blu highway

noong bata pa ako akala ko iisa lang ang kalsada mula sa amin patungong skul, kasi naman yun at yun parati ang dinadaanan namin ng tatay ko. Isang araw napilitan akong umuwing mag-isa kasi may pupuntahan ang tatay ko noong araw na iyon. Tuwa at takot ang nangibabaw sa akin…sa wakas makakauwi na akong mag-isa…sabi nga ng tatay ko big boy na raw ako.

Ibang saya ang nadama ko habang binabaybay ko ang daan  patungong bahay, hanggang may mapansin akong nag-uumpukang mga tao…tawa sila ng tawa…nakiusyuso din ako…aba at may aso palang nagpapakita ng iba’t ibang tricks…nang matapos na ang palabas…sinundan ko ang mamang may aso….kasi narinig ko na magpapalabas sila sa may palengke…di ko namalayan na napapalayo na pala ako…hanggang di ko na alam kung nasaan ako….halos mangiyak-ngiyak ako sa takot. …lakad dito…liko doon….kanan….kaliwa……hindi ko talaga matandaan ang daan pauwi.

Dahil sa pagod at panlulumo ay napaupo na lang ako sa tabi ng kalsada…naghihintay at nag-iisip, sabay singhot….hmmm…dumidilim na ah….hahakbang na sana akong palayo ng biglang may humawak sa aking kamay…noong mapagsino ko….laking gulat ko at napayakap ako sa tuwa…tatay ko! tatay ko! tatay ko!

Anak sabi nya sa akin, sa uulitin tatandaan mo ang mga palatandaan ng iyong dadaanan…pag alam mo ang mga ito hinding-hindi ka mawawala. 

Ngayong malaki na ako, natuklasan ko na sanga-sanga pala ang daan sa landasin ng buhay, katulad na lang ng kalsadang ito….kung hindi mo alam at tiyak ang iyong patutunguhan, malamang maliligaw ka ng landas.

kalsada

may mga direksyon ng buhay tayong tinatahak na pakiramdamdam natin ang bigat at hirap lakarin…siguro sa umpisa pa lang ng paglalakbay ay meron ng kamalian…pero bakit kaya pilit pa rin nating tinatahak?

Ang landasin ng buhay, madalas tayo ang may gawa… alam natin dapat kung kailan kakaliwa at kailan kakanan, ang bumalik sa nakaraan upang suriing mabuti ang lakbayin ng pangkasalukuyan, at ng buong tapang na suungin ang mga sanga-sanga daang patungo sa akma at tamang hantungan.

oo nga,  sa tunay na buhay sanga-sanga ang daan…pero alam ko sa mga panahong di tama ang aking landasin…pilit kong inaalala ang bilin ng aking ama.

This entry was posted in ama, blu, buhay, landas. Bookmark the permalink.

54 Responses to blu highway

  1. deejay says:

    hehehe. gusto ko to bluguy. *thumbs up* at crossroads talaga ang pichur.🙂

  2. Kuya blu, looking back to your previous posts, I can say na talagang napakalaki ng impact sa iyo ng iyong ama, to the point na hanggang ngayon naalala mo pa rin ang mga butil ng kanyang karanasan na naibahagi sa iyo…😀

    Sa akin naman, masasabi kong ang aking ama ang pinakaresponsableng taong nakilala ko at wala nang hihigit pa… Sa panahon ng aming matinding pagdarahop at kahirapan, ni minsan hindi kami nawalan ng pagkain sa mesa…😀

  3. bernardumali says:

    ganda ng picture, parang clover hehehe tama ka blu, nakakatuwa at naaalala mo ang bilin ng iyong ama

  4. joycee says:

    Minsan nga tayo din ang gumagawa ng mga sarili nateng problema, dahil siguro sa curiosity nating taglay. But then again at the end of the day, we realize na dahil sa pagiging risky naten, nadagdagan ang experiences natin and we learned something new.🙂

  5. darbs says:

    Well, blu your blog entry reminds me the Beatles’ “The Long and Winding Road”.

    Check it out.

  6. dencios says:

    ganun talaga ang buhay kelangan pagdaan ang lahat ng daan para matuto🙂 pero pag nagpatalo ka, wala mararating!

  7. Philmor says:

    seriously napaisip ako ng mabasa ko ang article na’to. kasi sa totoo lang ramdam ko naliligaw ako ng landas. hindi ito ang pinangrap kong buhay.. diko na alam san ako tutungo…😦

    • hmmm..panahon na siguro na huminto pansamandali…at siyasating maiigi ang pangkasalaukuyan…there’s no point of proceeding way ahead kung alam mo na somewhere along the journey may mali kang dinaanan…..

  8. kengkay says:

    ay tumpak, ang alam ko, kahit na anong sanga ng daan ang piliin mo, depende pa rin sa yo kung gagawin mong masaya ang paglalakbay na yon🙂

  9. hitokirihoshi says:

    naks galing segue ah… from memory to analysis.

    naisip ko lang din na medyo strong pala ang personality ko. noon kahit may mga naging kakilala o friends ako na mga manginginom, active sa sex and kahit gumagamit ng drugs eh hindi nila ako nabuyo ever. nakatulong din dyan yung personal conviction and faith ko.

    isa lang yung naisip ko na mali ko, bat hindi ko naakay noon ang mga friends ko. pero gladly, masaya naman na sila ngayon at bagong buhay na rin siguro.

    yes tama si papa mo. dapat alam mo kung saan ka galing para alam mo rin kung saan ka tutungo.

  10. bipolarsisa says:

    naalala mo yung post ko dati tungkol sa assignment na pinagawa ng teacher ko? yung sa pagbilanng ng steps pauwi ng bahay? parang karugtong nya ‘to.🙂

    naliligaw pa rin ako. tsk.

  11. livingstain says:

    tama naman yung sinasabing lumakad ka ng lumakad, at wag mong pansinin ang humihila sayo pababa at ang mga humahatak sayo sa kabilang landas pero marapat na tandaan mo sila dahil sa pautoy nating paglalakad hindi lang sila ang mga gagawa noon, patuloy silang dumadami, at susubok sa atin para tayo ay hubugin, kapag nangyari iyon alam na natin ang ating mga dapat gawin at tiyak makakarating tayo sa ating paroroonan ng may tamang talim na naaayon sa panahon.

  12. sandi says:

    madalas din akong maligaw sa aking mga dinaraanan, ngunit salamat sa Kanya dahil palagi Siyang andyan para akayin ako sa tamang daan🙂

  13. azul says:

    ako maraming beses na din akong naligaw…pero hindi man ako makarating sa patutunguhan ko sinisigurado ko naman na makakabalik ako sa pinanggalingan ko para makapgsimula ulit…

    @ photo ang kuyuuut ng daan…

  14. jason says:

    may oras sa ating buhay na medyo lumilihis tayo landas… yun kasi ang naiiisip nating kabataan para makaiwas sa malalaking problemang di kayang lutasin at ibahagi sa mga nandyan naman sa paligid.

    pasikut-sikot tayo para matakasan ang problema.
    di natin alam na isang deretsong daan lang, patungo ito sa mga taong
    nasa tabi mo lang.

  15. p0kw4ng says:

    ang ganda ng landscape….

    sanga sanga man daw ang daan na ating nilalakaran at maligaw man tayo ay iisa lang ang mahalaga…tibay ng loob at paniniwala na makakarating din tayo sa pupuntahan…

    napadaan po!

  16. Ax says:

    naligaw na ako minsan. sa probinsya naman nangyari. at eto na ako! hehe!

    ang paglalakbay natin, okay lang mag shortcut, mag long cut. tumigil sa daan. may ibang puntahan, kumaliwa, kumanan. dumiretso o bumalik. basta sa bawat daan na ating lakbayin makarating tayo sa pupuntahan.

    or else pangit tutulugan mo! hehe.

  17. dhyoy says:

    iba-iba talaga daan ng buhay, madalas naliligaw ako pero ayun nakakabalik naman… matandain ako weh hehe…

    nice post…

    parang nainspire ako gumawa ng bagong entry…
    😉

  18. .poOt! says:

    base!

    hehe. first ako. first. FIRST!!!

    – – –

    tulad ng dati, ang galing mo talagang magsulat.

    maraming beses na rin akong nawala pero sa tulong ng mga tao sa paligid ko nakabalik ako sa tamang landas. (serious) totoo yan. kaya ngayon ‘good boy’ na ulit ako. hehe

  19. anakngpating says:

    huwaw parang paro-paro ang asteeeg ang galing galing naman..
    daan tungo sa kaunlaran hehe..
    ang sarap mamasyal sa lugar mo kuya blu sama mo ko neks taym hane hehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s