plumang blu

ang dampi ng malamig na hangin….at ang katanungan na naiwan ko kahapon ….ay parang naging isang multo sa akin ng buong maghapon ngayon…ano nga kaya ang mensahe ni Josh? Kahit karamihan sa mga nagcomment ay siya rin ang naging bukambibig…..pilit ko iwinaksi ang palaisipang ito….sabi ko pa nga …ang susi ay nasa kwento ni dalena magtanggol….Tatapusin ko sana ang araw na ito ng may katiyakang sagot sa aking mga katanungan ng……eto at biglang humahangos si Inday……

Koya…..tingnan mo oh…ang ganda….naman….pinabibigay po sa inyo noong mama na nakita ko dyan malapit sa ating geyt….bigay ko daw kay Mr. Blu…..

presentazione-standard11

di ba parang nakita nyo na ito dati pa?….exactly! ito yung plumang blu sa kwento ni baby blu. Bakit…ano ang sabi noong mama? ..tanong ko kay Inday….bigay ko daw po sa inyo….hmmmm..mysterious ?…..ano naman ba ito…tanong sa isang katanungan na di pa nagkakaroon ng kasagutan….dampi ng hangin…..at ang plumang blu….ano ang kanilang kaugnayan?

Iniwan ko ang plumang blu sa aking working table…..at binuksan ko ang aking laptop….gusto ko munang kalimutan ang hiwagang nakabalot sa plumang blu….

toink!

butterfly: ciao! …muzta ka na? ako eto…magrereview for my exam…sensya na ha…

blu: ok lang….gusto pa naman sanang  kitang tanungin  ….may five minutes ka ba?

butterfly: shoot!

blu: naalala mo pa ba ang post ko noong feb. 21…yun tungkol kay baby blu…

butterfly: ah..oo naman, bakit….. what is it this time?

Blu: kasi…may nagbigay sa akin ng plumang blu today…pinaabot lang kay Inday…may kaugnayan kaya yun sa kwento ni baby blu?

Butterfly: di ko alam…ilan ba sa mga friends natin ang nakakaalam na ikaw si Blu? at in the first place paano naman niya  nalaman ang exact location mo….nagbababasa ba siya ng blog mo? kahit ako naguguluhan na rin…?

Blu:  teka…teka…ano ba ang ibig mong sabihin?

Butterfly: wala…. series lang nang mga tanong na walang logical sequence……natanong ko lang…opps…times up! tapos na ang five minutes..ciao! caio! at mwaahhhh!

bihira naman itong si butterfly….ang bilis naman…may five minutes na kayo yun? hmmm….

toink! isang mail….hmmmm..

Dear Mr. Blu,

Just call me Elmer. di mo ako kilala…kahit ikaw di ko rin kilala. I just happen to enter your blog site by accident  kahapon when i was into bloghopping. Na-intrigue lang ako sa mga title ng mga kwento mo…at kahapon nga nabasa ko ang kwento ni baby blu…why  certain interest? siguro yun ang tanong mo?

I was married to wonderful wife for the past six years now…..six months ago ….finally after six years, she got pregnant. We were very happy of the news….answered prayer talaga itong pagbubuntis ng asawa ko. Sa umpisa pa lang winarningan na kami ng kanyang doctor about a difficult prenancy….kasi ang wife ko had a heart operation a year ago..Pero sabi namin…….ito gift ng Diyos…kaya we decided na ituloy ang pregnancy. True to  what the doctor said, my wife has been in and out of the hospital for the last three months. Two weeks ago, she had to undergo an operation …..kasi naging weak na ang kanyang heart and the baby in her womb seemed to stop moving….sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako nagdasal sa Diyos….Matagal ang operation..inabot ng almost five hours…..

But at the end…di talaga nakayanan ni Gilda ang operation…..when i saw our baby…sabi ng doctor sa akin…Elmer isa syang blu baby (ibig sabihin meron din syang congenital heart disease) …….under observation pa siya for 24 hours…sana lang…Lord! Di ko malaman kung saan ako mag-uumpisang maglamay…sa misis kong nakahimlay sa kabaong …..o ….sa anak kong naghihintay ng pag-asang mabuhay….I bargained with the Lord…sana kahit itong anak iregalo naman nya sa akin…..sabi ko wag naman sanang kunin ang lahat-lahat sa akin…..gusto kong umiyak noong mga panahon na iyon…pero wala nang luhang pumatak sa aking mga mata….

After four days…nailibing na ang misis ko…..yun din yung araw na kung saan sinabihan ako ng doctor na my son had survived the ordeal……isang miracle nga daw ang nangyari….isang bagay na hanggang ngayon di ma maipaliwanag ng doctor.

kahapon nga nang una kung mabasa ang story sa blog mo tungkol kay baby blu…namangha talaga ako….kasi yung plumang blu ay katulad ng plumang blu na natagpuan ko sa crib ng anak ko  dito sa bahay nang minsang umuwi ako to get some few things during the wake of my wife….di ko lang pinansin noon …..pero ngayon hawak-hawak ko….hindi pa rin ako makapaniwala.

Mr. Blu….hindi kaya itong baby ko ay  si baby blu sa  iyong kwento? Yung baby na gustong mabuhay pero hindi nagkaroon ng pagkakataon? Anong koneksyon ng plumang blu?…….ng kwento mo tungkol kay baby blu…at aksidenteng pagkatagpo ko sa blog mo?

Salamat….maraming salamat …..na kahit hanggang ngayon..isa pa ring palaisipan sa akin ang mga nangyari..alam ko ……sinagot na ng Diyos ang lahat ng mga tanong ko. ……request ko lang pala…pwede ba kitang kuning maging ninong ng anak ko. Siyanga pala….BLU ang magiging name ng anak ko.

Elmer

Hmmmm….inhale..huh!…exhale…huh!….totoo ba itong mga nangyayari…God……pansamantala kong iniwan ang laptop ko ng may pagtataka….napaupo ako sa silyang di kalayuan sa aking working table….pinagmasdan kong mabuti ang aking laptop…anong hiwaga ang nababalot sa mga nangyayaring ito…pilit kong ipinikit ang aking mga mata…..di ko na yata namalayang nakatulog ako for a while …….hanggang…..

toink!

Elmer: kumusta po…napansin ko online po kayo…si Elmer po ito…yung nag-email 3 hours ago…kayo po ba si Mr. Blu ng wordpress? Nagbabasakali lang po….huli na po kayo sa mga  Blu na nasearch ko sa skype…….

Blu: ok naman….hello… si Elmer ka ba talaga? …..isang tanong lang muna?

Elmer: sige po…

Blu: ikaw ba yung naghatid ng plumang blu kanino dito sa bahay ko?

Elmer: hindi po …sa katunayan tatanungin ko pa lang ang address nyo para sadyain talaga kayo……at saka Mr. Blu….hawak-hawak ko ngayon ang pluma blu.

 

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

32 Responses to plumang blu

  1. Lanora says:

    Haters will be haters!? this song/lyrics says it all! Galing nang PINOY….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

  2. blurosebluguy says:

    hahahahah salamat putotzi este paul pala…

  3. putotzi says:

    😀 in-add din kita @blu … natutuwa (positive) ako sa mga posts mo, sobrang totoong totoong totoong totoo.

  4. putotzi says:

    wOw! naalala ko dito ang blog post kanina ni Jason Mraz. super miracles talaga kayo ah..🙂

  5. blurosebluguy says:

    hahahaha bojoy ang plumang blu …ayan o nasa piktyur..blu feather!
    hahahahahah….pray for blu always!

  6. bojoy2001 says:

    gapalanindog man bulbul ko ba? pero manong anu ang plumang blu? hahaha…wala pa ko dyapon sa sarili…thats what we call God is always listening to all our prayers… even if it’s only in our thoughts he hears it…his ears can hear every single drop of a cotton…
    GODBLESS manong..
    your ang Angel for kuya ELmer…
    and for all of us also..KEEP writing…:D

  7. ianyce says:

    wow npakaganda nman ng blog mu, mahilig din ako sa blu hehehehe wla lang peace poe

  8. kengkay says:

    watta story. na miss ko to ah

    • blurosebluguy says:

      ah namiss mo nga ang story na ito kasi umalis yata kayo patungong snow mountain…at sabay kanta ng …the hills are alive with the sound of music……salamat kengkay…regards na lang kay kengkoy at sa mga little kengkays mo.

  9. collezionofarfalle says:

    hmmm…plumang blu?pangkiliti sa paa ni dalena magtanggol!hehehe!
    pag may time basahin ko lahat yung mga nde ko pa nababasa =)
    *fly fly*
    ubos na five minutes ko!nyahahaha!

  10. blurosebluguy says:

    salamat coolwateworks….
    musta na parekoy……salamat ulit sa pagdaan at pagsusubaybay…hanggang sa muli

  11. coolwaterworks says:

    ang “blue” ng kwento… pero aabangan ko pa rin ang susunod na kabanata…🙂

    Coolwaterworks

  12. blurosebluguy says:

    santino….blu….hahahahah..miracle child yan ni God. minsan naisip ko …ako kaya himala din ni Josh para sa iba.May mga nilalang na mula sa pagkasilang ay kinatigan na ng grasya ng Diyos…para bang sinasabi NYA…ito ang patunay na buhay ako at daluyan ng pag-asa.
    Lahat tayong isinilang sa mundong ito ay may papel na dapat gampanan…kasi lahat tayo tulad ni baby blu ay isang himala.

    kathy naitanong mo: ano kaya ang mangyayari sa kapanapanabik at kamangmangha’ng istorya ng plumang blu?

    ang tanong ko sa iyo: ano naman kaya ang kamangmanghang mangyayari sa kwento ng buhay mo bilang plumang blu (the miracle of God)?

  13. kathy says:

    nuninuninuninuninuninu…{background music ni rev}^^

    ano kaya ang mangyayari sa kapanapanabik at kamangha-mangha’ng istorya ng plumang blu?..

    *taos puso po akong nakikiramay sa yumaong maybahay ni Ginoong Elmer.at sana lumaking mabuting bata si baby blu like santino.

  14. blurosebluguy says:

    hay naku Ikay…ang laki mo na kaya….at saka mahal na ang mga regalong hihilingin mo….di tulad pag baby pa….kahit 500 pesos ok na hahahahahah.

  15. payatot says:

    ano ba yan, kinilabutan naman ako sa post mo na to..totoo ba yan ha? kamangha mangha talaga kung tru yan kase di inaasahan na ganun..tapos may nagdla pa sayo ng plumang blu..wow..

    • blurosebluguy says:

      may mga bagay dito sa mundo na mahirap ipaliwanag…minsan ko na ring napatunayan sa aking buhay na walang imposible sa mundong ito….ang kwento ko at kwento mo ay maaring ordinaryo lamang pero kung babalikan mo muli….meron ka kayang mapapansing kakaiba…..kaibigan buksan mo ang iyong mga mata…kasi sa ordinaryong pangyayaring ito gumagalaw ang kamay ng Diyos.
      slamt sa pagbisita sa bahay ni Kuya Blu…..balik ka uli kaibigang payatot.

  16. IKAY says:

    nalulungkot ako sa nangyari sa asawa ni elmer,
    kc hindi nya man lng nasilayan at nayakap khit
    sandali si baby blu…pero cguro minsan talagang gnun
    may nawawala at may dumarating.

    eh kuya blu ako pede ba kitang maging ninong!?
    hek!hek!hek!

  17. sandijmartin says:

    wow, para kong nakinig ng drama sa radyo, may sound effect pa🙂

    Ano kaya ang mangyayari sa kapana-panabik na kabanata? dapat abangan..

  18. vk03 says:

    blu… blu… yan dapat ang name ng anak ko eh blu, wala lang kasi favorite color ko ang blue. Pero muntik ng pumatak ang aking luha sa kaliwang mata habang binabasa ko ang kuwento ni elmer. Grabe! Katatapos ko pa lang gumawa ng email sa batchmate ko about mga nakakatindig balahibong kuwento, nang matapos ako napasilip ako sa balay mo… at nabasa ko nga ang tungkol kay blu…

  19. IKAY says:

    hambilis talaga ni rev. base kaagad.
    he he he.

    ninuninuninuninuninunu
    (nakikisounds lng ky rev. )

  20. anakngpating says:

    wow ha kamanghang kwento naman ito..
    at magiging ninong ka ha hehe…
    at swerteng nabuhay talaga yung bata pero sa kasawi ang palad kinuha ang asawa nya sad na naman nun…buti na lang matatag pa rin si elmer.
    kamusta na kaya ang anak nya ngayon,,..
    kapag nag ka baby na rin ako ninong ka blu ha hehe…:)

    • blurosebluguy says:

      oo nga kahit ako di makapaniwala…oo sure pwede akong maging ninong ng anak mo as long Blu rin ang name nya (pramis yan ha…naku Lovely ka)…..si baby blu ni Elmer ok naman siya…….alaga kaya si ni Josh…..

  21. revsiopao says:

    {voice-over}

    * ano ang hiwagang bumabalot sa plumang blu?

    * sino si elmer?

    * sino ang naghatid ng plumang blu kay bluguy?

    * ano kaya ang ireregalo ni bluguy sa binyag ni baby blu?

    ABANGAN! sa susunod na kabanata!

    nuninuninuninuninuninu
    {huwag ka makulet… background music ‘yan}

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s