tanaw sa dalampasigan

diapositiva14

madilim na kalangitan….

maitim na ulap…..

nagbabadya ng pagbuhos ng ulan..

isang masalimout na pagsisimula ng bagong araw…..

isang patuloy na pakikipaglaban sa hampas ng alon ng buhay….

malakas na pagaspas ng hangin ng kahapon ..

parang isang  aninong sumusubaybay

sa bawat paglalakbay ng orasan ng buhay…..

umaga…

umaraw….

kulimlim…..

dapithapon….

mumunting kutitap ng kalangitan…

mga bituin ng pag-asa nasilayan

talukap ng aninag na ginupo ng walang humpay na pakikipaglaban….

pagal na katawang nilatag sa duyan ng katahimikan….

pagdaka’y bukang-liwayway na naman ng isang bagong umaga daratnan

hmmmmm….bagong umagang tanaw sa dalampasigan

Noong Nobyembre 26, 2008 ay sumulat ako ng dalawang tula bilang isang tribute kay Isot.  Ang unang tula ay  ipinaskel ko kahapon. Ito ang pangalawa. Ang dalawang tula  ay sinulat ko sa loob lang ng isang maghapon.  . Ang una ay sa ganap na ika- apat at kuwarenta minuto ng umaga at ang pangalawa ay sinulat  ko sa ganap na ika-lima at dalampu’t tatlong minuto ng hapon. Ilang oras lang ang pagitan.

Nang  mabasa ng kapatid ni Isot ang unang tula, siya ay sumagot kaagad at sinabing na-touch daw siya sa aking sinulat. Akala ko doon lang lahat ito magtatapos. Sumulat ako, nagpasalamat siya. Pero parang iba ang pakiramdam ko ng araw na iyon. Muli kung hinarap ang aking computer at sumulat ng isang tula…di ko alam….wala ngang direksyon ang tema….basta para bagang lahat ng mga ideya ay kusang dumadaloy sa aking isipan.

Kinabukasan, muling sumagot ang kapatid ni Isot at sinabing sa mga oras na iyon ay umiiyak siya habang binabasa ang aking sinulat. Isang tanong ang lalong nagbigay sa akin ng kasagutan sa hiwagang bumabalot sa araw na iyon.

Saan ba pinatay si Isot?, tanong ko sa kanya.

Sa dalampasigan ng isang beach resort, sagot nya sa akin.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

22 Responses to tanaw sa dalampasigan

  1. J.Kulisap says:

    Sapagkat sa paraisong ganda’y may bangungot na magbabalik.
    Mga alaalang nais ibaon sa limot ngunit para namang kalulwang ligaw
    na hindi natatahimik.
    Sa sulatin mo’y binuhay ang nakalipas ngunit tama lang na tanggapin upang
    bagong landas ay maharap.

    Mahusay kang lumitanya ng tula.

  2. hitokirihoshi says:

    sad naman ng story… kahalintulad ng maganda sanang scenery na ito.

  3. very true. Buti anjan si Bro. Very thankful talaga ako.

  4. bipolarsisa says:

    goosebumps! grabe, wala akong masabi. pero ang daming ideya ang pumapasok sa isip ko. parang ang sakit, ang lalim. basta. alam ko, naiintindihan mo.

  5. Ax says:

    Hi po! ngayon na lang ulit ako nakadalaw! siya pala si isot! salamat sa explanation sa last entry kuya blu!

    tama sila, kuya blu puro sad ang post mo.. pero maganda pa rin!

    • blurosebluguy says:

      hahhahah…oo nga eh..kaya lang mahirap naman kasing gawing masaya…ang kamatayan in a real sense, di ba? there will always be a tinge of sadness.

      • Ax says:

        tama! ang wirdo nga kung masaya ang kamatayan.. in a real sense.

        hay, hindi nababasa yung latest post!🙂 i am puzzled on the last sentence:

        “Sa dalampasigan ng isang beach resort, sagot nya sa akin.”

        ?

        • blurosebluguy says:

          when i wrote this poem…i randomly entitled it tanaw sa dalampasigan…..so when the brother made a comment I asked him…kung may nakikita ba syang koneksyon sa isinulat ko…..and that question just popped out from my mind: saan ba pinatay si Isot?…..and the answer was dalampasigan…which is exactly the title of this poem…..mysterious connection….
          trivia: noong sinusulat ko ito….wala akong agenda in mind…alam ko at feeling ko I was not my usual self that time….parang nag-iinit ako at saka words were just coming out from my mind…..

  6. sandijmartin says:

    nakakalungkot naman.. lalo na siguro sa huling kabanata..

    • blurosebluguy says:

      hmmm….bahagi ng buhay ang kalungkutan…..pero tulad ng mga maraming episode ng ating buhay…di naman everlasting….afte the storm ika nga…there will be sunshine.

  7. Mon says:

    wow great shot!
    btw, murder case pala yung kay Isot. sana makamtan na nya ang hustisya…

  8. joyo says:

    Nakakalungkot naman. This past few days puro “sadness” na lang nakikita at naririnig ko at nababasa ko sa tv, sa radyo, sa news paper, sa text, sa mga balita sa akin, now pati sa blog. Ano kaya nangyari sa kanya? Does God really allows those things to happen. Kailangan bang sa ganoong paraan niya babawiin yung life na pinahiram niya… Alam niya bang ganon ang mangyayari… haizzz… I’m so clueless… Nakakalungkot.
    😦

    • blurosebluguy says:

      huwag ka nang malungkot dhyoy….ang bawat buhay na pinagkaloob sa atin ay may kanya-kanyang kwento…ang mahalaga pahalagahan mo ito….hindi sa tragic ending nasusukat ang kaganapan ng buhay kundi sa kung anong paraan mo ito pinagyaman.

  9. joyo says:

    Nakakalungkot naman. This past few puro “sadness” na lang nakikita at narirnig ko at nababasa ko sa tv, sa radyo, sa news paper, sa text, sa mga balita sa akin, now pati sa blog. Ano kaya nangyari sa kanya? Does God really allows those things to happen. Kailangan bang sa ganoong paraan niya babawiin yung life na pinahiram niya… Alam niya bang ganon ang mangyayari… haizzz… I’m so clueless…

    • blurosebluguy says:

      maaring sa mata natin sayang ang buhay at walang silbi…pero ginamit nya ito sa makabuluhang mga bagay..kaya sa mata ng Diyos….Isot really did live his life to the fullest…..
      ang ending di na mahalaga yun….kundi kung anong naging laman nito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s