery Woman

Civil Status: Single na

Sex: nakatikim na

Age: 30 plus

Occupation: Private nars: (kaya lang walang lisensya)

Ideal man: tall, blue eyes, wave-wave hair

for information contact Mr. Blu

 

 Sa buhay na ito may mga taong pilit pinagtatagpo ng kapalaran…magkalayo man sila ng estado sa buhay…pero parang isang misteryo na pilit pinagkakabit-kabit ang mga buhay nila ng tadhana. Sinong mag-aakala na sa Roma ko masusumpungan ang isang kaibigang tulad ni dalena. ….tapat ….mapagmahal…marunong makisama at higit sa lahat may pananalig sa Diyos.

Koya Blow (yun ang bigkas ng name ko pag-excited siya)….alis na po ako…ciao po!……sige ingat ha….natatawa na lang ako pag ganito na ang esksena ni dalena…

Siyanga pala,  ang tunay may-ari ng mga paa ni dalena magtanggol……

ay

si

INDAY……..

habang tanaw ko ang pag-alis ni Inday…siya naman ang daplis ng isang malamig na hangin…kala ko tuloy naiwang bukas ni Inday ang bintana….pero lahat naman nakasara noong tiningnan ko….hmmmnn..

JOSH….sambit ko…is that you?

alam ko may mensahe na naman si Josh sa akin…na kung ano di ko pa mawari? 

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

22 Responses to ang mga paa ni dalena magtanggol

  1. blurosebluguy says:

    hahahahha……ang itsura ko ay tulad ng mga taong nakikita mo sa kalye dyan sa inyo…..salamat bojoy…di ba wacky talaga si dalena…sosy…..

  2. bojoy2001 says:

    si Indhay dalena talaga..hehehe…daw eager ko makita ka manong..whahaha…wala lang…kag daw gusto ko makita itsura mo…nacurious lang hehehe…

  3. dhyoy says:

    hay buhay nga naman….

    (hingang malalim)

  4. blurosebluguy says:

    heheheh mabuhay ang IKAY buti ka pa nagbakasyon…hahahahaha

  5. blurosebluguy says:

    marami ang katulad ni dalena…kahit ikaw din ba?…kaya nakarelate ka…pero mas kahanga-hanga ang tibay ng loob nila….para lang sa pamilya…

    ask mo sa akin ang message ni Josh? ang message nya ay nakapaloob sa kwentong ito…ikaw ano sa palagay mo ang message niya sa IYO?

  6. IKAY says:

    masyado ko lng ninanamnam ang last day ng aking 3 araw na
    bakasyon..he he he!

  7. IKAY says:

    ang sosyal ni enday penk ang stip-in..he he he!

    well mdyo nkakarelate ako ky dalena, kc parehas kming ofw
    ngtitiis mgtrabaho sa malayo pra makatulong sa pamilya.
    at nkakabilib sya kc kinakaya nya ang lungkot at yung pagka miss sa
    mga anak nya.

    hmmm…ano kaya ang mensahe ni josh!?

  8. IKAY says:

    hmmm…muka nahuli ako ah!? si rev. nka base kaagad.he he he!
    cge basa muna ako.

  9. blurosebluguy says:

    parekoy mon.
    si dalena at inday ay iisa..bow!
    salamat naman at mejo nakaguluhan ka hahahahahaha.

  10. Mon says:

    medyo nakaka-confuse ang relasyon mo kay dalena ahh .. si inday ba ay si dalena? kung ganun, si dalena ay kasambahay mo? tama? hehe.. ang gulo ko. soweee.. regards mo na lang ako kay inday.

  11. anakngpating says:

    sosyala ang nail polish ni enday ha may kutob na ko sa kalagitnaan na si inday to eh dahil sa bisaya na dalena…

    at talaga naman ngang iba ang buhay na dinanas ni inday ano dalena pala hehe
    pero hindi nya dinadala kung anong bigat sa dibdib nya kapag madami na syang kasama pero kapag nag-iisa na doon nya binubuhos ang lahat..kakabilib talaga ang mga taong marunong mag tago ng problema..

    ang mga nawala sknya ay babalik rin na mas higit pa..:)
    dahil kahit na nanjan sya sa roma ang mga paa nya ay nakatapak pa rin sa lupa.

    • blurosebluguy says:

      ok Lovely…alam mo maya-maya lang mababasa na nya comment mo…salamat ha…si Inday…hulog ng langit yan sa akin…..siya lang kasi ang nakastockings kahit summer…..kakatuwa……naman itong aking anghel sa lupa….

  12. chicksykat says:

    ay sosy nga ni inday!…at naka nail polish pa ang mga kuko ha..hehehe

    nakakabilib ang isang tulad ni dalena na nadapa at muling bumangon sa hamon ng buhay..at ngaun isa na nmang hamon ang kanyang kinakaya,ang magtrabaho sa malayong lugar na ndi kapiling ang pamilya..para sa isang katulad ni dalena MABUHAY KAYO at sana maging matatag pa kayo sa mga darating na hamon ng buhay…

    aabangan ang sunod na mensahe ni JOSH…..

    • blurosebluguy says:

      salamat kathy ipapabasa ko ang iyong comment sa kanya…tiyak tatawa na naman yun ng malutong…..ahahahhahahaha!

      hintay ko rin mensahe ni Josh…ano sa palagay mo ang mensahe nya sa akin s kwento ng dakilang dalena…..sosy ang mga paa di ba…and take note…ganda ng step-in…hehehehe

  13. chicksykat says:

    ayan na si rev nakabase na nman…hehehe

    cge basa mode muna.^^

  14. revsiopao says:

    Nagketa pala kayo ne Enday sa di-up niya.
    Sa Termene ba kayo nagketa?
    Impeyrness, ang ganda ng koko at istip-in ne Enday.
    Penk na plawers pa ang desayn.
    Ha ha ha!

    *****

    Seriously, maraming tulad ni Dalena ang tinitiis ang lahat ng hirap sa ibayong dagat para lamang masumpungan ang isang mas maayos na buhay para sa sarili at kanilang mga mahal sa buhay. Mga tunay na bagong bayani!

    *****

    Si Josh kaya ‘yung dumaan?

    Hmmm… ano ka kaya ang bagong mensahe? Abangan!

    • blurosebluguy says:

      salamat sa comment revsiopao, marami ang tulad niya dito sa Roma at sa ibang pang bahagi ng mundo kung saan may mga pilipino. Minsan inisip ko na rin…..di kaya itong mga taong ito…kahit alam nating tunay na tao… in some ways..padala ni JOsh…yun bang mga anghel sa lupa….

      kahit ako pilit ko pa ring inaalam ang menshe ni Josh…..pakitulungan mo naman ako rev.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s