blu whisper

whispher

nauuso na naman ang careless whisper sa Pinas at alam nyo yan mga katoto. Hmmm… my lips are sealed! Ayaw ko na talagang makadagdag pa sa naglalagablab na apoy. Pero sadya yatang ipinanganak akong  may antenna sa ulo at sagap ko lahat ang mga usapang kalye. Dapat naging showbiz reporter na lang ako, yaman ko na siguro? Ito ang siste mga berks. Kanina, habang kampante akong nakaupo sa bus ay narinig ko ang usapan ng dalawang pinay, akala nila walang nakakarinig. Madalas kasi napapagkamalan akong mexican kesa pinoy, kaya hayun panay ang broadcast ng dalawa at di inantala ang aking presence. Ang isa tawagin nating Epay  at ang isa naman si Tasing.

Epay: kakasawa naman ng buhay natin…umaga pa lang nasa kalye na tayo.

Tasing: uu nga eh! hayyyy! kailan kaya matatapos ang lahat ng ito.

Epay: di pa ba natatapos mag-aral ang mga apo mo?

Tasing: hayun at nagbulakbol, ang isa naman buntis na!

Epay: Susmaryosep! aba’y tinamaan ng kambal na kulog. Halos magkandakuba ka na nga sa pagkukudkod dito sa Roma….yan pa ang nangyari.

Tasing: naku, Mare…sad….very sad ako ngayon.

Epay: Kailan ka dumating dito? Ako 1983.

Tasing: Aysus, sabay pala tayo. Huwag mong sabihin kay Mr. Kuring ka rin.

Epay: Hihihihihi! Ay naku kung ako lang…di na ako uulit.

Tasing: Biro mo yun, nagcross border pa tayo….lakad dito…takbo doon…

Epay: sinabi mo pa….halos atakihin ako sa lamig….

Tasing: nabalitaan mo ba ang nangyari…yung anak ni Amparo…

Epay: ay yung nawawala…sabi naiwan daw sa pagtawid sa boder…..aba’y katagal na yun ah.

Tasing: sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Epay: O siya baba na ako….

Tasing: O siya, ciao!…

Maraming ganito ang kuwento dito sa Roma. Lalo na ang mga nauna. Kumita lang at mapabuti ang buhay, handang isugal ang lahat. Kaya nga nalulungkot ako pag ang kadugtong ng  kuwento nila ay puro kabiguang dulot ng mga naiwan sa Pinas. Minsan, ang akala ng mga naiwang kamag-anak sa atin, masarap mangibang bansa. Akala natin lahat ng mga nakangiting piktyur sa friendster at facebook ay simbolo ng masayang buhay sa abroad. Ang hindi nila alam kailangan na lang ngumiti para maibsan ang kalungkutan at mga paghihirap na dinadanas. Mahirap ang mamuhay sa ibang bansa, madali kumita pero ang lahat ay may mapait na kapalit:

pagkawalay sa pamilya,

ang mamuhay sa isang kulturang hiram

 at higit sa lahat ang magtrabaho sa isang bagay na hindi mo naman ninais.

________________________________________________________________________

Tama na muna. Sumisikip na ang dibdib ko sa post na ito. Pano naman sikip kaya ng t-shirt ko.

Well, ito ang bago! Isa pang bulung-bulungan dito sa blogosperyo ang kumakalat. Aba ang kuya blu ninyo ay napili ni MON (http://monzavenue.blogspot.com) na isa sa

 TOP 10 EMERGING INFLUENTIAL BLOGS OF 2009. Ito po yung mga nasa listahan nya: (posted May 16, 2009)

1. Deejay of Good Times Manila

2. Rye of Flamindevil

3. Dencios of His Name is Dencios

4. Ax of Axrealm

5. Kikay of Coffee Stains and Inks

6. Bluguy (pramis ako po ito)

7. Lucas of On the Coffin Rock

8. Lovely

9. Stacey Avenue

10. Lio Loco

icecream 

 

Hindi ko talaga akalaing mapasama ang inyong kuya…aba eh bagito lang ako dito! Maraming salamat MON sa iyong recognition. Ayan, naluluha na ako…syempre tulad ng dati…pagnaiiyak, kailangan ….kumakain ng ice cream na may bebelgam flavor. Kitam!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

43 Responses to blu whisper

  1. bipolarsisa says:

    pahingi nalang ng ice cream. hehe.🙂

    nakakatawa kasi nung lumabas ‘yung videos, ang dami ko natanggap na text, nagtatanong ng reaksyon ko. haha. akala ata ng mga kaibigan ko eh ganun ako kafeminist para gumawa nang aksyon mag-isa. hehe. *share lang.*

    anyway, in connection to that, nakakalungkot lang isipin na napakaraming kababaihan, pati na rin ang mga kalalakihan, ang kailangang mangibang-bayan, magsakripisyo, para bigyan ng magandang buhay ang pamilya, pero sa huli, kabaligtaran ang nangyari.😦

    halo halong issue na rin kasi ng social, psychological at kung ano-ano pa. pero optimistic pa rin ako, na despite all these, magiging maayos din ang lahat.🙂

    congrats pala kuya blu!🙂 you deserve that.

  2. Mon says:

    You’re welcome parekoy! You more than deserve it bro! at tuwang-tuwa naman ako sa post na ito at sa mga comments dahil lagi akong na memention. LOL

    I’ll never gonna dance again, guilty feet … whatever.. hehe

    ano bang meron sa kanta na yan? hehe

  3. anakngpating says:

    kuya congrats..talagang isa ka naman sa deserving na mapasama eh..:)
    at salamat din kay mon dahil kahit po ako nakita nya..nakita mo ba kuya hehe..
    top 8 hehe..:)
    kuya next time penge ice cream bublegam hehe…:)
    hugs..

  4. joycee says:

    Parang wala akong alam sa careless whisper ah, pero maigi pa ngang wala na lang hehe, nakakabother din kase pag may alam ka tapos wala kang magawa.

    Minsan may reason din kung baket aksidente nateng nalalaman ang mga ganung bagay, baka maging reason tayo para maging maayos yung mga magugulong mga bagay.

    Congrats po for the nomination for Influential Blogger! Godbless!🙂

  5. IKAY says:

    haayyzz totoo yan kuya blu mahirap ang buhay oepdabolyo talaga…

    and congratulations sana pagsikat na sikat ka na wag mo kong kakalimutang batiin sa wowowee kapag ng guest ka na dun…hehehehe

  6. Kuya Blu, nakaksikip nga ng dibdib… ang masikip na short…😀

    Hindi nga biro ang magtrabaho sa ibang bansa… Just last week, I received a call from my bestfriend from the US. Her father died the day before… While she was telling me about the incident, I can hear her voice cracking… But she tried very well to keep her composure, and somehow I knew the meaning of the call. She wanted a listener and she wanted to explain her reasons: she can’t go home for the burial of her father due to the enormous expenses. Hay… Ang sakit nun para sa kanya…

    On the lighter side, congrats Kuya Blu… You deserved the nomination!😀

  7. Ax says:

    Sino kaya yung number 4! Hehe. Nagpapasalamat nga rin ako kay Kumpareng Mon! Actually, kung gagawa ako ng Top 10 Emerging Influential Blogs of 2009, kasama ka rin, at si Mon, at si FD!

    Regarding sa first topic, ayoko rin magkwento. Naisip ko, why would I blog something na ikakasira ng isang tao?! unless it has something to do with abortion or rape. Sorry for that. It’s a good thing na you did not mention any names. That is a scandal, so I would not use my realm to disseminate information regarding this girl and this guy. Parehong may mali man sa kanila, I won’t judge them because of one judgment error they have done. I won’t despise mistresses but I hope and I wish they would stop because they have to admit it is wrong. I won’t condemn people who killed someone. Be it may because of revenge or because of protecting someone.

    But i have my exception, I won’t forgive people who will do an abortion unless it is their lives at stake. Any more reasons given, sorry but I may not talk to you or consider you a human being. Second, I won’t forgive men or women, could be, who in any other way molest or degrade sexually someone.

    I have my principles. I am standing because of my principles.

    I would even go as far as taking the child kung kaibigan ko or kamag anak ko yung sinasabi ko about abortion. or even hindi ko kaibigan or kakilala, I would willingly take the child.

    I am sensitive about that topic, and if someone told me that they are going to have abortion, makikipagpatayan ako para mabuhay yung bata.

    cheesy?! ow, that is me.

    teka, parang ang dami kong sinabi… na hindi naman konektado sa post!

    anyways, tama si Mon, maimpluwensya Kuya Blu!

    Ow, preoccupied ako, bakit nga ba ang dami kong sinabi?!

  8. otep says:

    oi.

    bago ang lahat..

    congrats sa pagkakapili sa’yo ni Mon.😀

    Btw, Sabi nila walang tototoong tsismis.

    so kung narinig mo ang pinag uusapan nila hindi po yun tsismis dahil totoo.

    Minsan gustuhin man na’ting huwag marinig ang mga ganyang kuwento ay wala tayong magawa, mahirap talagang pakinggan ang isang masaklap na katotohanan dahil bilang tao, magiging apektado ka. Ibig sabihin nun may puso ka.

    Binigyan tayo ng may lalang ng pandinig para mag analisa, matutong makinig sa bawat daing at sigla ng isang boses, sa ganoon malaman nating hindi lang tayo ang taong nakadadama ng kapighatian.

    Sa ibang banda, binigyan tayo ng tainga para makarinig ng simpatya at magawang makiramay kung kailangan at kung kaya.

    at kung magawa man na’tin yun, hindi lang pandamang pandinig ang gagana.

    ilang senses ba meron ang tao? hehehhee🙂

    nice post~

    • salamat….otep!

      Minsan gustuhin man na’ting huwag marinig ang mga ganyang kuwento ay wala tayong magawa, mahirap talagang pakinggan ang isang masaklap na katotohanan dahil bilang tao, magiging apektado ka. Ibig sabihin nun may puso ka.

      tama ka sa iyong tinuran!

  9. joyo says:

    hmmmm… i never gonna dance again, gulity feeling…..

    hehehe…

    haizzz… pawang katotohanan lahat ng narinig mo. Ang bigat sa puso yung sa kabila ng paghihirap mo at sa kabila nang lahat ng pinagpalit mo o pinagkait mo sa sarili mo mabigay mo lamang lahat sa kanila ay mga nakakabigong balita ang makakarating sayo. Haizzz.. “Sana sa bawat sigarilyo hinihitit mo, sa bawat alak na iniinom mo, naisip mo kung ilan pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang may ipadala sa inyo”(Vilma Santos ikaw ba yan?)

    Hmmm…kasama ka sa TOP 10 EMERGING INFLUENTIAL BLOGS OF 2009.
    Congrats!

    Pa inom ka naman! Hihi:)

    • salamat dhyoy…nawa’y magising a ang dapat magising..kaya lang sa isang banda mahirap daw gisingin ang mga nagtulog-tulugan lang…
      di ako magpapainom…magpapa-ice cream ako…beblgam flavor!
      salamat….hanggang ngayon naluluha pa rin ako…toinks!
      …sinabi ba ni Vilma Santos yan…ha?

  10. Winkie says:

    lol @ careless whisper. my lips are sealed, too. hehehe!

    alam mo, i get to experience that too noong nagHK ako. i heard almost the same conversation from the domestic helpers there. i had mixed feelings for them… sympathy and admiration. naaawa ako to see them doing hardwork while some of their family back home are just after their remittance. but i admire them kasi they opted to sacrifice being away from their families just to provide for them.

    congrats for making it to mon’s list of influential bloggers. you more than deserve it.🙂

    • salamat winkie….tama ka dyan kaya nakakalungkot lang talaga na minsan hindi pinahahalagan ang mga sakripisyo nila…..
      salamat rin sa pagbati….
      judging from the pics…mukhang enjoy ang boracay vacation nyo ng mom mo and friends…

  11. livingstain says:

    careless whisper… sobra naman kasi ang mga soot kapag nagpapractice, hay nako vicky dispatchahin mo na yan…. pero muka naman hindi mo kaya kaya balita ko e kumirengkeng ka na naman at magkasama kayo papunta japan… hay nako!

    nadadala tuloy ako e….

  12. simplefula09 says:

    im back..

    hehe peborit ko yung careless whisper….hehe

    congratz po….have a good day😛

  13. dencios says:

    boss blu na guapong guapo, deserving mo makasama sa list na yan kasi madami aral na matitipa sa bahay mo

    at speaking of your post, tama ka di makikita sa larawan ang saya ng pangingimbambayan. susme, akala nila tumatae tayo ng ginto’t salapi. pero gayunpaman lakas lang ng loob para maging matatag at masaya kahit malayo sa pamliya!

  14. foobarph says:

    akin na nga yang ice cream mo, ang init eh, ^^

  15. azul says:

    malakas ka naman po kasi talaga makaimpluwensya.ahehe

  16. sandijmartin says:

    Kongrats kuya blu!

  17. maccallister says:

    very true,isa na jan ang mom ko hehe.

    and congratz influential ka na pala ngayon hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s