lighthouse

malakas ang pagbuhos ng ulan at sinundan pa ito ng mga dagundong sa langit….lalo tuloy na nagsusumiksik si toto sa palda ng kanyang nanay…..natatakot po ako…. hanggang sa kahuli-hulihan ay mahigpit na syang napakayap sa mga braso ng nanay nito….dito nya muling natagpuan ang kapayapaan …ang yakap nga naman ng ina…animo’y lunas sa lahat ng mga pasakit at pangangamba…

anak …o ayan tumila na ang ulan…..halika pagmasdan muli natin ang kalangitan…sa pagkakataong iyon tila lumiwanag muli ang langit at nahila na ang talukbong nito at unti-unting kumukutitap ang mga bituin nito na akala mo’y mumunting perlas ng karagatan……anak, ito ang tatandaan mo…..sa bawat bagyo na daraaan sa buhay mo….kahit anong lakas ng hangin at lagaslas ng ulan ang dala nito…huwag kang matatakot…..hanapin mo lang ang isang palatandaan ….hmmm …nakikita mo ba ang light house na iyon

diapositiva61

….pagtitingnan mo siya….mawawala lahat ng takot mo…….ito ang naging palatandaan ng mga mangingisda sa tuwing nakakasalubong nila ang daluyong ng karagatan at ang sungit ng pananahon…..madali nilang natutunton ang daan pabalik sa dalampasigan ng Sta. Fatima…dahil sa aandap-andap na ilaw ng light house….. 

tumuntong ang mga paa ni toto sa Maynila…at dito ay may maraming ilaw na kumukutikutitap…..pero madalas nawawala pa rin siya tuwing bumabalot  ang kadiliman sa kanyang buhay…maraming ilaw……dala nito’y iba’t-ibang kulay……nakakalito……alin kaya ang magdadala sa kanya sa tunay na landasin ng buhay……

Pero ang habilin ng kanyang ina ay ito…..sa siyudad….maraming klaseng ilaw na magbibigay sa iyo ng iba’t-ibang direksyon…pero ang ilaw na ipapabaon ko sa iyo…..yun ay dapat mong pagningasin araw-araw……huwag mong pabayaang mamatay ito…..dahil sa kahit na aandap andap na ilaw nito ……siya ng magbibigay sa iyo ng tamang direksyon na iyong tatahakin…….sa mga panahon na susuungin mo ang maraming bagyo sa iyong buhay parati mo lang tingnan ang ilawan na inihanda ko…..di yan mawawala…pagkat iyan ay nasa kanlungan ng puso mo…..

matagal na rin ang aking nilakbay sa landasin ng buhay…at sa bawat sigalot ng buhay na ito…..ang tamang landasin ay nasusumpungan ko sa tuwing binabalikan ko ang ilaw na handog ng aking ina….kahapon lang nakakita muli ako ng isang lighthouse…..at bumalik muli ang mga alaalang dulot nito………

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

36 Responses to lighthouse

  1. nobodysgurl says:

    it’s a reminder of how a mother’s love and devotion can guide and influence our lives… very heart warming post..🙂 ganda po…

  2. Ax says:

    Kuya Blu, sorry, feeling ko hindi mo pa nakukuha kung paano maglagay ng award! Kase ang pangit ko rin mag instruct.. atsaka hindi ko rin talaga alam kung paano!

    uy, sana naturuan ka ni dhyoy! kokontakin ko sana uli si FD!

    • blurosebluguy says:

      AX dont wori about it…Dhyoy taught me how…pro di ko pa na try….i’ll do it in my spare time…medyo toxic lang ako this week….three b. meetings straight…kaya pati-pagbablog ko apektado …hehehehehhe…..salamat sa effort at concern…i do really appreciate it

  3. dhyoy says:

    hmmm… nacurious ako sa nipaguusapan nyo ni ax… ano po ba gusto mong gawin?

  4. Nortehanon says:

    Magandang araw. Pasensya na at ngayon lang uli naligaw. Medyo nagbyahe lang at naghanda para sa darating na Lenten Season.

    Napakaganda ng post na ito, lalo na yung bahagi na ibinibilin ng ina ang isang ilaw na magsisilbing gabay niya sa kabila ng marami pang ibang “ilaw” sa lungsod. Napakagandang imagery.

    • blurosebluguy says:

      hmmm..salamat din sa iyo nortehanon….salamat yung image ng ina kasi ang pivotal character dito…though yung ilaw na ipinapasa nya ang main theme ng entry na ito………..

  5. simplefula09 says:

    tama po ang lahat ng cnavi mo…..galing mo po tlga…..mxadong mkahulugan…:P

  6. macallister says:

    matalinghaga pala si inay,very nice.and a good message too.

  7. Pepe McKunat says:

    may weird akong trip kapag may pasok kami
    hinihintay ko minsan gabhin ako sa may intramuros.
    para makita ko kung gaano ito kaliwang.
    natural, nagtagumpay ako sa aking hangarin, pero talo ako dahil sa sermon.🙂

    • blurosebluguy says:

      hahaha pepemackunat..minsan may mga bagay na ginagawa tayo sa buhay na marahil walang katuturan…pero simula pala ito ng pagbubuo ng isang ikaw….syempre kasam na ang sermon doon….

  8. bernardumali says:

    nakakatuwang unti-unti ay nagbabago ang mga pinag-uusapan sa blogworld natin, salamat sa mga aral. siyangapala, pangako, hinding-hindi ako pupunta sa may kulay pulang ilaw. hehehe

    • blurosebluguy says:

      hahahahaha…kahit ang pulang ilaw ay christmas light? just kidding pareng bernard…hmmm di naman nagbabago…siguro ang bawat isa ay may kanya-kanyang pamamaraan at estilo na ipahayag ang isang katotohanan ng buhay….katulad ng estilo mo….maganda…ako di ko kaya yun…kasi certified ikaw yun…nanggagaling sa pagkatao mo…salamat kaibigan

  9. DFish says:

    Very inspiring parable for the lost and the searching! To all mothers and the Blessed Mother for being the lighthouses of our lives, thank you. Thank you blu for bit by bit, post by post, awakening the lighthouses in us.

    • blurosebluguy says:

      DFISH….salamat sa comment mo…….i really do appreciate it coming from you….reading though your posts….mas malalalim at maganda ang pagkahabi nito…..nakakainspire naman sa akin na nagsisimula pa lang magpahayag ng aking saloobin dito sa blogosperyo…salamat kaibigan.

  10. monching02 says:

    namiss kio tuloy yung mama ko. gusto ko na tuloy mag-tuesday at umuwi! =)

    • blurosebluguy says:

      dear monching02—hahahaha nakakamiss talaga ang mga nanay natin di ba…buti ka nga malapit lang sa’yo…ako milya-milya ang layo……

  11. Ax says:

    Hi po Kuya Blu! hehe. Hindi ko pa talaga nababasa yung post mo (lighthouse), pero sagutin ko muna yung tanong mo sa blog ko.

    Actually, hindi talaga ako computer-program graduate kaya wala akong alam sa mga ganyan. Pero ang alam ko, kailangan mo gumamit ng text box sa side bar mo. Meron nun sa wordpress (blog platform settings natin) although kailangan mo pa ng codes at yung photos ng award. Er, sige Kuya Blu, pag-aaralan ko yan para maituro sa iyo. Pero sa ngayon, tatanong ko muna sila FlaminDevil o si Mang Badoy. Hehe!

    • blurosebluguy says:

      wow salamat naman AX…hulog ka ng langit….kapatid salamat ha….good day!

      • Ax says:

        sows, wala yun. natutuwa ako sa iyo. naka bold talaga at sinasabi mo yung pangalan na nirereplyan mo! hehe. er, bakit nga ba ako hindi nagbukas ng ym, baka online si FD o si MB.

        • blurosebluguy says:

          AXSALAMAT FOR TAKING TIME TO HELP ME!

        • Ax says:

          Kuya Blu, naituro na sa akin ni FlaminDevil kung paano. TY kay FD!

          Ganito daw, gagamitin mo ang “New Post” para makakuha ng codes. Parang gagawa ka lang ng bagong post muna. Tapos gamitin ang HTML view. Er, ano ba yung sabi ni FD.. Uhm, ano daw, er. Yung link yata ng award ay ilalagay mo doon?! (Tama kaya itong sinasabi ko?) Tapos copy. Punta sa Widget (under the Appearance ang Widget). Meron dun “Text.” Add the text. Paste the codes.

          Magulo akong mag-instruct. Teka lang, maitanong nga kay FD ulit! Sorry!

        • blurosebluguy says:

          hahahahaha…naging makakalimutin ka na ah…..its ok AX….i can wait…..meanwhile check ko lang kong uubra itong sinulat mong instructions…….salamat

  12. bipolarsisa says:

    ang ganda ng message. napakaoptimistic at hopeful. haay.🙂

  13. hitokirihoshi says:

    una, wish kong makaakayat sa lighthouse, one time pa lang ako nakakita pero as in tanaw pa.

    pangalawa, ganda ng pagiging malalim ng kwentong ito…. tama si nanay sa liwanag at tama rin ang obserbasyon ng anak na maraming liwanag sa paligid. at marami sa kanila ay nagdudulot ng kalituhan.

    ang sister dyan ay nasa tao kung saan siya maaakit na liwanag at gaano katatag ang kanyang paniniwala rito. mabuhay!

    naalala ko tuloy ang pelikulang – a very long engagement – hehehe

    • blurosebluguy says:

      hello hoshi salamat sa pagdaan at sa iyong comment….sana matupad ang wish mo na makaakyat sa isang light house at saka tama lahat ang tinuran mo…at the end ang tao pa rin ang pipili ng path nya to traverse…….ang hindi siya masilaw sa napakaraming ilaw ……

  14. sandijmartin says:

    ganda kuya blu.. ang bibigat ng linya ah at syempre nakaka inspire..
    isa kang ilawan kuya blu🙂

  15. sandijmartin says:

    kuya blu, mamaya ko na bsahin ng buo…
    panitikero ka na rin ah?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s