blu haws moms

noong isang linggo ko pa pinaghahandaan ang araw ng mga nanay. At sa aking pangangapitbahay ay marami na rin akong nabasang entry tungkol dito. Marami akong natutunan at nalaman sa mga nanay dito sa blogosperyo. Sa araw na ito nais kung batiin lahat ng mga nanay sa mundo.

Diapositiva6

sa mga dancing queen ng buhay natin. Mga nanay natutong sumayaw sa mga samu’t saring tugtugin ng buhay.

para sa nanay nina: aling baby, azul, bipolarsisa, bojoy, kathy, axreal, hibang, blupanjeet, boni, broutoy.

Diapositiva3

sa mga number one teacher sa dampa ng karunungan. Ang mga walang-sawang nagtiyaga at nagturo sa mga unang hakbang natin sa buhay.

para sa nanay nina: coolwater, dencio, DFish, Dhyoy, Edicio, Rye, frozengulaman, geisha at gudang.

Diapositiva2

sa mga tour guide natin sa landasin at sanga-sangang daan ng ating buhay. Ang mga walang kapagurang gumabay at kahit sirang plakang nagpapaalala sa atin sa tamang daan.

para sa nanay nina: hardinero, heckler, hoshi, ikay, jhyanee, jorge, joycee, kengkay, lovely at mangbadoy.

Diapositiva5

sa mga waiting matron ng pintuan ng ating buhay. Sa mga walang sawang naghihintayat nag-aalala sa bawat pag-uwi natin sa kanyang sinapupunan.

para sa nanay nina: mon, nortehanon, otep, pepe, pinto, winkie, red, revsiopao, sandi, simplefula, tuutuukii at aga.

Diapositiva1

sa nag-iisang princess urduja ng buhay ko. Ang nanay ko. Ang unang nagsabing cute ako, kasi ba naman nailuwal ako sa mundong ito ng 3 pounds lang ang weight. Ang nagbigay sa akin ng pera on my first date (third year h.s.). Ang parating may drama pag nag-uusap kami sa telepono. Ang maraming naituro sa akin sa landasin ng buhay na ito. Ang marami pa sana akong sasabihin at susulatin, kaya lang lang naiiyak na ako, sabay kain ng ice cream na may flavor na bebelgam.

sa lahat ng mga nanay natin…..MABUHAY po KAYO!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

30 Responses to blu haws moms

  1. Ax says:

    thanks sa pagbati kuya blu! i really appreciate na isa ako sa binati mo! i mean my mom!

    happy mom’s day rin sa iyong mom! yeah, the one who rocks the cradle rocks the world.

    i gave my mom a cake on mom’s day, although sabi niya gusto niya ng flowers. last year, it was a rose that i gave her. sige, flowers nga sa susunod! hm, mommies are superheroes talaga!

  2. azul says:

    huli man daw at magalin….huli pa din.hehe

    belated hapi mama’s day sa momi mo kuya/pareng blue…

  3. monching02 says:

    waw may special mention din ang blog ko. =)

    salamat at dahil wala namang pinipiling araw ang pagbibigay halaga sa ating mga nanay, belated happy mother’s day din sa mama mo kuya blu. =)

  4. otep says:

    wow doon din nanay ko😀

    salamat parekoy😀

    Happy Mommies day din sa ermat mo..

    ganoon din sa Mother Earth😀

    Lam mo wala talagang tatalo sa mga nanay na’tin.

    yung mommy ko nga inahon ako para makatapos kahit wala na papa ko.

    waaaaaaaa.. hahaba ‘to for sure ayoko mag emo kaya hanggang dito na lang

    Happy Mommies day uli🙂

    • hahahah…talaga naman …walang tatalo sa mga nanay! di ko lang alam mukhang mganda ang story ng nanay mo…biro mo mag-isa lang siyang bumalikat sa buhay para sa inyo…galing nya ha!
      minsan nga ishare mo kwento nya…..

  5. bipolarsisa says:

    ay salamay kuya blu!🙂 ang galing naman. happy mothers day sa nanay mo!🙂

  6. joycee says:

    Nice post! Thank you po sa pagmention at sa paggreet sa lahat ng mga nanay ng bloggers..

    Godbless you Kuya Blu!

  7. MOn says:

    wow salamat at namention ako. lol.
    yeah we should never cease to honor our moms. they are always there!
    Happy Mother’s day to all the moms!

  8. dencios says:

    mahusay ka talaga boss blu!
    nasabi ng lahat ng mga salita mo at ng mga larawan how great our mom is kaya ngayong araw nya lets offer love and prayers and HAPPPPPPPPPINESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!

    HAPPY NANAY’s DAY sa LAHAT NG MGA INA SA MUNDO!

  9. IKAY says:

    tenchu po sa paggreet sa nanay ko…
    HAPPY nanay’s day din kay princess urduja!
    muawhugs*

  10. Pepe McKunat says:

    salamat sa pagbati para sa aking ina.
    makakarating.

    aus ang ginawa mo.
    anBANGIS!


    New Post: My First Inspiration

  11. dhyoy says:

    ahhhhhh… so tamis…
    naiiyak na din ako… pengeng ice cream…

    HAppy Mothre’s Day kay Princess Urduja…
    sabihin mo sa kanya ha…
    😉

  12. Happy Mother’s Day din po sa nanay ninyo Kuya Blu… Salamat sa greetings for my mother…

    Akmang akma po ang greeting ninyo para sa nanay ko…🙂 When we were still young, she was really hard on us when it comes to studying… I remember the time na hindi kami makakatulog until hindi namin na narerecite ng maayos ang multiplication table…🙂 When she saw that we had already absorbed the studious attitude, she gave us freedom on our studies…

    If not for her, hindi siguro kami naging professional lahat… And I am happy that we have made her proud – a high school graduate, mother of two licensed engineers and one licensed teacher.

  13. sandijmartin says:

    Hapi mother’s day sa iyong mahal na ina kuya blu!

  14. anakngpating says:

    happy mother’s day po kay mommy urduja kuya blue ..
    madaming salamat..hugs…

  15. brotherutoy says:

    wow, napasama ang nanay ko!
    salamat, blu.
    di ko pa nakita si inay na sumayaw
    pero siguro sa langit, sumasayaw na sya ngayon.

    God bless at happy mother’s day din sa mommy mo!ü

    • oo naman…kaya nga blu haws moms…lahat nang nasa blogroll ko kasama…happy mother’s day sa kanya!
      di mo lang siguro nakita…pero mula sa kanyang pagkabata…sumayaw na siya sa hamon ng buhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s