pangarap ni blu

Bawat tao ay may pangarap. Madalas lahat ay gagawin maabot lamang ito . Nang simulan ni Otep ang kanyang panawagan para magpahayag ng mga saloobin sa usaping ito, isa ako  sa mga nagsabing: Sige sasali ako.

Habang dumadaan ang mga araw ay lalo akong naging balisa sa aking ipapahayag. Hindi ko alam kung pangarap nga itong matatawag. Alam ko na marami ang mahihiwagaan sa aking isusulat, pero sa akin ang mas mahalaga ay mabigyan-puwang ang isang pangarap na matagal ko nang inaasam.

Sisimulan ko ang pagsisiwalat sa pamamagitan ng isang tulang sinulat ko mga isang taon na ang nakaraan.

barbone1

madalas ko syang nakikita sa isang kalye sa Roma….

tahimik …..

nagmamasid…..

bumubulong-bulong…..

minsan naman nakatawa…

inaaliw ang sarili……

isang  araw…..dalawa…tatlo…apat….sampu…..

ang kalyeng iyon sa Roma…

pero wala na siya….

nilisan na kaya nya?…

o maaring nag-iba na ng kalye….

binenta sa iba….

isang kalye sa Roma.

isang kupas na alaala…..

isang kahapong lumipas…….

isang yugto ng kasalukuyan….

salamin ng anino ng pagkamulat

isang kalye sa Roma.

 Minsan ko na ring binalikan ang mga pangyayari sa aking buhay….mga pangarap na naisakatuparan at naudlot sa kawalan. …pangarap, alam ko….ito ang susi at pananggalang sa pagsuong natin sa masalimuot na landasin ng buhay. Sabi nga hangga’t may buhay, may pangarap. Isang hayag na katotohanan.

Ang hiwaga ni huseng ay napapaloob sa tulang ito (basahin muli ang post). Si huseng ay ako. Ang pangarap ko ay ang yakapin ang pagkatao ni huseng, ang mabuhay at mangarap para sa ibang nilalang. Sa mga oras na ito, hindi na mahalaga sa akin ang katuparan ng sariling pangarap, ang mas mahalaga ay makita ang katuparan ng pangarap ng iba…ang maging masaya sa bawat kasiyahan at makisalo sa pagluha  ng isang naguhong pangarap.

May pangarap pa ba ang isang Blu?

 Meron.

Pangarap ko para sa iyo, kaibigan.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

144 Responses to pangarap ni blu

  1. simplefula09 says:

    brb po muna🙂 sakit tyan ko hehe

  2. simplefula09 says:

    apibalentayms🙂

  3. simplefula09 says:

    happy birthday🙂

  4. simplefula09 says:

    happy new year🙂

  5. simplefula09 says:

    merry xmas🙂

  6. simplefula09 says:

    witwit,,,,,hmmm wla na ko masabi hehe

  7. simplefula09 says:

    game na ulet

  8. simplefula09 says:

    comment lang ng comment

  9. simplefula09 says:

    hehe wla na ko masabi

  10. simplefula09 says:

    hmmm… sana manalo ka🙂

  11. simplefula09 says:

    testing…………

  12. Pingback: LLM T-SHIRT MAKINIG KAYO! :) « Libre Lang Mangarap! :)

  13. hi mr blu guy, pede makigulo.. pinadala po ako ni ax..

    sayang di na ako makakahabol sa contest na to..

    tsk tsk

  14. Hi mr bluguy! sugo pala ako ni axreal, sana matupad ang pangarap mo..

  15. Ax says:

    dapat mga friends ko ang pasok sa Taf 10! hehe.

  16. Mon says:

    hula ko pang-sampung koment ko na to sa LLM entry mo. hehe

  17. jason says:

    isang kalye sa roma….

  18. jason says:

    ako ba talaga yung batang monay?

  19. jason says:

    nakakaelibs na nangangarap ka para sa iba..

  20. jason says:

    May pangarap pa ba ang isang Blu?

    Meron.

    Pangarap ko para sa iyo, kaibigan.

    AYUN YUN EH!!!!

  21. Wolf says:

    mag spam daw ako dito sabi ni Ax!

  22. jason says:

    binabati ko lahat ng mga kaibigan ko
    dito sa wordpress
    at sa blogspots at sa iba pang
    kawani ng pag bablog

  23. jason says:

    binabati ko rin si karen, ang
    paborito kong pinsan

  24. jason says:

    binabati ko si momm at daddy na nasa bahay ngayon
    si jerome na kapatid na naglalaro ng computer,
    si kuya jessie na nag pipinta

  25. jason says:

    nandito na naman po
    tayo sa batian portion!!!

  26. jason says:

    hanngang sa muli mga bata!!!!

  27. jason says:

    nandito na si jasonhamster

  28. Pingback: LLM T-SHIRT (UPDATE) « Libre Lang Mangarap! :)

  29. Ax says:

    spammer mode ng LLM project. ulit! hehe.

  30. enjoy says:

    ito pala ang pangarap mo. nagawi ako sa bahay ni otep at inisa-isa ko ang mga nangangarap ng libre. isa rin kasi ako sa nagpahiwatig ng planong pagsali. ito ay isang pangarap na madaling tuparin. hehehe!

    ano ba ang pangarap mo para sa min?😀

  31. Ax says:

    spammer ng LLM Project!

    hehe. nag s spam lang ng post na Libre Lang Mangarap!

  32. Pingback: Blus:International Song este Poem « EXODIANS

  33. exodians says:

    hope you don’t mind sa isang kalye ng Roma ay dumapo sa kalye ng New York City. Salamat po sa pagdalaw sa aming barong barong.

  34. hitokirihoshi says:

    naks touching naman ang dream mo… although parang vague pa rin sa akin kung ano ba exactly ito.

    well okay lang naman ang mangarap sa iba, lalo na kung ito ay bukal sa puso at ibinabalik sa iyo (kahit appreciation lang). iba kasi ang pakiramdam noon.

    pero honestly, naniniwala ako na ang tao ay may dream din dapat para sa kanyang sarili. Bukod sa pangarap niya sa iba at malaki man yun o maliit. ang pangarap ay katumbas din ng pag-asa.

    mabuhay!

    • tama ka dyan hoshi…ang bawat tao ay may pangarap din para sa sarili kahit maliit man ito…of course may maliliit din akong pangarap….pero at this point in my life…di na sa akin mahalaga kung matutupad ito…weird? hindi….with this perspective in life i do find my happiness…and meaning of existence…
      pagdating ng tamang panahon maiintindihan mo rin ang aking sinasabi….

  35. bipolarsisa says:

    kapatid, napaluha mo na naman ako. parang bumalik ang dati kong pangarap. napakaganda ng pagkasulat.

    “Sa mga oras na ito, hindi na mahalaga sa akin ang katuparan ng sariling pangarap, ang mas mahalaga ay makita ang katuparan ng pangarap ng iba…ang maging masaya sa bawat kasiyahan at makisalo sa pagluha ng isang naguhong pangarap.”

    haay. eto na naman ako, ang daming gustong sabihin pero hindi alam kung pano.

  36. otep says:

    WhooaHooo!!!

    astig ‘to ha.

    Kakatuwa at lumalaganap na ang pangarap virus.

    pero kung tutuusin mahigit 100% isang daang pursyento ang tinumpak mo!

    sa ibang banda kilig to the bones ang mga sinabi mo.

    ganyan nga pareng BLUGUY. Maraming uri ng pangarap at ang pinakamahalaga na siguro ang pangarap mo sa ibang tao (kapwa).

    pag sinabi mo kasi iyon, nakapaloob na dito ang lahat.. pangarap sa bayan, sa pamilya, sa kaibigan.. etc. kumbaga sa ice cream 3 in 1 + 1.😀 (nyahahah korni ko)

    wala naman sigurong nangangarap ng masama sa kapwa.

    katuparan ng pangarap ng iba -ang pangarap mo astig talaga.. nakakalutang ng damdamin😀

    yeah.😀

  37. livingstain says:

    nasan na kaya sya blu? anyway nakakatuwa na mas mahalaga pa sayo ung pangarap ng iba kesa sayo…

    • dumarating talaga sa buhay ng isang tao na minsan iwan ang sariling adhikain para mabuhay sa iba…siguro lang dumating na ang araw na iyon…na kung saan natagpuan ko ang moment ng point of bliss of convergence….kaya ayun! masaya na ako pag may nababalitaang ang pangarap niya ay natupad! kaya..balitann mo ako ha! salamat….

  38. IKAY says:

    thank you po kuya blu…at sana lahat tyo matupad ang lahat ng pinapangarap nten…god bless po!

  39. Ax says:

    kung ganon, salamat.

  40. dencios says:

    wow.. wow… WOW…
    salamat sa pangarap mo para sa akin/ sa amin.
    mahusay na pagkakasulat ha.
    ako din naman hindi na para sa sarili e.
    ganun talaga mas importante din minsan yung mga alam mong higit na may pangangailangan
    (applause! applause!)

  41. foobarph says:

    lalim pero gets ko siya. sna matupad din ang pangarap mo. (pag natupad, akin yung tshirt mo, iyo ang pangarap mo. haha!)

  42. azul says:

    wow salamat po kuya…pangarap kong tuparin ang pangarap mo..

    parang kakandidato lang hehe..

  43. joycee says:

    Awww parang feeling ko para saken talaga ang pangarap na yun, hehe.

    Thank you po, minsan masarap gumawa ng mga magagandang bagay para sa ibang tao, lalo na pag nakikita mo silang natutuwa dahil sa ginagawa mo, you feel appreciated.
    🙂

  44. sandijmartin says:

    kuya blu, salamat sa pangarap para amin🙂

  45. dhyoy says:

    Isa kang alamat Mr. Blu.
    🙂

  46. salamat naman lhovely…lipad! pangarap ay abutin…parang si Darna! hahahahahah.

  47. anakngpating says:

    astig naman nangarap si kuya blu sa sarili nya at hindi lang sknya pati sa ibang tao..
    i hope maging succesful ka sa lahat ng adhikain mo sa buhay kuya,..
    sabay-sabay tayo mangangarap..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s