nasaan si blu?

sa aking mga minamahal na kaibigan sa blogosperyo,
 
may mga pagkakataong dumarating sa aking buhay na minsan nais kong mapag-isa at lisanin muna ang mundong aking ginagalawan….kasama sa paglisang ito ang mundo ng blogosperyo. Marahil nagtataka kayo kung bakit naging tahimik ako sa mga nagdaang mga araw. Nang binuksan ko kanina ang blog na ito, nagulat ako na marami pa ring naghahanap sa akin. Masakit mang sabihin, pero kailangan ko talagang lumayo pansamandali para pagmunimunihan ang aking paglalakbay sa buhay na ito. Naisin ko mang makisalamuha muli sa inyo…Hindi  talaga pwede.  alam kong nagtataka kayo na pagkatapos ng 120 araw ng blog na ito ay parang naglaho akong parang bula. May dahilan ang lahat at ito ang ikukuwento ko sa inyo.
 
 
 
 Blue hills
 
 
 
 
 
end ng drama….the end….pagkatapos ng drama…..kakaiyak naman……
 
 
ang totoo nyan ay ito talaga!
 
 
 
 
 
 
una, nawalan ako ng internet connection.
 
 
pangalawa, nawalan ako ng time.
 
 
pangatlo, busy ako ngayon dito sa isang convention  sa Misano Adriatico (layo sa Roma).
 
 
pang-apat, madugo ang mga usapin dito na at the end of the day dead-tired ang drama ko!
 
 
panglima, habang ginagawa ko ito, kumakain ako ng ice cream na lasang bebelgam, kitam!
 
 
pang-anim, babalik ako sa Roma sa saturday.
 
 
pangpito, kaya next week full blast ulit ako.
 
 
pangwalo, sa mga bloggers na di ko nasamang pasalamatan…sori po tao lang ako…i doubled-check na masali ang name nyo….pero dahil sa pagod ko….na-miss pa rin, hayaan nyo …pramis special mention kayo sa mga susunod na posts ko.
 
 
pangsiyam, sa mga bumati …maraming salamat po!
 
 
pangsampu, pagbalik ko muli sa ere pramis..bibistahin ko kayo isa-isa.
nagmamahal,
 
 
kuya blu
 
This entry was posted in blu, buhay. Bookmark the permalink.

38 Responses to nasaan si blu?

  1. bojoy says:

    nadula ka man gali nong? ako b kis-a natamad man mo…kag daw masako na gid kag indi ko sya matuunan subong… pero don’t worry ah..may mabasa ka naman to soon..hehehe…pasensya na..may utang pa ko nga tag sa imo…hehehe…halong lang permi nong….

  2. jason says:

    sana pag mawawala ka ng matagal,
    magpasabi ka .

    heheheheh

    hindi yung ng-aalala kami sayo..

    toinks

  3. dhyoy says:

    ah ganun pala… sana namimigay ka ng ice cream…

    at saka sa susunod papaalam ka..

    haha…
    😉

  4. Welcome back Kuya Blu… So this explains it…😀

  5. dencios says:

    asan ka na kuya blu?? hehe
    update agad ha?
    ingat!

  6. IKAY says:

    welcome back kuya blu!! ^_^

  7. sori ….naitama ko na…IM back!

  8. maccallister says:

    sabi ko ng pa naman habang binabasa un umpisa ng post”oh not again,another blog holiday?!”haha un pala joke time lang LOL

    ok lang yan lahat naman tayo may kanya kanya pinagkakaabalahan e,basta balik agad hehe

  9. Mon says:

    basta babalik yan si kuya blu!

  10. Mon says:

    basta kuya blu, walang iwanan sa blogosphere. heheh
    cheezy na ko!

  11. sandi says:

    sige lang kuya.. hintayin na lang namin ang iyong pagbabalik! basta may pasalubong na ice cream ha?😉

    ingat ng marami!

  12. .poOt! says:

    dun sa first part kinabahan ako. kala ko talagang aalis ka na. hehe.

    basta pagbalik mo dalaw ka agad sa tirahan ko kua blu. na-miss ka nun. ingat na lang!

  13. azul says:

    ay mamimiss kita kuya blu..kaw kasi hanggang ngayon hindi mo pa din tinitigilan ang shobiz yan tuloi superbusy ka..musta pala ang concert mo kagabi?ahehe PCD?!

  14. anakngpating says:

    kaya pala nag tataka ako at walang nabisita sa blog ko na kuya blu nag punta ka pala ng roma ehhe..i miss u na kuya hehe..

    hays…

    always kip safe kuya…

  15. Winkie says:

    ay sis, bigla naman akong kinabahan sa intro mo. nireredi ko pa naman ang mala-bon voyage kong comment. hehehe!

    ok lang yan, blu! busy-busyhan pala ang drama mo. pero syempre, hihintayin namin ang pagbabalik mo. hanggang sa muli, kapatid!

  16. p0kw4ng says:

    aww kakalungkot naman at pasumandali kang lilisan! sa mga sinabi mo mukhang super kadufer busy ka nga!

    hanggang sa muli mong pagbabalik………..

  17. Ax says:

    sayang, di mo nabasa top 5 countries ko.

  18. Ax says:

    una sa lahat, ang pangsiyam mo ay naging panganim.

    pangalawa, bad trip ako. syempre hindi sa iyo.🙂

    pangatlo, i just loss four days.

    pangapat, busy ka nga.

    panglima, hinanap kita.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s