absent si lapu-lapu

tatayBlu…ikaw na daw…ha?…oo ikaw na daw! (si Danny,  opismate ko)…Ah eto po ang napili kong picture..ganda naman(sambit ng aming facilitator)….buhay na buhay….(dagdag pa ni F)….ha..e tingin ko malabo…blurred siya (naisip ko lang)….ang totoo yun talaga ang tingin ko sa picture habang merong kaming session nong time na yon.

Absent kasi si lapu-lapu sa buhay ko. Si lapu-lapu ay si Mariano ang tatay ko…. ang pangalan nya ay  hango sa italian name na ang ibig sabihin warrior God. Kungsabagay ang tatay ko ay tunay na mandirigma ng buhay. Dati kasama namin siya…hanggang isang araw nawala na lang siya…dont get me wrong..sumakay siya sa barko as a seaman..katulad ng mga lolo ko, mga uncle ko, mga pinsan, ng aming buong angkan….na pumalaot na rin sa ibayong dagat for greener pastures. Nasa grade three ako noon. Noong una, sabi ko exciting…paano ba naman, madalas may package kaming natatanggap at pag-umuuwi siya maraming pasalubong at pera. Sa school namin parating una kami sa uso. Kaya naman proud talaga ako sa tatay ko.

Pero noong maglaon namiss ko na rin ang presence nya….wala sya sa mga unang hakbang ko sa pabibinata ….yung ritual to manhood na naganap isang summer…absent sya kaya di nya ako nasabihan kung ano ang dapat gagawin…hirap pag walang matandang lalaki sa buhay mo…..tulad na lang noong magkagirlfriend ako…dapat sya ang unang nakaalam…marami pang mga mahalagang okasyon sa buhay ng aking sariling kamalayan na wala akong father figure. Hindi naman ako nagrebelde, kahit di ko maunawan ang mga pangyayari noong una , basta tinanggap ko na lang na ganun talaga ang sitwasyon namin…kaya siguro maaga akong natuto sa buhay…naging independent…ika nga katulad nya warrior sa lahat ng laban ng buhay. 

Pero sa pag-usad ng mga panahon may mga bagay na hindi pwedeng itago..kasi parang pilat ito na iniwan ng naghilom na sugat…pero pilit pa rin itong nagpapaalala sa isang bahagi ng buhay na blangko at may naiwang maraming tanong. All those years di ko pala alam na our relationship as father and son drifted away…hanggang ang isang absent na mandirigma ay unti-unting nabubura sa aking alaala. Communication-wise, we never had one, there were times that words could not just come out from my mouth..silence parati ang drama namin pag dalawa na lang kami…lahat pinapadaan namin sa go-between namin na si Princess Urduja (nanay ko). Ito ang naging mga realizations ko sa team building namin sa opis.

Isang summer vacation naisipan kong umuwi at bisitahin ang parents ko. Masaya ang aming muling pagkikita, pero may mga times na ganun pa rin ang drama naming mag-ama. How many times I have tried to reach-out pero hirap pa rin ako….madalas nga lumalabas na lang ako with friends para naman maiwasan ko ang mataas na wall namin sa isa’t-isa. Isang pari minsan ang nagsabi sa akin na maybe I need healing of memories…he explained to me what is it? Kaya yun ang naging  baon ko  sa pag-uwi. I prayed hard na sana alalayan ako ni Josh sa mission ko that particular summer.

diapositiva3 Dito naganap ang mga sumunod na eksena. Out of the blue, he invited me one day na pumunta sa beach haws….kami lang dalawa…ang Princess Urduja wala (nagpunta ng parlor). Panic mode ako…ha …..pano yan…..pero sabi ko sa kanya…sige….sama ako. Ang hindi ko alam plano pala ni Josh ang lahat na iyon…..alam nyo ang dalampasigan na ito ang naging saksi kung paano namin binuo ulit ang nawawalang pahina sa buhay naming mag-ama…tears were just flowing in between our stories….Anak…sabi nya sa akin…hindi naman ginusto ng tatay na iwanan kayo….mahirap rin sa akin yon…pero kasi…gusto ko maging maayos ang buhay nyo….makag-aral kayo sa magagandang universities….na di naman kayo magmukhang kawawa sa tingin ng lipunan…kung hindi man ako naging present sa lahat ng mga mahalagang moments sa buhay mo..sorry…kasi alam ko at that time  …yun ang sa palagay ko ang tamang desisyon na gawin ko….ang umalis……maglayag…para sa kinabukasan nyo.

Ako, wala akong nasabi….iyak lang ako ng iyak…kasi all these times…matagal kong kinimkim ang sama ng loob ko…God I was so selfish and self-centered na hindi ko naunawaan ang lahat ng sakripisyo ni tatay….hiyang-hiya ako…halos di ako makatingin sa kanya….halika ka nga..ang tagal na kitang gustong yakapin anak…isang yakap na mahigpit ang aking natanggap mula sa kanya ….punong-puno ng pagmamahal.

Ang alon ng dagat kahit ilang beses pa itong humahalik sa dalampasigan, dala pa rin nya ang halik pabalik sa pusod nito. Matalinghaga ang misteryo ng dagat pero habang pinagmamasdan naming dalawa ang paulit-ulit ng paghalik ng alon sa dalampasigan, lubos kung naunawaan ang tunay pagmamahalan….kahit ano man ang mga pinagdaanan natin sa buhay, ang sukatan ng tunay na nagmamahal ay masusumpungan sa pusod ng mga puso nito.

diapositiva21 Ito ang picture na napili ko…..ang bata ay si Blu at ang tatay naman ay si Lapu-lapu. Isang matapang na mandirigma, na sinugal ang buhay para sa mga mahal nya. Hindi siya natakot na suungin ang malalaking alon ng karagatan at tiisin ang mga mahahabang gabi ng paglulumbay. Nabuhay sa pag-asa at pagmamahal ng kanyang pamilya, na siyang naging sandigan niya sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay.

Minsan naging absent si lapu-lapu sa buhay ko.. na labis ko itong pinagdamdam, pero ang mahalaga nagbalik siya…. hindi sugatan…kundi isang mandirigmang magiting at bantayog ng pag-asa. Ito si lapu-lapu…Mariano ang tawag sa kanya….siya ang tatay ko…. at proud ako!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

54 Responses to absent si lapu-lapu

  1. I’ve been surfing on-line more than 3 hours lately, but I by no means discovered any attention-grabbing article like yours. It’s lovely price sufficient for me. Personally, if all web owners and bloggers made excellent content as you probably did, the net will probably be a lot more helpful than ever before.

  2. Pingback: We write to taste life twice, in the moment and in retrospect. « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ

  3. xang says:

    paalam ko lang sayo… post ko sya sa FB ko ah?…. parehas atyo… seaman rin papa ko… 21yrs old na ako at 25 yrs na syang naglalayag… mahirap talaga ang walang tatay sa tabi… punong puno ka man ng mga materyal na bagay… kulang parin kapag wala sya… weeeeehhh…

  4. bonistation says:

    nakaka touch naman ‘to, nakarelate ako…. =(

  5. blurosebluguy says:

    salamat naman pareng dencio,
    hahahah di mo rin kami matiis ha..nagpost ka na rin…hahahah….
    nakakataba naman ng puso ang iyong tinuran…..
    sasabihin ko sa kanila ang iyong pagbati….hello din sa parents mo!

  6. dencios says:

    sobrang nakaka touch! hay.. kame ng tatay pa cool lang sa isat isa.🙂 so far wala namang naging problemang malaki sa aming 2/sa aming pamilya. ang galing ng pagkakagawa at salaysay mo ng iyong eksperiensya. nakakatpouch talaga… hello na lang sa iyong lapu lapu at kay prinsesa urduja🙂

  7. sparkzspot says:

    Hi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!

  8. kathy says:

    naitanong ko na kuya pero ndi pa nya naipararating ung mga kasagutan sa kin eh..

  9. blurosebluguy says:

    salamat redfieryheart….
    oo nga bakit di mo isulat ang kwento mo sa blog…para makapanalamin din sa bahay mo…

  10. hay kakainggit naman kayo ni Lapu Lapu. May pagkakapareho tayo at ng ama ko, ang pinagkaiba lang di siya seaman. Dito lang siya pero banyaga na hanggang sa huling sandali ay hindi ko siya nayakap, nakakwentuhan at nasabihan ng wabyu tatang…ayan mukhang me ilalaman na naman ako sa blog ko nito.

  11. blurosebluguy says:

    ay oo nga pala kathy gabi nga pala dyan..kasi naman napatingin ako sa sikat ng araw dito sa bintana ko…..

    anong hindi…tanong mo kaya kay JOSH!

  12. kathy says:

    kuya gabi na dito eh..hehehe

    ano pa nga ba ala na din ako magagawa ndi ko na din yun maitatanong eh hayy!

  13. blurosebluguy says:

    hahahahaha! cheer up….ganda kaya ng araw! kathy….

    alam mo yan…hindi lahat ng tanong natin ay magkakaroon ng kasagutan in this lifetime…may mga tanong tayo na maaring magiging hanggang tanong na lamang……bahagi ito ng misteryo ng buhay!

  14. kathy says:

    oo nga kuya tama ka,ang hirap talaga ispelingin ng buhay..pero nagpapasalamat pa din ako sa KANYA ng bonggang bongga kase nabuo ang puzzle na matagal kong hinanap.kaya hanggang ngaun may mga tanong na si dady lang ang makakasagot pero ndi ko na yun matatanong sa kanya ever..

    hay namimiss ko tuloy ang dady ko..kuya nman kase eh..

  15. blurosebluguy says:

    hay naku kathy iiyak mo kaya yan….para naman lumuwag ang dibdib mo, hane….
    gayun pa man….pasalamat na rin tayo….ikaw kahit papano nabuo mo yung puzzle ng buhay mo…..nabigyan ng mukha ang isang taong alam mo na bahagi ng pagkatao mo pero di mo kilala….
    may mga bagay talaga sa buhay natin…na mahirap ispelingin…pero sa ibang banda ….kahit ang Diyos pagnagsusulat …hindi rin deretso (God writes in crooked ways)…alam mo yan..but despite that sinasabi pa rin nya na mahal na mahal ka nya….
    ang kwento ng buhay natin ay nagsisilbing salamin sa marami pang kwento ng tao….pero ang mahalaga sa kwentong ito…nandiyan parati ang kamay ni JOSH….handang ituloy ang pagsusulat sa mga moments na pagod na tayong lumaban sa buhay…GOD BLESS YOU MY FRIEND!

  16. blurosebluguy says:

    ha …sori dyoy..pareho pala tau ng fave…hopya…hmmm pero mas gusto ko yung may amag ! joke lang

  17. kathy says:

    kuya nman pinaiyak mo ko {hikbi} sobra..

    ako din may sentiment about sa daddy ko nung bata ako..buti ka pa nga alam mo kung nasan sya,na nasa malayong lugar lang sya at nagpapakahirap para sa inyo..buti ka pa kuya!..sigh!..{inggit}

    ako kase malaki na ko nung nagkita kame ng dady ko nahuhulaan mo na siguro kung bakit..buong kabataan ko andun ung feeling na ndi ko alam ung kalahati ng pagkatao ko,sobrang naiinggit ako sa mga kaklase ko na may daddy.wala akong alam about sa kanya,wala ding sinasabi sa kin ang nanay ko and lola ko about sa kanya..wala din akong lakas ng loob na magtanong.
    until one day nagkita kame malaki na ko nun,ndi ko alam ung mararamdaman ko.nagpakilala sya at niyakap nya ko at tinanong kung galit ba ko sa kanya sabi ko ndi,ewan ndi talaga ako nagalit sa kanya ever since..pero ang masakit dun kase saglit na panahon lang kame nagkasama kung nabasa mo kuya ung isang post ko alam mo na siguro kung bakit.

    ayan napahaba tuloy tong comment ko,sencia na po nadala lang ng aking emosyon..nahihirapan na nga ko sa pagtatype kase pinipigilan kong umiyak dito,ang sakit na nga ng lalamunan ko sa pagpipigil eh.

  18. dhyoy says:

    (woot)

    hopia!!!!!!!!!!!!!!!!!

    bakit di mo ako nisabihan…

    fave ko yun……………….waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh

    tnx na rin sa pang-iingit!
    😉

  19. blurosebluguy says:

    ay Dhyoy censia na sa haba ng entry ko ha. …..talambuhay ko kaya yan….hhheeheheheh…pang MMK yan di ba….calling ate Charo……
    salamat pa rin sa comment at pagdaan….ay di ko nasabi sau na may hopya kaninang meryenda…special offer yan ng blu haws..hahahahahah

  20. dhyoy says:

    awts…

    ang haba ng entry mo pero nibasa ko…

    nakakaiyak namen, parang may humambalos sa puso ko.
    🙂

  21. blurosebluguy says:

    ok lang sa akon….mas nami gid if u cud really express in a language you are at home…..salamat bojoy…Mabuhay ka!

  22. bojoy2001 says:

    hehehe…ilonggo lang ya comment ko ha? mas nami gd ya kung ilonggo..hehehe…budlay mag tagalog manong blu ah..hehehe

  23. blurosebluguy says:

    salamat bojoy…..napansin ko nga eh……i will be inspired then write some more in the future…hehehhhe

  24. bojoy2001 says:

    ok mornin! balik ako dito…first time ko to ginawa ha? may comment sa lahat nang post..napapahanga mo lang naman ako sa mga mala drama mong posts hehehe..wala lang…:D

  25. blurosebluguy says:

    simplefula…
    salamat sa pagdaan sa bluhaws….ang picture ng buhay natin magiging buhay lamang pagnadama nating ang pagmamahalan sa bawat isa…..

  26. blurosebluguy says:

    mareng azul,
    salamat sa pag-iwan mo ng comment…hmmm wish ko na sana maging maayos rin kayo ni Magellan…..balang -araw

  27. simplefula09 says:

    ang ganda ng picture….buhay nabuhay!!!!
    nakakatatz aman un…
    have a great day.😛

  28. azul says:

    nakakatats to..promise…mejo nakarelate ako dun sa absence ni lapulapu..ang kaibahan lang c magellan(tatay ko) kahit kasama namin di ko pa din naramdaman na anjan cia…

    hem gled uki na keo…

  29. blurosebluguy says:

    tama ka kengkay..ang lahat sa mundo ay may kanya-kanyang panahon….ng pag-ibig, paghilom, pagpapatawad, pag-iyak…etc.

  30. kengkay says:

    minsan hindi madali pero kapag oras na, super dulas na ng mga pangyayari😀

  31. Mon says:

    It’s good to know that you have a very good relationship with your dad. Mabuhay ka at si Lapu-lapu.. ^_^

  32. blurosebluguy says:

    Salamat AX,

    oo nga eh..kailangan talaga nating pahalagahan ang mga bonding moments kahit gano man kasimple ito!

  33. Ax says:

    : Ang alon ng dagat kahit ilang beses pa itong humahalik sa dalampasigan, dala pa rin nya ang halik pabalik sa pusod nito. :

    gusto ko tong part na’to. hehe. mainam at okay na kayo ni lapu lapu, er, ng dad mo! hehe. sige lang, bonding moments lang kayo para mas maging close!

  34. blurosebluguy says:

    hmmm salamat sa pag-iwan ng url….hanep ka rin …sunod-sunod ang comment…salamat talaga…..

  35. bojoy2001 says:

    http:bojoy2001.wordpress.com

    ayan andito pa ko..at hindi ko naman masyadong inisa-isa ang post mo..wala akong oras promise! hehehe

  36. blurosebluguy says:

    ahahahah mangbadoy……salamat….anoy ang palayaw ng tatay ko…mariano naman name nya…..

  37. bojoy2001 says:

    wow ganda naman nang kwento..ang haba nga lang nakaw oras na nga ako sa opisina tapos ang haba pa..hehehe.. reklamadora ba? napadaan lang po..
    lagay kita sa blogroll ko ha? hehehe..

  38. mangbadoy says:

    teary eye ako dito a… mang badoy ang palayaw ng tatay ko kinuha ko lang name nya para maging blog name.. ayus di ba? hehehe!

  39. blurosebluguy says:

    hoy Lovely…gising na ah!!!!!!!!
    bistahin mo si tatay nandoon sa blubitzhaws….hahahahaha
    salamat naman at nagawa mong magcomment!

  40. anakngpating says:

    hays inaantok pa ko (hikab) bat ba ang aga mong nangigising ang aga pa ah..saka kaya nga ako nakitira muna dito sa blu houz mo eh para mag rest ng bonggang bongga di ba..KJ ka naman eh hehe..nagluto k nb ng almusal medjo ginutom, ako eh hehe…

    pwede bang makilala si tatay..asan ba sya ngayon..magmamano lang ako..:)

  41. blurosebluguy says:

    salamat coolwaterworks…..
    ang mahalaga naman kasi ay marecognize natin ang taong siya talagang nagmamahal sa atin…Happy father’s day! (kahit hindi pa).
    nabisita ko na rin site ni df.

  42. coolwaterworks says:

    Touching post Rhett…🙂
    Naalala ko tuloy tatay ko at ang lahat ng sakripisyo nya para sa amin…
    Hanggang diyan na lang muna yang kwento ko kasi baka maging isang buong post na itong comment ko… hehe…

  43. blurosebluguy says:

    ikay ha……dapat bigyan ka nga ng award…nyan …heheheh yun nga magaling na empleyado! bow!

  44. blurosebluguy says:

    ha tongue-tied ka bro…
    salamat sa pagdaan sandi….salamat talaga…happy father’s day!hahahahah…….

  45. IKAY says:

    tinatamad kc ako ngayon kya wla akong nigagawa kundi
    mg surf ng mg surf sa net, kya e2 tambak n nman ang
    trabaho…npakagaling ko tlgang empleyado…he he he!

  46. sandijmartin says:

    wala akong masabi kuya blu…

  47. IKAY says:

    woot.. woot!…base!

    ok maya na basa…he he

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s