hiwaga ni huseng

mayroon akong kaibigan…

Huseng ang pangalan ….

tuwing umaga nadadaanan ko sya…

bagong gising sa malawak niyang kuwartong-hubad sa gitna ng plasa….

minsan sinabi nya sa akin……

gusto mo bang yumaman?

gusto mo bang maging masaya?

gusto mo bang maging malaya?

sinabi ko oo….

marahil para matapos na lang ang usapan…

hindi, kasi sa wari ko’y….

basta alam ko merong kakaiba sa kanya sa araw na iyon…

halika…..

ilapit mo ang iyong kamay….

kayamanan, kasiyahan at kalayaan …….

ipagkakaloob kong tunay…….

 

tmp914901

napaigtad ako ng mahawakan ko ang dulo ng kanyang daliri…

anupa’t parang maydala ito na kung anong uri ng kuryente….

matagal akong natulala at nahinto sa gitna ng plasa…..

beep!….beep!…beep!….

busina ng kotseng kuba ang gumising sa akin….

ang aking kamalayan tuluyan nang  idinuyan sa kumpas ng hangin….

at sa wari ko’y matagal nang nakalutang sa kawalang-malay…..

pagtingin ko muli  wala na si huseng…..

matagal nang nangyari sa akin ang  yugtong  ito….

pero na kung sa anong himala…..

sa tuwing nakikipagkamay ako sa aking kapwa……

sa tuwing nakikiyakap ako sa mga nauulila…..

at nakikipahid  ng luha sa mga nalulumbay…

damang-dama ko pa rin ang minsang-dampi ng kamay….

ni huseng.

saan na kaya napadpad ang aking kaibigan?

saan na kayang plasa  nanahanan?

ilang kapit-kamay na kaya ang nasumpungan?

si huseng at ang hiwaga ng kanyang kamay…

na minsan aking nakadaupang-palad….

sa landasin ng aking buhay.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

25 Responses to hiwaga ni huseng

  1. Hi, cool post. I have been wondering about this issue,so thanks for sharing. I’ll certainly be subscribing to your blog. Keep up great writing

  2. tuutuukii says:


    😀
    eh paano kapag, hindi masyadong aware sa kapaligiran…
    na anjan lang pala si Huseng pero parang hindi mo nakikita…

    ang gulo ko Kuya…
    na miss kita…

  3. azul says:

    hembak…

    ayun parang kamay ni my precious yung nasa piksyur..hehehe

  4. bipolarsisa says:

    waha. goosebumps!🙂 marami rin akong experience na katulad nyan.🙂

    lahat naman siguro tayo mah Huseng sa buhay natin..

  5. sandijmartin says:

    ayan kuya, ako pala dinalaw ni Huseng kanina.. hinipo nanaman ako..

    Have a nice day🙂

  6. dhyoy says:

    may nakita na siguro siyang makakahawak-kamay…
    Sana lang din yung napili niyang makahawak kamay ay yung hindi siya bibitawan.
    🙂 ang lalim na naman MR. Blu… di na naman matanto ng utak ko.

  7. anakngpating says:

    madami na din ako nakadaupang palad na ganyan pero madalas matanda at bata,babae minsan batang lalaki rin..iba talaga pag sila ang nakakusap at nakakasalumpalad mo..madaming kwento saknilang buhay..pero nangyayaring umaalis din sila pag katapos na makilala..para humanap naman ng bagong taong makakadaong palad.

    p.s medjo natakot lang ako sa piktyur yung isang kamay piling ko halimaw eh hehe..sensya na..kuya blu

    • blurosebluguy says:

      ikaw talaga lhovely….tao siya ah…syempre naman ganun talaga ang mga kamay ng taong grasa…..salamat sa pagdaan at pagbahagi ng iyong mga karanasan….

  8. Mon says:

    parang ang lakas ng tama mo kay aling huseng ah! hehe.. biro lang parekoy.. malay mo one of these days makadaupang palad mo uli ang mga kamay ni aling huseng..🙂

  9. Ax says:

    Natakot akong basahin, not the kind of fear na ayokong basahin.. Overall, i like how you write kuya blu. full of metaphors, full of riddles.

    You really have the wisdom in writing. I should say you are gifted.

    His hands, they are soft enough to comfort even the saddest people on earth.

  10. Kuya Blu, pasensya na ngayon lang uli ako nakadalaw… Masyadong busy…🙂

    I believe that the hand of God always touches us, and when we respond to Him, we feel his gripping and comforting handshake rippling in our beings. The hand of God comes into our lives through different events, in different times and in different people…🙂

    Sabi nga ng isang paring kilala ko, once the Lord touches you, you become a new person, and somehow you are changed in the way that you are never again the same…🙂

  11. dencios says:

    twicw ko binasa para kasing malalim pero tama nga sa tingin ko sandimartin. sa tingin ko tapos na yung misyon nya sayu at gusto nya na ikaw naman ang makapagbahagi ng saya sa kapwa🙂

    • blurosebluguy says:

      hmmm dencio i think tama ka sa sinabi mo…kasi damang-dama ko pa rin ang epekto ng aming kapit-kamayan matagal nang panahon ang nakaraan….

  12. sandijmartin says:

    Hi Kuya! wag kang mag alala syong kaibigan andyan lang siya sa paligid.. kinakalat lang ang katulad ng binigay sayo..

    “Kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay sya mo rin ginawa sa Akin”

    Magandang gabi!

    • blurosebluguy says:

      salamat…sandi…alam ko lumipat lang sya ng ibang plasa…..
      pasalamat na rin ako nang minsan napadaan sya sa landasin ng aking buhay….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s