misteryo ng tuwa
hinihintay at idiniduyan sa pagtulog
ninanamnam hanggang sa kawalan
inasam-asam na huwag kumupas
sana panghabambuhay.
misteryo ng hapis
iniiwasan at pinagtataguan
hindi kailan man hinihintay sa sukdulan
ayaw makita, marinig at mahawakan
ni daplis ayaw maramdaman.
misteryo ng hiwaga
ayaw uriratin
ang ibig ay maglakbay sa hangin
masayang gunitain ang baon sa twina
lungkot ay isinasantabi parati sa limot na alaala
buhay at kamatayan
ito ang tanging daan sa misteryo na dulot ng tadhana
ang mabuhay at mamatay
yan ang susing tunay
sa misteryo na ang ating tawag ay yaring buhay.
ito ang huling himnong alay kay Isot. Ang pagtanggap at pagyakap sa misteryo ay ang tanging susi upang matuklasan ang yamang pinagkaloob ng Maykapal. Dito nakasaad ang huling talastas upang lalong mabigyan natin ng halaga ang hiram na sandali.
kaibigan, pagbaliktarin mo man ang nakaambang tadhana, isang bagay ang kailanman hindi magbabago. Ang guhit ng bawat tadhana ay nakaukit sa puso ng mga manlalakbay sa daan ng buhay na ito. Isang araw magsisimula ang paglalakbay at sa takdang panahon hihinto ang lahat. Ang pinakamahalaga ay kung ano ang mga pangyayari sa lakbayin ng buhay, hindi sa haba ng nilakbay nito. Minsan lang talaga tayo dadaan sa buhay na ito, at kailanman hindi na muling mababalikan ang kahapon, datapwat sa bawat paghakbang, ang wakas ang siyang ating hahantungan.
Salamat sa iyo kaibigan, na nakilakbay sa akin.
BLU
“Minsan lang talaga tayo dadaan sa buhay na ito, at kailanman hindi na muling mababalikan ang kahapon, datapwat sa bawat paghakbang, ang wakas ang siyang ating hahantungan.”>>>> Isang katotohanan na sana ay pinahahalagahan nating lahat sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa mga pagkakataong maaari nating magawa ito.
Siyanga pala, kapatid na blu, nanggaling ako sa ilang blog and I was trying to visit your blog by clicking the link to your name dun sa comment na naiwan mo, pero hindi ako ma-redirect sa blog mo. Baka po broken link yung naisusulat mo sa URL field sa comment, sayang at hindi masusundan ng readers ang mga bakas patungo dito sa blog mo.
Isang halimbawa po ay sa recent comments mo sa blog ni Dfish, sinubukan kong i-click ang pangalan mo dun sa sidebar na kinaroonan ng recent comments sa post ni Dfish pero hindi clickable ang pangalan mo. Paki-check na lang po ang URL na inilalagay mo sa URL field tuwing nagko-comment ka sa ibang blog. Pasensya na po kung ako ay pakialamera hehehe. Nanghihinayang lang po kasi ako sa pagkakataong mas marami pang tao ang makibahagi sa mga makabuluhan mong salita sa blog mo na ito.
wow salamat nortehanon sa comment mo at saka sa suggestion…alam mo pangalawa ka ngang nagsabi tungkol doon sa url…i tried to check pero di ko alam kung saan ba yun….hehehehhe…salamat sa talaga sa concern mo….
Kapatid, kung napapansin mo kapag nagko-comment ka, hinihingi ang pangalan, email, at URL mo (pook-sapot). Just make sure lang po na ang ilalagay mo sa URL (pook-sapot) ay https://blurosebluguy.wordpress.com
Yun pong sa blog ko, maayos naman po ang link mo 😉
hahahaha—salamat ulit …kahapon naayos ko na rin ito.
kea dapat ienjoi ang bawat araw na dumadaan..malay mo bukas makalawa wala na akong blog..hoho
tama ka dyan azul…pero blog mo tatagal pa yan ng isang century…ahahahahahha
wow kuya blu, may gantong side ka pala eh no?
hahahaha…di ba ganito naman talaga ang kuya mo eh!
maganda ang iniwan mong mensahe at nainggit ako kasi hindi ako ganyan kalalim mag tagalog 🙂
hahahaah…eh mareng kengkay…certified bisoy po ako….natuto na rin lang managalog……
😦
kelungkot naman talaga.
at parang sobrang lalim, muntikan na akong malunod.
Pero sabi nga, Live Each Day As If It Were Your Last!
hahahaha…hay naku dhyoy….tama ka sa sinabi mo….lieve each day as if it were your last…..
kaya wag malungkot treat each day with a happy disposition..ika nga!
whaaahhhhh why so sad? Life is woth living…..
pilitin nating sa araw araw ay gawin nating makabuluhan, dahil hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord..
ang lahat sa buhay natin pahiram lang….ingatan at pagyamanin ito….salamat sandi
kuya blu, may tag at award ako sayo..
http://sandijmartin.wordpress.com/2009/05/03/otso-otso-tag/
ha ganun ba….salamat sandi.
ang ganda talaga ng mga pictures dito. at ang lalim ng mga gawa mong himno parekoy. nagdugo ilong ko. tigil mo na kaya yan. lol. joke lang. 😀
—
talamat parekoy! bili ka ng maraming spongbob briefs ha, tapos penge!! lol
wag kang mag-alala MON trilogy lang naman itong tribute….sa makalawa masasaya naman ang posts ko….heheheheh….depende lang talaga kung saan ako tatangayin ng hangin….
ayan medyo updated na ko. binasa ko muna yung trail. nakakalungkot to blu pero okay lang, naniniwala akong malaya na siya, mas masarap sa kabilang buhay.
tama ka dyan ….. ang tunay na kalayaan …ay sa kabila ng buhay na ito……salamat sa pagdaan…wala bang sequel ang coffee talk?
kaya habang nabubuhay gawin ang plano Niya sa atin. tumulong at mahalin ang kapwa na tulad nf pagmamahal Niya sa atin.
ang galing mo kuya blu! 😀
salamat sa comment dencio…wala na akong maidadagdag pa….masarap pala yung ginisang munggo sa blog mo…nagutom tuloy ako….hhhehehhee
pihadong mas masarap at nakakabusog ang aral na nakukuha namin sa blog mo boss blue 🙂
hahahahah..tunay ka….salamat ka dencio!
di pa alam kung sino?…pero parang may lead na ang mga pulis ayon sa nbi laboratory tests…..
salamat sa pagdaan lhovely
un po pla ang nangyari sknya kuya,nakakalungkot naman..nakilala po kung sino ang salarin?
sa daming krimen ngayon di na talaga mabilang ang mga ganyang pangyayari..
my he rest in peace..
sayang at hindi ko man lang sya nakilala..:(