magic door

minsan naimbitahan akong maging observer sa isang pagtitipon ng mga bata mula sa iba’t ibang bansa. Punong-puno ng mga mumunting tinig ang hall nang dumating ako. Makikita mo ang excitement sa mga mukha ng mga bata. Merong nag-uumpukan, kwentuhan, piktyuran…..basta! sa wari ko masaya ang lahat. Isang linggo inabot ang pagtitipong ito. Pero meron ditong  isang session na nakagpabago ng pananaw ko sa buhay. Marahil sa araw na iyon hindi lamang ako ang nakapansin ng malalim na pagkakahulugan sa bawat kuwento ng buhay…iba-iba, bawat isa ay may hatid na tuwa, saya at lungkot.

Maagang nagsimula ang session ng araw na iyon na kung saan ang bawat bata ay may dala-dalang litrato. Ang tema ng umagang iyon ay ang iba’t-ibang pintuan ng mundo.

diapositiva51ito ang pintuan ng aming bahay. karaniwan itong makikita sa aming bansa. sa likod ng pintuang ito ay masisilayan mo ang aming buhay. ang nanay ko madalas magbake ng keyk. ang tatay ko madalas pag-uwi may dalang pasalubong. Tuwing umaga dito nangyayari ang pamamaalam ko sa aking mga magulang. trabaho na naman daw. sa gabi madalas ako lang ang kumakaing mag-isa. ilang beses na ba kaming nagkasama sa hapag kainan?

diapositiva1

ito naman ang pintuan namin sa isang government housing sa labas ng siyudad. sampung katao kaming nakatira dito: ang  lolo, lola, tiyahin, tatay, nanay, ako at ang apat ko pang kapatid. noong isang linggo  lang pininturahan ng green ang pintong ito.pero sa maniwala ka at sa hindi kasya kaming lahat sa maliit na kuwarto na ito. kuwarto? kasi ganito lang talaga ang sukat ng mga bahay dito. may natutulog sa sahig. sa triple deck. sa kusina. masaya naman kami. kaya lang madalas noodles lang pagkain namin. sabi ng tatay nagkakatanggalan daw sa pabrika. ang gusto pang magtrabaho bawas daw ang suweldo.

diapositiva21

ito naman ang pintuan ng aming bagong bahay. kakalipat lang namin dito noong isang buwan. malayo sa siyudad. mahirap ang buhay sa siyudad. madalas napapaaway kami dahil sa kulay ng balat namin. mabuti dito tahimik. hindi naman pasko ngayon di ba? pero isinabit ng tatay ko yan sa pinto namin para ipaalala na mula ngayon araw-araw ay pasko na. pag-ididikit mong mabuti ang iyong mga tenga sa pintuang ito, maririnig mo ang malulutong na halakhakan. dati kasi puro impit na iyak lang ng maririnig mo.

diapositiva3

ito ang pintuan ng bahay ng lolo ko. at pintuan na rin ng bahay ko. kararating lang namin noong isang linggo. mula nang mamatay ang tatay ko. dumito na kami. kasi di na kaya ng nanay ko ang upa sa bahay. masaya dito. nakakatuwa kasi ang jologs kung lolo. bakit kaya ibang-iba siya sa tatay ko. madalas  marami siyang kwento. kahit nga si Olec (kapatid ko), napapakain nya ng gulay na hate na hate nya. basta parang meron syang magic na kung ano. mula nang dumating kami dito lalong naging masaya ang buhay ko. pangalan pala ng lolo ko. Marko.

diapositiva11

ito naman ang pintuan ng aming bahay na minana pa ng tatay ko sa kanuno-nunoan nya. naku ilang century na nga ba ang pinto na ito .ang tibay ha. ni minsan di pa raw napalitan. kaya lang pagtumataas ang tubig sa lawa, parating baha. siyanga pala ako ay magmula sa bansang ang sasakyan namin ay gondola at ang kalye ay ilog. tuwing umaga sa pintuang ito hinihintay ko ang preskong gatas at mainit na tinapay. madalas maraming kumakatok na mga turista dito para tanungin lang kung ilang taon na ang pintuang ito. proud nga ako kasi napasama ako sa istorya ng pintuang ito.

diapositiva22

ito ang pintuan ng bagong bahay namin. mula sa isang nayon kami ay lumipat dito sa siyudad. promotion daw sabi ng tatay ko. ewan ko ba mas gusto ko pa rin sa kanayunan, kasi doon malaya akong nakakatakbo. araw-araw pa kaming naliligo sa ilog. dito sa siyudad puro usok at sasakyang nag-uunahan. magulo ang siyudad. pati mga magulang ko busy na sa trabaho. marami daw gastusin na dapat bayaran. bike ko pala. sakay ako dyan parati lalo na pagmiss ko ang kanayunan. sa labas kasi ng siyudad ay may malawak na kabukiran. doon ako nagpapalipas ng maghapon. sarap mangarap doon. isang araw pag malaki na ako. mas pipiliin kong manirahan sa kanayunan.

door-31

ito naman ang bahay ko. walang bintana. walang bubong. lalo namang walang pinto. kuha ko ito bago ako umalis papunta dito. kailangan naming lakbayin ang milya-milyang kilometro para marating lang ang border. Mahaba ang lakbayin pero tiniis namin, kasi nais ko talagang ikwento sa inyo ang buhay ko. May giyera sa aking bansa, kaming mga bata ay parating sama-samang tumatakbo tuwing mag-iibakwet ang mga tao. ako ang nasa unahan at ang kuya ko naman ang nasa likuran. isang araw sa aming pag-iibakwet, may naiwang bata. binalikan ito ng kuya ko at sa kasamaang palad tinamaan siya ng bala at namatay. tapos na ang giyera pero hindi pa tapos ang agam-agam ng mga tao. kaya napilitan kaming manirahan dito sa kanayunan. magsimula muling mabuhay ng normal. di ko alam kung sa aking pagbabalik naroon pa rin ang itinayo namin. kahapon kasi nag-umpisa na naman ang putukan. di ko rin alam kung may babalikan pa ako. wish ko meron. di baleng walang pintuan ang bahay namin. basta sama-sama kami.

Ang bawat pinto ng mga kwentong inyong nabasa ay masasabi kong mga pinto rin ng ating mga sariling buhay. Iba’t iba ang kwento sa likod nito, pero may angking katotohanan na bumabalik parati sa ating hubad na kamalayan. 

Matagal nang nangyari ang session na ito, pero ang mga aral na dulot nito sa aking buhay ay nag-udyok sa akin upang tahakin ang isang landas sa buhay na di pangkaraniwan. Sabi nga sa isang poema, the less travelled road.”

kaya siguro kayo ay nagtataka madalas sa kulay at uri ng pintuan ng aking bahay. kakaiba. pero ang katotohanan nito ay matatagpuan mo lamang pag pinihit mo na ang pintuang blu. kahit ako sa tuwing sinisilip ko ang pintuang ito ay namamangha sa mga bagong tuklas at misteryo nito.

Ang bawat pintuan ng buhay natin ay daan para maunawaan ang mga saloobin at kaganapan na nangyayari sa bawat pag-inog ng ating sariling mundo. At sa bawat pagkalagas ng mga dahon sa paglipas ng panahon unti-unti ring namumukadkad ang kabubuan nito. Isang silip-bagong tuklas, isang sulyap-isang misteryo. Ito ang biluagang takbo ng bawat pinto ng ating buhay.

doorIkaw kaibigan, ano ang kwento mo sa likod ng pintuan ng iyong buhay?

p.s. ito ang huling entry ko before holy week. tulad nang naging usapan namin sa blu chatmate..kailangan ko talagang magpahinga at mapag-isa. sa pupuntahan kong lugar walang internet. mas makakabuti yun sa akin. kaya mga kaberks kita kits tayo after easter sunday.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

53 Responses to magic door

  1. Jorge says:

    Happy Easter kapatid!! Buksan na ang pintuan, hehehe..

    Nga pala, may pacontest ako habang nasa bakasyon, may paglilibangan kayong sagutan, hehehe..

    Join ka ha!

    Godbless!

  2. Nhil says:

    Ang daming pinto. Ang gaganda.🙂

    Makahulugan ang post mo kapatid. Para sa akin, ang pinto ay pinto. Ang importante ay ang taong nasa loob nito.🙂

    Happy easter!🙂

  3. joyo says:

    naku marami akong kwento, at sobrang dami din nang pinto… yung iba pinadlak ko na para di na mabuksan pero yung iba nilock ko pero tinago ko ang susi hihi! baka kasi maisipan kong bumalik don…

  4. DFish says:

    Blu, let’s open the magic door of Easter. Happy Easter to you…

  5. bipolarsisa says:

    napaisip talaga ako. nakakatuwa lang kung paanong naging reflection ang pinto ng buhay mo, natin. hindi ko naisip kahit kailan ‘yun. siguro, may kanya-kanya tayong paraan ng pagtingin sa buhay base sa mga bagay na pinakamalapit sa puso natin.

    salamat sa pagbubukas ng pinto ng bagong kaalaman..sa pinto ng pag-asa..sa pinto ng muling pagbangon.🙂

    a blessed and holy week sa’yo!

    • blurosebluguy says:

      salamat din sau bipolarsisa…..kanya-kanyang perspektibo sa buhay…lahat ng bagay pwedeng gawan ng kwento ng isang mapanuring mata……happy easter!

  6. Ax says:

    kuya blu, di ko muna mavi-visit blog mo! sunday pa po ang balik ko! may pupuntahan lang! hehe!

  7. bluuuuuuuuuu bakit di ko makita RSS feed mo wahhhh

  8. macallister says:

    uyy mag soul searching siya?hehe goodluck and have fun its been a good time going away for a while…

  9. Pepe McKunat says:

    mukang marami kayong PINTUAN.
    kami rin maraming pintuan.
    kapag kasi napagtripan ng nanay ko, mangamba ka na.
    kasi bigla silang dadami. hahaha.

    pero mabuti na rin ang madaming pinto, seyp ka palagi. 🙂

  10. bojoy says:

    Enjoy your Holy week alone manong Blu…tani makapahuway ka mayo kag maka panumdum mayo sa mga tyempo nga naga isahanon ka…kag maka reflect ka sang imo nga kabuhi…

    GODBLESS!

    • blurosebluguy says:

      wow amo gid ang natabu bojoy….rested gid ang akon spirit hehehehe….walang internet…no cp…..puro huni lang ng ibon at kampay ng mga dahon ang maririnig….

  11. Winkie says:

    ang ganda naman ng entry mo. tama ka, sa likod ng bawat pinto ay may iba’t-ibang kwento. ang kwento ko? andun lahat sa blog ko. madalas masaya pero may mga pagkakataon na malungkot. minsan nakakaasar pero minsan ok naman. minsan pagod pero minsan hyper. so basically, my story is a mixture of a lot of things. and it made me what i am today… and those variety of experiences still continue to hone me to a better person.

    thanks for sharing this blu. hope you have a meaningful Holy Week!

  12. joycee says:

    Wow napaisip ako sa tanong na yun ha? Siguro ang isang pintong hinde ko mabuksan-buksan ay ang pinto ng pagpapatawad at ihandang ibukas ang sarili sa mga taong nakakagalitan/kinaiinisan ko. Sana this Holy Week ay mabigyan ako ng guidance ni Lord para magawa ‘to.

    Salamat po sa post na ‘to, nahipuan(na-touched) ang aking puso. Nawa’y makapagnilay-nilay po kayo ngayong linggo kung saan man kayo pupunta.🙂

    • blurosebluguy says:

      happy to be back kapatid! happy easter sa iyo joycee. hmmm….naging makulay naman ang aking pagmumuni-muni sandali…..walang internet….walang cp…puro huni lang ng ibon ang maririnig…..

  13. sherwin says:

    Nice blog!

  14. hitokirihoshi says:

    bago ang lahat, interesado ako sa pintuan ni lolo (pic).. ganda at parang misteryoso.

    funny pero true, yung pintuan sa bahay namin hindi talaga nakakandado pero napakahirap mabuksan. kung di ka part ng family, hindi mo siya mabubuksan kasi may taktika dapat gawin.

    ang buhay ko sa likod ng pintuan namin ay parang ANIME – may suspense, comedy, drama at suspension of disbelief.

  15. bernardumali says:

    wow pahabol. naku, hindi ko alam kung aling pinto ang ikukwento ko hehehe, red gate then white gate kasi ang bubungad sa’yo. hindi naman halatang masyadong takot sa magnanakaw di ba, hehehe. happy long vacation!

  16. anakngpating says:

    mas kakaiba pa rin tlaga ang pintuan ng bahay mo dahil alam ko na ang misteryo na bumabalot sa pintuan na yan ,ang ibang bahagi ng obra mo kahit malalim nakakarelate ako,…
    sa bahay o pintuan ng bahay namen kahit pinagtagpi-tagpi na fly wood lang yun para maging pintuan para sakin, madami ng nangyari sa pintuan namen madami na ring iba’t ibang klase ng tao ang pumasok dahil madalas kaming tumanggap ng bisita na tumatagal sa bahay namen (mahabang kwento)..ikwento ko na lnag siguro sa susunod na kabanata ng buhay ko..:)
    happy easter…kuya blu..
    have a gud day this lenten season..

    • blurosebluguy says:

      salamat lhovely….sige antayin ko ang kwento mo. my train leaves in an hour…salamat have a good lenten preparation at saka hapi easter din sa yo.

  17. azul says:

    ay huli na ba ako?

    yung pinto ng bahay namin mahirap kilatisin…minsan masya tignan pero ang totoo malungkot..basta..hehe

    san ka man naroroon ynagt ka pu..

    • blurosebluguy says:

      di naman…..salamat a pagdaan azul…ganun talaga ang mga pinto ng buhay natin…happy easter! Im leaving today for holydays…kaya walang internet during the holyweek….sew yah after this week…

  18. Mon says:

    wow ang daming pintuan. hehe. ang dami mong bahay seguro kuya blu. they say, u can get a glimpse of the family’s character by looking at the appearance of their house, particularly at the door. ewan. tama ba?

    by the way, nagawa ko na yung tag mo sakin. may billing ka pa nga dun. hehe😉

    enjoy the whole week kuya blu!😉

    • blurosebluguy says:

      salamat MON…iisa lang pintuan ng aking bahay…..pero paglipas ng mahabang panahon marami-rami na rin akong napasukang pintuan……happy easter!

  19. Ax says:

    sa proseso ng aking buhay, may mga pintuan na pawang kapareho ng pintuan mo, kuya blu.

    noong bata ako, ang pintuan ng aking buhay ay maraming kulay. napakalaki nito at ito ay gawa sa kahoy. may mga ukit na kamangha mangha. walang kandado ngunit lingid sa iyong kaalaman na walang masamang tao ang papasok dito.

    at sa aking pagtanda, lumipat kami ng bahay.

    nais kong balikan ang bahay na yun.

    iyon ang pinakamagandang pintuan na nakita ko!

    • blurosebluguy says:

      sa pagdaan natin sa landasin ng buhay…..maraming pintuan ang magbubukas at magsasara….kahit ang pintuan na hinahanap natin sa alaala ng ating kamusmusan ay masusumpungan din natin….kaya nga lang iba na ang kulay, sukat at tingkad nito….buksan mo ang iyong mga mata.

  20. DFish says:

    Dahan-dahan, binubuksan ko ang mahiwagang pinto ng pananampalataya. Ito na yata ang pinaka-challenging na pinto ang gusto kong pasukin at gusto Nyang pasukin ko. It’s my “blue magic door”, Blu…

    • blurosebluguy says:

      hmm…tama ka DFish….minsan mahirap pasukin kasi ang may hawak ng pihitan ay ikaw…..kaya yun madalas naiiwan Siya sa labas…….
      pero alam ko…….dahan-dahn mo na itong binubuksan…Happy Easter!

  21. flamindevil says:

    KUYA BLU,

    pinipilit kitang dumaan sa bahay ko ngayon na. tingin ka sa upper right corner..may surprays ako.hehe

    • blurosebluguy says:

      wow! mega-salamat sa iyo Rye……salamat sa token of appreciation…..di nga halatang blu ang fave color ko hehehehehe!
      hmmmm…words could never suffice my deep expression ofgratitude (hikbi—tears of joy)…..

  22. otep says:

    tok! tok!

    d’yan ka pa ba? o nakalabas ka na yata ng pinto papuntang probinsya?

    tao po.. toktok!!

    iwan na lang ako ng sulat,

    Dear, Blugoy😀

    hummp… na amazed ako sa mga pinto ha.. nice photographs..

    para sa’kin figurative ang entry na ‘to.

    at ito ang gustung-gusto kong binabasa..

    sa bawat pagtutulad kasi, may mga salita at pangyayaring puwede din na’ting isabuhay o ituon din sa’ting mga sarili.

    at gaya nga ng tinuturing ng isang larawan, puwede itong magbigay ng libu-libong salita “a tousand words” -ika nga.

    tama ang sabi mo, may iba’t iba tayong pinto ng buhay..

    at tulad din sa realidad ng buhay minsa’y may mapait at may oras na napakakulay, at sa bawat pinto na ‘yun may mga kuwento na puwedeng itago at magbibigay pa rin ng aral at sigla para mabuhay.

    Kung ako ang tatanungin, Kung anong klaseng pinto ako ngayon,
    masasabi kong isa lang akong pintong yari sa Narra, matibay ngunit kulang sa bisagra.

    Isang maingay na pintong sa minsang pag bukas ay mag-iingay at maaring bumagsak.

    Isa akong pintong maraming naglalabas-masok..

    mga taong darating at sa sandaling oras na magsawa ay lalabas din.

    kaya naglulunsad ito ng kalungkutan sa’kin.

    pero dahil isa akong pintong yari sa narra.. di pa rin ako nawawalan ng pag-asa, pag asang darating ang araw na may kakatok din sa pinto ko at buong lugod kong tatanggapin kapalit ng kanyang paglilingkod sa tahanan namin.

    …. nyahahaha parang ang kata ko yata ngayon? toinks.

    tama na nga…😀

    sa kabilang banda, lahat tayo may pinto gaano man ka literal, o ano pa man, ang mahalaga marunong magpakatao. Mas mainam pa rin ang likod ng pinto kaysa sa harapan.

    matuto tayong magpapasok sa magandang paraan at pag nagawa na’tin yun.. magiging maayos ang loob at labas ng ating tahanan.. ayos!

    toktok!!

    happy easter

    -otep😀

    • blurosebluguy says:

      wow Otep…wala akong masabi lalim ng mga tinuran mo ah….pwede mo nang isulat na isang entry…..di ko na dadagdagan pa ang mga sinabi mo…..ganda ng mga repleksyon mo…lalim ka kaibigan! Happy Easter di sa iyo.

  23. sandijmartin says:

    ano nga ba? salamat kuya blu sa paalala.. isasama ko itong tanong mo sa aking pagninilay..

  24. flamindevil says:

    base?base?base! (pag hindi syemps pahiya ako..hehe)

    iba-ibang pintuan ng buhay.may maganda,may hindi.may makulay,may hindi.may mapanghalina,may hindi.

    kahit iba-iba yan ang importante pa rin kung ano yung nasa loob.hindi makikita sa panglabas na kaanyuan.

    tama ba kuya blu?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s