jack the blu mouse

tinawag syang jack…..ang daga ng Aquila. Ano ang kanyang kwento? Kung si Maina ang itinuring kung blu star, dahil sa kadakilaan ng kanyang puso sa gitna ng sakunang nangyari sa Aquila. Si Jack naman ang himala ni Josh na mag-uugnay ng mga nilikha niya….katulad ko, kayo at iba pang nilalang na nabuo sa pamamagitan ng kumpas ng kanyang mga kamay.

noong mag-uumaga na ng unang araw ng paglindol sa Aquila….habang ang mga tao ay abalang naghahakot ng mga bagay na pwedeng maisalba at sa gitna ng kaguluhan at kalituhan lumabas ang dagang ito. Noong umpisa ay nagmamasid lamang siya sa mga pangyayari at marahil kahit siya ay kakalabas pa lamang sa lungga na kung saan ay kanyang naging tanggulan. Puno ng abo ang katawan, palinga-linga siyang nagmamasid sa kanyang paligid. Katulad ng mga hayop ay tumatakbo kaagad pag nakakaramdam ng nakaambang panganib. Akmang tatakbo na sana si Jack nang mapansin nya ang isang bote ng tubig na papalapit sa kanya hawak-hawak ng isang mama.

At ito na ang mga sumunod na eksena:
topo_macerie-200x1501
dala marahil ng tinding pagkauhaw, ay parang batang dumedede si Jack sa bote. Matapos na makainom ay patakbong lumayo, ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagtakbo ay biglang huminto ito at muling lumingon sa direksyon ng mamang nagbigay tubig na syang pumawi sa kanyang pagkauhaw….sabay kaway ng buntot na para bang sinasabing….maraming salamat, kaibigan!.

Di ko mawari ang aking naramdaman noong una kung nabasa ang balitang ito. Minsan nga naman sa buhay na ito ay may mga pangyayaring tanging ang Diyos lamang ang pwedeng sumulat ayon sa kanyang kwento…na hindi natin akalain na may mga bagay na pwedeng nyang idibuho ayon sa kanyang takdang disenyo. Ang buhay natin sa mundong ito ay pahiram lamang…minsan nga lang tayo dadaan….ngunit sa bawat paghakbang natin sa daan ng buhay….ang Diyos kasama rin nating naglalakad….nakikipag-usap at nakikipagbalitaktakan. Madalas pinapakita nya sa atin ang himala at misteryo ng buhay. Kailangan nga lang sigurong mabuksan ang mga mata natin upang matanto ang kalooban Niya.

Si Jack the mouse…isang daga, pero kinalinga ng Diyos na Siyang Maylikha….tayo pa kayang mga taong nilikhang kawangis Niya.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to jack the blu mouse

  1. Ax says:

    ganda ng message!

    mahal Niya talaga tayo!.. ng walang kondisyon!

  2. DFish says:

    Ang ganda ng kwento kaibigan. At ang mga lessons napupulot. Madalas iniuugnay ko sa personal na takbo ng life, may lindol man o wala.

  3. Mon says:

    Si Jack the mouse…isang daga, pero kinalinga ng Diyos na Siyang Maylikha….tayo pa kayang mga taong nilikhang kawangis Niya.

    i like the last sentence. reminds me of a bible verse that says.. Matthew 6:25,26: “On this account I say to YOU: Stop being anxious about YOUR souls as to what YOU will eat or what YOU will drink, or about YOUR bodies as to what YOU will wear. Does not the soul mean more than food and the body than clothing? Observe intently the birds of heaven, because they do not sow seed or reap or gather into storehouses; still YOUR heavenly Father feeds them. Are YOU not worth more than they are?”

    musta parekoy! hehe

    • blurosebluguy says:

      wow bigat mo na parekoy at bible qoutations ka pa…..hmmm di ko alam …….
      anyways…salamat sa pagdaan…as usual oke naman ako..
      .with JOSH around what can i complain for di ba?

      • Mon says:

        haha.. medyo may nagtuturo kasi sakin ng mga bible quotes. hehe.. glad to hear that your ok. i was planning to interview u as well. hehe kaso baka busy ka hehe..

        • blurosebluguy says:

          hmmmm…medyo naging busy nga ako after holy week…alam mo na pagkatapos kong nawala ng one week…kasunod noon at santambak na trabaho hehehehehe…not complaining though….salamat ulit parekoy

  4. joycee says:

    Awww angkyuut! Naimagine ko talaga yung daga na kumaway ng buntot at nathank you!

    Buti pa yung daga marunong mag-thankyou. Wahahaha..

    • blurosebluguy says:

      ay oo tunay ka joycee….minsan mabuti pa ang mga hayop marunong tumanaw ng utang na loob……noong mabasa ko nga ang kwentong ito sa dyaryo …..na pa wooooooooooow! talaga ako…..

  5. gudang says:

    ang akala ko eh blue talaga ang mouse😀

  6. sandijmartin says:

    cute ng kwento mo ngayon kuya.. cute kasi yung mouse🙂

    minsan nakakatuwa talaga ang mga hayop.. ang kanilang mga kilos ang nagiging senyas nila para makipag usap sa tao.. may iba silang paraan para magsabi ng pasasalamat sa kumakalinga sa kanila.🙂

    • blurosebluguy says:

      hmmmm….di ba isang himala yan ni Josh….salamat sandi…..
      sa isang banda nilikha rin sila ng Diyos….maaring walang kakayanan katulad ng mga tao…pero may paraan para maipadama nila ang kanilang damdamin….

  7. dhyoy says:

    oO nga….

    “Ang buhay natin sa mundong ito ay pahiram lamang…minsan nga lang tayo dadaan….ngunit sa bawat paghakbang natin sa daan ng buhay….ang Diyos kasama rin nating naglalakad…”

    Minsan nga lang hindi natin SIYA napapansin dahil abala tayo sa ibang bagay. Nagmamadali tayo makarating don sa lugar na gusto nating puntahan na hindi natin alam kung dun nga dapat tayo pumunta.

    Saludo ako don sa mamang nagpainom ng tubig kay Jack… Hindi lahat ng tao ay
    magagawa yan.

    • blurosebluguy says:

      hmmmm. kaganda naman ng iyong tinuran kaibigan…..oo nga minsan di natin SYA napapansin…nagpaparamdam kaya sya parati……parang si Jack?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s