il mare blu

maaring kayo’y nagtataka sa title ng post ko ngayon sa araw na ito….il mare blu (italian phrase ito na ang ibig sabihin ay ang dagat na blu)…..bakit blu …kasi ang dagat may maraming kulay: blue, green, greyish, brown, black, clear..at iba’t iba pang shades na makikita habang nakikipaglaro sa araw at sa buwan.

ang piktyur na ito ay kuha….maraming taon na ang nakaraan, nang ako’y unang mapadpad dito sa Italya. Dito sa bansang ito  ginugol ko ang pag-aaral ng aking second university degree at dito rin…tandang-tanda ko una akong na-inlove sa isang banyaga.

Sa  dagat na blu magsisimula ang kwentong ito.

 

mare-blu1

 Ang pag-aaral sa Italya ay hindi madali..kasi nga italian language ang gamit dito magmula sa lectures, research at examinations. Hindi pupwedeng ang isang estudyante ay hindi marunong nang salitang ito, kung hindi patay kang bata ka…dudugo ang ilong at tenga mo sa kapapakinig ng mga usapan  na wala ka man lamang maintindihan. Karamihan sa aming mga baguhan ay nag-uumpisang mag-aral ng extensive italian course before the semester begins (October).

March nang taong iyon ng dumating ako sa Florence for my Italian class. Nalula ako sa dami ng mga estudyante na nagmula pa sa iba’t-ibang dako ng mundo. Halos lumuwa ang mga mata ko sa mga naggagandahang dilag….may blond…brunette…blue eyes… green one… sexy ….fit all sizes…whewww sabi ko swerte! Kaya lang ang kuya blu nyo behave that time. Dahil friendly at with a smiling face, marami akong naging kaibigan.

Pero sa lahat…merong natatangi…si Hiroko..isang japanese girl..maganda…mabait at singkit..cute pag ngumingiti. Halos tuwing uwian…parati kaming sabay naglalakad at panay ang kwentuhan…kami lang kasi ang dalawang asians sa klase namin…pero sa wari ko may crush talaga siya sa akin (hehehehehe..lakas ng trip ng kuya nyo…hayaan nyo na….). Madalas ko kasing nakikita syang nakatingin sa akin ng palihim. Tuwing hapon, wala siyang ginawa kundi bumili ng sapatos, damit,…at iba pang mga gamit…sabi ko nga, aba…mayaman at panay ang flash ng credit card….ako naman tahimik lang sa isang tabi….tango lang tango pag tinatanong.

Naging magkaklase kami sa apat na levels (4 months) at talaga naman sa mga panahong iyon, lalo kaming naging malapit sa isa’t isa. Isang week-end niyaya nya ako sa isang beach house, kasama namin ang mga housemates nya…masaya …at enjoy talaga. After dinner naglakad-lakad kami sa dalampasigan….at sa isang iglap nagtama ang aming mga mata….tanong nya sa akin….Blu, do you like me?..ha…nataranta ako sa tanong nya….sabay kiss sa lips ko….err…Hiroko…you know…you’re a nice girl and beautiful, too. But….but what Blu? Could we just talk about it tomorrow…..pagkasabi ko niyon …bigla na lang siyang tumakbo pabalik ng aming cottage…..ako naiwang mag-isa…..litong-lito sa mga nangyari….pagbalik ko sa cottage namin…alam ko gising pa siya….kahit ang ilaw sa kuwarto nila (mga girls) ay patay na….di ako halos nakatulog ng maayos ng gabing iyon…mag-uumaga na siguro dahil sa pagod…nakatulog na rin.

Wala kaming imikan mula breakfast, hanggang paliligo namin sa dagat….doon ko napagtanto ang kulay ng dagat ay blu…minabuti kong lumayo muna sa grupo…kasi naman nahalata na nila kami na hindi nag-uusap….hay…sabi ko….bakit kasi….sana na lang….Blu…sorry..i did’nt mean…Im sorry, too…I know you were disappointed last night. Alam nya kung bakit walang nagyaring love scene kagabi. Maaring sa mga nagbabasa ngayon ng  entry kong ito…ang tanong ninyo sabay-sabay ay malutong na BAKIT? naman Blu….

Si Hiroko ay tumakas mula  Japan isang linggo bago siya ikasal. Mahal nya ang kanyang bf…sabi nya nga eh..tall, mestiso at singkit….ika pa nya…everybody’s dream husband daw. Pinakita nya sa akin minsan ang piktyur ng bf  nya…aba…eh mukhang artista…. pero ni minsan di ko naman kasi inungkat ang dahilan ng kanyang pagtakas. Parang movie na Runaway Bride, di po ba?

Aminin ko sa inyo….kahit ako unti-unti na ring nahuhulog kay Hiroko….kaya lang naging palaisipan kasi sa akin ang kanyang biglang pagtakas at hindi pagsipot sa itinakdang kasal. Umuwi kami sa Florence kinaumagahan na hindi pa rin naayos ang aming pag-uusap. Marami pa ring tanong ang gumugulo sa aking isipan.

Isang hapon…habang kami’y naglalakad pauwi ng bahay nila…bigla ba naman tinanong kung pwede daw siya magsleep-over sa bahay ko to study with me…ngeek patay nasabi ko tuloy……ang Hiroko may planong rape-in  ako. Ahhhh…sabi ko…no, you see Im leaving with priests, no women are allowed to stay with us……what do you mean? tanong nya….buti na lang at nakasalubong namin ang klasmeyt  naming  amerikana (si Lana, edad 60), ang nanay-nanayan ng aming klase. Sinabi ko sa kanya ang problema. Ang nanay Lana di magkaundagagang iexplain kung ano ang ibig sabihin ng house of priests, ang catholic religion at bakit bawal ang babae….wheeew buti na lang naniwala si Hiroko.

Mula noon…iwas-tuko talaga ako, pag medyo dumating na sa moment of emo kaming dalawa…Una kasi takot ako sa isang bawal na relasyon…siya tumakas lang sa bf nya…pero hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin ang rason nya. Isang araw, di na pumasok si Hiroko…ang sabi ng hosemate nyang si Alexa….bumalik na sya sa Japan. Sa totoo lang namiss ko talaga sya…..siguro nga di ko lang maamin na minahal ko na rin siya. Malungkot ang mga sumunod na araw….alam na alam ito ng buong klase…at ramdam na ramdam din nila ang aking pananamlay…Bakit kaya …..pag ako’y umiibig ……kailangan  gamitin ko parati ang aking pangangatwiran at isipan…di ba pwedeng umibig na ang gamit puso lang.  Kumusta na kaya si Hiroko?

Nang mag-umpisa ang summer (july)…binalikan kong muli ang dagat na blu…at doon ginugol ang mga oras sa pag-iisa, pagninilay-nilay at minsan sa pag-iyak.  Nakiramay din sa akin ang dagat, at sa bawat paghampas ng mga alon nito sa dalampasigan para bagang winawaksi rin nito ang aking kabiguan. Sa huling araw ko sa dagat na blu hinintay ko dito ang paglubog ng araw…maganda….nakakaakit ang kanyang kariktan….nakita ko rin ang huling sayaw ng kanyang kulay sa dagat. Paalis na ako ng may biglang nahulog na papel sa librong hawak-hawak ko. Isang sulat…at galing ito kay Hiroko.

Dear Blu,

I wanted to tell you that I am going home soon to Japan, but lately you seemed to be unattached with the world around you. Whenever I see you, I feel that as if I dont exist…you are never the same…and this makes me feel sad.

Sorry, if I have ruined your trust and friendship. Il mare blu….wil always be my witness of my love for you. I was hoping to find real love here….maybe with you. But I was wrong…somehow and at some point along our friendship…something went wrong….maybe it was not meant to be.

Im going back to Japan, to marry my boyfriend. He has forgiven me and the wrong i have done to him. And I cannot forego that love. I could have chosen to stay with you…if you have love me, too. I am very sorry I was wrong to think about you and your love. How naive I was thinking that you love me, too.

Con questa lettera ti abbracio con tanta amore. Mi dispiace se ti ho disturbato nella tua serenita’. Perdonami,  forse il mio peccato è amarti così tanto. Pedonami, non ti disturbo più.

Ti amo,

Hiroko

mare-blu

Sa muling pagbalik ko dito sa Italya two years ago, muli kong binalikan ang dagat na blu…naroon pa rin ang kinang nito habang nakikipagsayaw sa kislap ng araw…..pero alam ko may kulang….kasi di  ko na muling nadama ang halik ng mga alon nito sa aking  pagkatao. Si Hiroko at ang alaala ng dagat na blu….si Hiroko …..ang dagat na blu!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

47 Responses to il mare blu

  1. blurosebluguy says:

    hahahaha…ang hindi ukol di bukol….
    may mga personal reasons ako that time..kaya hayun di nagprosper ang lab affair hehehehhe

  2. bojoy2001 says:

    BOW! wala ko mahambal..hehehe..grabe gd ya si manong blu ba? saludo ko ya simu nong..hehehe…pero tama man disisyon mo…indi lang man gid cguro amu to ang time para sa imo or indi pa sya ang girl para sa imo…
    but well hambal nga nila..indi mo mabal an kung namit man gid ang pagkaon kung indi mo pagtilawan…hahahaha…wala ko da buot silingon ha?😀

  3. blurosebluguy says:

    salamat sa comment hitokirihoshi.
    tama ka! agree ako 200%

  4. hitokirihoshi says:

    nice story and nice picture! akala ko ordinary computer graphic lang nung una, totoo pala.

    hmmm, wala akong masabi kundi wala kang dapat pagsisihan ( mukha rin naman hindi talaga, naalala mo lang). noong time na yon, malay mo ba sa mga kabagayan. hindi mo rin naman iniiwasan si hiroko ng basta-basta.

    mabuhay!

  5. chicksykat says:

    ang hirap turuan ng puso ano

    buti na lang nakasurvive ka kuya..

    ung nararamdaman mo nang mahal mo sya pero pinigil mo pa rin at pinilit syang layuan kase alam mo may lihim pa ung pagkatao nya na mahirap ibigay ung buong pagmamahal mo.

  6. tuutuukii says:

    ikaw din po Koya Blu… mabuti na lang at may naiwan pa sa baon ko… 😀

    *habang kumakain..*

  7. blurosebluguy says:

    ok ……kain ka na….at saka gud luck sa work mo dyan 22K

  8. tuutuukii says:

    nasa work naman po kasi ako Koya eh…

    kaya kailangan hindi ako matulog pero actually iniwan ko mo na iyong isusulat ko sana para lang mabasa ang mga post mo po… *nagugutom na ako*

    this week po kasi lang ako maging active sa mga ganito kasi panggabi ako…

    pero kasi kapag pang umaga naman ako mahirap makapag OL eh..

    psadz_pazaway10129@yahoo.com —> yahoo eadd ko po…

  9. blurosebluguy says:

    hahahahah..sige na nga…..salamat…hmmm sipag mo ngayon ah…ako malapit ng matulog ….its 11:30 pm here in Rome .

  10. tuutuukii says:

    advertisement:
    koya Blu.. hala koya na talaga ha…

    Inday pumayag ka man o hindi gagayahin na kita sa pag ko koya mo kay koya Blu…


    koya naman baka sabihin nila 22k… (22 thousand) for MAyor.. baka sabihin binili boto nila hahah…

    sa tingin ko kuya di ako pwede mag sponsor ng panyo…
    bakit?

    kasi di naman po ako mahilig gumamit ng panyo po eh…

    iyong inabot ko kay dhyoy hiniram ko lang din…😀

    hehehe

    nag eenjoy talaga ako…

  11. blurosebluguy says:

    hahahahah 22k bakit kaya di ikaw ang magsponsor ng mga panyo para sa mga giliw nating mambabasa…..di ba donated by 22k for Mayor.

  12. tuutuukii says:

    hehehe😀

    wala na akong masabi…

    dhyoy wag ka na iyak sa pagsesinte ni koya blu, *sabi sabay abot ng panyo kay Dhyoy *

  13. dhyoy says:

    okinawa japan!!

    senti ang bluman este bluguy…

    are you blue?

    hehe…

    ok lng yan…

    marahil tama sya- “maybe it was not meant to be”…

    (hikbi)

  14. gudang says:

    hanep! alam mo bang binasa ko tong buo! ahahaha😀 HANEEEEPP! BLUGUY!! ahaha..😀 as in bluguy talaga tawag ko sayo.. ahaahaha.. sayang si Hiroko, sana pinahanapan mo ko ng Naruto.. ahahaha.. wala lang..

    ganun lang talaga yun blu, pana-panahon lang yan! nga pala! bumalik na ko.. hehehe.. at nice post ah! ahaha.. ISA sa mga LAB STORY mo, at marami pang susunod.. ehhe..

    –gudang!

    • blurosebluguy says:

      hahaah….uy gudang…salamat at nakabalik ka na…miss ko na kasi mga wacky mong posts…bisitahin kita mamaya…medyo busy ang kuya blu eh……

  15. simplefula09 says:

    how sad ng ending….
    d pa nasisimulan..sumuko na…hmpf…

    • blurosebluguy says:

      hahaha…oo nga eh…kaya lang simplefula….masyado kasing complicated ang sitwasyon ng mga panahong iyon….mahirap pasukin ang isang relasyon na alam ko sa simula pa lang mali na.
      salamat sa pagdaan muli…..

  16. azul says:

    uhmm magpapari ka?o pari ka na?

    • blurosebluguy says:

      ummm…magpari na lang kaya ako? aba magandang suggestion yan mareng azul……..salamat comment at sa bagong palaisipan……bakit kaya di ko naisip yun……..revsiopao…paano ba mag-apply sa inyo.

  17. edSie says:

    hello, napadaan lang ako dito.. paumanhin at naki-comment na rin ako.
    ang ganda kasi ng mga posts mo.. will be coming back

  18. anakngpating says:

    sayang si hiroko hehe sakin na lang sana napunta ang mganda nyang mukha ng mag ka love life na rin ako hehe (joke lang)

    may own beach house kayo punta ko bisitahin ko pwede b hehe tagal na ko di nakaka langhap ng hanging dagat eh hehe…

    • blurosebluguy says:

      hahahaha.ikaw talaga lovely, oh…bakit maganda ka naman ah….tingin ka sa salamin ….ayan oh ganda mo!
      ang mga bagay na nangyari sa aking buhay hindi ko kinakitaan ng panghihinahayang kahit minsan…kasi nangyari yun dahil may dahilan…
      kahit ako…matagal na ring di napapasyal sa beach house……

  19. bernardumali says:

    muntik na akong malunod sa kuha mong dagat na asul. Tungkol sa pag-ibig, nakakapanghinayang subalit sadya atang ganun. Isa pa ring bugtong ang pag-ibig, kung paanong ang tubig ay nag-iiba-iba ng kulay. Gayunman, naisip kong tayo’y gaya ng dagat, nagkakakulay ayon sa liwanag na nakatanglaw sa atin.

    • blurosebluguy says:

      parekoy bernard,
      ganun nga siguro..ang pag-ibig ay parating magiging palaisipan sa ating mga tao…kasi ang hilig nya kasing maglaro sa mga puso at buhay natin. salamat sa pagdaan.

  20. coolwaterworks says:

    Haay… Kababasa ko lang ng isang blue post mo, ngayon blue uli…

    Bakit? Repeti dopo de mi – bakit? Sayang si Hiroko! Anyway, sabi nga sa kasabihan, kung hindi ukol, hindi bubukol…🙂

    Coolwaterworks

    • blurosebluguy says:

      coolwaterworks,
      siguro by this time…napansin mo na karamihan ng mga title ko ay may connect sa blu. kasi i would like to leave a trademark true to my color -blue! Most of my stories are associated somehow with this color….as a tribute to sadness and a manifestation of who I am.
      Hiroko came into my life at a wrong time and situation.both of us were really were not meant for each other….mali na kasi ang umpisa ng aming kwento….mali rin na ipagpapatuloy ko pa.

  21. Mon says:

    but then, of course, nasabi ko yun based sa sarili ko. i’m sure, in your case, sa mga poging katulad mo parekoy, it’s different… andami mo segurong chicks jan ano? kaya napalampas mo yung haponesa.. hehe

  22. Mon says:

    Parekoy sayang naman si Hiroko, pinalampas mo pa.. tsk tsk.. pag may ganung pagkakataon na gusto mo yung chick at gusto ka rin nya wag mo na palalampasin parekoy! Yun na yun eh. Para sa’kin kasi, it’s not everyday that we meet someone we like and who likes us back.. hehe just my two cents.

  23. kengkay says:

    ay romantic drama pala ang andito sa bahay ni blu ngayon ha. minsan ganyan talaga ang pag ibig, parang dagat, high tide at low tide. at least may dagat kang binabalik-balikan

    • blurosebluguy says:

      tama ka kengkay….kaya siguro fascinated ako sa dagat….my attraction has to do with the sea and its mystery…malalim….puno ng sorpresa…
      when Im sad i used to stay in our old beach house….there was a time in my life…maybe that was one summer, where I spent my vacation along the sea by my lonesome….alam mo ba na i used to wake up early in the morning and with a mug of coffee waited patiently for the rising sun…ganda ng feeling!

  24. flamindevil says:

    pogi talaga ng parekoy.hinahabol ng mga haponesa.wow.

    btw,totoong pic pala to?ang galing parang drawing lang.

    • blurosebluguy says:

      yap…totoong pic yan! ganda talaga noh! hahahah parekoy na Rye…sayang nga pero I think I made the right decision kasi sa simula pa lang may mali na sa sana magiging lovestory namin…..

  25. chicksykat says:

    hi kuya…maya na ko comment ha daan lang muna..

    antok din ako eh…hehehe^^

  26. blurosebluguy says:

    Ikay….salamat ha. ito ang loose tanslation ….

    with this letter…i hug(embrace) you with much love. I am sorry if I have disturbed your serenity (peace), Forgive me, maybe my fault (sin) is to love you so much. Forgive me, i wll not disturb you anymore (again).

    si abbracio (hug/embrace) hahahahaha.

  27. blurosebluguy says:

    kaibigang sandi,
    salamat sa comment…at tama ka mabigat ang dahilan…sorry i cannot reveal it here in the blog…..pag nagkita tayo isang araw…then I will tell you personally.

  28. blurosebluguy says:

    redfiery,
    tama ka at that time..i have my reasons not to pursue into the relationship…na kung babalikan ko ngayon…masasabi kung tama ang aking naging desisyon. Kasi mula pa sa umpisa may mali na…sa side ni Hiroko at sa side ko rin….
    Yun nga lang ang puso kasi di naman nadidiktahan kung sino ang dapat mahalin..sa anong dapat na panahon at pagkakataon.

  29. IKAY says:

    “Con questa lettera ti abbracio con tanta amore. Mi dispiace se ti ho disturbato nella tua serenita’. Perdonami, forse il mio peccato è amarti così tanto. Pedonami, non ti disturbo più.”

    at ano nman ang ibig sabihin nito???hehehe
    sino si abbracio??joke!

  30. sandijmartin says:

    hala.. humahabol sa love month!
    Akala ko graphics lang yong pictures.. totoo pala🙂
    Bakit nga Blu? May mabigat na dahilan ka siguro kung bakit hindi mo pinakita na mahal mo rin si Hiroko,
    kung anuman ‘yon pwede bang ibulong mo sa amin🙂

  31. bakit ba ang lulungkot ng love story mo? Maybe you had your own reasons, and you choose to sacrifice your feeling for your priority. Sayang na HIroko…..hikbi.

  32. revsiopao says:

    base lang muna… matutulog na e.
    magbabalik..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s