blu journey home

mahigit isang oras at kalahati ang tren papuntang Florence mula Rome…. excited ako  ….hindi naman punuan ang tren….dito ko nakilala si Fiorella.

diapositiva12

dyologs…. isa syang estudyante ng sikolohiya….masaya yung aming pag-uusap hanggang malaman ko iisa lang pala ang aming destinasyon. ….alam mo Blu…mahirap rin pala ang nag-iisa sa buhay….well, di naman…marami akong kaibigan…..lam mo na gimik pag week-end…pero pagod na rin ako sa kakahabol sa buhay ko….napapagal na rin ako sa mga expectations at sa mga goal-setting na yan…..kaya pinili ko munang lumayo kahit sandali para hanapin ang aking sarili…..tango lang ako ng tango…di ko masabi na kahit ako gusto ko ring hanapin muli ang aking sarili…..lately kasi masyado akong naging focused sa trabaho ko….na unti-unting nararamdaman ko na para akong nauupos na kandila…

eksaktong alas dose ng tanghali kami bumaba sa estasyon ng tren……kapwa kami sumakay ng bus at sa huling istap  nito kami bumaba. Mula doon nilakad namin ang daan patungo sa aming pupuntahan.

diapositiva31

habang lumalayo kami sa aspaltadong kalsada…… unti-unti nang napapalitan ng mga huni ng ibon ang ingay ng mga sasakyan na kani-kanina lang ay parang musika sa aming pandinig. Kasama pa nito ang daplis ng malamig na hangin na para bang nagsasabi welcome! Halos di na ako humihinga sa excitement kasi nga naman ilang beses na rin akong nagawi sa lugar na ito…..

nang nasa bungad na kami ng malaking compound ay binati kami ng dalawang taong ngayon ko rin lang nakita …..hindi kasi sila  pangkaraniwang napupunta dito…..si nonno (lolo po sa italian) Giovanni at ang apo nyang si Marika…..

diapositiva24

……salamat naman at dumating ka Gianpierro…..nonno…di po siya si Gianpierro…pasensya na kayo…..maysakit kasi si nonno…..makakalimutin na sya…..sabi mo sandali ka lang…..sabi mo di mo ako iiwan… Si Gianpierro ay anak ni nonno Giovanni at tatay naman ni Marika. Isang sundalo na nasawi sa giyera sa Iraq. Labis na dinamdam ni nonno Giovanni ang mga pangyayari, hanggang isang araw nakita na lang siya sa pagala-gala sa siyudad ……hinahanap si Gianpierro……nakita mo ba si Gianpierro….nonno…wala na po si Gianpierro….ikaw… di ba si Gianpierro ka?…

tinungo namin ni Fiorella ang reception at doon ay binigyan kami ng aming kanya-kanyang susi …..hmmm…..strange things….nasambit ko sa aking sarili. Matapos makapagpahinga sandali…naglakad-lakad muna ako sa garden …….nakakaaliw naman ang mga bulaklak…..spring na nga pala…..buti pa ang mga butterflies malayang nakakalipad …..walang kailangang ticket…..visa at passport….

smile!…..huli ka ……Ciao!…Seeeeergio pala nameeee ko….aaaalam mo pwede kaaaang modeeeel….click!…click!….click! haaaaaalika tiiiiingnan mo ito oooooh…..

diapositiva32

si sergio napag-alaman ko after dinner na isa palang autistic……quasi-resident na sya sa lugar na ito…kasi dito malaya siyang mag-explore at bahagi na rin ng kanyang therapy….ang natural environment tulad nito.

sa pamamalagi ko sa lugar na ito ng buong linggo natanong ko tuloy sa aking sarili…tama ba ang aking napiling lugar to rest and experience solitude…..that night i made a list…isang uri ng reality check:

place ……tama

environment…..tama naman!

food and lodging….perfect!

service……fantastic!

people around…..strange!

strange nga ang mga kasama ko dito….i slept that night with a thought of strange people around me…sana di na lang ako pumunta dito…..kasi di na sya tulad ng dati…..dati naman matitino naman ang mga guests dito ah….I could have opted for something else….

jesus-knocking-on-door

Blu…..Blu….namamalikmata ba ako? hindi ah…..kanina pa ako kumakatok ah….sori po…nakatulog kasi ako….medyo pagod lang sa biyahe…..at sa kakaisip….alam mo kilala kita…nakita na kita minsan…..di ko lang maalala…saan nga ba yun….at tama…..sa isang senakulo, right? tatlong beses na akong kumatok at pabalik-balik dito sa bahay mo….malalim nga siguro ang tulog mo…..

i woke up with a weird feeling that morning……alam ko i had a dream….may kumatok sa aking pinto………..pumasok………alam ko meron….

presentazione-standard1

JOSH ?……

I knew it!

I’m home!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to blu journey home

  1. hitokirihoshi says:

    ang sarap ng ganyang adventure, although parang nakaka-tense din.

    tingin ko naman marami kang natutuhan, isang factor yon bukod sa magandang lugar na ‘yan. nagpapalawak ng kamalayan kung baga.

    nagkausap ba kayo ng masinsinan ni Josh? Yon ang matinding experience.

    • blurosebluguy says:

      tama ka nagkausap kami ni Josh….pero bago un….ung tatlong characters ay kanyang pinakilala sa akin…para bagang intro nya…heheheheheh…ibang klase nga si Josh!

  2. enjoy says:

    dumaraan blu. napadpad din ako sa bahay mo. may kalaliman pala ang tema ng karamihan sa mga entry mo. may kahirapang arukin lalo na’t kung hindi handa ang utak mo para umintindi.

    dapat talaga ay lagi tayong handang magbukas ng pinto sa Kanyang pagkatok. sabi nga, hindi natin alam ang oras o araw kung kailan ang Anak ng Diyos ay darating (Mat 25:13)
    🙂

    • blurosebluguy says:

      salamat sa pagdaan kaibigan….hmmm marami na nga akong narinig na malalim…mahirap arukin…..gayun pa man….naging estilo ko na kasi ang ganitong paraan ng pagsusulat…
      para bigyan ang mga daraan sa bahay ko ng isang paraan ng pagmumuni-muni sa mga palaisipan at misteryo ng buhay…..
      hmmm enjoy! salamat ulit…..

  3. joycee says:

    Ibang klase talaga mga posts mo Kuya Blu, talagang napapatunganga ako sa screen at iniimagine ko ang mga nakasaulat.

    I got teary-eyed sa kwento ni Nonno. Haaay. Gusto ko ding hanapin ang sarili ko..

    • blurosebluguy says:

      minsan magandang ring hanapin natin ang ating sarili na natatakpan ng mga layers ng concerns, maskara….at iba pang bagay na mahalaga sa atin….minsan pa nga mga maituturing nating clutters…pero patuloy na nakaimbak sa ating puso at kamalayan…..
      i am happy coz i did spent some time off….away from the noise of the city…..

  4. dencios says:

    hay…. ang ganda nakakainspire boss blu! ang lalim. ang sarap ulit ulitin🙂 mabuhay ka! God bless!

  5. dhyoy says:

    so lalim na naman this post. Di ko ma-dig.
    Or yung utak ko lang ang slow… eniwey…

    Iyang mga estranherong yan na minsan makakasabay, makakabunggo or makakasalubong mo ay hindi basta-basta napadaan lang, may dahilan yan…
    🙂

    • blurosebluguy says:

      tama ka dhyoy….everything in life happens for a purpose…kailangan lang talaga bukas ang ating puso to see how God acts mysteriously in the strangest manner.

  6. bipolarsisa says:

    minsan, ang mga taong hindi natin kakilala – strange man sila – ang nagtuturo sa’tin ng mga aral na hindi natin agad napapansin. natouch ako sa usapan nyo ni Fiorella. psych din pala ang course nya. ewan ko pero parang nakita k ang sarili ko sa kanya. haha.

    drama aside, natutuwa ako kasi nakita mo na ang home mo.. at natagpuan mo rin Sya..

    • blurosebluguy says:

      Home where my heart is…or rather where God directs my heart…even in the strangests events and peoples…
      siguro pareho kayo ni fiorella….psyche people…

  7. Ax says:

    you are really home.

    ang mga strange people at may ibat ibang storya ng buhay. masaya na makilala sila para marinig ang mga storya nila.

    ako, namundok din ako. partly. beach + bundok.

    swimming + trekking. solitude din ang nafeel namin nung nasa bundok na kami. me and my friends had a great time.

    the idea of escaping the city!

  8. azul says:

    hmmmm dinalaw ka nia kaw kasi ayaw mo sa mga ibang guest na “strange” para sa iyo…hehe
    em glad ur finally home..nahanap mo na po ba ang iyong sarili?palagay ko yes..

  9. simplefula09 says:

    wow ganda naman nito…nkaka inspire…😛

    expect the unexpected…..lalo na pag gusto mong hanapin ang sarili….
    sometimes madidisappoint ka…..pero everything happens 4 a reason😛

  10. DFish says:

    Blu, as usual, hirap arukin. Napakatalinghaga kapatid. Si Fiorella, kaya din siguro kumuha ng psi ay para mas lalong mahanap ang sarili. At yung kumatok, I presume he was Someone seeking the Self, the real Self.

  11. sandijmartin says:

    natawa naman ako dun sa senakulo.. pamilyar ba mukha?🙂

    medyo malalim..sa aking palagay.. ang pakikisama sa strange people around, ang nais Nya sa’yo pati na rin sa akin..sa ating lahat. Ang sila’y kalingain, unawain, mahalin, Ang samahan sila sa kanilang mga nadarama..

    Sa ngayon kuya, hindi ko pa masasagot kung bakit nagkakatugma ang ating post.. Ipinauubaya na ko na lang sa Kanya ang lahat ng iyan..

    salamat sa post..ang ganda🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s