enteng bote

madalas kong naging tambayan ang baybayin…at tuwing dapithapon ay nakaugalian ko nang mamasyal at mamulot ng mga maliliit na mga kabibe sa dalampasigan nito. Ang dagat na naging piping saksi sa aking mga saloobin…… ang aking naging sumbungan ng mga pighati at suliranin….katotong dila sa mga halakhak ng aking tagumpay……ang mga haplos ng alon nito’y naging karamay ko sa pagtahak ng landasin ng buhay. Ang misteryo ng dagat….isang mahiwagang entablado na patuloy kong sinasayawan tungo sa mas malalim na kamalayan.

Isang hapon habang palubog na ang araw….mataman kong pinagmasdan  ang huling pagtampisaw nito…matingkad ang kulay at talaga namang nakakaakit ang pagsasayaw nito sa mukha ng dagat. …hanggang sa kahuli-huling kislap ……ay para bang naglalaro lang ito ng taguan katulad ng mga bata pag bilog ang buwan. Masaya kong ginalugad ang baybayin at ito ang tumambad sa akin…….

 

 

diapositiva5

__________________________________________________________________________

kaibigan,

sabi ng titser namin kanina sa klase …sumulat daw kami ng  sampung liham para sa isang kaibigan sa ibayong kabila ng isla …… ..E’…ang tawag pala sa akin ay Enteng kulot….madalas nga akong napapaaway…kasi napulot lang daw ako……kasi putok daw ako sa buho…….dahil kakulay  daw ng balat ko ay pusit….

__________________________________________________________________________

kaibigan,

……sa skul namin madalas gustong-gusto kong magrecite…kaya lang yung titser ko dati, ayaw akong tawagin…kakainis….buti na lang si Maam Cruz…adviser namin ngayon mabait…parati nyang sinasabi wag daw ako mahihiya..kasi pantay-pantay daw tayo sa tingin ng Diyos…..

___________________________________________________________________________

kaibigan,

….minsan ko na ring naitanong yun sa lola maria ko……kasi ayaw kung maniwala…sabi nya tanong ko daw sa Diyos….Papano nga ba makakausap ang Diyos…..pag nakita mo …pakitanong naman oh…..bakit si Macmac unat…ako kulot…si Merci maputi….ako baluga….si Andy matangkad….ako bansot…..bakit sila may tatay at nanay…ako wala…..

__________________________________________________________________________

kaibigan,

totoo ba sa Maynila malalaki ang gusali …at sabi nila may alupihan daw na malaki na sinasakyan ng mga tao…..totoo ba si Darna?…kasi nakita ko siya sa pasine dito sa aming baryo ….pero matagal na yun…galing nya ah…lumilipad….ako gusto ko ring lumipad …para makita ko kung anong meron doon sa kabilang dako…..

__________________________________________________________________________

kaibigan,

dito sa isla namin….masaya….parati nga kaming naliligo sa dagat…kaya tuloy lalo akong nangingitim eh….kagabi…bilog ang buwan…naglaro kami ng taguan…ang galing kong magtago….hindi nila ako nakita…..sa tagal nainip na ako kaya lumabas ako …tahimik ang paligid……..umuwi na pala lahat sila…..

__________________________________________________________________________

kaibigan,

ang sarap maging bata noh….alam mo ba ang problema…kagabi kasi nag-uusap ang lola at lolo tungkol sa problema…tapos naiyak na lang ang lola…ano ba yon? nakakatakot ba yon? ano hitsura nya?…..hmmm….basta ako di ko pa talaga nakikita si problema….

__________________________________________________________________________

kaibigan,

takot akong tumanda….ang lola ko kasi uugod-ugod na…minsan nga bingi pa…..kahapon nga napaihi siya sa saya nya…hihihihi……tapos pagpinapatulog nya ako sa hapon, kinukumutan ko na lang ang unan ko saka sabay karipas ako ng takbo palabas….malabo na mata nya….hirap pala pag matanda na…basta ako ayaw kong tumanda…..

__________________________________________________________________________

kaibigan,

kung mapulot mo itong sulat ko…..pakisagot naman o…..ay oo nga pala…ano ba numero ng bahay namin…ay wala pala kaming kalye…basta sabi nila…isla berde daw itong lugar namin….napapagod na naman ako……bakit kaya parati na lang akong napapagod ngayon….nagsimula lang ito dalawang linggo na ang nakaraan…madalas nga absent ako sa skul…buti na lang nakapasok ako kanina……pero pinauwi din ako ng titser ko….kasi nahimatay daw ako sa skul….. 

_______________________________________________________________________________

kaibigan,

…wala na akong maisip na maisulat……napapagod na naman ako…..minsan nga sa gabi di ako makatulog……ang dami ko tuloy na naririnig na mga huni ng kulisap…..minsan napagmasdan ko ang dalawang bituin na kumikislap…..ay nag-uusap pala ang dalawa…pero di ko kasi marinig…..alam ko nag-uusap sila…..kasi pagkatapos kumislap yung isa …..kikislap naman yung isa……

__________________________________________________________________________

kaibigan,

….ay salamat huli na pala ito…..sana sumagot ka kaibigan……sori ha….dami ko kasing tanong….sagot ka lang at ilagay mo rin sa boteng ito ang iyong sagot……alam ko makakarating ito sa akin……madalas sa isla bote lang ang gamit namin….hihihihi…..oo bote lang……..

__________________________________________________________________________

p.s.  ang entry ko ngayon ay alay ko kay enteng kulot, isang batang nakilala ko sa paglalagalag ko sa isang isla ng Pinas.      isang batang kulot  , ulila sa nanay, iniwan ng tatay at pinalaki ng mag-asawang taga-isla..isang kwentong nagsimula sa isang mensahe sa loob ng bote….                                                                                                                

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

49 Responses to enteng bote

  1. Keisha says:

    go cathy.. malapit na kayo magkita ni aso.. so excited.. aso thanks so much for accepting in ur FB.. yey malapt na march. magkikita na sila….. . up up for asocat!!!. . up up for cathy!!!. . cathyriffics will aways here to support u… you go girl gudluck sa your song workshop nyo…. may aabangan na naman kami? sa TV…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

  2. monching02 says:

    waw. sana maging madalas pa ang pagbabasa ko ng mga post mo kuya blu. =)

    minsan kasi nagiiba yung mga masamang outlook ko sa buhay pag binabasa ko yung mga posts mo. =) thanks.

  3. monching02 says:

    waw. sana maging madalas pa ang pagbabasa ko ng mga post mo kuya blu. =)

    minsan kasi nagiiba yung mga outlook ko sa buhay pag binabasa ko yung mga posts mo. =) thanks.

  4. Jhaynee says:

    naku replying to comments time mo pala ngyon.. wehehehe

  5. Jhaynee says:

    gaganda ng mga stories dito kuya….

    napapatanong tuloy ako kung totoo ba talaga ang mga to..

    its all too good to be true eh..

    parang pang tv.. wehehe…

    keep on writing!

    • blurosebluguy says:

      Jhaynee….ang pagsusulat ng mga kwento….. ay hinabi ko ayon sa tunay na buhay……..iniba ko lang ang mga pangalan at panahon kung kailan nangyari……salamat naman at nagustuhan mo ang aking pamamaraan ng paglalahad ng aking buhay at mga karanasan….

  6. blurosebluguy says:

    hahahaah Paul….a smiling heart can never hide its true identity…lalabas at lalabas din yan…..kasi di pwede ifake ang tunay na saloobin….kitam…..kabig ng isipan….pero sadyang di maitago ang tunay na nararamdaman…..

  7. Paul Sarcia says:

    let your heart wear that smile first… lagi yan.
    pero pinipigil ko ung “the rest will follow”… tine-terminate ko ung process… lakas nga atungal ng mga creatures sa utak ko e…ba’t daw ganun… haha… ka’ko wag tayo pahalata… kuwari malungkot ako, blanko dapat emotions.. lololol

  8. blurosebluguy says:

    kaibigang Paul…wearing a smile is not something external….it is coming from an inner diposition in life……let your heart wear that smile first…and the rest will follow

  9. Paul Sarcia says:

    ayoko muna baguhin… baka may kumausap sa ‘kin hoholdapin lan pala ako… lololol

    kasama yan sa list of improvements ko… ang smiling face…😀😀

  10. blurosebluguy says:

    dear MON rest assured ok si enteng…..minsan wish ko na manatiling bata …..at least man lang sa pagtingin sa kalakaran ng buhay…..payak at simple…..madalas dahil nar in sa ating mga desisyon ay nagiging komplikado ang ating buhay….sa mata ng Diyos pantay tayo….di ko nga lang alam ano talaga ang pamantayan ng Diyos……sabi nya kasi nilikha nya tayo sa kanyang imahen at kawangis…..

  11. Mon says:

    isang batang kulot , ulila sa nanay, iniwan ng tatay at pinalaki ng mag-asawang taga-isla..isang kwentong nagsimula sa isang mensahe sa loob ng bote….

    it’s sad to realize that there are innocent kids victimized by poverty and unfairness of life. life can really be indeed unfair. But i know there’s always hope. God will work on that in his due time. I hope that enteng will stay positive and keep his faith in God.

  12. blurosebluguy says:

    DFish…salamat sa pagdaan at pagbibigay ng panibagong pakahulugan sa post na ito…..minsan nga lang talaga para lubos nating maunawaan ang mga salita ng buhay…..marahil siguro dapat lang na isuot natin ang sapatos ng pangunahing tauhan sa kwento……
    salamat kaibigan…..nakakainspire ang iyong comment.

  13. blurosebluguy says:

    AX salamat sa pagdaan….siguro nga kung pananatilihin natin ang ating tunay na pananawa sa buhay….bilang isang musmos…mas payak at simple….walang masyadong complications ang ating buhay…….parang imposible nga lang…kaya?

  14. blurosebluguy says:

    Azul ang batang katulad ni enteng ay mapalad, maharahil di sa paningin natin….sa Kanya,oo. …may iba kasing batayan ang Diyos eh….rest assured OK siya…..siguro nga baka nakasalamuha mo na sya sa isa sa mga biyahe mo…..salamat ha…….

  15. blurosebluguy says:

    hahahaah kaya Paul baguhin mo na ….wear a smile…instead`of a gaunt face…..tingnan mo maraming lalapit sa iyo….

  16. DFish says:

    I still have to read a post about the treasures from The Little Prince. Pero ito na yata ang blog version ni Exupery – mga butil ng karunungan na napapasabote sa imahinasyon ng mga bata. I was laughing yung lumabas ka sa bote ng pinagtataguan mo tapos yun pala, nagsisiuwian na, haha. And yes – the trepidation over aging. True, true – walang gustong maging bingi pagtanda o di kaya’y ulyanin…

  17. Ax says:

    natuwa naman ako sa mga mensahe ni enteng.

    natuwa ako sa simpleng mga bagay na nais niyang malaman. ang pagtanda, ang bituin, ang problema, ang tao.

    huwag lang tayong mawawalan ng pag-asa. maging komportable sa sarili. at higit sa lahat, ang pananalig natin sa Kanya. hehe.

  18. azul says:

    okei so true story toh..kung tutuusin ang lungkot ng buhay ni enteng pero masaya pa din cia…often times nababalewala cia pero ayus lang sa kanya yun..batang bata..inosenteng inosente…

    may kutob akong may masamang nangyari sa kanya..well hopefully okei cia..

  19. Paul Sarcia says:

    @blu hindi pa ‘ko nakakakita ng ganyan e… yung hindi ko kilala tas biglang strike ng conversation… siguro kase I keep a gaunt face everywhere I go… haha defense mechanism, para hindi makausap ng ibang tao… lololol

  20. putotzi says:

    That was awesome! Sana makakita din ako ng makwentong bata, kahit sa sulat lang.. lololol
    😀

  21. blurosebluguy says:

    tama ka dyan coolwaterworks…..mahirap sagutin kung ang papairalin natin ay ang ating edad (katandaan)…minsan tingnan at sagutin ayon sa perspketibo ng isang bata….

  22. kuya blu, another poignant post… habang binabasa ko, iniisaip ko, paano kaya kung ako ang tinatanong… paano ko ipapaliwanag sa bata?

    Parang mahihirapan din akong magreact sa musings niya… They are deep, but I am paradigmed of the condition that the one saying them is a little boy…🙂

    And it dawned on me that perhaps the best response is to take them as they are… and not let philosophising kill the innocence of the musings…🙂

  23. dencios says:

    ang galing naman. iba ibang senaryo sa buhay sa mukha ng mga sabihin na nating musmos ang isipan sa tunay na kulay ng buhay.

    ang masasabi ko:
    lahat ng nilikha ng Diyos may kaukulang atensyon na Siya lang ang nakakapagbigay. Lahat tayo mahal nya ulanin man tayo ng problema o wala!

    • blurosebluguy says:

      hmmmm ang bata kahit kailan ay salamin ng ating mga sariling buhay…dahil sa mga inosente nilang tanong….nakikita natin ang katotohanan….salamat pareng dencio…..

  24. sandijmartin says:

    kuya blu, yayain mo si enteng kulot at pumunta kayo sa haybol ko.. maglalambitin kami sa baging.. tyak, matutuwa yon🙂

    Hindi makikita sa panglabas na kaanyuan ang kadakilaan ng isang tao, ito ay makikita sa kanyang kaloob-looban🙂

  25. Pingback: eh sa wala akong magawa…

  26. dhyoy says:

    hmmm mukhang may pinaghuhugutan si Enteng Kulot…
    ang dami niya ng iniisip…kebata-bata…
    Sana masagot mo na Mr. Blu ang mga tanong niya, malamang ang tagal na niyang hinihintay ang mga sagot sa tanong nya.

    Sadyang mahirap ang buhay, sabay lang..🙂

    • blurosebluguy says:

      hahahaha matagal ko na siyang nasagot……kaya nga siguro dapat kayo naman ang sumagot…hmmm…magpaanod ka kaya ng message in a batol……malay mo? salamat sa pagdaan dhyoy.

  27. Nortehanon says:

    hehehe nakakaaliw naman ang pag-base-base na yan. halatang-halatang excited si flamindevil nung nag-base siya. yun pala, nauna na rin si kathy.

    Natutuwa ako sa post mo. Masyadong malapit sa akin ang mga bata, lalo’t higit kapag tungkol sa damdamin nila ang pinag-uusapan.
    —————
    pasensya na po at ngayon lang nakadalaw dito. i had to quiet down some stirrings inside me kaya kinailangan kong mag-leave sa blog pansamantala. pero ngayon po ay balik na uli ako😉

    • blurosebluguy says:

      alam ko nortehanon….kaya nga ginawa ko ang post na ito partly habang naisip ko yung project mo sa mga bata…..kumusta na pala?…kahit ako din I need to retire sometime next month…mejo kailangan ko na rin ng pahinga ng pag-iisip at katawan….

  28. hitokirihoshi says:

    galing naman mag-isip ni enterng kulot… mukhang masarap nga siyang kausap, ang daming nalalaman.

    at ako gusto ko i-try na gawing yung mensahe sa bote… kaso baka hindi maganda… bote ng gin ang paglalagyan ko e o di ‘ kaya lapad. naku, pag manginginom ang makakakuha… maasar sa akin. hahaha

  29. anakngpating says:

    tama at dapat blu sagutin mo na ang mga tanong nya ng malaman nya lahat na pantay pantay ang nilikha ni josh iniba lang ang panlabas na itsura..
    🙂

    • blurosebluguy says:

      tama ka lovely…nasagot ko na sya matagal na…ikaw pwede mong sagutin sya…magpaanod ka kaya ng message in a batol sa pasig river…malay mo may makapulot at mabago ang buhay! hehehehehhe

  30. kathy says:

    flamindevil una ko sayo..hehehe^^

  31. chicksykat says:

    ok basa mode na muna…hehehe

  32. flamindevil says:

    base?base?base!

    tama ka dyan.lahat ng tao pantay-pantay sa paningin ng Diyos. walang mahirap,walang mayaman.walang puti,walang itim.walang kulot,walang direcho ang buhok.ganda ng post. : )

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s