blu star

ang mga bituin daw sa langit ay parang mga mumunting butil ng kayamanan na sa bawat kislap nito’y hatid ang walang katapusang saya sa bawat nakakakita nito. Minsan lang daw talaga tunay na kumikislap ito…ang bawat ngiti nito ay isinisawalat lamang sa mga piniling nilalang.

astro

Si Maina ay isang polakang badante (nag-aalaga ng mga matanda) na aking nakilala dito sa Italya. Ulila na sa mga magulang at nag-iisa na lang sa buhay. Nilisan nya ang Polonya upang makisagsapalaran sa Italya. Natanggap namang tagapag-alaga ng isang matandang inbalida. Katulad ng mga banyagang nangangamuhan sa bansang ito, hindi rin naging madali ang naging buhay nya, mula sa kawalang-alam sa salitang italyano at kultura nito….naging sunod-sunuran na lamang siya sa dikta ng tadhana at nagtiis para may maipalaman lamang sa bitukang walang laman.

Sa paglipas ng mga panahon, natuto na rin syang mamuhay sa bansang nagkalinga sa kanya..nakisama at ng di kalauna’y naging kabahagi ng pamilyang unang kumupkop sa kanya. Lunes santo ng maganap ang trahedya ng lindol sa Aquila, kung saan ang bahay ni Maina at nang kanyang amo ay natupok na parang abo. Walang naisalba kundi ang sarili nya at ang buhay ng kanyang matanda.

Pagkalipas ng isang linggo, marami sa kanyang kababayan ay unti-unti nang nagsibalikan sa Polonya. Sa Aquila wala nang kinabukasan, walang tirahan at trabaho. Kaya ang pansamantalang pagbalik sa bansang sinilangan ang naging tanging opsyon  ng karamihan. Maliban kay Maina na hindi iniwan ang among kumupkop sa kanya. Kung tutuusin, wala naman syang natatanggap na sweldo at ang masaklap sa isang tolda na lamang sila naninirahan. Walang makitang dahilan kung bakit nananatiling nagtitiis sa isang kinabukasang madilim pa sa kulay ng gabi.

Sa Polonya wala na naman akong babalikan….walang pamilya….walang tirahan. Dito sa Aquila ….nananahan sa tolda….umaasa na lamang sa mga tulong…pero nandito ang taong minsan ay itinuring akong tunay na nilalang….sambit ni Maina.

Kagabi nakita ko na naman ang bituin sa langit….kumikislap at kumikinang. Kay gandang pagmasdan ang kanyang mahalinang ngiti…ngunit na kung sa anong dahilan hindi na muli akong nabihag sa kanyang ningning. Sapagkat aking nawari na ang tunay na kislap ng bituin ay hindi masisilayan sa kalangitan, datapwat ang kinang nito’y matatagpuan sa ilang bahagi ng sangkalupaan. Kahit dito sa lupa maraming bituin ang nagkikislapan..pero ang tunay na bituin ay iilan lamang.

 Si Maina ….. ang bituin sa Aquila.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

26 Responses to blu star

  1. joycee says:

    Kahanga-hanga si Maina sa ginawa nya, matapang tingnan kung tutuusin dahil mas pinili nyang makasama ang taong hinde nya kadugo kesa bumalik sa bayang sinilangan.

    Lahat tayu ay may kanya-kanyang ningning, at pag pinagsama-sama lahat ang ningning naten, wow, can you just imagine how bright the sky is??

  2. Ax says:

    ngayon lang ako nakadalaw.

    when you look at stars, you are looking before time.

    i have been hearing a lot about stars these days. kuya blu, isa ka ring tala. maliwanag na maliwanag.

    • blurosebluguy says:

      hahahahaha…kumusta na ax..napansin mo na ba na nakalagay na yung mga awards hehehehehe….naikabit din…salamat din sa iyo..
      wow…oo naman …salamat ha at maliwanag naman pala ang sinag ko….kala ko kasi walang ningning.

  3. hitokirihoshi says:

    hmmm color blue and hugis star… el favorito…

    naalala ko tuloy ang kwento ni Ruth at ang kanyang biyenan na si Naomi sa bible. dun makikita ‘yong, unconditional love na anuman ang mawala sa kanila, nandoon pa rin. i think rare yon at nagsa-shine talaga ng bonggang-bongga.

  4. anakngpating says:

    maningning na bituin ..
    lahat tayo kapag isinama na ni bro sa magandang palasyo magiging maningning na bituin na rin..:)

  5. anakngpating says:

    ang kata mo talaga kuya lahat ng mga sinusulat mo may laman nakakainsipire
    pasensya na kung minsan hindi ako nakakapag koment pero nagbabasa ako nakakatuwa rin po ung mga nagcocoment sayo..
    salamat nga po pala sayo sa palagiang pag daan mo sa simple journey ko ..

  6. tuutuukii says:


    tama ka dun kuya…


    ang tunay na bituin ay iilan lamang.

    at mahirap hanapin kung sino na lang ang mga un…😉

  7. flamindevil says:

    tama ka dyan kuya…there are many stars in the sky but shooting stars do not come often..

    sensya ngayun lang ulit nakadaan.sobrang busy sa family bonding. :p

    • blurosebluguy says:

      hmmm you are right….iilan lang talaga ang mga tunay na bituin….er….shooting stars….
      nakita ko ang mga pics…..enjoy ang bakasyon ng pamilya mo ah…..

  8. kagaling ng mamang ire na magtahi tahi ng mga salita, parang makata sa bulacan a. Me panahon talagang ang akala nating maganda at makinang ay mawawalan na ng halaga sa atin kasi puso na natin ang nakakakita at hindi ang mata…

    • blurosebluguy says:

      actually Red certified bisaya ako hehhhheheheh….tama ka dyan……kailangan lang talaga na makita natin ang mga tao, bagay at mga pangyayari sa ating buhay na may puso….sapagkat ito ang madalas na nakakatalos ng katotohanan….

  9. sandijmartin says:

    wow.. stargazing sa lupa naman si kuya ngayon..🙂

    totoo, sa mga taong aking kakilala dito sa tunay ng mundo kokonti lang ang masasabi kong bituin ng aking buhay.. minsan, kung sino pa sa aking kapwa ang hindi ko inaasahan ay yun pa ang nagsisilbing nagni-ningning na bituin.. na siyang nagbibigay ng liwanag sa iba🙂

    malayo ba ang lugar mo kuya sa pinangyarihan ng lindol?

    • blurosebluguy says:

      oo malayo ako sa lugar na pinangyarihan ng lindol pero dama rin dito sa Roma ang intensity….nagising nga ako sa paggalaw ng aking kwarto…..
      tama ka dyan sandi….madalas ang tunay na bituin ay yung mga taong di natin inaasahang magniningning sa ating daan ng buhay….

  10. joyo says:

    May tama ka jan… maraming bituin sa lupa, hindi lang masyadong napapansin, dahil ang mga mata ng iba ay ibang kinang ang hinahanap…

    Nice post Mr. Blu🙂

  11. bonistation says:

    nagpapatunay talaga na hindi lang sa langit makikita ang bituin…
    bawat isa sa atin may kanya kanyang kislap at kinang, mas magiging makabuluhan ito kung ibabahagi natin sa iba.. tulad ng ginawa ni maina….

    tnx for sharing!

    tinndung…..

    next station… bonistation ahaha!

  12. DFish says:

    Isang nagniningning na kwento Blu. Kumikislap ang buhay ni Maina sa aking imahinasyon habang binabasa ko ito. Magiging mas mapagmasid na naman ako ngayon sa mga bituin sa aking paligid – sino ang nagniningning at sino ang mas walang takot na nag-aapoy. Sa tingin ko, dito nasusukat ang espiritwalidad ng isang tao.

    • blurosebluguy says:

      salamat DFish…tama ang iyong tinuran….ang mga natatanging bituin ay nariyan lang sa ating paligid….talasan mo lamang ang iyong mga mata,,,,,

  13. kengkay says:

    ay, tunay ka dyan, minsan mas maraming tunay na bituin dito sa lupa🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s