say it with fawers

may mga taong dumadaan sa ating buhay na hindi natin basta-basta mabubura sa ating memory bank. ito yung mga tipo na naging dahilan ng ating unang saya at kabiguan sa buhay. mga taong nagpatibok sa ating puso.

say it with fawers (flowers). hindi kasi mabanggit-banggit ng one-year old na pamangkin kong uk citizen ang katagang ito kaya hayun sa tuwa ko nagawan ko tuloy ng kuwento. ang post na ito ay tungkol sa  mga piling-pili na mga babaeng minsan kong minahal. masaya, mahirap at masalimuot ang magmahal at masaktan. pero sa isang banda, pasalamat na rin ako sa kanila, kasi walang kuya blu ngayon kung wala at hindi sila naging bahagi ng aking buhay.

for the first time….tunay na pangalan ang aking gagamitin. maaring ang iba sa kanila ay nandito rin sa blogosperyo. kaibigan kung mabasa mo man ito…salamat sa pagmamahal at alaalang inukit mo sa puso ko.

Diapositiva1

si janice ang puppy love ko. nakilala ko ng minsang magbakasyon siya sa auntie nya isang summer. noong araw uso ang love letters. ilang balik kaya ako sa library ng skul namin para tingnan kung nakapaskil ang name ko sa list. heaven ang feeling tuwing may natatanggap na love letter. by the way bakit love letter?  kasi naman sa ibang bayan sya nag-aaral at nakatira, layo kaya ng bahay nila. alam ko noon milya-milya ang layo.

Diapositiva2

si rachelle ang walking doll ng klase namin noong hayskul.  crush ko talaga siya. madalas akong tumambay sa kanila, kasi barkada ko first cousin nya…kaso ng pasukan namin noong second year nagkaboyfriend sya…sakit, kasi siya yung first basted experience ko….isang nakakabinging NO ang tugon nya sa akin!

Diapositiva3

si vebrette ang naging sagot sa kalungkutan ko. di ko makalimutan na magkasama kami sa payong habang naglalakad sa gitna ng ulan along the seashore. romantik di ba? di ko alam kung lab ko talaga sya. MU, oo! ito ang naging dahilan kung bakit nagalit sa akin si rachelle. sabi ko sa kanya akala ko ba di mo ako mahal.bakit galit ka? di ko nakalimutan ang question na yun sa kanya sa gitna ng aming chemistry experiment..malakas kasi, at halos lahat napatingin sa amin.dyahe talaga. one week kaming di nagkibuan.

Diapositiva4

kaya dahil doon cool-off muna ako sa mga babae…iwas pusoy ika nga. kakainis. sabi ko pa nga ayaw ko na! pero..ang puso pwede bang pigilan? enter the marichu isang cadet sponsor sa ibang skul. nakita ko minsan sa plasa namin. at ang bestfriend ko pala dorm mate nya. ligaw…tiyaga….ligaw…kahit gabihin…ask nga ni muder saan ka naglalagi at ginagabi ka ha? praktis po! kitam! naging liar dahil sa pag-ibig. we lost contact after hayskul. no formal break-up.

Diapositiva5

college days…dito ko nakilala si Rio… galing sa isang exclusive girl’s high…kaya medyo sosyal. dito tinamaan ako ng todo. madalas nga nawawala ako sa sirkulasyon ng mga barkada…naging kami…at after sometime di na kami. pano may bf pang isa. naglasing ako dito ng todo…buti na lang may mga good friends ako at sinabi kalimutan ko na raw. alam nyo ba kung sino ang bf nya…prof namin sa taxation…natunugan yata…binigyan ako ng low mark. ako na nga ang naagrabyado….hanggang ngayon malabo pa rin sa akin kung sino ang nauna sa min ng prof na yun…o baka naman sabay kami.

Diapositiva7

nakilala ko sa aming subdivision si darling . maganda talaga at isa lang yung skul namin. pero dito kabig ng dibdib ako…nagkatruama na yata ako sa babae…madalas nagkasya na lang ako sa patingin-tingin…pero alam nya na may crush ako sa kanya…minahal ko siya sa malayuan…yun ang drama ko ng time na yun. weird….minsang di ko na talaga matiis ang feelings ko….sinabi ko sa kanya na mahal ko siya…pero huwag na nya akong sagutin…nabigla..siya …at ako rin…minsang nagkasalubong kami…tinanong nya talaga bakit ganun ang naging actuations ko…sabi nya sayang….bulong ko naman…oo nga sayang….

Diapositiva6

ito si Mary masasabi kong last and everlasting love ko…wish ko talaga. kilala ko na sya dati…hayskul pa…di ko lang napansin at pinansin…iba kasi ang tipo ko noong araw….isang araw ipakikilala ko rin siya sa inyo. …dito tumino na talaga ako…ni minsan hindi ako naging kasingsaya sa buhay ko, ngayon lang talaga…after all these years pala..darating din ang para sa akin. yun bang di mo pagsasawaang mahalin. sana panghabambuhay na ito…kahit maputi na ang buhok ko.

This entry was posted in blu, buhay. Bookmark the permalink.

61 Responses to say it with fawers

  1. .poOt! says:

    may mga babae talagang sakit sa ulo (o sa puso) para sa mga lalaki. PEACE sa mga babae dyan!!!

    dahil sa post mo naalala ko ang first ‘kras’ ko, first ‘love’, first ‘kiss’, first ‘heartbreak’ (ouch!), first ‘gerlpren’ at king ano-ano pang first. hays!

    sana si mary na hanggang sa huli. parekoy, yan ang wish ko para sayo.

  2. bipolarsisa says:

    wow. i’m so happy for you kuya blu!🙂 medyo nawindang din ako sa mga babaeng minahal mo. hehe. nagbilang! haha.

  3. Philmor says:

    ang ganda ng bulaklak na napili mo kay mary.. I’m sure maganda din siya sa personal.. Best wishes to both of u… 😉

  4. dhyoy says:

    ayihi inlababu ang Mr Blu…. ahooooooo…😉

  5. Bombero King says:

    umpisa pa lang…
    nang post…
    na touch na ako..!
    then may mga flowers pa..!
    napa emo mode nanaman ako..!
    hay…
    buhay..!
    ang sarap umibig..!🙂

  6. azul says:

    aw!inlab na inlab..di ko mapigilan ang sarili ko na kiligin…ayeee…

  7. bonistation says:

    parang bagay yung kanta

    To all the girls I’ve loved before.. who travelled in and out my door
    I’m glad they came along… I dedicate this song.. to all the girls I’ve loved before

    naks! heheh!!!

  8. exodians says:

    para bang tribute sa mga ala-ala ng mga sinisinta.
    high school days. high school life. salamat sa share blu.

  9. Aling Baby says:

    cute story hehe….

    shempre naman, may mga girls talagang nagpatibok ng puso mo …pero indi ko na-expect na marami pala sila😆

    pero mas boto ako kay Mary, kuya.🙂

  10. joycee says:

    Ay ang sweet, talagang iniisa-isa mo at tandang-tanda mo ang bawat kwento ng mga babaeng minahal mo, kung ako isa sa mga yan matatats talaga ko.

    Sana in the coming days eh makilala nga namen si Mary, wee.🙂

    • whaaaw pagdating sa usaping puso matandain talaga ako…hehehehhehe…sure one day bubulaga na lang siya sa blog na ito!
      di ko pa rin magawa yung pakontes mo….hehehehehehe….over kami sa meeting these days…saka im leaving next week…kaya out of reach na naman ako…wish ko lang makapagblog pa rin ako doon….

  11. napakaraming babae jusko!LOL

  12. monching02 says:

    haha. si kuya blu parang bangus…

    matinik.

    haha. good thing at nahanap mo na yung “right one”. =)

  13. dencios says:

    teka ang dami mo na palang naamoy na flowers…. ako kaunti lang hahaha

    kasi ang dami dito sa blog mo, dumi isip…. haha

    peace boss blu!😀

    • hahahahha…dirty mind ka ha….hheheheheheh…mamaya macensor ka ni JOSH…sige ka….pero ni minsan di pa naman ako kumanta ng careless whisper….oppps….sori ulit…natangay lang ng damdamin…hehehehehheheh

  14. dencios says:

    natutuwa ako. ramdam ko habang ninabasa ang post mo. haha.

    baka naman may nabuntis ka jan boss blu a. haha

    ang dami kasi. lahat ba minahal mo talaga? baka mamaya yung iba fling lang? hehe jokes.

    sarap ng feeling ng masaya at inlababo no? hay.. kakamiss…

    enjoy life!

  15. sandi says:

    haha.. kuya blu, nagbibilang ka rin pala nun kabataan mo at salamat naman natagpuan mo na ang iyong tunay na pag-aalayan ng pag-ibig.

    tawa ako ng tawa habang binabasa ko ‘to.. lalo na dun sa parte ni Rio, saan ba kayo nagka unahan nung prof? kuya ha? linawin mo ‘yan🙂

  16. deejay says:

    hehehe, natutuwa ako habang binabasa ko to… may kislap sa aking mga mata habang ninanamnam ko ang bawat letra, salita at pangungusap. hihihi! i’m happy for you, bluguy.😀

  17. Naaliw ako sa pagbabasa Kuya Blu… Pero hanggang dito na lang muna… Baka ano pa masabi ko… Alam ko kasi kahit konti, shared ang realm of reality natin… Hehehehe…😀

  18. simplefula09 says:

    ahay dami pakibig ni papa blu..hehe

    sana makita mo na po yung ryt1, yung hinihintay mo😛

  19. Ax says:

    HINDI ko pa siya nababasa, skim lang! pero ang lalim mo Kuya Blu. I know these were not real persons, er, not really existing here in this shared reality. er, how do i say that. these ladies are not really here in this territorial space. ow, idk if i am mistaken. probably some do exist, but i doubt the last one.

    idk, idk, idk!

    then who was phone? i was phone?!

  20. azul says:

    type ko yung flower ni rachelle

    “after all these years pala..darating din ang para sa akin. yun bang di mo pagsasawaang mahalin. sana panghabambuhay na ito…kahit maputi na ang buhok ko.”

    i know how you feel…

    teka…

    you mean inlababo ka ngayon kuya blu?!aw!hemsohafi for you…

  21. Philmor says:

    wow.. ang dami mo namang bulaklak na napa-ibig. kahit ako dumaan na rin sa mga kabiguan sa pag-ibig kaya heto single na naman.. sa mga nagbabasa wanted perfect lover ako ngayon..😉

  22. jason says:

    wahhh ang daming bulaklak este chiks ni Bluguy

    sana matagpuan mo na ang iyong everlasting lab

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s