biyaheng blu

barca

di ko talaga kayang ipagpalit ang boracay kahit na sabihin natin na marami na rin akong napuntahang beaches dito sa Pinas, iba talaga ang hatak nito….tandang -tanda ko na dati lang lampara na di gaas lang ang ilaw sa isla…sa mga nakapunta sa boracay lately hindi nyo na naabutan ang kapayakan, kagandahang sinauna at untouched natural beauty nito noong dekada otsenta.

mamà….tawag sa akin ng bata…yung boat ko kasi ayaw lumutang at maglakbay…..ah kasi naman di mo hinabaan at nilawakan ang hukay mo…para pagdating ng alon malayo ang ilalayag nito..

Matagal na rin pala ang paglalayag ko sa buhay na ito ….ilang biyahe na ba Blu?

Noong bata pa ako, nakagisnan ko na ang mga iba’-ibang souvenirs na nakalagay sa eskaparate, sa itaas ng tv, nakadikit sa dingding….ito ang mga souvenirs na inuuwi ng tatay ko galing abroad. Ang aming angkan ay isang angkan na kung saan ang mga lalakeng kabahagi nito  ay may propesyon na mga manlalayag sa barko (seaman ba!) …ang mga babae naman karaniwan ay mga titser. Noon pa man gusto ko ring maglakbay palibot sa buong mundo…kaya nakatanim na sa akin ang kursong kukunin ko pagdating ng college.

Before graduation sa highschool, tinanong ako…anak , sa isang buwan sa maynila ka na mag-aaral at marine transporation ang kukunin mo…opo tatay sa Maynila ……pero Commerce po ang kukunin ko….sa mga oras na iyon lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa (kumakain kami noon kasi bertday ng uncle kong kapitan sa barko)….ha ano?….bakit ?….eh wala naman ganyang propesyon sa angkan natin…..may lagnat ka ba?…..pano ka makapagtravel abroad niyan?……..ay naku Mariano,pagsabihan mo yang anak mo….ahhhh…uhhhh….Wait, wait lang …..anak kala ko ba nag-usap na tayo tungkol dyan…..Opo..mag-aaral po ako sa maynila at commerce po ang kurso ko, kasi gusto kong magtrabaho sa bangko isang araw.

At doon nagtatapos ang pangarap kong…. enroll now and see the world free in the future (slogan yata ito ng isang maritime school). Ang rebeldeng Blu! Samakatwid, sa paglipas ng panahon, nakapagtrabaho ako sa isang bangko sa Makati..pero minsan naisip ko kung tama ba ang naging desisyon ko, pano na ang dream ko to see the world.

Isang araw nakakita ako ng anunsyo….ng isang bagong trabaho at may kasamang study grant sa europe….well, sa madaling salita….naipasa ko, at sa pagkatapos ng apat na taon ay pinadala ako sa europa for further studies and updating at iyon ang naging  simula ng aking unang biyahe sa abroad. Isang biyaheng nag-iwan ng maraming aral sa aking buhay: pag-ibig (remember Hiroko), pakikipagkapwa-tao at pamumuhay ng independente, malayo sa mga mahal sa buhay. Iyon na rin ang tuluyang nagpabago ng aking kamalayan at perspektibo sa buhay na ito.

Hindi ko akalain na kahit hindi ako naging seaman…..ay natupad din ang parangarap kong biyahe. Sa pagbabalik ko sa Pilipinas ay sinimulan ko ulit ang aking buhay nang may dalang bagong pag-asa. Di ko maubos maisip  na ito pala ang simula ng marami ko pang biyahe sa iba’t-ibang parte ng mundo. Kahapon, habang pinagmamasdan ko ang aking lumang mga passport…binilang ko ang mga bansang napuntahan ko na…umabot na sa labindalawa (Albania, Australia, Italy, France, Austria,  England, Ireland, India, USA, State of  San Marino, Malaysia at Singapore). …kung isasama ang biyaheng Pinas…siguro 70% nito ay nabisita ko na rin.

Alam mo habang pinapanood ko yung interview kay Charice Pempengco…..at noong sinabi nya na nakadrowing sa sketchpad niya ang lahat ng mga dream-duets nya…..ako rin kasi may ugali na maglista ng mga bansang dream kong bisitahin….so far lahat ng nakalista ay narating ko na….waiting in my list are: Israel, Mexico, Brazil, Kenya, Spain…and still listing.

Pero sa lahat ng biyahe ko…mas malawak ang natutunan ko sa biyahe ng buhay….bilang paggunita sa one month anniversary ko sa blogosphere nais kung ishare sa inyo ang mga aral na natutunan ko sa biyaheng blu.

1. matutong mangarap. chart your dreams and dream high, anyway libre naman ito. Pag-aralan kung paano ito matutupad. Work hard, hindi kasi ito nakukuha sa day-dreaming mode lamang.

2. believe in yourself! ngayon pa lang dapat madevelop na sa iyo ang  high self-esteem. Believe and work hard na you are at par with your companions, even believe you can be and do more. Ito kasi ang umpisa ng baitang patungo sa pangarap mo…ang makita ang isang ikaw na may positive na outlook sa sarili  sa mundong ginagalawan.

3. Work smart. Never stop exploring new ideas and possibilities about your life. If it is necessary,  re-invent yourself for good. Be creative and never let failures blocked your way. 

4. never cry on a spilled milk.  learn to stand-up in every fall…remember…our self-worth is measured on our capacity to begin anew each time we fail.

5. ang kulay ng luha. ito ang natutunan ko sa pagtatrabaho dito sa europa. Magkakaiba man ang balat ng tao, iisa lang ang kulay ng luha nito. Ibig sabihin…hindi hadlang ang kulay at lahi mo para umunlad….at the end of the line…ikaw naman ang  may hawak ng susi ng buhay mo….at alam mo kung kailan bubuksan at isasara ang pintuan nito.

6. Ang Josh ng Buhay ko. ito ang dapat hindi mawala sa anumang laban at paglalakbay natin sa buhay na ito.  Alam natin na sa gitna ng tagumpay…madalas nakakalimutan natin ang kaibigan nating ito…nakakalasing at nakakalunod kasi ang tagumpay…pero kaibigan….siya lang talaga ang constant sa lahat ng variables ng ating existence sa mundo ito…kasama sa lahat ng laban, kabiguan, katanyagan, happiness, pain, pag-ibig, frustrations …at higit sa lahat kasama natin sa biyaheng buhay. Anuman ang kulay ng biyahe ng buhay mo..tandaan mo parati na………kasama at sasama talaga  siya kahit siya pa ang magbayad ng pamasahe nya. 

ito ang biyaheng BLU. Salamat kaibigan! Hanggang sa muli kong biyahe.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

38 Responses to biyaheng blu

  1. blurosebluguy says:

    heheeh you got sense of humor at the same time malalim na pananaw sa buhay…good combination for a trait…..
    tama ka dyan bojoy…salamat ulit

  2. bojoy2001 says:

    ako? hindi ko masasabi kung mahaba-haba pa o malapit lang ang byahe ko..basta ang alam ko..sa bawat araw na dumadaan at pagtahak ko sa bagong hamon nang buhay ehhhh….. kumikembot kembot lang sa agus nang panahon…hehehe..kala mo kung anu na no? hehehe…

  3. blurosebluguy says:

    salamat sa pagdaan at pagbati Ax…..appreciated ko talaga…

  4. Ax says:

    hehe napadaan lang. di pala kita nabati ng happy monthsary dito sa blogosphere!

  5. blurosebluguy says:

    salamat sa comment Hoshi…..asahan mo magbibigay pa ng maraming payo si kuya edi…este blu…owwwws di naman- nagkataon lang na gusto ko ishare ang mga natutunan ko…..

  6. hitokirihoshi says:

    wow nakaka-inspire naman pala ang viaje u… thanks sa pagsi-share ng mga pamatay mong payo KUYA EDDIE este kuya Blu…

    ako pangarap ko makarating greece, japan, south korea… sa ngayon kasi Spain pa lang ako nakapaglagi. traffic nga e madalas at nawawala sa mapa pag tag-ulan. tanong mo sa mga estudynate diyan… joke-joke

    pero serious, congrats one month ka na sa pagba-blog… more power!

  7. maccallister says:

    pers taym ko dito at 1 monthsary mo pala hehe.congrats
    at bongga dami ng country na puntahan kainggit naman!

    at i like best yun sinabi mo na “josh ng buhay ko”thats really something I like it!

    • blurosebluguy says:

      salamat maccallister….
      im happy na napadalaw ka sa bluhaws kaibigan…welcome ka dito…..libre meryenda..heheheheh…at maraming salamat sa pag-aabla mong magcomment. I appreciate it very much…hmmm para sa aking newbie sa blogosphere…isang karangalan …

  8. blurosebluguy says:

    salamat ulit Jorge…..balang araw mararating mo rin ang yuropa….hintay ko next entry mo….hmmm magandang ideya kaya yan?

  9. Jorge says:

    Nagbabalik!

    Nakalimutan kong magcomment sa byaheng blu.. Certified palaboy ka din pala! hihihi.. Pangarap ko ding makalaboy sa yuropa, kaso ang mahal kasi, nde pa kaya ng powers kaya dito palang ako sa asya nakakalaboy. hihihi..

    Teka, may naiisip akong magandang idea sa next entry ko.. wait and see..

  10. blurosebluguy says:

    maraming salamat MON….tama ka!

    sa muling pagbiyahe ni BLU!

  11. Mon says:

    by the way i like this part:

    “never cry on a spilled milk. learn to stand-up in every fall…remember…our self-worth is measured on our capacity to begin anew each time we fail.”

  12. Mon says:

    ay nawala yung comment ko..😦

    i want to go to boracay!!!!

  13. Mon says:

    uhhh… i’ve never been to boracay..😦

    happy monthsary sa blog mo tol..

    by the way, i like this part: “never cry on a spilled milk. learn to stand-up in every fall…remember…our self-worth is measured on our capacity to begin anew each time we fail.”

    Rock On!

    http://monzavenue.blogspot.com

  14. blurosebluguy says:

    salamat nortehanon….hoping and dreaming for more years to come in the blogosphere….

  15. blurosebluguy says:

    salamat sa pagbati kathy…he he habang may buhay…tuloy ang biyahe ng kuya blu ninyo……

  16. Ax says:

    natuwa naman ako sa post na ito.

    lahi pala kayo ng mga seaman at ikaw ang rebeldeng anak na nag commerce!

    gusto ko rin makapag around-the-world pero ang pinakamalayo kong napuntahan ay ang sagada. sana marami pa akong mapuntahan, 23 pa lang naman ako!

    pwede rin po bang xlink? dinagdag po kita sa webs and spiders ko! salamat!

  17. Nortehanon says:

    Nakatutuwa naman ang post mo na ito. Napakaraming laman. Your readers are getting to know more about you and at the same time learning many things about life.

    Wow, congrats on your first month in blogging. Looking forward to more posts. Sana umabot tayo sa blogging world ng 100 years hehehehe.

    P.S.
    I love the picture you used for the post. I love that the photographer was able to capture the ripples. Ang galing ng angle.

  18. chicksykat says:

    wow 1 month ka pa lang pala kuya blu..para kaseng ndi sa dami ng mga posts mo..

    eniwei HAPPY 1ST MONTH ANNIV dito sa blogosperyo!^^

    ipagpatuloy mo lang sana ang pagshishare mo ng iyong buhay sa amin.

    congrats din pala dahil para ka na rin palang nagseaman kase sa dami ng bansa na iyong napuntahan..ipagpatuloy mo lang ang iyong biyahe alam ko mararating mo pa ang gusto mo pang puntahan.

  19. Jorge says:

    Batiin muna kita ng happy one month aniv sa blogosphere!

    Isang buwan ka palang eh parang senior blogista ka na?! Naks!

    Godbless and more power kapatid!

  20. dhyoy says:

    hmmm… ako di ko alam kung san patungo ang byahe ko.

    Ang alam ko lang siguradong malayo.

    Marami pang lubak-lubak na dadaanan, may mga trapik na di maiiwasan.
    Maraming crossroads. Maraming stop-over.

    Marami pa akong makikita.

    Marami akong makakasakay.

    At alam ko safe ako dahil SIYA (JESUS) ang driver ko.

  21. dencios says:

    sa tingin ko blu mas masarap pakinggan ang WORK SMART kesa sa workhard tama?🙂 happy 1st month po!

    • blurosebluguy says:

      salamat dencio …bakit ka nga pala namaalam..slamat talaga sa pagdaan mo. Tama ka papalitan ko siya ng work smart…salamt sa bagong idea.

  22. coolwaterworks says:

    Rhett, congrats on your first month in the blogosphere…
    To more insightful and witty posts! – Mark

    Coolwaterworks

  23. sandijmartin says:

    Amen🙂

    bumabalik nanaman ang aking guni-guni kuya blu, mukhang may nahahawa pa🙂
    maligayang paglalakbay!

  24. kengkay says:

    ang sarap mag blog ano? ang sarap mag share. ang sarap matuto ng may kasama😀

  25. anakngpating says:

    hays teary eyed ako dahil 1 buwan ka na pala hays (buntong hininga ulet) hek3…if i’m not mistaken pangatlo ata ako sa unang bumisita dito sa blog mo hek3..dahil sa curious sa mga pamagat ng entry mo..masyado kasing malalim hehe..pero naintindihan ko at actually ang iba ay ginamit ko na hehe..minsan nga naiisip ko hindi kaya isa kang pari nagkatawang tao lang na blu hehe..pero dahil sa mga love life noon na shinare mo dito eh nawala ang pag-iisip ko sayo ng masama hehe…

    maligayang isang buwan sayo pareng blu hehe…big hug tayo..yebah…

    • blurosebluguy says:

      salamat lovely…..alam ko isa ka sa mga naging masugid kong supporter noong nag-uumpisa pa lang ako dito (hikbi…..) salamat talaga kaibigan sa mga comment mo……

  26. IKAY says:

    salamat sa pg sheshare nitong mga naging aral mo.

    • blurosebluguy says:

      hello ikay…salamat din..sa pagdaan alam ko busy na busy ka….kahit din naman ikaw rin marami ka nang na share dito sa bogosphere. mabuhay!

  27. IKAY says:

    oppss!! base!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s