perlas

matagal kung pinagmasdan ang perlas na ito….pilit binabalik ang mga alalaa ng isang kahapon….yayaman ka kuya…sige na….bilhin mo na ito…..udyok sa akin ng batang maninisid sa isla….

diapositiva13

matagal ang ginugugol ng mga batang maninisid upang makakuha ng isang perlas sa pusod ng dagat….isang perlas na ang katumbas ay pagtawid nito sa hapagkainan ng isang pamilya….kahit wala naman talaga akong balak na bilhin…..awa marahil ang nangibabaw sa mga oras na iyon upang ayunan ko ang udyok ng batang maninisid.

minsan nabasa ko sa bibliya ang tuwa ng isang taong nang makakita ng mamahaling perlas …..ay ibenenta nito ang lahat ng kanyang ari-arian mabili lang ang bagay na iyon. Sabi ko nga eh..worth ba talaga ang perlas na iyon….yayaman ba talaga ako sa perlas na ito…..

matagal kong itinago at iningatan ang perlas na aking nabili sa pag-aakalang yayaman nga ako tulad nang sabi ng bata…..pero ang katotohanan nito’y…mahirap pa rin ang buhay ko…bah!…hindi naman masasabing mahirap…middle level lang….pero hindi mayaman  tulad ng dalang pangako nito.

sa wari ko nga naging mailap sa akin ang kapalaran…tama lang talaga ang antas ng aking buhay…hindi naman hikahos pero minsan nangangalumata rin sa paghahanap ng itatawid- buhay pagna-uubusan ang kaban…Marami ang nagsabi sa akin na ibenta ko na lang ang perlas….maaring sa ganung paraan maiwawaksi ang kamalasan ng buhay.

Minsan nasambit ko tuloy…..ano ba ang hiwaga ang perlas na ito….ang pangako nitong kayamanan? Malimit kong binabalikan ang kasaysayan ng perlas na ito sa aking pangangalaga…..sa wari ko’y di nga kayamanan ang dulot nito sa akin…

pero mas higit sa kayamanan dito sa lupa..ibayong kapayapaan, kapanatagan at kaligayan ang ihinatid nito…mga bagay na nakamit ko hindi dahil sa ano mang kayaman na dulot ng mundong ito….

mga kayamanan na sandaling pinahiram lang sa akin…..ibinahagi…at muling ibinalik sa pinagmulan……. ang tunay palang yaman na dala ng perlas ay hindi kaylan man panghabambuhay na mahahawakan…..sapagkat ang tunay na yaman nito ay nangyayari sa sandaling bibitawan mo na ito….

About these ads
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

46 Responses to perlas

  1. J.Kulisap says:

    Lahat ng tao, materyal ang unang sukatan ng pagyabong dito sa sangkatauhan, kapag napaghuli, malamang kabibe na lamang ang naitago sa halip na perlas.

    Ngunit aanhin mo ang perlas kung wala itong kinang dahil sa madilim na pagkatao ng nagtataglay.

    Dati gusto kong umibabaw, umarangkada pero habang tumatagal, natatagpuan din ang daan sa tunay na kayamanan.

  2. bernardumali says:

    may naalala akong kwento, misteryo ng glu-glu. magaba na katatawanan pala sa dulo pero sinabi rin doon na ang halaga ng isang bagay ay matutuklasan lamang sakaling binitiwan mo ito. May kung anong misteryo ang perlas, ano? parang isang bagay na may nais sabihin.

    • blurosebluguy says:

      salamat sa muling pagdaan parekoy na bernard…..tama ka may misteryo ang perlas at ang yaman na dala nito….pero masusumpungan at mauunawaan nating lubos ang misteryong nakabalot dito…kung sisisirin natin ang misteryo sa pusod nito…doon maari nating maunawaan ang lahat…..

  3. flamindevil says:

    ang tunay palang yaman na dala ng perlas ay hindi kaylan man panghabambuhay na mahahawakan…..sapagkat ang tunay na yaman nito ay nangyayari sa sandaling bibitawan mo na ito….

    gusto ko tong line na to.tama ka sa post na to parekoy,minsan masyado tayong nagiging superficial.

    at minsan din,nakakalimutan natin na hindi lahat ng bagay na nagpapayaman satin nakakapagpasaya.

  4. Mon says:

    pag gusto mo na bitawan ang perlas, akin na lang.. LOL
    may powers ba yan? hehe

  5. joycee says:

    Ang tunay na yaman ay hinde matatagpuan sa materyal na bagay; kundi sa pagmamahal ng mga tao sa paligid naten. *weh nagsalita ang taong magaling sa pagmamahal*

    God will provide.

    Add kita sa links ko ha. =)

    • blurosebluguy says:

      salamat joycee, madalas rin kitang makita sa mga comment section…..of course u can add me ..ikaw pa…
      tunay ang iyong sinabi….minsan ang tunay na kayamanan ay iyon rin mismong mga taong nakapaligid sa atin…di nga lang natin napapansin ang kanilang kinang.

      • joycee says:

        di naten napapansin kase nakafocus tayo sa ibang bagay/tao na akala naten eh mga kayamanan naten pero sila pala ang makakasira saten. *naks!

        salamat sa pag-add den. =)

        • blurosebluguy says:

          wow lalim ng banat mo joycee…hmmm mukhang may pinaghuhugutan ka ah……minsan kasi pag nakasanayan natin na parati sila nandyan …nagiging ordinaryo na lang ang tingin natin sa kanila…….tama ka doon kaibigan…….

  6. Dahil sa pagmamadali sa pagcopy and paste from MS-Word (kasi biglang napuputol ang connection ko kanina pa, so kung ang draft ay nasa Word, di na ako kailangang magretype, just in case), may nakaligtaan akong ilang talata Kuya Blu… Heto na, straight from MS-Word:

    Of course, that is one direction of interpreting the ending statement… Sorry if that was a bit theological… The second reflection is somehow related to letting go – letting our treasures go by sharing them to others… :) This is where I relate to Sandi’s theme…

    When we share our Treasure with others, He is never diminished… This is the true essence of our Treasure. When God is shared, we are sharing His blessings and His gifts, but never diminishing ours… Sharing our Treasure is a continuous experience… In fact for me it is a challenge. Part of sharing Him to others is that they must experience Him through us… At the same time, when the Treasure is shared, we receive our Treasure back, for we are also invited to experience Him in others… :)

    I would like to continue to discuss on my thoughts in sharing and experiencing our Treasure but this comment is becoming a blog post in length… Hahaha!

    • blurosebluguy says:

      hmmm kumpleto talaga at comprehensive ang comment mo coolwater…tama ….u did get the point! Mabuhay…you solved the mystery….alam mo ba na nang sinusulat ko itong entry….hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko na ito ang naging ending…kaya nga kagabi I ended this entry in awe…ilang beses kong binasa at tiningnan kung tama nga ba ang ending nito…
      tama ka! I would say write something about this piece……andoon ka na eh…at marahil mas lalo mo pang mapapalalim ito…..salamat talaga ha…….mabuhay kaibigan….

      • Salamat Kuya Blu… naging two-part series tuloy ang comment ko… hehehe…

        Actually, naalala ko sa post mo ang bagong vision namin sa SFC – “Every single man and woman all over the world experiencing Christ.”

        Naku, sa palagay ko hindi sa kung ano lang ang pumasok sa kokote nyo… Kayo ay nagpati-anod lamang sa mga bugso ng Banal na Hininga…. :)

        Kudos din sa yo Kuya Blu… Napapaisip mo ang mga readers mo… :)

        • blurosebluguy says:

          coolwater hahahahah..marahil nga….kahit gusto kong ibahin ang ending…..di talaga pwede….pag SIYA na ang sumulat…patay kang bata ka! salamat muli ha!

  7. Geisha says:

    salamat nga pala sa nominasyon :D

  8. Geisha says:

    pilit kong inaarok ang lalim nitong iyong katha na animo’y isang moro ami na naninisid ng perlas sa karagatan ng tawi-tawi.

    sa pakiwari ko’y malawak ang iyong karanasan sa buhay para maipahayag ang ganitong klaseng damdamin.

    sa aking pang-unawa, lahat tayo ay may kanya-kanyang perlas na hawak. anuman ang pangakong taglay nito, sa bandang huli umiikot pa rin sa ating mga palad ang takbo ng ating buhay. sa atin pa rin nakasalalay ang pagkamit ng anumang ninanais nating tagumpay.

    isa kang alamat! :D salamat sa inspirasyon!

    • blurosebluguy says:

      hmmmm…una sa lahat maraming salamat sa mala-muro ami mong comment…Geisha…tama lahat ang iyong tinuran…lahat tayo ay may kanya-kanyang hawak na perlas…nakuha mo ang unang antas ng pag-unawa sa blog na ito……ang pangalawa ay halos iluwal mo na rin.
      kaibigan ….isang alamat?…ako…di ah….
      katulad mo….. isang hamak na manlalayag din sa mundong ito…..

  9. Kuya blu,

    Yehey, gumagana na ang threaded comments… :)

    Dapat nga nating alamin at hanapin ang tunay na yaman – ang tunay na perlas… Kahit maghikahos pa tayo, kung nasa atin na yun, daig pa natin ang pagmamay-ari ng mundo… Aanhin pa natin ang mundo?

    Kaya nga ibinenta ng tao sa Bibliya ang lahat ng kanyang ari-arian nang masumpungan niya ang mamahaling perlas… :)

    Kaya, tama si Sandi sa theme ng kanyang blog – ang Panginoon ang ating tanging yaman… :)

    • blurosebluguy says:

      salamat coolwater…wala na akong masasabi pa …maliban na lamang…..sa ending ng aking blog…ano sa palagay mo?

      • Kuya Blu, tungkol sa ending…. English muna kasi dudugo ang ilong ko sa Tagalog… Merong kasing terms na di ko alam kung paano isalin sa Filipino… :)

        My interpretation on the “pearl” in your post is God… In relation to the ending of your post, once we let go of the Lord, then we resort to two things.

        First, similar with treasures lost, we realize our Treasure’s true value – when we loose God’s presence in our soul (indwelling), we are stripped of the sanctifying grace that will enable us to have Beatific Vision. We loose the chance of going to heaven and the capacity to see God face to face which sanctifying grace gives us.

        Second, we realize how rich and how powerful our Treasure really is… He still makes the sun to shine on us… He is the only Treasure that will find its way back and will knock at the door of our hearts… He still sends actual graces from time to time to aid us… And He keeps reaching out… It is us who lost the Treasure – but the Treasure has never lost us and nothing can separate us from His love… :)

        • blurosebluguy says:

          hmmm…what an interpretation of the ending…..lalim at saka maganda ha….salamat ha……gling mo coolwater….i will treasure what you have shared….kudos parekoy!

  10. Actual picture po ba yan ng Perlas na naimbenta sa ‘yo?

    Hindi man ito mag-payaman, tanggapin mo na lamang ito bilang lucky charm mo. ^_^

  11. sandijmartin says:

    seryoso na po ako Kuya! ang matutong magbigay ng bukal sa kalooban gaano man ito kahalaga at kamahal sa atin ay siya nating tunay na yaman.. :)

    hehe.. galing nitong kwento mo kuya blu, kasi may kaugnayan ito sa aking kwentong “ang kayamanan ating hinahanap”.

    • blurosebluguy says:

      tama ka diyan sandi ang yaman natin ay magiging tunay lamang sa mga pagkakataong maibabahagi natin ito sa iba…..hmm partly..inspired ito sa kwentong tinuran mo…..na gusto ko ring i blog noon pa man….mabuhay ka kaibigan

  12. dhyoy says:

    deep… di ko masisid…
    ;)

  13. Ax says:

    to do comment-threading:

    on your wordpress settings: -> go to other comment settings -> then enable threaded comments. para pwede magreply sa mga comments!

  14. Ax says:

    huwaw! totoo. ang tunay na yaman ay hindi sinusukat sa kung ilang kotse meron ang isang tao, dami ng napatayong bahay, halaga ng perang naipon.

    sana lahat tayo ay maging “mayaman.”

  15. sandijmartin says:

    kuya blu, may mapa ka ba kung saan makikita ang perlas na ito?

  16. azul says:

    hmmmm akshuli kanina ko pa nabasa toh…di ko alam kung nabebraindead na ba ako o anu..di ko magets yung sa perlas ee..hahahaha

    • blurosebluguy says:

      Azul..hmmm di ka nabebraindead….masalimuot nga itong entry na ito….puno kasi ng irony….na nagmumula sa kaibuturan ng aking kamalayan…..kahit ako na nagsulat nito…pilit kong inuunawa…yung ending kasi yun ang twist….in due time maiintindihan mo rin………actually ilang beses ko ring pinagmasdan…kung dapat bang ipost ito…eh napindot ko…hehehehehe…….siguro nga may reason…….salamat sa pagdaan……kaibigan!

  17. bojoy says:

    naku nakapalupit nanaman manong blu!
    minsan ang pinaniniwalaan mong mga bagay ay nagiging motivation mo sa mga bagay-bagay… pero minsan hindi lahat nang bagay na pinaniniwalaan mo ay makakatulong sayo.
    d ko sure manong kung gaugnay uganay na ha? daw la pa dyapon nag balik akong utok hahaha…

  18. DFish says:

    Sumisisid kaibigan…may perlas kaagad…siguro, nagbakasyon ka sa Pearl Farm ano?

    • blurosebluguy says:

      hahahahah…..hindi sa pearl farm….DFISH salamat sa pagdaan….ano sa palagay mo? habang sinusulat ko kasi itong entry na ito….di ako mapalagay…in fact ang ending…kahit ako di ko inaasahan…..

  19. anakngpating says:

    oh ha…
    ang sabi nga ng iba yumayaman daw ang tao sa perlas lang pero wala pa kong kilala hehe…
    talagang ang laman dagat madami kang mapapakinabangan pero minsan sobra na nauubos na ang laman ng dagat na yung mga matataas na tao ang may gawa…katulad nyang perlas mahirap makakakuha na ngayon nyan dahil nagkakaubusan na…

    • blurosebluguy says:

      ang mga taong minsan ay nagmamay-ari ng perlas ay yumaman di sa yaman ng mundong ito….mas lalo pa silang yumaman ng ipinamana nila ito sa iba….matalinghaga…pero ito ang katotohanan……salamat Lhovely…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s