huling lipad

diapositiva2

 

minsan nang naging matayog ang iyong lipad.

akala mo wala kang kapaguran.

lahat ay namamangha sa bawat pagkumpas ng iyong mayabong na mga pakpak.

tila lahat yata ng sulok ng parisukat ng mundo ay narating mo na.

walang pagsidlan ng galak ang iyong paglalakbay at tagumpay.

ang pahinga ay walang puwang sa sigla ng paglalayag.

para bagang walang katapusan ang iyong paglalagalag.

ngunit ang bawat pagsibol ng araw ay may kakambal na paglubog ng gabi.

dala nito ang mapait na  balita ng tadhana.

ang gabing ito ay nagbabadya ng isang masamang pangitain.

sa tuwing minamasdan mo ang iyong mga pakpak.

wala na ang angking ganda at halina nito.

sa tuwing pagkampay mo sa mga ito.

hindi na ito  nakakatawag ng pansin katulad ng dati.

mariin mong inunat at pinagmasdan ang kupasing ganda ng iyong mga pakpak.

wala na nga,wala na nga ang tulad ng kahapon meron ka.

nasabi mo tuloy sa iyong sarili.

kailan lang ang tayog ng aking mga lipad.

pero ang lahat pala ay kasama rin sa paglipas ng panahon.

inipon mo ang iyong buong lakas

at muling iniamba ang simula ng iyong pagpagaspas.

sa kung anong hiwaga.

muli kang inilipad ng iyong mga pakpak.

marahan pero tulad ng dati mababa.

walang kasing saya ang iyong nadama sa muling pagbagwis ng iyong mga pakpak.

mababa at marahan.

ito ang iyong huling lipad

magdalena sa magdamag.

Si Minyang ay dating sex worker sa Olongapo, tubong Mindanao. Mga edad singkwenta noong makilala ko siya sa aking paglalayag sa Norte. Masayahin at mabait na tao. Ni minsan di ko siya nakitaan ng pagkagalit sa mundo, datapwat naituro na siya sa akin ang magmahal ng hindi naghihintay ng kapalit. Ang tadhana nga naman pag nagbiro, pinagtatagpo nito ang dalawang kaluluwang naghahanap ng kasagutan sa mga maraming tanong sa buhay na ito. Nahimok ako ni Minyang na subukang umibig muli at siya naman hinimok kong iwanan ang paglipad sa dapithapon ng kanyang buhay.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

36 Responses to huling lipad

  1. sarap maglabas ng awtlet lalo sa tula lalo uli kapag me alam kang pinatutungkulan nito at hindi tabi-tabi lang.

  2. bojoy says:

    grabe malumos ko!!!!! manong grabe mga tinaga mo ba? masyado ka dalom..hehehe… pero manong in life kis-a mas gaan mo pa importansya mga tawo nga nakilala mo bago lang kesa sa dugay na nga nabaliwala ka na… cguro mu na hambal nila nga naanad nalang nga ara ka permi no? cmu b manong blu?😀

    Godbless!

  3. otep says:

    masyadong umuulan ng pagpapahiwatig ang tula mo.

    tila isang pagmamahalan sa kabila ng mapanghusgang panahon.

    sa aral na walang permanente sa mundo.

    na ang lahat ay kumukupas at naglalaho.

    nice one!

    happy

    easter!

    \m/

  4. Nortehanon says:

    Sometimes, simple meetings with another person can direct us to things which runs deep, things which remind us how we should live life.

    Siyanga pala, I noticed that in other blogs I visited where you had left comments, hindi po clickable ang link sa name mo. Conscious effort po ba ito? Nagtataka lang po hehehehe

    Have a blessed week, blu. I’ll be out for the whole week para sa pagninilay.

    • blurosebluguy says:

      salamat nortehanon. tama ka sinabi mo…
      ….di ko alam…salamat sa info….pero siguro it was mere coincidence….pero sa isang banda ok na rin yun…
      kahit ako Ill be off next week…today will be my last entry….see you after holy week.

  5. Ax says:

    hay. kamusta ka kuya blu? eto, wala pa rin akong broadband pero okay lang naman.

    sana pagdating ko ng bahay, eh, meron na! hindi ko pa talaga nabubuksan yung blog ko. hehe. di ko kase yun binubuksan dito sa opis.

    • blurosebluguy says:

      hahahaha..hirap talaga noh……sana nga may internet connection ka na sa bahay nyo…today will be my last post…next week I will be off for holydays (kailangan ko ring manahimik minsan)….in an isolated place…doon di ko alam kung may internet…malamang after holy week na ang balik ko sa ere.

  6. joycee says:

    Applause for you & Minyang! *Nosebleed pero nafeel ko ang emotions na entwined within every word.🙂

    Minsan sa buhay naten, God sends somebody na makakatulong sa mga needs naten, and in return, matutulungan din naten. Siguro parang ganyan kayo ni Minyang.🙂

    Wahaha yun na!

    • blurosebluguy says:

      tama ka dyan joycee…..salamat sa pagdaan… ang Diyos talaga mapaglaro minsan……pilit pinagtatagpo ang mga nilalang sa panahong kailangan nila ang isa’t isa

  7. bipolarsisa says:

    pinahanga nya ako, at ikaw sa kwentong ‘to. naramdaman ko ‘yung respeto at pang-unawa.. at para kay Minyang, yung pag-asa..saludo ako sa kanya!

    kahit late na, ISANG MAPAGPALAYANG ARAW NG MGA KABABAIHAN sa kanya, at sa iyo!🙂

  8. anakngpating says:

    napakanta ata ako dun sa tula na yan hehe…

  9. sandijmartin says:

    sa ibang taong hindi nating inaasahan ang siya pang magtuturo sa atin para maging isang mabuting tao..

    bumibigat ang mga salitang Filipino mo kuya blu.. ang galing!
    Iba talaga ang mga inspirado…🙂

  10. Kuya Blu,
    Galing ng poem… Sabi nga ng isang cliche, love moves in mysterious ways…
    And indeed, life’s lessons come in simple forms and when least expected…🙂

    • blurosebluguy says:

      ay tama ka dyan coolwater….Mystery …..as He continue to write in the blank pages of our lives…..He normally intertwined our story with His.

  11. Ax says:

    kudos sa iyo kuya blu sa post mo dito.

    may mga tao talaga na hindi natin inaakala na sila ang magtuturo sa atin sa mga bagay bagay. pwedeng bata, babae, siga, mayaman, mamamatay tao. sino man sila, sana tumatak ang itinuro ng bawat isa sa atin sa bawat isa.

    paliparin mo iyong pag-ibig gaya ng imahinasyon ng isang bata.

    • blurosebluguy says:

      salamat sa comment AX….parang ikaw di naman kita kilala…pero may kaugnayan ka sa buhay ko…hehehehehe…isa sa mga nagtuturo sa akin ng mga bagay-bagay…….

      • Ax says:

        Ganun ba? Lalo naman ako sa iyo! Marami talaga akong natututunan sa iyo.

        Hay, wala pa rin akong broadband. Dito lang ako sa opis nakakapag browse, kaso maraming ginagawa dito kaya hindi rin masyado! hehe. Magandang araw sa iyo kuya!

  12. DFish says:

    kaibigang blu – napapatigil talaga ako sa mga sinusulat mo. napakalapit, napaka-familiar na mga pitstops ng aking biyahe. in one word, kahit na malalim ang kahulugan sa Jungian typology – synchronicity. mabuhay ang iyong pananatili muna sa lupa. one word – incarnational sa tingin ko.

    • blurosebluguy says:

      salamat sa pagdaan DFish…ang gaganda naman ng mga interpretations mo sa aking mga entires….kahit ako rin napapaisip sa saklaw at kahulugan ng mga ito……

  13. azul says:

    nagkainlaban keo?toinks patawad hangin lang ang laman ng ulo ko neon…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s