ang sayaw ni urduja

ang sayaw na tango ay isang sayaw na punong-puno ng emosyon at nagbabagang pasyon. Ang bawat sumasayaw nito ay hindi lamang dapat sumunod sa saliw ng tugtog ….sa bawat paglapat ng mga katawan kasunod nito ang pagkalunod sa kawalan……

tango1

isa itong sayaw ng isang haliparot sa malaking entablado ng buhay. Iilan lang ang maalam at bihasa ng sayaw na ito….sa bawat ulos ng mga paa at dampi ng mga katawan…at bawat maiinit ng paghinga ng mga mananayaw ay patuloy nitong pinag-aalab at pinupukaw ang sensualidad na pinatulog ng malamig na magdamag.

…galing mong sumayaw…..ha?….sabi ko magaling kang sumayaw! halos pasigaw na sinabi ni Minerva, habang kasayaw ko siya sa isang night-out namin after a week-long convention sa Vienna……ha…ako …di naman..wala pa ito sa kalahati sa galing ni Urduja!  …..sabi ko naman.

Sa mga nakagpabasa ng post ko tungkol kay lapu-lapu….marahil alam nyo na kung sino si Urduja. Nanay ko siya…..Milagros ang tunay nyang pangalan….Mila naman sa mga kapamilya, kaibigan at mga kamag-anak….ang kanyang pangalan ay nagmula sa Espanya, na ang ibig sabihin ay milagro.

Maraming magkakapatid sina nanay…halos sunod-sunod….siyam lahat sila….nasa gitna siya….kaya madalas siya ang naiiwang mag-alaga sa mga nakababatang mga kapatid.  Ang mga kapatid nyang babae ay maagang nagsipag-asawa…kaya nung minsan sabihin nya sa kanyang mga magulang kung pwede siyang maghayskul…..wag na….babae ka naman….dapat sa yo matuto ng mga gawaing bahay….at pagkatapos mag-asawa na rin….sabi ng kanyang nanay. Pero iba ang nasa isip ni Urduja, kasi may mga pangarap siya…..hindi dito sa gitna ng koprahan at karagatan …..nandoon ang pangarap nya sa kinang ng Maynila. Minsan kasi naikwento ng kanyang tiyahin ang buhay sa Maynila….ang mga naglalakihang gusali nito at ang mga sinehan..ang Luneta park…..at iba pang mga tanawin …….ibang-iba ito sa maliit na nayon na kanyang kinalakhan.

Nakatuntong ng hayskul si Urduja…dala ang pangarap, sipag at determinasyon. Tuwing week-end makikita mo sya sa mga koprahan nagtatrabaho para lang may maibaon sa loob ng isang linggo. Likas sa kanyang katauhan ang galing ng isang mananayaw. Minsan naisali siya sa palatuntunan nila sa skul. Sali naman siya…kaya lang may problema….kasi ang sapatos nya ay nakangiti na sa kalangitan (meaning naalis na ang pagkadikit nito)….pero kailanman di siya nakitaan ng pagkalumo…..bitbit ang sapatos patungong skul…nag-iisip siya pano maidikit ang mga ito ganun wala naman siyang pera….hanggang napadaan siya sa kalsada na kung saan meron naglalagay ng aspalto….mamà pwede po bang makahingi ng aspalto?…ididikit ko lang sa sapatos ko. Natuloy ang kanyang pagsayaw…..habang sa bawat pag-indayog sa saliw ng tugtog…..dura rin ng dura si aspalto…..natapos ang sayaw…naubos din ang aspalto.

Nakatapos sya ng hayskul….hindi, hindi pwede…..dito ka lang sa bahay….matutulad ka rin sa mga kapatid mong babae…..mag-aasawa rin. E bakit ba ang hilig mong mag-aral bata ka! Wala! Wala tayong pera!……. Gumuho ang mga pangarap ni Urduja sa mga katagang kanyang narinig. Pero sabi nya sa kanyang sarili….hanggang buhay ang tao, dapat itong mangarap….iilawan ko ito para hindi kailanman mamamatay…..

Manila Sanitarium  (1958). Aba ano ang ginagawa ni Urduja dito at may bitbit pa siyang mga libro. Ito  ang kanyang training school para maging nursing attendant. Trabaho sa araw at aral sa gabi ang kanyang ginawa……tungo sa pagbuo ng isang pangarap. Hindi naging madali para kanya ang sumuong sa bagong hamon ng gubat ng siyudad…ibang-iba kasi ito sa mga kagubatan na kanyang nakagisnan. Mabilis ang daloy ng buhay…lahat nagmamadali…..ang siyudad ay parang hindi natutulog sa mga kinang ng mga ilaw nito….dito sa bagong gubat…katatagan at pananampataya ang kanyang naging sandigan. Madalas narinig ko sa kanya ang mga artistang nakilala nya…kasi siya ang tagadeliver ng mga damit na pinapatahi nila sa kanyang tiyahin na modista. Madalas pamasahe lang ang meron siya…kakain lang siya ng kanin at tuyo bago pumasok sa eskwela…tama na sa kanya yun. Pag may mga imbitasyon tuwing break-time sa skul canteen…sinasabi na lang nya ….busog pa sya, kahit minsan kumakalam na talaga ang sikmura nya. Nakatapos si urduja at bitbit ang diploma,…bumalik sya sa kanilang nayon. Lahat ay manghang-mangha…kahit ang kanyang magulang ay nagulat din.

Madalas ito ang ikinikwento ng nanay ko sa akin…noong una di ko talaga maintindihan kung bakit. Madalas sabi ko nga sa kanya nag-eemote na naman siya. Pero sa isang banda di ko alam na ang kanyang kwento ay siya palang paghuhugutan ko ng lakas sa mga sayaw ko rin sa buhay na ito. Ang sayaw ni urduja ay isang sayaw na puno ng damdamin at nag-aalab na pakikibaka sa hamon ng buhay. Sa murang gulang natuto syang sumayaw sa bawat tugtog nito….bawat indak…bawat liyad…bawat halaklak…at pagluha. Hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy ang sayaw na ito kahit sa gitna ng mga pagkatalo …..at sa bawat maling galaw ..pilit nyang itinatama ito at pinag-iigihang matutunan. Minsan ko na ring naisayaw ang sayaw ni urduja at damhin ang bawat galaw at hataw nito sa entablado ….masaya…magaan….mapait….nakakapanlumo…pero sa dulo ng sayaw nandoon ang palakpak.

Kung si lapu-lapu ay magiting na madirigma …si urduja naman ang magaling na mananayaw. Ngayon ko lang lubos na naunawaan kung bakit ako ay isa ring magiting na mandirigma at magaling na mananayaw sa malawak na entablado ng buhay na ito. Kasi ….saan pa ba ako magmamana….syempre kay lapulapu at kay urduja.

Kaibigan…ang sayaw ng buhay ay hindi nagtatapos dito……sa bawat galaw sa salin ng musika…..bawat pagdama ng paglapat ng mga katawan…sa bawat paggising muli ng isang natutulog na damdamin…..ito ang hudyat….na ang simula ay nagaganap na.

Salamat kaibigan at hanggang sa muling pagsayaw  ni urduja!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

21 Responses to ang sayaw ni urduja

  1. blurosebluguy says:

    salamat AX sa iyong comment….tama ang tao ay sumasayaw sa tugtog ng mundong ito…..

  2. Ax says:

    Er, sorry! di ko alam kung na submit ko yung comment ko!

    first time ko palang mag comment sa post na’to. at totoo na ang tao ay sumasabay sa saliw ng musika ng buhay. hehe.

  3. Ax says:

    hehe. ngayon pa lang ako mag co-comment sa post na to!

    ang tao nga ay sumasayaw sa saliw ng musika ng mundo.🙂

  4. azul says:

    ahaha nung elem ako kasali ako sa dance group ballroom nga lang..hehe

    galing galing naman ni urduja..sana yung kaibigan ko matuto din sumayaw ng tulad ng kay urduja bukod sa pagpapacute at paglalaro nia…

  5. blurosebluguy says:

    dear lovely…ituloy mo ang pagsayaw….kaya lang this time around ang sayaw ng buhay!…salamat sa pagdaan kapatid!

  6. bojoy2001 says:

    sadya ba? manong blu daw pareho istorya nila ni mama haw? magulang ta ka guro ay? hehehe…. folk dance lang ya akon nong ah…

  7. Aling Baby says:

    ang sayaw ng buhay ko, iba-iba. minsan mabagal. minsan sobrang bilis. nakakahingal. minsan iniisip ko kung pwedeng stop dance naman para pwede akong magpahinga kung sakali.

    kahit gano kahirap ang sayawan ng sayawan ang buhay…indi tayu pwedeng tumigil. darating din ang araw na gagaling din tayo sa bawat maling steps. sa huli, indi naman premyo ang goal mo dito…yung eksperyens. yung mga nakasayaw at yung mga natutunan natin dito.
    🙂

    • blurosebluguy says:

      wow naman aling baby galing naman ng comment mo…mukhang ang lawak na ng entabladong napagsayawan mo na……tama ka …..sa hulihan maitatama din natin ang ating mga maling steps……ang mahalaga ay ang mga experience at lessons that we learn from this dance of life……ayan napa-english tuloy ako hehehehe

  8. anakngpating says:

    wow namiss ko tuloy ang pagiging dancer ko nung ako’y medjo bata’bata pa (piling matanda na hahahah)
    nakakainspire nga namn ang kwento ni mamie urduja…nagsumikap sya para meron syang maipagmalaki sa pagbalik nya sa baryo nila at nakamtan nya yun,..asteeeg di ba…

    namimiss ko tuloy talaga ang umindak wahahahahaha…

  9. blurosebluguy says:

    hahahahah anuman ang sayaw na gusto mong matutunan…madali lang naman kung nandoon ang puso at determinasyon…..parang goal natin sa buhay….parang sayaw din yan….kailangan pag-aralan, pagpraktisan, pag-igihan. Walang sayaw na di natututuhan….
    salamat sa pagdaan MON

  10. Mon says:

    gusto kong matutong sumayaw ng ballroom.. ang alam ko lang yung freestyle hip-hop sa disco hahah

  11. blurosebluguy says:

    redfieryheart….lahat tayo ay may pinaghuhugutan ng ating lakas at direksyon sa buhay……maari tayong matuto sa mga taong nakapaligid sa atin…..ang nanay at tatay ko ang aking mga mahalagang hiyas na tumulong upang pandayin ko ang aking narating…..ika nga ……ang bunga daw ay karaniwang nanggagaling sa puno nito….salamat sa pagdaan…..

  12. wahhhhh kakainggit mga nanay niyo, ako hanggang ngayon parang nasa shock pa din nanay ko sa mga accomplishment ko lalo at alam niyang writing ang job ko ngayon hehe.Lagi niyang sinasabi na ano daw panama ko e di naman ako nakapag-aral, di niya alam yung pagpupursigi kong matuto hehe.

  13. blurosebluguy says:

    salamat sa comment coolwaterworks…..muli kung binabalikan sa mga araw na ito ang mga taong naging mahalagang bahagi ng buhay ko…umpisa pa lang ito…kay lapu-lapu…urduja…
    akala ko nga di ko matapos kasi I was crying when i was writing this post…..
    God bless!

  14. coolwaterworks says:

    Kuya blu,

    Your post is nostalgic… naalala ko tuloy kwento ng nanay ko, lahat ng struggles niya para makapag-aral… At dahil sa kanyang kwento, naging masipag kaming magkakapatid sa pag-aaral…

    Great writing, and it touches sensitive chords in the heart…

    Coolwaterworks

  15. blurosebluguy says:

    ay tama ka dyan sandi gran bayle dito sa bahay ko ngayon…ang bayle ni urduja! salamat din sa yo kuya!

  16. sandijmartin says:

    uy..may bayle pala dito!
    ganda naman ng istorya ng pagsisikap ni nanay mo..kaka inspire!

    salamat nga pala sa pagbisita mo sa akong bahay🙂

  17. dhyoy says:

    Korak! Kahit parehong kaliwa ang paa ko, dance lang ako ng dance kahit anong tugtog pa yan. Minsan nga lang mahirap sabayan at sumabay sa tiempo, pero carry lang… nareremedyuhan naman.

    Isang malupit na giling-giling para sau MR. Blu🙂

    • blurosebluguy says:

      salamat kabigang DYHOY….tama lang naman na makisayaw tayo sa tugtog ng buhay na ito…kung hindi iiwanan tayo nitong nagsasayaw ng mag-isa…hahahaha ayaw ko nga mag-tango na nag-iisa! lupet!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s