sa tambayan ng pangarap

diapositiva52

 sa tambayang ito nabubuo ang mga hibla ng munting pangarap

paglaki ko gusto ko maging nars….

si tatay engineer, ako rin….

galing ni titser Ann, gusto ko ako din titser….

wow, ganda naman ni Vilma, ako magiging artista….

pssttttt..Isot ikaw ano ka paglaki mo?

Ako….ako ba….eh …ano nga ba ako paglaki ko?

munting pangarap na hinubog sa paglipas ng mga taon

ilang taglagas, tag-init at tag-ulan

pinagsikapang makamit

kinalinga ……

at pinanday sa mahabang panahon.

pssssttttt. Isot ikaw ano ka sa paglaki mo?

Ako….ako ba…eh…ano nga ba ako sa paglaki ko?

mahimbing na nakahimlay na tila dinuduyan sa walang kamalayan….

si isot nilunod na ng agos ng buhay

 inako muli ng Inang kalikasan,

na siyang nagluwal mula sa sinapupunan

 ng Maykapangyarihan

hmmmm…munting pangarap na tila nauwi sa kawalan

hinadlangan ng kaibigang Kamatayan.

Sa isang banda,

kaninong pangarap nga ba

 ang lahat ng ito?

di ba sa kalaunan mga pangarap natin ay may katapusan?

Sa maikling pananatili sa tambayan ng mga pangarap

 pangarap ni Isot nagkaroon ng katuparan

pangarap na muling pagbibigkisin

ng pangako ng Maykapangyarihan

ang manahan sa piling Nya magpakailanman.

muli kong babalikan ang tambayan

ng mga pangarap ng aking kamusmusan

maaring doon masusumpungan ko

ang sagot sa lahat ng aking katanungan.

Si Isot ay nakakabatang kapatid ng aking skulmeyt sa hayskul. Kilalang pamilya ang kanyang pinagmulan. Pero pinili nya ang landas na miminsan lang tinatahak ng mga kabataang  tulad nya. Naging lay preacher siya ng isang  grupong karismatiko. Nakapag-asawa at nangarap mag-abroad para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ilang buwan  bago siya tumulak ng U.K., naganap ang isang trahedyang hindi inaasahan. Nang gabing pauwi na sya galing sa isang prayer meeting, hindi na nakabalik si Isot sa kanilang bahay. Natagpuan na lamang ang kanyang bangkay sa baybayin malapit sa pinagdausan ng prayer meeting. Kung paanong pinagtagpo ang aming landas, para sa akin hanggang ngayon ay isang malaking hiwaga. Ito ay paunang himno sa isang nilalang na nakilala ko sa pamamagitan ng blogosperyo.

 

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to sa tambayan ng pangarap

  1. hitokirihoshi says:

    naku wala na akong tambayan maliban sa aking purple nassau… pero minsan masarap mangarap habang may kausap na friend…. hay sana lang marunong akong umakyat ng puno kasi feeling ko masarap magmuni sa taas habang kumakain ng santol.

    nga pala, natuwa naman ako sa iyo. nahalungkat mo yung lumang entry ko sa anime.. hehe.

    mabuhay!

  2. azul says:

    homaygas!is dis true?at blogger cia?

    tsk tsk how sad.

    • blurosebluguy says:

      kakalungkot nga …. ang blogger ay ang kapatid nya….natagpuan ko ang kwento nya sa blog na sinulat ng kapatid nya… skulmeyt ko kapatid nya sa hayskul…kilala ko rin pamilya nya….
      noong una sya kala ko rin sya talaga ang sumusulat…kaya lang na curious ako nang pinag-uusapan na ang death nya….kasi ba naman ang picture nya ang naka-appear….

  3. Mon says:

    medyo nalungkot naman ako sa storya ng buhay ni Isot. ano po yung himno?😉

    • blurosebluguy says:

      oo nga eh…sadyang ganyan ang buhay…..pero sa huli di naman talaga sayang ang buhay ni Isot…alam mo ba na sa kanyang burol…ang daming nakiramay…hindi kilala ng kanyang pamilya at nagmula pa sa iba’t ibang sulok ng western visayas……
      pag mat tinanim kang kabutihan…..tatanawin talaga itong utang na loob ng mag tao…..Isot did really touched many hearts…from all walks of life….in a short lifr God has pawned him….
      ang himno ay HYMN sa ingles…..song….

  4. DFish says:

    A very tragic story, blu. I’m simply sad…how random life is yet belonging to a Greater Order beyond our comprehension…

    • blurosebluguy says:

      kung ang basis natin nang pagiging tragic ay yung ending…tragic nga!….pero if you will read again between the lines…it speaks about the dream of God for all of us in the end….to spend our life with Him forever…..
      It is about knowing our true purpose in life….in this pasing moments of earthly life….
      salamat!

  5. simplefula09 says:

    im back..

    ganda ng pix

    ..nakaka curious..

    ^.~)/”) pakawai…..😛

  6. Ax says:

    may catch ba ito kuya blu? na-sad ako.. this death a personification? and this article a metaphor?

    kung totoo ito, na-sad ako. talaga.

    • blurosebluguy says:

      the entry is crossing the boundary of reality (because Isot was) and ideal dream fo God for us….
      for many it is simply incomprehensible…but for some…who were given the gift to transcend…it is a future reality…
      when finally…everyone…for that matter…comes home to the bossom of his Creator.

  7. dencios says:

    hay.. well may dahilan naman kasi kung nangyayari ang isang bagay. maaaring may misteryo pa na minsan mahirap intindihin ng karaniwang perspektibo natin. kung anu ang mangyayari sa susunod na kwento? aabangan ko iyan, tiyak may aral na mapupulutan.🙂

  8. joycee says:

    oh no! blogger sya?! ang sad naman. kaya dapat let’s savor the good times na binibigay saten ni Lord. Wag sayangin, use it wisely..

    • blurosebluguy says:

      hehehehehe…blogger sya in memoriam…actually ang kapatid nya ang nagpost ng mga balita sa kanya…..napakamorbid nga eh…imagine picture nya ang nakalagay…noong una di ko alam patay na pala sya…..kala ko talaga siya ang nagba-blog…
      abangan mo ang 2 pang tribute ko sa kanya…may kwento rin ang mga ito…ehehehehhe…

  9. joyo says:

    da hu? do i know him… sa tingin ko hindi…

    sadness naman…😦

  10. anakngpating says:

    sino kaya yun?nacurious din ako..
    at ano ang ikinamatay ni isot?
    kuya blu?
    mga pangarap,ako din dati hindi ko masabi kung anong gusto ko pero ngayon ung pangrap ko hehe..un pa din..

    • blurosebluguy says:

      nasaksak sya on his way home …hanggang dito lang muna ang mga details……
      lhovely….sana maabot mo ang mga pangarap mo….tandaan lahat ng ito nagsisimula sa tambayan……

  11. Kuya Blu,
    This post opens a tinge of poignancy… On death, on the wonder of meeting other people, on a chosen path… Hihintayin ko po ang follow up post..🙂

    • blurosebluguy says:

      ok….kahit ako’y namanagha rin sa mga pangyayari…2 pa tula ang nagawa ko after this tribute…yung pangalawa…yun ang sumagot sa hiwagang bumabalot….till then..kaibigan.

  12. blurosebluguy says:

    kaibigang sandi…si isot ang nilalang na nakilala ko sa blogosperyo…ilang buwan nang nakaraang ihatid sya sa kanyang huling hantungan….ang kapatid nyang lalaki actually ang nagpost ng kanyang kwento…sa susunod kung post ipapaliwanag ko ang hiwagang naganap….hintay ka lang.

  13. sandijmartin says:

    hmmm.. aabangan ulit ang sunod na kabanata? sino kaya si isot? sino kaya ang nakilala sa pamamagitan ng blogosperyo? abangan..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s