blu krisis

krisisbakit ko naisip na isulat ang bagay na ito tungkol sa krisis natin sa buhay? Kahapon lang kasi may kausap akong kaibigang italyana na nagkukwento tungkol sa krisis ekonomiko sa bansang ito na kung saan ang inyong kuya Blu ay pansamantalang naninirahan at nakikisapagpalaran. Tama ang kanyang tinuran na hanggat di ka kasama sa balita (ibig sabihin…kasama ka rin sa nawalan ng trabaho), di mo talaga mararamdaman ang hagupit ng krisis na ito. Kanina lang nabasa ko ang sinulat ng ating ating ka-blog na si mang badoy at di ko napigilang malungkot (kahit kailan lang ba kami “nagkakilala” sa mundo ng blogosperyo). Nasabi ko sa aking sarili, sino naman kaya ang susunod?

Marami na rin akong personal krisis na pinagdaanan sa iba’t ibang aspeto ng aking buhay: pag-ibig, kaibigan, desisyon, trabaho, priorities, pera, pamilya….at hahaba pa ang listahang ito kung lahat ay isusulat ko. Ano nga ba ang mukha ng isang krisis, paano ba ito haharapin at paano ito malalampasan? Ilan sa mga katanungan upang simulan ang paghihimay-himay sa isang realidad ng ating buhay na tinatawag nating krisis.

Una , ang Mukha. Ang mukha ng isang krisis ay parating mukhang problemado. Dala lahat nito ang mga kaibigang matalik: sina frustration, anger, confusion, insecurity, fear at iba pa.  Dahil sa pakikipagkaibigan natin sa kanila, ay lalong naging malamlam ang perspektibo natin sa buhay. Ika nga tayo ay nasa loss-loss situation. Pakiramdam natin na habang lumulubog ang araw ay kasama tayong lumulubog sa kumunoy nito. Ito ang tunay na mukha ng krisis…hindi masaya at masigla, sa katunayan dala nito ang lungkot at kawalan ng pag-asa.

Pangalawa, papano natin haharapin ang  krisis. Una pa lang dapat nating aminin na may personal krisis tayo. Kung kailangang umiyak at magalit sa kahit kanino, gawin mo (of course not in a violent way). Ika nga vent your anger and frustrations in a creative way. Uminom ka ng alak habang nanonod ng comedy film, makinig ka ng music na rock (para naman makalog ang utak mo…malay mo magising ka sa katotohanan).

Kailangan din bigyan natin ng label ang krisis na ito: bigyan ng pangalan…tulad nito oh…ang krisis ni blu ay napaibig siya sa babaeng kalbo…..o kaya heto naman…..walang pera ngayon si Blu kasi ginastos nya sa bisyo…pakialam nyo!!!!!! Ang mahalaga may pangalan, para malaman mo kung ano talaga ang pinagpuputok ng butse mo. Marami kasi sa atin alam na may krisis, pero di alam kung ano.

Pangatlo, papano malalampasan? Aba, magandang tanong ito. Ang mga bagay sa mundong ito: yaman, kaligayan, problema, relasyon, pag-ibig, success…etsetera…ay dumadaan lamang. Walang permanente sa buhay na ito kundi ang pagbabago (change). Ibig sabihin dapat aminin sa ating sarili ang krisis ay lilipas din. Kailangan nating maghanap ng ibang option, sa pamamagitan na isang malalim na repleksyon o kaya’y introspeksyon. Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay ay maaring maabot natin ang iba’t ibang opsyon na magiging daan sa solusyon ng ating kinakaharap na krisis sa pangkasalukuyan. Gawin mo ang nararapat. Dapat may aksyon, huwag na huwag matulog sa pansitan kasi ang swerte at pagkakataaon ay minsan lang daraan at ito’y hindi na babalik (maybe babalik pero siguro pagkatapos ng dalampung taon).

 

positive

Ito naman ang tamang outfit dyan, kaibigan.Tulungan ang sarili…bumangon at bihisan ang sarili ng t-shirt na may tatak na Be positive. Magsuot ng pantalon na butas-butas…para magaan ang feeling (feel light). Nakita mo ba ang rubber shoes sa eskaparate mo…isuot mo (pero katulad nong kay Rye..mag-kaiba ng kulay at style)….ibig sabihin stand-up, walk high…at sabihin carry ko ‘to! Mag-sunglasses kahit umulan man….because today is a new and bright day to start…pakialam nila kahit nagbabagyo.

 

josh

Finally, sa lahat ng ito dapat nating tandaan na kasama natin si Josh sa usapin ng mga krisis ng ating buhay. Kasi siya madalas ang nagbubulong sa atin ng mga tamang solusyon. Hindi ka nya iiwanan sa ere habang nakikipagtunggali ka sa iyong krisis at gagabayan ka pa nya habang unti-unti mong tinatahak ang daan pabalik sa normalidad ng iyong buhay. Higit sa lahat kasama mo sya sa kahit anong laban mo at kahit saang biyahe mo sa buhay na ito….kahit kailan…kahit saan…kahit ano….kahit kanino…..kahit hanggang wakas.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

29 Responses to blu krisis

  1. Maisha says:

    san ko po makikita nung kinanta nya yung breakaway dito sa pinoy? pop superstar??….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

  2. blurosebluguy says:

    wow galing ah at ang lalim…..help!
    hmmm ang bojoy mapagmasid sa mga nangyayari sa kanyang paligid…si JOsh dapat lang talaga kasama natin sa plano ng ating buhay….
    ang ganda ng sinabi mo: live life one step at a time…all wil be yours in due time….(in His time).
    salamat at God bless din sau!

  3. bojoy2001 says:

    sabi ko nga sa post ko..alam na alam ni Josh kung paano,saan at kelan sya eeksena sa buhay ko.. lagi lang syang ready sa lahat nang bagay…
    naghihintay lang sa mga tao na bumalik at manampalataya sa kanya muli… marami na kasing mga tao na lumayo sa kanya dahil sa mga makabagong teknolohiya at sa mga bagay bagay sa palibot…wala na silang panahon na binibigay kay JOsh…

    one thing…live life one step at a time…and all will be yours in DUE time!

    ang haba na nang sinabi ko may sense ba? hahahahhahaha😀

    GODBLESS!

  4. blurosebluguy says:

    oy affected! oo na….positive talaga tayong dalawa….teka muna di ba opposite attracts.hahahahhahrahahahahahrrrr.
    di tayo di talo.hehheheheheh
    be positive..be positive…….

  5. anakngpating says:

    teka wala nmn akong korona sa ulo noh…anong ibababababa ko hehe…
    positive lang lage para masaya di ba…tuloy ang buhay ..i know ikaw ganyan ka din …

  6. blurosebluguy says:

    yan c lovely positive ang dating..kahit hirap na hirap na…ibaba mo kaya muna yang korona mo sa ulo…aba’y matagal na yan dyan ah….two years ng tapos ang reign mo ng Reyna ng kagandahan! hahahaha biro lang po….

  7. anakngpating says:

    hindi ko pla nabisita ito hehe naging busy lang hak3(kunwari)
    krisis nakow hindi pwedeng hindi ito dadaan sa buhay ng tao..at sa ekonomiya natin ..ayts?
    kayang lampasan to..hehe yayaman din tayo pramis…
    at mayaman din tayo sa pagmamahal (naks) positive thinker ako hehehe…

  8. blurosebluguy says:

    rye….talaga lang..trust Him at all times.

    ciao!

  9. flamindevil says:

    krisis nga naman. -malalim na buntong hininga-

    matatapos din yan.basta trust Him.

  10. blurosebluguy says:

    hahahah ok lang yun mangbaduy…isa sa mga natutunan ko dito sa blogosperyo ay magmasid…at tumulong sa pamamagitan ng mga comments…yun naman talaga ang reality nating nasa blogosperyo…one day magkikita rin tayo….
    hasta la vista! Ciao!

  11. mangbadoy says:

    salamat naman sa segway mo at nasama talaga ako… tama ka dun sa comment mo sakin na kapag ikaw na ang balita malulungkot ka talaga…

    natuwa naman ako sayo kasi kahit di tayo ganun ka close at bihira tayong magkamustahan e parang ang lalim na ng samahan natin… tinalo mo pa si flamindevil sa comments mo… hehehe!

    thanks!

  12. blurosebluguy says:

    hahahah ay naku kathy pano ka nahawa …wala naman akong sakit ah..hehehehehehehe

  13. chicksykat says:

    nahawa lang ako sayo kuya…hehehe^^

  14. blurosebluguy says:

    naku Kathy…galing naman!…baka madre ka na nyan ha( joke lang po)…galing din naman ng reflection mo…

  15. chicksykat says:

    ako sobrang proven ko na toh every time na may krisis akong pinagdadaanan nandyan lang sya sa tabi ko minsan kahit maliit na problema pinaparamdam NYA na ndi NYA ko iiwan na nasa tabo ko lang SYA at handa akong alalayan sa pagsubok ng buhay na KANYANG binigay sa kin.
    kaya dapat matuto tayong magtiwala sa KANYA dahil kahit kelan ndi NYA tayo bibigyan ng pagsubok na alam NYANG ndi natin kakayanin.

  16. blurosebluguy says:

    tama ka dyan sandi ….. tiwala talaga…..ang dapat sa panahon ngayon…..lalo na kay JOSH

  17. sandijmartin says:

    di rin ako ligtas sa krisis, nasa manufacturing kasi ang line of work ng aking pinapasukan kaya ramdam namin, at ako, na nasa sales/marketing palaging hinahanapan ng benta..

    Tayo ay umasa at magtiwala sa Kanya lagi, hindi nya tayo pababayaan! sigurado yan🙂

  18. blurosebluguy says:

    Jorge,
    oo nga eh….pero kahit saan talaga….let us pray na sana lumipas din ito……salamat ha…..ang bilis mo….

  19. Jorge says:

    Hello kapatid, tama ka dyan, ramdam na ramdam ang krisis sa buong mundo. Kakalungkot ngang isipin na marami tayong kakilala na nawawalan ng trabaho ng dahil dito.

    Godbless!

  20. azul says:

    basta manalig lang tayo sa kanya..

  21. kengkay says:

    totoong tunay yan, si kengkay at si kengkoy kaharap ang malaking crisis, pero halata ba? hinde kasi alam kong may kadamay ako sa bawat kilos ko dahil inalay ko na ang lahat sa kanya dun sa itaas🙂

    • blurosebluguy says:

      Trust in Him at all times. …in good times and in bad…..ito siguro ang dapat nating maging attitude as always …salamat mareng kengkay

  22. coolwaterworks says:

    This [crisis] too shall pass…

    Kahit hindi ako napasama sa “balita”, I am also affected by the crisis kasi 4-day workweek na lang kami and the pressure and tension at work is very high… Everyone has to contribute and deliver at the soonest time possible.

    Kaya ang kinakapitan ko ngayon ay Psalm 46:11 – “Be still and know that I am God…”

    Coolwaterworks

  23. Mon says:

    Base, I was here at 1:45 am Phil Time. Medyo mahaba haba kaya bukas ko na babasahin. tulog muna ako. heheh.. Gud morning parekoy!

  24. blurosebluguy says:

    dhyoy,
    you are right! He was, is and will be with you in your journey, have faith! salamat sa comment mo.

  25. dhyoy says:

    Nasaan siya?

    Siya ngayon ang kasama ko. Siya ang kakampi ko. Siya lang ang kinakapitan ko.

    Hindi ko alam kung anong plano nya sa buhay ko, pero alam ko hindi nya ko bibigyan ng KRISIS(sabi mo nga) na di ko kakayanin…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s