yakap ni ama

Diapositiva1

habang nag-iisip ako ng aking entry sa huling araw  ng buwan ng mayo, ay narinig ko ang isang kanta sa wikang portoges na pinapanood pala sa youtube ng aking kalapit-table sa opis. tinanong ko sa kanya kung anong ibig sabihin niyon. at sa kanyang pagpapaliwanag, naunauwaan ko na ito pala ang aking naging saloobin sa mga nagdaang mga araw.

matagal ko kasing hinintay ang pagkakataong ito, siguro buwan para masabi ko sa kanya ang aking saloobin. Sa mga oras na ito nais kong kumawala sa aking pangkasalukuyan at sabihin sa kanya lahat na aking dalahin. Yung tipo ako at siya lang.

bago natapos ang maghapong ito, nagtagpo ang aming landas at sa bawat tingin niya ay  para akong natutunaw . sabi nya hinintay kitang dumating kahapon, kanina..ang totoo sa matagal na panahon. Pero hindi nya ako tinanong kung saan ako nanggaling at naglagalag. Isang sulyap na hatid ay mainit na pagmamahal ang muli nyang tugon sa aking piping katauhan. wala akong masabi, wala akong maisumbat, wala akong maisip, katahimikan ang bumalot, pero damang-dama ko ang ginhawa at kapanatagan ng puso.

niyakap niya ako, tulad ng pagyakap ng isang mapagmahal na ama. sa mga oras na iyon ang pakiramdam ko ay para akong isang patak ng tubig na nahulog sa malawak  karagatan  ng kanyang pagmamahal.

 

Diapositiva1

isang malalim na katahimikan ang sumunod na eksena. isang impit na paghikbi ng isang anak na matagal na nawalay sa ama. habang siya ay patuloy ang pagyakap, mahigipit …may hagod ng pagmamahal…damang-dama ko ito…tumatagos sa kasuluk-sulukan ng aking kamalayang-tao.

matagal kung hinintay ang pagkakataong ito. sa yakap ni ama, alam ko nakabalik na muli ako sa tahanang minsan ay naging bahagi ng aking kamusmusan..matagal na rin pala…ilang buwan halos ang lumipas. minsan nga talaga mahirap bilangin ang mga panahong nalagas…ang mahalaga alam ko nakauwi na ako sa tahanan ni ama.

sa huling pagkakataon….hinigpitan ko ang aking yakap, para bang sinasabi ko…hindi na muli ako lilisan..sulyap lang ng may buong pagmamahal at pag-unawa ang kanyang naging sukli…sa mga oras na iyon di na mahalaga ang bawat sasabihin namin sa isa’t-isa.

This entry was posted in blu, buhay. Bookmark the permalink.

40 Responses to yakap ni ama

  1. lalim a…

    pero i like yung pagkukumpara mo sa relasyon at tubig. cinematic ang effect.

    well, more power to all fathers out there! naalala ko tuloy ang kwento ng albuhgang anak sa Bible.

  2. Philmor says:

    maigi ka nga blu nayayakap ka pa ng ama mo samantalang ako matagal ng patay ang tatay ko. kaya minsan nangungulila ako.. namimiz ko ‘yong panahon na naliligo kami ng dagat buong mag-anak. namimiz ko ‘yong pinapagalitan ako minsan.. i know he’s happy where he is right now kasama ang butihin kong ina…😦

  3. DFish says:

    I was reading this while listening to Hesus ng Aking Buhay. What a moment…Salamat kaibigan sa mga ginintuang paalala ng Kanyang pagmamahal…

  4. joycee says:

    Gusto ko ding maramdaman ang yakap Nya, kahit saglit lang, alam kong maaaalis Niya ang lahat ng bagabag sa ating puso.🙂

  5. dencios says:

    ako alam ng tatay ko kung gaano ko sya kamahal! kaya swerte ako/kameng mag-anak dahil close kame. proud ako dun!😀

  6. Kuya Blu… Poignant post, yet full of hope…😀

    Noong araw, ni hindi pwedeng banggitin ang Kanyang pangalan… Maaring kamatayan ang iyong kahahantungan…

    Pero ngayon, hindi lamang sa kung anong pangalan natin Siya tinatawag… Naging napakalakas ng ating loob na tawagin siyang Ama, kahit tayo’y walang karapatan at hindi karapat-dapat…😀

    Karangalan kong tumawag sa kanyang Ama… at kaligayahan kong tawaging ama ang taong nagbigay daan para ako mabuhay dito sa lupa…😀

    Sa aking puso, walang hanggang pasasalamat….

  7. livingstain says:

    tatay will always be a tatay… kahit ano pang ugali nya, hindi nya kayang tiisin ang kanyang anak… aaaawww… tatay na ba ako… lolz

  8. azul says:

    hmmmm…pedeng speechless?ahehe

  9. kengkay says:

    hays… kahit na gaano kakulit ang tatay ko e tatay ko pa rin sya😀 e sa kanya kaya ako nagmana ng kakulitan, hehehe

  10. sandi says:

    refreshing nanaman kuya blu ha? hehehe..

    nakakatuwa talaga ang ating Ama.. sa ating pagkawala Siya ay palaging naka abang sa ating muling pagbabalik… at sa ating pagbalik, handa lagi ang Kanyang mga braso na iuunat at iyakap sa atin..tanda ng pagkasabik Niya sa atin…
    Hindi nanunumbat at nagtatanong..isang Dakilang Pagmamahal ng ating Ama🙂

    p.s.
    nakakatuwa..tungkol din sa pag-ibig ang susunod kong post🙂

  11. Ax says:

    5 minutes akong nag-iisip kung anong sasabihin ko. all i can write is ellipsis.

  12. anakngpating says:

    wooot isa sa mga lalaking boy friend ko ang tatay ko..
    namimiss ko tuloy kahit kauuwi ko lang last night hheeh…:)
    kaylangan sulitin ko ang bonding time on sat..
    salamat kuya blu para dito..

  13. tagamasid says:

    pang father’s day ba ito?

    ang galing ng istorya. salamat.

  14. flamindevil says:

    at naalala ko ang daddy ko dito..hehe

    salamat kuya blu. :p

  15. jason says:

    tamang tama. malpit na ang fathers’ day…. Pagkakataon mo na yun.

    i add kita sa blog roll ko. Pa add din. :p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s