blu seashells

pearls

kanina pagbalik ko galing ng Misanao Adriatico (mga five hours drive from Rome) saka ko lang naramdaman ang pagod. it was really a stressful week.  hirap pala ang makipagbaliktaktakan sa mga italyano at makinig sa mga diskusyon nila habang gamit ang kamay na pangkumpas. di lang iyon, ang mga italians mahilig din magsagupaan, yung tipong parang nag-aaway sa bawat diskusyon ng mga argomento, pataasan ng boses, papulahan ng mukha at patalsikan ng laway mai-drive lang yung point nila. hayysss…sa isip-isip ko di ito uubra sa mga pinoy…malamang nagbakbakan na tayo. pero sila matapos na mahabang balitaktakan, ayun…parang walang sigawang nangyari…panay ang tawanan habang umiinom ng kape…minsan nga masarap pag-untugin ang mga ulo!

Ito ang stress ko, kasi pinoy ako. Minsan mahirap pasukin ang mental framework nila. kung language lang naman, no problem, kasi naman marunong din akong magsalita niyon ..ang problema ay ang aking kaisipan at kamalayang pinoy. ito minsan ang stumbling block para maunawaan ng lubusan ang kulturang di ko kinalakhan.

hindi pala sapat ang napag-aralan lang o kaya nakasanayan lang sa haba ng panahon. bukas independence day celebration dito sa Roma. makikiisa ako, makikibalita, makikipinoy…para lang bumalik muli sa aking mundo na kung saan ang rule of the game ay integrasyon sa kultura ng aking mundo sa ngayon.

mahirap pala ang proseso ng isang global individual. may sariling kultura pero dapat bukas sa pagyakap sa ibang kultura. sa aking current working place ito lang naman ang mga kasama kong lahi: italians (5), canadians (2), mexicans (2), brazilian (1), american (1), chilean (1) – isang opis, isang lugar at iba’t-ibang kultura.

kaya nga kahapon habang  naglalakad ako  sa beachfront ng hotel namin,  natuon ang aking pansin sa iba’t-ibang seashells na tinuhog ng lubid at pilit na pinag-iisa ito para makalikha ng isang obra. feeling ko gannon ang prosesong pinagdadaanan ko..isang seashell nakapulupot sa lubid katulad pa ng iba.

kungsabagay, kahit saan ka  man, kailangan  mo pa ring ng isang uri ng integrasyon sa mundong iyong ginagalawan. ganun siguro ang buhay, habang lumalawak ang iyong mundo lumalalim din ang pangangailangan ng mas makabuluhang pakikisalamuha sa iba.

noong bata ka pa…ang kasama mo sa bahay ay ang mga immediate siblings mo…noong mag-umpisa ka nang pumasok sa skul…nadyan na si classmates, si titser, si principal at iba pang katauhan. habang pahaba ng pahaba ang paglalakbay sa buhay na ito palawak na palawak din ang mundong iyong ginagalawan at palalim ng palalim ang mga relasyon na iyong kinakasangkutan.

minsan masarap bumalik sa pagkabata, kung saan ang buhay ay payak, simple at hindi kumplikado katulad ngayon. kung pwede nga lang bumalik, bakit hindi. pero ang batas ng buhay ay ang paglalakbay ng pasulong at hindi kaylanman pabalik.

This entry was posted in blu, buhay. Bookmark the permalink.

48 Responses to blu seashells

  1. tagamasid says:

    makikisama na rin ako sa usapan ha.

    Kaya pala ganun na lang makasigaw yung amo ko dati noong nasa Libya pa ako, nasa kultura na rin pala nila yun, siguro ganun din ung mga Aleman, nagsisigawan din sila e, hahaha.

    Salamat pala sa pagbisita sa bahay ko.

  2. dencios says:

    bakit huli na naman ako sa pagkokoment?? hay…

    nako parang dito rin pala dyan. ganun din uagali ng mga tao dito. ang babaho na nga nila sasama pa ng ugali at wala pang ka manners manners. nyemas, pag ako nainis, suntukan na lang hahaha.

    hay,, oo nga gustokong bumalik sa pagkabata pero gusto ko mga 3-5 yrsold para alaga pa ni nanay🙂

  3. flamindevil says:

    natawa ko dito kuya blu..pramis:

    yung tipong parang nag-aaway sa bawat diskusyon ng mga argomento, pataasan ng boses, papulahan ng mukha at patalsikan ng laway mai-drive lang yung point nila.

  4. azul says:

    gusto o sanang basahin ang mga comment sayo kaso ang hahaba.ahehe

    welcome bak kuya..

    kamusta aman ang mga laway ng ibang lahi?wala bang pinagkaiba sa ating mga pinoy?

    okei lang yan atleast natututunan mo ang iba’t ibang kultura ng ibang lahi..

  5. bojoy says:

    dalum ba? nami man gid magbalik sa pagkabata..pareho sakon wala ga mature..nyahaha.. di ba manong? slyt lang..hahhaa…dugay man ko nadula di kay daw wala ko inugsulat..cguro nadula lang ang hilig ko..kay may ginalantaw ko nga series…hehehe…
    well na miss ko man ang mga gina obra ko di kag mag blog hop..esp. ang balay mo Manong Blu…

    • salamat bojoy…minsan nga nakakabuti na bumalik sa alaala ng kabataan …nakakatulong talaga upang tingnan ang perpekstibo ng buhay ayon sa palagay ng mga nila….payak, simple at hindi kumplikado

      • bojoy says:

        oo man gani nong… and if ever man gid nga makabalik ko.. i have to change something..na dapat indi na natabo subong.. cguro nga may mga bagay na meant to be… pero it’s our own choice pa din naman di ba?

        haizzzz… may mga bgay lang naga palingin sa isip ko…

        • asus! hahahahhaa…..ang layf dapat talaga isabuhay—-our decision means our responsibility…if we do make mistakes it is for us to be wiser in the future…..sige lang…..ang buhay ay ganun talaga…

  6. bernardumali says:

    ay ramdam na ramdam ko na natalsikan ka ng mga laway nila kaya mainit ang damdamin mo samahan pa ng stress sa 5 oras na byahe heheh. pero ang galing ng pagkakahabi mo, yung parallelism mo sa mga shell at sa grupong kinabibilangan mo ngayon. astig.

    pagpasalamat mo na rin at may maganda kang opotunidad na makasama at makahalubilo sa iba’t-ibang lahi – mala united colors of Benetton.🙂

  7. Philmor says:

    You’re back! Ganun talaga ang buhay, kailangan nating makisalamuha lalo na’t nasa ibang lugar tayo. Kailangang makiayon sa daloy upang mas lalo mo silang maintindihan.

  8. sandi says:

    wow.. nakibasa na lang ako ng comment.. pang ibang lebel na sila😉

    welcome back kuya blu!

  9. dhyoy says:

    ano ba yang mga komento niyo… ang lalalim… ang seseryoso pa… parang nakakahiyang magcomment… ahehe…

    “hindi pala sapat ang napag-aralan lang o kaya nakasanayan lang sa haba ng panahon.”

    -tama ito… lalo na dito sa Dubai especially sa opisina namin, kapag kinausap mo nang maayos na ingles ang mga tao dito… hindi ka nila maiintindihan… Sampung beses mo man ulitin… di ka nila magegets! mag-english barok ka… malinaw pa sa sa sikat ng araw ang pagkakaintindi nila.
    🙂

  10. anakngpating says:

    kapag nasa dagat ako hilig ko manguha ng mga sea shells saka mga ibat-ibang hugis at kulay na mga bato tapos niiipon ko saka ko lalagay sa garapon at lalagyan ko ng tubig instant aquarium na ang dating nakalagay sa kwarto ko hehe..

    maligayang pagbabalik kuya blu..

    also happy father’s day..to ur papa hehe..:)mwah

  11. jason says:

    naalala ko ko tuloy ang tower of babel.
    Mula sa isa ay ginawang marami ang lenggwahe ng mga tao.
    Isa itong pagsubok ng Diyos sa mga tao.

    tayong mga pinoy, madali tayong maka-adapt sa kultura ng iba.
    Marespeto rin tayo sa kanilang kultura at
    kilala tayo sa pagiging hospitable sa
    mga banyagang pumupunta sa tin.

  12. hitokirihoshi says:

    tumpak ka dyan kuya blu…minsan kahit akala mo adjusted ka na sa iyong sitwasyon may mga pagkakataon pa rin na feeling mo… hindi pa rin. nararamdaman ko rin yan pagkaminsan.

    pwede kang magmuni-muni at mag-relax pero hindi pwedeng huminto… fight-fight na lang. mabuhay sa iyo diyan, itaas ang bandera ng pagiging PInoy.

    mabuhay!

  13. .poOt! says:

    WOW, dude. ang lalalim niyo. di ako makasabay. dinugo nga ilong ko. hehe.

    basta yung mga nagtatrabaho na dyan, ingat na lang. di natin alam ang ugali ng mga banyaga kaya dapat hinay-hinay lang tayo. basta ipakita lang natin na iba tayo. anong konek? lasing na talaga siguro ako kaya kahit anu-ano na nasasabi ko.

    buti pa dito sa pinas, pag di nadaan sa magandang pakiusapan…

    SUNTUKAN na lang. wohooooh! taob!

  14. Kuya Blu,
    I can relate, kasi nakakasalamuha ko rin sa work ang ibat-ibang kultura… Naalala ko tuloy sa post mong ito ang kwento ni Paulo Coelho sa The Alchemist…

    Napakagandang analysis ang seashells na pinagkabit-kabit… One or another, we are all connected. And our connection goes beyond language…

    At the end of the day, we all belong to the same Father, we remain brothers and sisters.

  15. Ax says:

    kahapon, papasok ako ng opis may nakita akong bata. naglalaro, inosenteng inosente. walang problema, walang inaalala kundi ang laruan at kending nasa bulsa. hindi alintana kung may pera, hindi batid ang pasakit at hirap para mabuhay dito sa mundo. gusto ko rin sanang bumalik sa estado na ang tanging mahalaga lamang ay ang paglalaro ko ng chess, ng tumbang preso, ng tagu taguan. at ang tanging pinakaiingatan ko ay ang aking laruan.

    para ngang nararamdaman ko kung gaano kahirap na ang kasama mo ay mayroong iba’t ibang nakagisnan na kultura. kailangan mo silang irespeto, dahil yun din ang puhunan mo para irespeto nila ang iyong kultura at paniniwala.

    ang iba’t ibang nasyon kung tutuusin ay hindi kaiba sa atin. marahil sa lengguwahe o sa paraan ng pananamit, pero kung tutuusin tayo ay iisa. noong pumunta sila neil armstrong sa buwan, namangha sila ng makita nila ang mundo. nakita nila ito na kulay berde, puti, kayumanggi at asul.

    nakita nila na walang dibisyon ang mundo. walang mga bansa na naghahati hati, walang mga pader na humihiwalay sa isang lugar. nakita nila ang sangkatauhan na naninirahan sa isang globo. nasaksihan nila ang mundo na NAGKAKAISA at BUO.🙂 (this is way back my value subject in high school.)

    • bipolarsisa says:

      kuya blu, makisingit. hehe.

      ax, ang lalim mo tol! pwede mo nang ipost yan sa blog mo. haha. ganyan din ang drama ko madalas. ang pagbalik sa kabataan. ang pagpapanggap na malakas sa likod ng hari at reyna. pero sa huli, piniling maging pawn.

    • bipolarsisa says:

      sabi ng prof ko dati, ang mga Pilipino daw, sobrang galing sa pagadapt ng kultura ng iba. kaya nga daw mababa ang tingin sa’tin ng iba kapwa Asyano natin. wala daw kasi tayong sariling identity. lahat, pinaghalo-halong kultura ng mga bansang sumakop sa’tin. kung may napreserve daw, iilan lang.

      sa palagay ko, yung pagiging bukas natin sa ideya ng pagtanggap ng ibang kultura ay matatawag na nga nating identity. likas na internationalistic tayo. nagiging masama lang sya kasi napapasobra.

      anyway, tama, minsan kasi, ang sarap ikulong ang sarili sa kung anong nakasanayan. pero ang totoo, ang totoong pag-aaral ay nasa labas nito. dahil yung mga piraso ng puzzle, o ng seashells, mabubuo lang sila kung maglalakas-loob tayong maghanap at maghintay..

      at madalas, kailangan nating iwan ang pagiging bata para maging mature (kahit sa totoo lang, hindi natin alam ang tunay na ibig sabihin nito), para maging buo tayo..

      but at the end of the day, once na buo na tayo, hahanapin pa rin natin ang comfort at joy na dulot ng pagiging bata. babalik pa rin tayo sa panahong tayo ay inosente. at uuwi pa rin kung sa’n nagsimula ang lahat.
      🙂 sana may sense ang pinagsasasabi ko.

      • tama! kaya siguro compared to other asians mas global tayo.. sa aking obserbasyon na nasagap sa aking paglalakbay hindi lang dito sa europa …kasama na rin ang asia, america….ang mga pinoy madali talagang maka-adapt, isa na rito marahil ang capacity natin to learn a new language na isang mahalagang tool for integration.

        but at the end of the day, once na buo na tayo, hahanapin pa rin natin ang comfort at joy na dulot ng pagiging bata. babalik pa rin tayo sa panahong tayo ay inosente. at uuwi pa rin kung sa’n nagsimula ang lahat.
        tama ka dito sa sinabi mo sa huli…..

    • wow naman…ang lalim naman AX …PAKIDEVELOP NGA …..aba’y isang entry na ito ah…

      • Ax says:

        haha. andami niyo ng napagusapan bago ko macheck ang reply ah.

        actually naparesearch ako ngayon ngayon lang sa sinabi ng astronaut na yun:

        “When you’re finally up on the moon, looking back at the earth, all these differences and nationalistic traits are pretty well going to blend and you’re going to get a concept that maybe this is really one world and why the hell can’t we learn to live together like decent people?” –Frank Borman, astronaut

        “There are no boundaries in the real Planet Earth. No United States, no Russia, no China, no Taiwan. Rivers flow unimpeded across the swaths of continents. The persistent tides, the pulse of the sea do not discriminate; they push against all the varied shores on Earth.” –Jacques-Yves Cousteau, oceanographer

        “From space I saw Earth — indescribably beautiful and with the scars of national boundaries gone.” –Muhammad Ahmad Faris, astronaut

        “The Earth was small, light blue, and so touchingly alone, our home that must be defended like a holy relic.” –Aleksei Leonov, astronaut

        “Up there in the immensity of the Cosmos, an inescapable perception awaits us. National boundaries are not evident when we view the Earth from space. Fanatical ethnic, religious or national chauvinisms are a little difficult to maintain when we see our planet as a fragile blue crescent fading to become an inconspicuous point of light against the bastion and citadel of the stars.” –Carl Sagan, Cosmos

        “[Viewing the Earth from space,] you see a singleness and unity to it all that we never perceive in the press of daily life. It seems such a vivid unity that surely it must be rooted some reality, and you wonder why this unity isn’t more the reality of everyday human life on earth. You wonder if it could ever be so unified, and you return determined to do whatever you can to make it so — even a bit.” –Kathryn Sullivan, astronaut

        “Now I know why I’m here
        Not for a closer look at the moon,
        But to look back
        At our home
        The Earth.” –Alfred Worden, astronaut

        sorry, ang haba na naman.

        oo nga, gusto ko maging bata ulit.

  16. dfish says:

    “hindi pala sapat ang napag-aralan lang o kaya nakasanayan lang sa haba ng panahon.”

    tumpak blu. ako, nakailang banyaga na rin ang naging “amo” – Dutch, Scottish,American at ngayon mga kadugo ni Kim Jong Il. Akala ko minsan, sanay na ako sa prangkahan, sigawan, only to find out na dyan pa rin kumukulo ang dugo ko na gusto ko na lang minsan, suntukan na lang. totoo, sadyang nakaukit sa ating Pinoy na kaluluwa…
    God bless you in your work…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s