misteryo: ikatlong himno

diapositiva1

misteryo ng tuwa

hinihintay at idiniduyan sa pagtulog

ninanamnam hanggang sa kawalan

inasam-asam na huwag kumupas

sana panghabambuhay.

 

diapositiva2

 

misteryo ng hapis

iniiwasan at pinagtataguan

hindi kailan man hinihintay sa sukdulan

ayaw makita, marinig at mahawakan

ni daplis ayaw maramdaman.

 

 

diapositiva32

misteryo ng  hiwaga

ayaw uriratin

ang ibig ay maglakbay sa hangin

masayang gunitain ang baon sa twina

lungkot ay isinasantabi parati sa limot na alaala  

buhay at kamatayan

 ito ang tanging daan sa misteryo na dulot ng tadhana

ang mabuhay at mamatay

 yan ang susing tunay

 sa misteryo na ang ating tawag ay yaring buhay.

 

 ito ang huling himnong alay kay Isot. Ang pagtanggap at pagyakap sa misteryo ay ang tanging susi upang matuklasan ang yamang pinagkaloob ng Maykapal. Dito nakasaad ang huling talastas upang lalong mabigyan natin ng halaga ang hiram na sandali. 

kaibigan, pagbaliktarin mo man ang nakaambang tadhana, isang bagay ang kailanman hindi magbabago. Ang guhit ng bawat tadhana ay nakaukit sa puso ng mga manlalakbay sa daan ng buhay na ito. Isang araw magsisimula ang paglalakbay at sa takdang panahon hihinto ang lahat. Ang pinakamahalaga ay kung ano ang mga pangyayari sa lakbayin ng buhay, hindi sa haba ng nilakbay nito. Minsan lang talaga tayo dadaan sa buhay na ito, at kailanman hindi na muling mababalikan ang kahapon, datapwat sa bawat paghakbang, ang wakas ang siyang ating hahantungan.

Salamat sa iyo kaibigan, na nakilakbay sa akin.

BLU  

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

28 Responses to misteryo: ikatlong himno

  1. Nortehanon says:

    “Minsan lang talaga tayo dadaan sa buhay na ito, at kailanman hindi na muling mababalikan ang kahapon, datapwat sa bawat paghakbang, ang wakas ang siyang ating hahantungan.”>>>> Isang katotohanan na sana ay pinahahalagahan nating lahat sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa mga pagkakataong maaari nating magawa ito.

    Siyanga pala, kapatid na blu, nanggaling ako sa ilang blog and I was trying to visit your blog by clicking the link to your name dun sa comment na naiwan mo, pero hindi ako ma-redirect sa blog mo. Baka po broken link yung naisusulat mo sa URL field sa comment, sayang at hindi masusundan ng readers ang mga bakas patungo dito sa blog mo.

    Isang halimbawa po ay sa recent comments mo sa blog ni Dfish, sinubukan kong i-click ang pangalan mo dun sa sidebar na kinaroonan ng recent comments sa post ni Dfish pero hindi clickable ang pangalan mo. Paki-check na lang po ang URL na inilalagay mo sa URL field tuwing nagko-comment ka sa ibang blog. Pasensya na po kung ako ay pakialamera hehehe. Nanghihinayang lang po kasi ako sa pagkakataong mas marami pang tao ang makibahagi sa mga makabuluhan mong salita sa blog mo na ito.

  2. azul says:

    kea dapat ienjoi ang bawat araw na dumadaan..malay mo bukas makalawa wala na akong blog..hoho

  3. gudang says:

    wow kuya blu, may gantong side ka pala eh no?

  4. kengkay says:

    maganda ang iniwan mong mensahe at nainggit ako kasi hindi ako ganyan kalalim mag tagalog🙂

  5. sandijmartin says:

    pilitin nating sa araw araw ay gawin nating makabuluhan, dahil hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord..

  6. Mon says:

    ang ganda talaga ng mga pictures dito. at ang lalim ng mga gawa mong himno parekoy. nagdugo ilong ko. tigil mo na kaya yan. lol. joke lang.😀

    talamat parekoy! bili ka ng maraming spongbob briefs ha, tapos penge!! lol

    • blurosebluguy says:

      wag kang mag-alala MON trilogy lang naman itong tribute….sa makalawa masasaya naman ang posts ko….heheheheh….depende lang talaga kung saan ako tatangayin ng hangin….

  7. bernardumali says:

    ayan medyo updated na ko. binasa ko muna yung trail. nakakalungkot to blu pero okay lang, naniniwala akong malaya na siya, mas masarap sa kabilang buhay.

  8. dencios says:

    kaya habang nabubuhay gawin ang plano Niya sa atin. tumulong at mahalin ang kapwa na tulad nf pagmamahal Niya sa atin.

    ang galing mo kuya blu!😀

  9. blurosebluguy says:

    di pa alam kung sino?…pero parang may lead na ang mga pulis ayon sa nbi laboratory tests…..
    salamat sa pagdaan lhovely

  10. anakngpating says:

    un po pla ang nangyari sknya kuya,nakakalungkot naman..nakilala po kung sino ang salarin?
    sa daming krimen ngayon di na talaga mabilang ang mga ganyang pangyayari..
    my he rest in peace..
    sayang at hindi ko man lang sya nakilala..:(

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s