minsan habang nagliliwaliw ako sa isang park natuon ang aking pansin sa mga hayop na malayang gumagala at para bang walang pakiaalam sa mundo ng mga tao. Naisip ko minsan, siguro ang palagay nila sa ating mga tao ay lower beings, kasi nga naman pare-pareho lang ang anyo at hugis natin..di tulad nila, iba-iba at pinapatingkad pa lalo ng mga kulay na sadya namang kakabighaning tingnan. Ano kaya ang mga sinasabi nila at pinag-uusapan. Minsan inimagine kong nagcha-chat din sila araw-araw at ito ang aking natuklasan.
naku pareng bluguy dapat mag-excercise ka parati and eat the right food…tingnan mo abs ko oh! init ng summer..kaya semikal ang trip ko ngayon..haysss back to dubai na naman, meaning back to work!
wow saya ng bora…aba ang mudra di nagpahuli sa piktyuran kesahodang magmukha siyang miss earth 1953. superbonding talaga …wait kayo marami pa akong pics na ipopost!
miss ko na mga chikiting ko…kuya alagaan mo si bunso at wag maging pasaway sa lola, pramis pag-uwi ko jaleybee tau!
sali ka sa pakontes ko…daming prizes…pagandahin mo ako, papangitin mo..ok lang…lapit na kasi bertdey ko..punta ka ha!
kayo ang tanging yaman ko at ako tanging ama ninyo..salamat sa pagbisita kaibigan! Invited ka pala sa lugawan ko para sa mga bata.
mahirap pala ang sumisikat sa blogosperyo at nasakit na ang kamay ko sa kakasagot ng mga email ng fans ko…pramis sabi nila kamukha ko daw si bugoy…pero mas guapo ako doon.
kakatuwa naman hayys! ang dami ko pang narinig…pero ang iba sa susunod ko na ikwekwento, hane. busi-busyhan ang kuya blu ngayon.
what is this all about hmmm….
its about bloggers…i know…
Ang gara ng talangka. Sosyal nasa Bora pa sya. At titulado pa – mala Miss Earth 1953. “,)
uy…salamat sa pagdaan….kung gusto mong malaman ang detalye punta kaagad sa blog ni ms. winkie
Hangkyuut Kuya Blu! Pasensya na po nalate ako dito, hehe, salamat po sa bati, kilala ko kung kanino yung ibang lines hehe..
hahahahhahaha….so kilala mo ang iba….salamat joycee!
natsismis sa akin ni sandi… kaya naman dali dali akong bumisita dito!
kilala ko ang lahat ng bloggers na featured sa entry na ito… kautwa naman… pati ang blue haus mo eh nainvade na ni mudra, the ever miss earth 1953.. hehehe!
hahahahaha…natuwa lang talaga ako sa pose ng mudra mo…paki greet na lang sya!
Nakakaaliw Kuya Blu…. Ikaw ba ang kumuha ng mga larawan?
nope! watch out for the second edition!
hehe kuya salamat natuwa ako dun sa bibe ..ang cute nila..
sa june makakapag gala na kami hehe..hindi jaleybee ang pupuntahan namen pramis..:)
sama ka kuya hehe ikaw mag buhat kay kuya brailee.:)
ang cute talaga nung bibe…
pwede ba iuuwi ko na yan hehe…
hahahahaha……pwede mo nang iuwi sa dalawa mong chikiting
nice pictures, sang park yan… hehehe…
hahahahahaha sa park ni Josh…good day kaibigan!
buti hayop ang nai-imagine mo na nagsasalita. ako lagi kong kausap yung wall clock…”bakit ba ang bilis mo, naidlip lang ako konti ito na ang oras mo. ”
hehehe
hhehehehehehe…naisip lang hehehehehehe
ahahaha sabi na pamilyar sa akin ang mga punch line weh..ahehe natatawa ko kay mon at dencio..
talaga lang ha huli ka! taym pers..
okay.
kuya blu, ano ang paborito kong hayop?
mali ka pag sinagot mo ang crocodile o ang elepante o ang bayawak o ang goldfish.
sana mahulaan mo. marami naman silang paborito ko.
iisipin kong mabuti ax…hihihii
actually wala akong macomment kaya gumagawa ako ng sarili kong eksena.
sandali…weyt lang susunod na aking ikalawang kabanata
ax…hanapin ko pa…intay ka lang!
hehe!
malapit na…
Waaahahha! parang pamilyar yung mga pinagsasabi ng huling hayop ah! hayop ka pareng blu! LOL tawa ako ng tawa dito!
ako pala yang ibon na yan ah! ba’t naman ganyan sana parrot na lang haha!
si dencios yung hamster, si winkie yung alimasag
si payatot ba yung gold fish? at si joycee yung tuta? lagot ka! haha
sino yung mga bebe?
hehe
oo nga, ikaw nga ang huli mon.
tama si ax…hintay ka lang lalabas na ang second edition…hehhheehe
mali ka …hindi si payatot ang goldfish….hala ka magagalit sa iyo ang taong ito…..hulaaan mo ulit….yung bibe…back read ka kaya..kilala mo…pramis!
wowwww… na touched naman ako…may nasagian ang bahay ko!
Kuya, tara lugaw tayo..espesyal sayo, yung arroz caldong maraming sahog na manok.. gusto mo non? 🙂
haha.. nakukuha ko sino mga karakter nung nasa piktyur dito sa blogosperyo.. nakakatuwa!
di ko na binanggit pangalan para sila na lang ang pumik up..
salamat sa lugaw…dadalawin kita para dyan…maraming sahog ha! my lips are sealed.hahahahhahaha
hehe.. ayos ah! nasabi mo ang mga nasa isipan ng mga hayup na yan.. hehehe.. gusto ko yung hamster.
hanep…ang bilis ng bisita mo..kakapost ko pa ang ah! salamat ha….